Walang gana akong tumayo sa kama kahit na wala naman akong ginawa kundi matulog lang buong araw.
Mula umaga hanggang sa hapon hindi ako bumangon.
Saka lang ako umaalis sa aking higaan sa tuwing kumakain at nagbabanyo ako.
Pilit na pilit ang pagbangon ko dahol tinatamad talaga ako.
Iba ito sa dati kong trabaho. Ang alam ko lang gawin ay mag-escort.
Ngayon, kailangan kong mag-effort para kumita ng malaking halaga.
Hindi lang ganda ang puhunan ko ngayon kundi kailangan ko rin ng matinding performance sa stage.
Dapat sa sayaw ko pa lang ay maakit at mabibighani ko na ang loob ng mga nandoon.
Hindi ko nga alam kung paano ko gagawin. Hindi bale matututo rin ako mamaya.
Tiningnan ko ang mukha ko sa cellphone ko at medyo namamaga pa ang aking mata.
Ngayon na ang magiging unang araw ko sa club at kailangan kong dumiskarte para magkaroon ng malaking tip mamaya.
Habang nakahiga ako kanina sa kahoy kong kama na pinatungan ng manipis na kutson ay hindi ako mapalagay.
Iniisip ko kung paano ko ba bobolahin ang mga customer ko mamaya.
Sa tuwing naalala ko na baka magkaroon ako ng matandang customer, nandidiri na ako kaagad.
Para akong maduduwal pero para sa pera ay isasantabi ko na muna ang nakakadiring pakiramdam.
Dahil alam ko na kaya kong gawin ang lahat para sa pera at pinagdarasal ko na lang na sana ay walang magpapa-table sa aking matanda.
Pero kung wala namang mga binata, wala rin akong choice.
Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na walang dala. Sayang ang buong gabi na walang kikitain.
"Dahlia, bumangon ka na r'yan. Unang araw nang pasok mo ngayon kaya huwag mong ipahiya, si Mamang," pangungulit sa akin ni Tiyang Lala at wala yata siyang balak na tigilan ang pagkatok ng pinto.
"Gising na po ako, Tiyang," walang gana kong sagot. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko.
"Sigurado ka ba? Bumangon ka na?" paninigurado niya.
"Opo."
Isang matunog na hininga ang aking pinakawalan at hindi ko alam kong bakit sobrang pagod ang nararamdaman ng katawan ko ngayon.
Siguro dahil pagod na akong mambola ng mga lalaking hindi naman talaga gwapo.
Siguro sa galing kong magsinungaling at magpanggap, kaya ko ng buhayin ang mga patay.
Natawa na lang tuloy ako, parang nakakabuhay na ngaya yata talaga ako ng patay.
Kapag nagsisimula na akong magpaliwanag, lahat maniniwala sa akin. Isa iyon sa skills ko.
Inayos ko ang aking higaan at tinupi ko ang kumot na ginamit ko sa pagtulog.
Pagkatapos ay kaagad kong ipinatong sa ibabaw ng aking unan.
Kahit maliit lang ang bahay namin siniguro ni Tiyang Lala na mabigyan ako ng sarili kong banyo sa kwarto.
Dumiretso na ako sa banyo at kaagad na naligo.
Hindi ko na kailangang mag-alala sa kakainin ko dahil nakahanda na si Tiyang Lala ng hapunan.
Wala naman akong trabaho sa bahay dahil lahat ay inaako na niya.
Wala akong ibang ginawa kundi mag-uuwi lang ng pera para may pang gastos kami sa pang araw-araw.
Nang matapos na akong maligo sa banyo, kinuha ko ang tuwalyang nakasabit malapit sa pinto.
Ibinalot ko iyon sa aking katawan saka lumabas.
Imbes na manatili sa aking kwarto. Lumabas ako at tinungo ko ang silid kainan, at binuksan ang pagkaing hinanda ni Tiyang Lala para sa hapunan.
"Tiyang, sabay na po tayong kumain." Aya ko rito na abala pang hinahanap ang susuotin ko sa laundry basket.
"Dapat tinupi ko na 'to kagabi," mahina anas ni Tiyang Lala at halatang naiinis sa kaniyang sarili.
Kung tutuusin ay napakaswerte ko sa tiyahin ko dahil para na rin niya akong anak.
Inaasikaso niya ako na parang kaniya at pinaparamdam niya sa akin ang pagiging ina na hindi ko maramdaman sa sarili kong nanay.
Kahit damit ko ay siya ang naghahanda para sa akin. Magaling din kasi si Tiyang Lala pumili ng mga damit na babagay sa akin.
Abala si Nanay noon sa paglalabada araw-araw at wala ng panahon para asikasuhin ako. Bukod pa ro'n abala rin siya sa paglabas pasok sa mental.
Hanggang sa tuluyan na nga siyang nabaliw at wala na akong matandaan na mga magandang ala-ala mula sa kaniya.
"Mauna ka na, Dahlia. Hindi mo naman dadalhin ang kaldero 'di ba? Kaya huwag kang mag-alala sa akin," malakas niyang tugon sa akin.
"Tiyang, mamaya na po 'yan! Hindi ako makakain ng masagana kapag mag-isa lang ako sa mesa," pagrereklamo ko sa kaniya.
"Oo siya... sige! Platsahin ko lang 'tong damit mo saglit dahil ang gusot-gusot," tugon niya sa akin at walang paalam na pumasok sa kwarto niya.
Nang makalabas si Tiyang Lala mula sa kwarto niya ay mayroon siyang bitbit na pabango.
"Hinanda ko na ang susuotin mo ngayon. Pinatong ko sa kama mo at iyong pabango ko gamitin mo muna dahil ubos na iyong sa 'yo," mungkahi niya sa akin.
"Salamat, Tiyang. Pero huwag na po kayong mag-abala, dahil may costume naman yata kami roon."
"Oo meron! Piliin mo iyong malalaswa para may mabighani sa 'yong mayayaman!" nakangiti niyang suhisyon kaya napatigil ako sa pagsasalita. Napansin kong nag-aalangan siya. "Malay mo makatagpo ka ng swerte mo roon para sa ganoon ay hindi ka na magkakandarapa sa pagtatrabaho," patuloy niyang ani.
"Tiyang naman! Lahat naman sila roon puro mayayaman. Hindi afford ng mga poor ang club na 'yon! At ayaw ko na ring umasa dahil walang ganoon sa totoong buhay, Tiyang. Ayaw kong mag-asawa ng matanda at iyong mga gwapong binata na pupunta man roon tiyak akong libangan lang sa kanila ang lahat," nakasimangot kong paliwanag dahil kahit pamangkin niya ako ay siya pa itong nagtutulak sa akin sa apoy kong trabaho.
"Ganoon ba? Kung sa bagay mas mabuti kong gano'n! Ayaw ko ring mag-asawa ka ng matanda. Mag-ayos ka na lang ng maganda para tapunan ka nila ng maraming pera. Nang sa ganoon ay hindi mo na kailangang makipag-table," suhisyon niya ulit sa akin kaya napangiwi ako sa sinabi niya.
"Seryoso ka ba, Tiyang? Masyado po kayong advance mag-isip!" maarte kong wika pero hindi na niya ako pinansin.
Nilagyan niya lang ng ulam na pork chop ang aking plato at nang may bigla siyang maalala ay tumayo siya nang mabilis at nagtungo sa lagayan ng thermos.
Sinundan ko siya ng tingin at pinagmamasdan ang mga ginawa niya.
"Ito inumin mo para hindi ka antukin mamaya sa trabaho," aniya sabay bigay sa akin ng tasa na may lamang mainit na kape.
Para sa akin si Tiyang Lala ang pinaka-the best na tiyahin sa lahat.
Walang makakapantay sa kaniya sa pag-aasikaso niya sa akin kaya nakasanayan ko na rin.
"Salamat, Tiyang," sinsero kong pasasalamat.
Kung wala si Tiyang Lala sa buhay ko. Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin?
Kahit naman ako ang nagtatarabaho para sa amin, mahalaga pa rin na may kasama ako sa buhay at mag-aalaga sa akin.
"Dahlia, pinapaalalahanan lang kita. Kahit mayayaman pa ang mga 'yan, 'wag mong isusuko ang bataan!" masungit niyang bilin sa akin habang nagdadagdag ng kain sa aking pinggan.
"Tiyang, naisuko ko na nga po 'di ba!" sarkastiko kong sabi dahil sa tuwing pinapaalala sa akin ni Tiyang Lala ang tungkol sa bataang naisuko ko na ay bumabalik sa isipan ko ang mga kagaguhan ng ex-boyfriend kong si Jomar.
"Kaya nga! Huwag mo nang uulitin!" pagtutuwid nito sa kaniyang sinabi at nagpatuloy sa pagsubo ng kaniyang pagkain.
"Busog na ako, Tiyang. Kailangan ko nang umalis dahil baka mapahiya pa si Mamang dahil sa akin. Palagi pa namang mabigat ang trapiko," pinal kong ani at tumayo na para magtungo sa lababo.
Nagsipilyo ako ng aking ngipin at bumalik sa kwarto para magbihis.
Gaya ng bilin sa akin ni Tiyang Lala ginamit ko ang pabango niya.
At ang damit na hinanda niya ay nagustuhan ko naman.
Hindi na rin ako nag-abala pang maglagay ng kolerete sa aking mukha dahil naisip ko na mamaya na lang pagdating ko sa work place ko.
Baka pagpawisan ako at magmukha pa akong chaka doll.
Wala pang kalahating oras ay nakarating na ako kaagad sa Seductress Club.
Nakakamangha ang lugar. Unang tapak ko pa lang sa lugar pero wala akong masabi kundi sobrang ganda. As in wow!
Maganda ang club at maraming mga customer na halatang gusto lamang ay maglibang.
Ang buong parking lot ay puno ng magagarang mga sasakyan.
Ang kikintab at parang may contest kung sino ang may pinakamagandang kotse.
Wala akong makitang kahit isang patapon na sasakyan.
May mga big bike rin na kahit hindi ko tanungin ang may-ari, alam kong milyon-milyon ang halaga.
Iba't ibang klase ng mga motor ngunit lahat ay mahal.