Chapter 2

1484 Words
"Tatanggapin mo ba?" paninigurado at seryosong tanong sa akin ni Mamang. "Naghahanap ng mga babae ang Seductress Club at baka gusto mong patusin?" dadag niyang sabi at ngumiti ito sa akin. "Pero syempre alam ko naman na ang sagot mo. Pwede ka nang magsimula bukas na bukas din kaagad, pero ang comission ko, ha? Huwag na huwag mong kalimutan," paalala niya sa akin habang binubunot ang braha sa gitna ng mesa dahil naglalaro ito ng tong-its. Nakasunod lang ako sa kilos niya. Nilagay niya ang nakataob na brahang kinuha niya kanina sa gitna at inipit sa mga brahang hawak ng kaliwang kamay niya. Bumunot siya ng ibang braha at iyon ang binagsak niya sa gitna. "Mamang, may iba pa bang raket bukod diyan sa alok mo?" wala sa sarili kong tanong ngunit iniba niya ang kahulugan. Sinipat niya ako nang tingin kaya pinaliwanag ko sa kaniya ang aking dahilan. Akala kasi nito ay nag-iinarte lang ako. Ayaw ko kasi sa Seductress Club na sinasabi niya dahil ang alam ko, gabi-gabi ang duty roon. Kung may pahinga man mukhang isang araw lang yata sa isang linggo. Pinukol niya ako ng kakaibang tingin at halatang hindi nagustuhan ang sagot ko. "Nako, Dahlia! Huwag ka ng maarte! Ano naman ang kaibahan ng trabaho mo sa pag-e-escort at sa pag-e-entertain mo ng mga costumer sa Seductress Club? Mag-e-escort ka rin naman doon! Iyon nga lang, gabi-gabi kang papasok sa trabaho mo. May alak nga lang at mainggay na musika. Kaya huwag ka ng mapili dahil pareho lang din 'yon. Galingan mo lang sa pambobola para bigyan ka ng malaking tip," paalala nito sa akin. "Malaki po ang kikitain ko sa pagiging escort, Mamang! Sayang din naman 'yong kung hindi ko sisiputin ang mga loyal at regular customer ko. Iba pa naman iyong agency na pinagtatrabahuan ko dahil on the spot ang tawag," paliwanag ko sa kaniya at alam niya ang patakaran na sinasabi ko dahil siya rin naman ang nagpasok sa akin sa trabahong tinutukoy ko. "Malaki nga pero paminsan-minsan lang! Subukan mo 'to dahil sinisiguro ko sa 'yong tiba-tiba tayo rito. Sinasabi ko sa 'yo, Dahlia kapag makakapag-entertain ka lang kahit isang customer sa isang gabi, hindi ka na lugi. Pwede ka ng maging one day millionaire, mabibili mo ang lahat ng gusto mo kung gugustuhin mo," nakangiting pangungumbinsi sa akin ni Mamang. "Mas malaki ang maiipon mo sa Seductress Club dahil araw-araw pwede kang papasok. Bawat customer mo ay libo-libo ang halaga. Ibig sabihin araw-araw ka ring kikita ng pera," patuloy niyang wika at nakikita ko sa mga mata ni Mamang ang larawan at hugis ng mga pera. Kumikinang talaga ang mga mata niya at ang ngiti ay nagiging kakaiba kapag pera ang paksa. Sa tingin ko nga, marami ng pera si Mamang ngunit ang nakakapagtaka lang. Bakit kaya mukhang naghihikahos pa rin ito sa buhay? Ang laki ng mga nakukuha niyang komisyon at hindi lang sa akin. Marami kaming alaga niya. Marami na siyang mga alahas pero hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya ng mga babae na mare-recruit. Mukhang wala yata siyang balak tumigil sa ginagawa niya? "Club? May club bang ganoon?" "Diyos ko naman! Syempre meron. VIP customer ang tawag sa kanila." "Pwede bang pag-isipan ko muna, Mamang?" tanong ko rito at parang hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig. Natigilan ito sa kaniyang ginawa kaya sinaway siya ng makasama niya. "Mamang, kanina pa itong down ko! Bumunot ka na at tapusin muna natin 'tong laro hanggang ma-hits 'to bago mo siya kausapin ng masinsinan!" suhisyon ng kalaro niya halatang inaantok dahil sa tagal ni Mamang. "Teka lang dahil hindi na ako makapaghintay na kausapin ko itong alaga ko!" singhal niya sa dalawang hindi na makapaghintay ng ilan pang mga minuto. Napakamot ang isa nilang kasamahan sa ulo habang nagrereklamo. "Ano ba naman iyan, Mamang mas kaya pa naming tiisin ang talo sa laro kaysa tiisin kong kailan ang paghihintay kung kailan ka matatapos. Matitiis ang malas pero ang tagal ng paghihintay ay hindi namin kayang tiisin!" reklamo ng dalawa niyang kalaro. "Oo nga! Hirap talaga kapag matanda na ang kalaban sa laro! Ang hina!" dagdag naman ng isa na wala namang kinalaman dahil nakikinuod lang. "Hoy! Ano'ng sinasabi mong matanda? Akala niyo ba hindi ko kayo naririnig! Mas higit na may asim pa naman ako kaysa sa inyo, kung makapagsalita 'to!" pang-aalaska ni Mamang sa mga kasamahan niya. "Bibang, halika ka nga rito!" Malakas niyang tawag sa kasama na naninigarilyo mula sa hindi kalayuan sabay kaway ng mga kamay niya sa ere. "Mamang, ako po ba?" "Hindi! Iyang puno!" sarkastiko nitong tugon. Binagsak nito ang hawak na sigarilyo sa lupa at inapakan ni Aling Bibang ang apoy upang mamatay ang sindi bago ito lumapit kay Mamang. "Ano iyon, Mamang?" inosente niyang tanong. "Ikaw na muna rito at kakausapin ko muna itong si Dahlia at nang matauhan! Baka wala na sa ulo ang utak nito!" inis niyang wika sabay tayo. Tiningnan niya ako ng kakaiba. "Hindi ako makapag-concentrate dahil sa 'yo!" paninisi niya sa akin sabay turo. Sininyasan ako ni Mamang na sumunod sa kaniya at mabilis ko naman siyang sinundan. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin ni Mamang nang biglang nagsalita si Aling Bibang. "Nako! Ang pangit ng braha mo, Mamang," pahabol na reklamo ni Aling Bibang sa kaibigan. "Laruin mo na lang diyan, ang dami pang sinasabi!" maangas na wika ni Mamang at tuluyan na nga siyang lumayo sa mga kasama. Bago nagsimula si Mamang sa pagpapaliwag sa akin ay pinaupo niya muna ako sa bakanteng silya. "Mamang, wala na ba talagang ng ibang raket?" nakasimangot kong tanong dahil ayaw kong pumasok sa club. "Baliw ka talagang bata ka! Gusto mo balian kita ng buto para matauhan ka!" bulyaw nito sa akin. "Kahit ano pang trabaho 'yan, patusin mo dahil pera pa rin 'yan. Kikita ka ng malaking halaga at lagi mong tatandaan na pera ang totoong nagpapatakbo sa mundo! Kung wala kang pera wala kang pambayad ng kuryente at tubig! Kung wala kang pera mamatay kang dilat ang mga mata dahil sa matinding gutom. Hindi mo ma-e-enjoy ang buhay! At higit sa lahat, hindi mo matutustusan ang gamot ng Nanay mo sa mental! Kaya kung ako sa iyo, Dahlia, huwag mo ng pag-isipan pa! Kahit na ngayon na kaagad, pwede ka nang magsimula," mahaba niyang salaysay. "Mamang, bugaw ka ba talaga? Para kang sales agent! Galing mong mag-sales talk!" natatawa kong sagot at dinadaan ko na lang sa biro ang lahat. "Oy, Dahlia ibahin mo ako dahil sosyal kayong mga alaga ko! Hindi ako kumukuha ng mga bulok at pang kape lang sa tabi! Lahat kayong mga alaga ko ay fresh pa! Fresh pa sa mga talabang galing sa palawan," paalala niya sa akin at tumatawa pa kahit wala namang nakakatawa. Pero kahit mukha siyang nagbibiro, totoo naman talaga ang mga sinabi ni Mamang. Magaganda lang ang kinukuha niya dahil ayaw niyang mapahiya siya. Nagpakawala ako ng matunog na hininga at habang nasa harap niya ay nag-iisip ako ng tamang pasya. "Sige na nga, Mamang. Basta sigurado kayo na safe 'to, ha? Entertainer lang naman ako sa club 'di ba?" paniniguro ko sa kaniya dahil ayaw kong malagay sa alanganin ang aking sarili. Kahit na hindi na ako virgin, ayaw ko namang ibukaka ang fresh kong talaba sa kahit na sino-sino lang. Isang lalaki lang ang nakapasok sa yungib ko at hindi na nasundan pa ng iba. Nagkamali lang ako noon pero hindi ibig sabihin na marumi na akong babae at higit sa lahat ay hindi ako kaladkarin kagaya ng iniisip ng iba. Hindi porket hindi na ako birhin ay magpapabaya na ako sa sarili ko. "Oo nga! Ikaw pa ba ang ipapahamak ko? Eh, ikaw nga ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga alaga ko! At saka kaibigan ko ang isa sa mga nagpapalakad. Hindi ka pipilitin kung hindi mo gusto, maliban na lang kung may tipo ka roon at hahayaan mong mawasak iyang perlas mo!" maarte nitong wika at ang bastos talaga ng kaniyang bibig. Kung magsalita ito ay parang feeling teenager si Mamang. Wala nga pala siyang alam na wasak na ang aking bulaklak. Hindi naman siguro kailangan pa niyang malaman ang lahat sa buhay ko. Matapos naming mag-usap ni Mamang ay umuwi na ako sa bahay. Gusto ko nang magpahinga lalo na at magsisimula na ako bukas. "Dahlia, nandito ka na pala! Ano ang pinag-uusapan niyo ni Mamang? Ayos na ba iyong trabahong inaalok niya sa 'yo?" atat na atat nitong tanong at hindi pa nga ako nakakaupo sa kawayang upuan namin ay sinalubong na ako kaagad ng tanong. Tumango ako bago sumagot. "Magsisimula na po ako bukas ng gabi, Tiyang Lala." "Talaga ba?" mangha nitong tanong at ilang saglit lang ay nakaramdam ito ng hiya kaya nagbigay siya sa akin ng simpatya. "Pasensiya ka na, Dahlia ang ibig kong sabihin ay sigurado ka na ba?" paniniguro niyang tanong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD