Chapter 6 - Short Story

2245 Words
"Are you out of your mind, Brix? Paano kung sinasamantala lang niya ang pagkawala mo ng alaala! At ikaw naman nagpapa-uto." sigaw ni Dona Carmen. Parang pinipiga ang puso ko sa mga narinig galing kay Dona Carmen. Nandito sila ngayon sa opisina ni Don at may pinag-usapan. Matapos kaming ipakilala ni Brix kanina ay umakyat ang dalawang matanda at tinawag naman ni Manang Imelda si Brix dahil kakausapin raw siya ng mga ito. Maraming tinanong sa akin si Manang Imelda na hindi ko kaagad masagot dahil hindi ko alam kung ito ba ang tamang panahon para ikwento sa kanila ang lahat. Magpapaalam sana akong uuwi na dahil inaantok na si Bridgette. Ngunit ito lang pala ang maabutan ko dito. "Carmen, stop!" sigaw ng Don "Matagal na dito nagta-trabaho si Charity at alam kong mabait siyang bata." dagdag pa ng Don. Binukas ko pa ng kaunti ang pinto at nakita ko si Brix sa problemadong mukha. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka mas lalong lumala ang kalagayan niya. Iba pa rin ang epekto nito sa kanya lalo pa't blanko ang ala-ala niya sa nakaraan. "Hind natin alam Ismael. Paano kung plano niya ito lahat!" galit na sigaw ni Dona Carmen kay Don Ismael. "Nakita mo ba ang buhay niya? Mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang anak! Kaya siguro kinuha niya ang pagkakataong ito para akitin si Brix. Limang taon siyang nasa ibang bansa, paanong nangyari na may anak pala siya dito sa Pilipinas?!" Mula sa sinabi niya ay lakas loob akong pumasok sa silid. Nag-angat ng tingin si Brix at napatayo naman sa kanyang kinauupuan si Don Ismael. "Cha-" tawag ni Brix na gulat na gulat. Hindi ko siya nilingon at diretso ang tingin kay Dona Carmen. "Opo, mahirap lang ako. Mag-isa kong tinaguyod ang aking anak. Pero sa marangal po na paraan. Naglalabada po ako rito kada linggo. 'Pag weekdays naman po nagtitinda ako ng meryenda at sa gabi ay balot. Tama kayo mahirap maging single mom. Sobrang hirap... dahil kailangan kong maging ama at ina sa aking anak." sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking pisngi. Huminga ako ng malalim at hirap na lumunok. "Pero kahit ganoon ay hindi ko ni minsan naisip na manloko ng kapwa. Pero ano ang magagawa ko kung si Brix naman talaga ang tatay ni Bridgette? Mahirap man po ako pero hindi ako sinungaling. Hindi ko po sinasamantala ang kawalan ng ala-ala ni Brix. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ang anak ko at makasama ang kanyang ama." Pinunasan ko ang aking luha at mapait na ngumiti. "Pasensya na po kayo kung nabulabog namin kayo ngayong araw. Uuwi na po kami." sabi ko at tumalikod na palabas ng pinto. Tahimik lang si Dona Carmen at tulalang nakatingin sa akin. Hindi siguro siya makapaniwala na kinausap ko siya ng ganoon. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang sofa kung saan nakahiga si Bridgette. Mabilis ko siyang binuhat at kaagad lumabas ng pintuan ng mansyon. "Cha!" dinig kong sigaw ni Brix. Hindi ko siya nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hirap na hirap man sa paglalakad ay hindi ko ininda. Ang gusto ko lang ay makalayo ngayon dito at bumalik kung saan kami nanggaling. Hindi kami nababagay rito. Baka mas lalo lang masaktan ang anak ko kapag nandito kami. Mas mabuti pa 'yong dati na kaming dalawa lang. Masaya kahit na may kulang sa pagkatao ng aking anak. "Cha!" humahangos na tawag ulit ni Brix. Alam kong nasa likod ko na siya. Hinila niya ang braso ko at pinatigil sa paglalakad. "Cha... let's talk first, okay?" pakiusap niya. Nanatili akong nakatalikod sa kanya habang buhat-buhat si Bridgette. Mahimbing pa rin ang tulog niya sa aking balikat. "U-Uuwi na kami, Brix. Hindi kami p'wede sa mundo mo." ani ko. Hirap akong magsalita dahil sa bara sa aking lalamunan. Gusto kong sumigaw at umiyak ng malakas para mawala ang bigat sa aking dibdib. "No. You're not leaving me, right? I'll go with you. Alam ko sa puso ko na kailangan kita. Hindi kita maalala pero pinipiga ang puso ko no'ng nakita kitang umiiyak." pagsusumamo niya. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha. "Mas maganda na nandito ka, Brix. Pabayaan mo na lang kami." "No... no! Hindi lang ikaw mag magde-desisyon dito, Cha. Paano si Bridgette? I'm sure na hahanapin niya ako." Humarap na ako sa kanya kahit pa punong-puno na ng luha ang aking mga mata. "Ano ang gagawin ko kung ayaw sa akin ng mga magulang mo?" "Hindi ko kailangan ng approval nila, Cha. Malaki na ako at nasa tamang edad para magdesisyon para sa sarili ko. Dad will understand. Pero wala akong magagawa kung hindi tayo matanggap ni Tita. Besides she's not my mom!" "Pero pamilya mo pa rin sila, Brix." "You and Bridgette are my family now. I don't care if she'll not accept you. I don't need her opinion. So, please... don't leave me." Napakagat ako sa aking labi dahil sa sinabi niya. "Let's go inside my car. Hintayin niyo ako doon sa loob habang kumukuha ako ng damit sa kwarto ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabbi niya. Talagang tototohanin niyang sasama sa akin. "Hindi mo na kailangang umalis dito, Brix." pigil ko sa kanya habang kinukuha sa mga bisig ko si Bridgette. Pinahiga niya ang anak sa upuan. "I want to go with you, love." aniya sabay halik sa aking noo. "Pero-" "Sshh. I love you, Cha!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Sa sinabi niyang iyon ay parang bulang naglaho ang sakit na naramdaman ko kanina. "I love you too, mahal!" tugon ko sa kanya. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at tinawid ang pagitan sa aming mga labi. Isang linggong nang nasa bahay namin si Brix. Sa isang linggo niyang nasa bahay ay wala siyang ginawa kundi ang bumawi sa amin ng kanyang anak. Hindi niya ininda ang hirap ng pamumuhay namin dito. Sa umaga ay siya ang kasama ko mamalengke ng ititinda kong meryenda. Tinutulungan niya ako sa pagluluto. Naging masaya kami lalo na ang aming anak. Bumangon ako nang may kumatok sa aming pinto. Kinalas ko ang braso ni Brix na nakapulupot sa aking bewang at dahan-dahang tumayo. Naghilamos lang ako sandali at mabilis na tinungo ang pinto upang pagbuksan ang tao sa labas na kanina pa kumakatok. "Sino 'yan-" natigil ako sa pagtatanong nang mabungaran ko si Don Ismael na nakangiti. Nataranta ako sa kaalaman na nandito siya sa harap ng bahay ko. "Good morning, Iha." nakangiti niyang bati sa akin. Walang bakas iyon ng pagpapanggap. "G-Good morning po, Don Ismael." nauutal kong bati. "T-Tulog pa po si Brix." sabi ko at tinuro ang aking likuran. Yumuko ako dahil sa kabang nararamdaman. "It's okay. Ikaw naman ang gusto kong maka-usap." sabi niya na ikinatingala ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ako ang kakausapin niya. "A-Ako po?" "Yes, Iha, Can I have you for a minute to talk? 'Wag sana dito." Nilingon ko si Brix at Bridgette na mahimbing na natutulog at muling binalik ang tingin sa kanya. Tumango ako at lumabas na ng bahay. Umupo kami sa upuang kawayan na tambayan namin dito sa tapat ng bahay. "A-Ano po ang pag-uusapan natin? Kung tungkol po ito kay Brix. Mas maganda po sana na siya ang kausapin mo." "Yes, it's about Brix. Pero iba ang dahilan." sagot niya. Nangunot ang noo ko. "Ano po 'yon?" "It's about his health condition, Charity." "Bakit po? May sakit po ba siya?" taranta kong tanong. "Relax, iha. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang pagkakaroon niya ng amnesia. Ayaw niyang magpa-treat na ikinaka-worry ko." nag-aalalang saad ni Don. "Bakit daw po?" Hindi ito nababanggit sa akin ni Brix. Isang araw na tinanong ko siya tungkol sa kondisyon niya'y 'okay lang ako' ang tanging sinagot niya sa akin. "Wala siyang sinabing dahilan. Pero nag-aalala ako. Kailangan niya ulit magpatingin sa doktor para sa ilang test na gagawin sa kanya. Gusto lang namin maka-siguro na ayos na ang kanyang ulo at tuluyan ng magaling ang sugat niya doon dulot ng operasyon." Napasinghap ako sa sinabi ni Don. Ni hindi ko man lang alam iyon. Gaano ba kalala ang aksidenteng nangyari sa kanya? "A-Ano po ba ang nangyari sa kanya, Don?" nag-aalala kong tanong. "Nakita namin siya noon sa ospital. Sa tulong ng kaibigan kong doktor roon sa Dubai ay nahanap ko siya. Malubha ang kanyang kalagayan. Puno ng benda ang kanyang mukha at nakapalibot iyon sa kanyang ulo. Maging ang hita at braso niya ay may benda rin. Halos isang taon siyang comatose. Muntik na kaming mawalan ng pag-asa nang mga oras na iyon. Ilang beses siyang nag-seizure at nawalan ng heartbeat. Pero hindi ko siya sinukuan. Alam kong lumalaban siya, kaya kailangan ko rin lumaban para sa kanya. Nang magising siya'y hindi siya makapag-salita at hindi rin maka-galaw. Sabi ng doktor ay dahil iyon sa bali-baling buto na natamo niya nang mahulog siya sa building na pinagta-trabauhan niya. Swerte niya raw at nabuhay pa siya. Pina-therapy namin siya para makalakad at para bumalik siya sa normal. Halos isang taon rin ang nakalipas nang makapag-salita siya. At doon nga nalaman namin na wala siyang maalala kahit na ako. Dahil raw iyon sa matinding pagkaka-untog ng kanyang ulo. May namuong dugo raw doon na agad nilang inoperahan. At kaya kami umuwi dito ay dahil 'yon ang advise ng doktor para mas mabilis siyang makaalala." mahabang kwento ni Don. Para akong nanghina sa mga narinig. Hilam na rin ng luha ang aking mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin. Sa dami ng pinagdaanan ni Brix... bakit wala ako doon? "Pasensya ka na, iha. Alam kong masakit para sayo ang mga nalaman mo. Pero alam kong kailangan mo rin malaman ang lahat. Hindi siguro sinasabi sayo ni Brix dahil ayaw niyang maging malungkot ka. Alam kong mahal ka niya. Unang araw na makita ka niya hindi siya mapakali kinabukasan para lang makausap ka. Nagpapasalamat ako dahil hindi mo siya iniwan at hinintay mo siya." madamdaming saad ni Don. "Dad? What are you doing?!" sigaw ni Brix at lumabas na rin ng bahay. Mukhang kakagising niya lang at nagmadaling bumangon. Mabilis siyang lumapit sa akin at tinago sa kanyang likuran. "Anong ginawa mo kay, Cha, Dad?" galit niyang tanong sa kanyang ama. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan ng paglingon niya sa akin. Pinaghalong pag-aalala at galit ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya. "Nag-uusap lang kami, mahal." ani ko. "Tell me the truth, love!" aniya nang hindi naniniwala. Natawa ang kanyang ama sa kanyang reaksyon. Hindi siguro makapaniwala na pinagdududaahn siya ng sarili niyang anak. "We're just talking, Brix." kalmadong sabi ni Don. Nilingon siyang muli ni Brix. "Why is she crying? What the hell are you talking about?" mahina ngunit may diin niyang tanong. Bakas pa rin doon ang pagkairita. "Mahal, nag-kwentuhan lang kami tungkol sa nangyari sayo noon sa Dubai. Umiyak ako kasi.... wala ako no'ng mga panahon na naghihirap ka sanhi ng aksidente na naranasn mo." Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Lumapit siya sa akin at kinabig ako sa kanyang katawan upang mayakap ng mahigpit. Hinaplos niya ang aking likod upang patahanin. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Don't cry, please. Wala ka doon, pero alam kong ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhay, at pilit na lumaban sa bingit ng kamatayan." alo niya sa akin. "Mama? Papa?" Bahagyang kumalas si Brix sa akin nang marinig namin ang tinig ni Bridgette na kalalabas lang din ng bahay. Tumingin siya kay Don Ismael at lumiwanag ang kanyang mukha. "Grandpa!" tili niya at tinakbo ng yakap si Don. Natawa ako sa ginawang iyon ni Bridgette. Si Brix naman ay nag-alala na baka madapa ang anak. "Apo! Na-miss ka ni lolo." sabi ni Don kay Bridgette at binuhat ang anak. Pinunasan ko na ang mga luha na nagkalat sa aking mukha. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Tiningnan ako ni Brix at hinagkan ang aking noo na nagpagaan ng kalooban ko. "Stop crying." bulong niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Dito ka na rin po ba titira, lolo?" Nabigla ako sa tanong na iyon ni Bridgette sa kanyang lolo. Tumawa si Don at lumingon sa amin. "No, apo. Kayo ang titira sa bahay." "What?" gulat na tanong ni Brix. Gulat na gulat rin ako at hindi makapaniwala. "Yehey!" masayang sigaw ni Bridgette at tinaas pa ang dalawa niyang kamay. "How about tita?" nag-aalalang tanong ni Brix. "She wants you to go home. Siya ang nagpumilit sa akin na puntahan ko kayo dito at kausapin. She feel sorry sa mga nasabi niya." aniya at binaling naman ang tingin sa akin. "Cha, gusto ka niyang makausap at gusto niyang humingi ng tawad." Niyuko ako ng tingin ni Brix at nagtatanong ang kanyang mga mata. "S-Sige po." sagot ko at huminga nang malalim. "Hindi mo kailangang pilitin, love. If you're not ready to talk to her, it's okay." nag-aalalang sambit ni Brix. "Brix is right, Cha. Pag-isipan mo muna." segunda naman ni Don. Nginitian ko silang dalawa. "Okay lang po ako, Don. Alam ko naman po na mabait si Donya Carmen. Siguro ay nabigla lang siya sa nalaman." sabi ko. "Pero may kailangan kang baguhin, Cha." naka-ngising saad ni Don. Kumunot ang noo ko. "Ano po 'yon?" "Magagalit 'yon kapag narinig niyang tinatawag mo pa rin siyang Donya Carmen." sabi niyang natatawa. Maging si Brix ay natawa na rin. "And you can call me tito or daddy, Cha." dagdag niya pa. Nahihiya akong tumango. Namula yata ang mukha ko dahil sa sobrang hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD