Chapter 7 - The END

973 Words
Sinalubong kami ni Donya Carmen mula sa pinto ng mansyon. Hawak ni Brix ang bewang ko at sa kabila naman ang iilan naming gamit. Samantala hawak kamay naman ni Don si Bridgette. "Grandma!" sigaw ni Bridgette at nagmamadali siyang maglakad palapit kay Donya Carmen. "Apo!" sambit niya naman at inabang na ang kanyang braso para sa pagyakap ng aking anak. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Cha." tawag naman sa akin ni Donya Carmen nang makalapit na kami sa kanya. Yumuko ako bilang paggalang at ngumiti. "Tara na kayo dito sa loob. Nakahanda na ang pagkain sa mesa." aya niya sa amin. "Let's go." bulong ni Brix sa aking tabi. Naging masaya ang pagkain namin sa hapag dahil kay Bridgette. Tahimik ko lang silang pinapanuod habang kumakain. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Noon ay naglalabada lang ako dito. Pero ngayon ay isa na ako sa pinagsisilbihan ng mga kasamahan ko na katulong. "Brix, kailan niyo balak ang magpakasal?" tanong ni Donya Carmen. Muntik ko nang maibuga ang tubig dahil sa sinabi niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Brix habang hinahaplos ang aking likod. Tumango ako. "Carmen, hayaan mong sila ang mag-decide." sabat ni Don. "I'm just asking, Ismael. What's wrong with that? Mas maganda na ang prepared tayo. Like the wedding gown. God, hindi 'yon dapat minamadali!" saad ni Donya Carmen na bakas sa boses niya ang excitement. Natawa si Don sa kanya. "Abou that, tita. Pag-uusapan muna namin ni Cha." sabi ni Brix at tumingin sa akin. "What's your dream wedding, Cha?" tanong sa akin ni Donya Carmen. Lumunok ako bago magsalita. "Ahmm. Kahit ano na lang po siguro." nahihiya kong sabi. "What? No! Wedding mo 'to at kailangan ikaw ang masusunod." kontra niya. "Don't pressure her, Carmen." saway sa kanya ni Don. "Okay, fine!" pagtatapos niya ng usapan. Pinagpawisan ako sa usapan na iyon at hindi pa rin makapaniwala na ikakasal ako kay Brix. Wala pa naman siyang sinasabi sa akin pero alam kong doon rin ang patungo namin. Matapos kumain ay dumiretso kami sa sala. Doon ay tinawag ako ni Donya Carmen upang pumunta sa kanyang opisina. "I'll go with you." sabi ni Brix na mabilis kong inilingan. "Hindi na kailangan, mahal. Kaya ko na." sabi ko at tinalikuran na siya. "Donya Carmen." tawag ko sa kanya. Bahagya akong kinabahan sa pagkunot ng kanyang noo. "My husband didn't tell you to call me tita?" kunot-noo niyang tanong. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. "Sorry po, ti-tita. Medyo naiilang kasi ako." nahihiya kong sabi. "Maupo ka dito, Cha." turo niya sa upuan sa kanyng harap. "Kailangan mo ng masanay." dagdga niya pa. "I'm sorry sa mga nasabi ko noon sayo. Alam kong naging harsh ako at hinusgahan agad kita. Pero sana naintindihan mo ang pinupunto ko noong mga oras na 'yon. Takot lang ako na maloko si Brix dahil sa kalagayan niya." hingi niya ng paumanhin sa akin. Nginitian ko siya at tumango. "Naintindihan po kita, Tita. Kahit siguro ako ay ganoon ang magiging reaksyon." "I'm so, sorry, Cha. Sana mapatawad mo ako." aniya at hinawakan ang aking mga kamay na nakapatong sa lamesa. "Opo naman, tita. Noon pa man po alam kong mabait na kayo. At alam kong nabigla lang kayo. Pasensya na rin po kayo sa mga nasabi ko sa inyo. Nadala lang po ng matinding emosyon." "It's okay, Cha. Dahil sa mga sinabi mo natauhan ako. Naiisip ko pa lang ang mga pinagdaanan mo na mag-isa ay nahihirapan na ako. I'm proud of you, Cha. Siguro kung buhay ang mga magulang mo ay proud na proud sila sayo. I admire you for being a strong woman and a mother to Bridgette." sabi niya. Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng aking emosyon. Tuluyan na akong napaiyak na naabutan ni Brix. "Sabi ko na nga ba, eh!" galit niyang sigaw at mabilis akong dinaluhan. "Brix!" si Tita, "What did you do to her?" galit niyang tanong. "Wala Brix." sagot ko sa kanya. "Anong wala? Bakit ka umiiyak?" "Na-touch ako sa mga sinabi ni Tita, Brix." saway ko sa kanya. "Ang OA mo Brix!" natatawang sabi ni Tita at tumayo na siya sa kanyang swivel chair. Hindi ko na rin napigilan ang matawa sa kanya. At muling naalala 'yong nangyari sa dad niya kanina. Parehong eksena na umiiyak ako. "Stop crying. Kanina ka pa umiiyak." pag-aalo ni Brix. Niyakap niya akong muli ng mahigpit at ginawaran ng halik sa aking mga labi. "I love you, Charity. Kahit na hindi pa malinaw ang lahat sa aking ala-ala, alam ng puso ko na ikaw ang mahal ko. You are my life, my hope and my heart. You are the best gift i my life. And, Bridgette was the special gift you gave me." madamdaming sabi ni Brix, Walang patid sa pagtulo ang aking luha. Makalipas ang isang buwan ay kinasal na rin kami. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang bang panaginip lang ang lahat ng ito para sa akin. "I love you too, Brix. Salamat kasi bumalik ka sa akin... sa amin ni Bridgette. Salamat at pinili mo ang mabuhay. Mahal na mahal ko kayong dalawa ng anak natin. Kayo rin ang buhay ko." umiiyak kong sabi. Bumabaha ng emosyon dito sa simbahan. Kasama ng kanyang pamilya at mga kaibigan ko ay nasaksihan nila ang pag-iisang dibdib namin ni Brix. "Brix Buenavista and Charity Santos, I now pronounce you husband and wife. Brix Buenavista, you may now kiss the bride!" anunsyo ng pari sa amin. Tinanggal ni Brix ang belo na nakaharang sa aking mukha at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Mariin akong pumikit nang dumampi ang kanyang malambot na labi sa aking labi. Napuno ng hiyawan sa simbahan. Masaya ako dahil natupad na rin ang matagal naming pangarap ni Brix noon. 'Yon ay ang maikasal at bumuo ng sarili naming pamilya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD