Chapter 8

1016 Words
"Potcholo, mamaya mo na ako asarin. Kaya mo kayang buhatin si Tiyang Lala?" tanong ko sa kaniya. Dahil kung hindi ay maghahanap ako ng kasama niya na tutulong sa kaniya sa pagbubuhat. Alam ko naman na hindi niya ako tatanggihan kaya hindi ko na tinanong kung gagawin niya ang ipag-uutos ko. "Ikaw ang kaya ko." Nakangiti niyang tugon habang pakindat-kindat pa sa akin. "Potcholo, naman! Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Kailangan na nating dalhin si Tiyang Lala sa hospital," pamimilit ko sa kaniya at nagsisimula ng mataranta. "Ha, bakit?" taka nitong tanong sa akin. Tiningnan niya si Tiyang Lala sa loob kung saan ito nakaupo at duguan na ang kaniyang mga palad. Hindi ko man lang ito namalayan kanina dahil sa pag-aalala. Nasugatan pala ito nang mabasag ang basong hawak niya. "Tiyang, bakit hindi mo sinabing may sugat ka?" Dali-dali akong lumapit sa kaniya at tinabi ang mga basag na baso. "Hindi ko rin napansin. Ang sakit kasi talaga ng balakang ko, Dahlia." Tiningnan niya si Potcholo at nakiusap ito na pagtulungan namin siyang buhatin. "Ako na po, Tiyang. Para kay Dahlia bubuhatin kita kahit para kang whale," mayabang nitong sabi ngunit hinampas ko ito sa balikat dahil halatang naiinis na si Toyang Lala sa mga pinagsasabi niya. "Ano'ng sabi mo?" Matalim na tingin ang ginawad ni Tiyang Lala at kulang na lang uusok na ang ilong nito sa galit na parang dragon. "Para kang si Dahlia, sobrang sexy," pambobola nito. Halatang nagpapalakas ito sa Tiyahin ko para iboto ito sa panliligaw niya sa akin. Mabilis na tinulungan ni Potcholo ang Tiyang Lala ko at akmang bubuhatin na sana niya ito nang bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa. Alam ko namang mabigat si Tiyang Lala, pero hindi ko naman inaasahan at inaakala ang mga sumunod na mga nangyari. Bigla na lang nakautot si Potcholo dahil sa bigat ni Tiyang Lala. At no sa tingin ko ay lumabas yata ang lahat ng hangin meron siya sa kaniyang katawan. "Ang baho! Ilang buwan ka na bang hindi dumumi?" naiinis kong tanong habang nakatakip sa ilong ko. Sobrang baho talaga, ang hirap kayanin. Si Tiyang Lala naman ay tinulak siya nang malakas dahil para itong mahihitay na. "Balak mo ba akong patayin, Potcholo? Lalasunin mo yata ako! Sa ginawa mo ay panandalian kong nakalimutan ang sakit ng balakang ko at ang hapdi sa aking sugat. Pumapangibabaw ang baho ng utot mo sa buong bahay!" reklamo ni Tiyang Lala sa binata at sobrang pula na ito sa inis. "Dinaig pa ng utot mo ang ginamit kong pabango sa buong bahay!" dagdag niyang reklamo at hindi ko rin masisisi si Tiyang Lala dahil napakabaho talaga. Mabuti na lamang at hindi nasaktan si Potcholo sa mga sinabi ni Tiyang Lala. Delikado talaga kapag iniwan niya kami rito. Totoo naman kasi ang sinabi ni Tiyang Lala, ang sakit sa ilong. Hindi pinansin ni Potcholo ang mga sinabi ni Tiyang Lala at bubuhatin na sana siya nito ulit pero bigla itong umiwas. Kinompas niya ang kaniyang palad na huwag muna itong lumapit sa kaniya. "Teka lang hindi pa ako nakaka-recover. Nanunuot talaga ang baho ng utot mo sa ilong ko, Potcholo. Hindi man lang ako nahilo sa sugat ko, pero nahilo ako sa baho ng utot mo!" patuloy na reklamo ni Tiyang Lala. Hindi pa rin nakaka-move on sa nangyari. Mas lalo lang tuloy akong nag-aalala na baka masaktan niya ang kalooban nito at iwan kami bigla ng walang paalam. Mas lalo akong mahihirapan na maghanap nang bubuhat sa kaniya. Kaya iniba ko ang usapan, ngunit natigil din ako kaagad sa pagsasalita ng may bigla akong napansin sa suot niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Tiyang naman! 'Di ba sinabi ko na sa inyo na itapon mo na ang lahat ng mga panty mong butas na! Pinapahiya niyo po ba talaga ako!" reklamo ko sa tiyahin ko. Binilhan ko siya ng limang dosena na panty para hindi na siya manghinayang na itapon ang mga panty niyang luma. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Tinapon ko na gaya ng sabi mo," pagsisinungaling niya sa akin. "Eh, ano 'yang suot mo ngayon? Naka-duster pa kayo tapos iyong suot niyo may butas pa. Baka maguluhan ang Doctor kung ano ang una niyang tatahiin. Ang sugat mo ba o ang panty mo?" mahaba kong reklamo at sininyasan na si Potcholo na ilabas na ito. Wala ng panahon para bihisan siya dahil jirap na hirap na nga itong gumalaw. Maiintindihan naman siguro ng nurse at mga doctor kung makita nila ang butas na panty niya. Binuhat na ni Potcholo si Tiyang Lala at kahit nabibigatan ay wala akong makuhang reklamo. Dala ko ang shoulder bag na may lamang pera na para sa pangsimula ng negusyo naming dalawa. Pumara ako ng taxi para madala kaagad si Tiyang Lala sa hospital. Pero talagang minalas kami ngayong araw na 'to dahil halos lahat nang pinara namin ay may sakay na pasahero. Naaawa na rin ako sa kasama ko dahil para na siyang puputok sa bigat ni Tiyang Lala. Kahit na alam kong nahihirapan na siya ay nagkukunwari pa rin siyang malakas sa tuwing tinitingnan ko siya. "Kaya ba pa, Potch?" Nababahala kong tanong. Sana lang talaga hindi niya mabitawan si Tiyang. Namumula na ang mukha niya ngayon. "Kayang-kaya, gusto mo sali ka pa!" "Talaga ba?" "Oo naman," mayabang niyang sagot sa akin. "Aray..." naiiyak na daing ni Tiyang. "Sobrang sakit na talaga, Dahlia." Hindi na talaga kayang pigilan ni Tiyang Lala ang sakit. Kilala ko siya at alam ko na hindi siya iyong tipo ng tao na mareklamo. "Tiyang, teka lang," sabi ko at natataranta pa lalo. "Taxi! taxi!" Paulit-ulit kong tawag sa mga taxi at kinakaway ang aking mga kamay. Halos iharang ko na nga ang sarili ko sa mga sasakyan para lang huminto sila sa amin. Pero wala namang tumulong at nagmagandang loob. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha sa aking mga mata. "Dahlia, umiiyak ka ba?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Hinawakan ko ang aking pisngi at nakapa ang likido na naglandas sa aking mukha. "Hayaan mo at mamakasakay din tayo," pagpapalakas niya sa loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD