Chapter 5 - Short Story

2028 Words
"Papa?!" tili ni Bridgette nang magising siya. Nagising ako sa tili niyang iyon at ganoon din si Brix na katabi niya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin kay Brix. "Good morning, baby!" bati sa kanya ni Brix. Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata at bumaling ng tingin sa akin. Nagtataka niya akong tiningnan at hindi makapaniwala. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at nginitian siya. "Mama, totoo po bang si papa 'yong nakikita ko?" tanong niya. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Yes, baby." sagot ko. Muli niyang nilingon ang kanyang ama at dinambahan ng yakap. "Papa! Dito ka na ba titira?" tanong niya. Tumingin sa akin si Brix na para bang nanghihingi ng isasagot sa kanyang anak. "Ahmm.. anak." tawag ko kay Bridgette. Bumitaw siya sa pagkakayakap niya kay Brix at lumingon sa akin. Nanatili siyang nakakandong sa mga hita ni Brix. "Hindi pa p'wede dito si Papa mo. May sakit pa kasi siya at kailangan niyang magpagaling." Hinipo niya ang palad sa noo ng kanyang ama. "Papa, may sakit ka po?" nag-aala niyang tanong kay Brix. "No, baby. I can stay here, if papayag si mama mo." aniya habang nakatingin pa rin sa akin. Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. "Brix!" saway ko. "Maybe we can talk about it later. Magbihis kayo aalis tayo." anunsiyo niya at bumangon na. Binuhat niya si Bridgette at lumabas sa maliit naming silid. Bumangon na rin ako at sinundan sila. "Saan tayo pupunta?" "Mamamasyal." kibit-balikat niyang sagot. "Yehey!" tuwang-tuwa si Bridgette sa sinabing iyon ng papa niya. Ito ang unang pagkakataon na mamamasyal kami na kasama ang papa niya. At kumpleto kami. Nagpakawala na lang ako ng hangin at nagtungo na sa aking lutuan upang makapagluto ng almusal. Itlog at sinangag na kanin lang niluto ko. Ito lang naman kasi ang stock ko sa bahay. Masaya kaming nag-agahan. Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang kwentuhan ng mag-ama. Maraming kwento sa kanya si Bridgette, lalo na sa kanyang school at tungkol sa mga kaibigan niya. Matapos kumain ay nagpaalam muna siya sa amin para umuwi sa mansyon. Naalala kong ngayon dapat ako maglalabada doon sa kanila. Pero ang sabi niya'y sasabihin na lang dw niya kina Manang na hindi ako makakapunta. Tutol man pero wala na akong magawa. Siguradong magtataka sila kung bakit si Brix ang magpapaalam para sa akin. "Anak, happy ka ba?" tanong ko kay Bridgette habang binibihisan siya ng bestida. "Opo, mama! Excited na po ako mamasyal." sabi niya ng nakangiti. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at pinanggigilan. Tapos na kaming mag-ayos na dalawa. Simpleng t-shirt at maong pants lang ang suot ko. Wala naman kasi akong gaanong damit na pang-alis. Lumabas na kami ng bahay at napagpasyahan na sa labas na lang maghintay kay Brix. "Ohh, aalis kayong mag-ina?" tanong ni Alfie nang makita niya kaming naka-upo sa kawayang upuan. "Opo, tito. Ipapasyal kami ni Papa!" nagmamalaking sagot ni Bridgette. "Papa?" tanong niya at tumingin sa akin. "Ahmm... Bridgette, pumunta ka muna kina Tita Teresa mo ha." utos ko sa aking anak na agad namang tumalima. Lumapit sa akin si Alfie. "Sinong papa ang sinasabi ni Bridgette?" "Si Brix. Nakabalik na siya." "Talaga? Kailan pa?" "Noong isang araw pa. Kaso may problema." "Bakit? Anong problema?" "Hindi niya kasi ako maalala." "Ha? Eh, paanong nangyari na tinanggap niya ang anak mo?" "Mahabang kwento, Alfie. Ang importante nakauwi siya ng ligtas. At makakasama na namin siya." paliwanag ko sa kanya. Tumango-tango siya pahiwatig na naiintindihan niya ang gusto kong mangyari. "Cha?" Sabay kaming napatingin ni Alfie sa may-ari ng boses na tumawag sa akin. Nakatayo doon si Brix at nasa bulsa ng kanyang pantalon ang pareho niyang mga kamay. "Brix." Lumapit siya at tumabi sa akin. "Ahmm. Brix si Alfie nga pala. Alfie siya pala si Brix, tatay ni Bridgette." pakilala ko sa kanila. Naglahad ng kamay si Alfie at tinanggap naman iyon ni Brix. Ngunit nang lingunin ko si Brix ay madilim ang kanyang anyo na tila galit. "Mauna na ako sa inyo, Cha... pare." paalam ni Alfie sa aming dalawa ni Brix. Nang makaalis si Alfie ay saka ako hinarap ni Brix. "Bakit?" kinakabahan kong tanong. Iba kasi ang titig niya sa akin. Galit ang kanyang mga mata. "Who's that? Your suitor?" mariin niyang tanong. "Ha?" nalilito kong sambit. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na sasabihin ko sa kanyang manliligaw ko nga si Alfie. Tumango na lang ako at nagyuko ng ulo. "Bastedin mo na siya." Mabilis akong tumingala sa kanya. "Matagal ko na siyang binasted." sabi ko. Unti-unting naglaho ang dilim sa kanyang mukha at gait sa kanyang mata. "Talaga?" paninigurado niya. "Oo. Wala naman akong panahon mag-boyfriend." sagot ko. "So kung may panahon ka sasagutin mo siya?" "Siguro. Hindi ko alam." kibit-balikat kong sagot. Hindi naman mahirap mahalin si Alfie. Mabait ito at gwapo rin. Pero si Brix lang talaga ang mahal ko. Siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko. "What? Ano'ng hindi mo alam? Ibig sabihin may chance sayo ang tukmol na 'yon?" sigaw niya. Mariin akong pumikit dahil sa lakas ng boses niya. Nakakahiya sa tao kung maririnig siya. "Hinaan mo nga lang boses mo. Nakakahiya doon sa tao. Kung ano-ano sinasabi mo tungkol sa kanya." Mahina ngunit may diin sa bawat bigkas ko ng bawat salita. "Pero sa akin hindi ka nahihiya?" "Ha? Ano bang sinasabi mo?" "Hindi ka nahiya na nakikipag-usap ka sa lalaking 'yon!" Natampal ko na lang ang aking noo dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan pa patungo ang sinasabi niya. Para siyang bata. "Nagseselos ka ba?" "Oo!" Hindi ko napigilan ang mapahagalpak ng tawa. "What's funny, Cha?" gigil niyang tanong. "Walang basehan ang pagseselos mo, Brix. Magkaibigan lang kami at tanggap na niya 'yon. Mabait ang tao sa amin kaya ganoon din ang pakikitungo ko sa kanya." Mas lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Tinitigan ko siya. "Sa limang taong wala ka, pag-aalaga lang sa ating anak ang inisip ko at ang paghihintay sa pagbabalik mo. Kahit na wala akong komunikasyon sayo ay umaasa akong magbabalik ka sa amin." malambing kong sinabi. Pumungay ang kanyang mga mata. "Kaya wala kang dapat ipag-alala, okay?" Tumango siya at bahagyang yumuko tama lang upang maabot niya ang pisngi ko. Dinampian niya iyon ng halik. Mariin akong pumikit at buong puso kong dinama ang mainit na halik niya sa aking pisngi. "Ipapakilala ko kayo kina Dad at Tita." bigkas ni Brix nang maupo kami sa bench. Mula rito ay tinatanaw namin si Bridgette habang nakasakay sa carouselle. Tuwang-tuwa siya maging ako nang dalhin kami ni Brix dito sa amusement park. Nilingon ko si Brix sa sinabi niya. "Kailan?" kinakabahan kong tanong. Maraming tanong ang sunod-sunod na nagsulputan sa isip ko. Mabait naman sila Dona Carmen. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Magagawa ba nilang tanggapin ako at ang anak ko? "Maybe later." "Ma-Mamaya agad?" kandautal kong tanong. Tumango siya ng seryoso sabay hawak sa aking kamay. "Hindi na natin dapat patagalin pa, Cha. They'll need to know about you. About us." "P-Pero...-" "Don't worry, okay? I'm here. Hindi ko kayo pababayaan." aniya at nilapit ako sa kanyang katawan at humalik sa aking noo. Ngumiti ako kahit pa abot langit na ang aking kaba. Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Lalo na sila Manang. "Mama! Papa!" tawag sa amin ni Bridgette habang kumakaway. Kumaway ako pabalik sa kanya at gayon din naman ang ginawa ng kanyang papa. "What's her favorite food?" tanong ni Brix. Nakaakbay na siya sa akin ngayon at dikit na dikit ang aming katawan. "Kahit ano naman kinakain niya. Hindi siya mapili sa pagkain. Pero afritada ang pinaka-paborito niya. Kahit na araw-araw mong ipakain sa kanya'y hindi siya nagsasawa." nakangiti kong sabi. Tiningala ko si Brix na ngayon ay nakangiti rin. "How I wish na kasama ko siya noong nasa tiyan mo pa lang siya." hiling niya na may lungkot sa kanyang tinig. Pinisil ko ang palad niya. "'Wag ka ng malungkot. Ang importante kasama ka na naming dalawa. Masusubaybayan mo pa ang paglaki niya. Hindi pa naman huli ang lahat." Sinabi ko upang hindi siya ma-guilty sa kanyang sarili. "Paano mo nakayanan ang lahat ng mag-isa?" Mapait akong ngumiti sa tanong niyang iyon. "Hindi ko nga rin alam. Basta ang nasa isip ko noon. Kailangan kong maging matatag para sa kanya. Kailangan kong maging malakas. At kailangan kong maging masipag at madiskarte." "I'm so proud of you, love-" Kumalas ako sa pagkaka-akbay niya sa huli niyang sinabi. "Tinawg mo akong love?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo. Is there any problem? Ayaw mo ba no'n?" taranta niyang tanong habang nakatingin sa shock na shock kong mukha. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling para sabihing mali siya ng inaakala. "Gustong-gusto syempre!" tili ko. Hindi ko na napigilan pa ang makaramdam ng kilig. After five years ay ngayon ko lang ulit iyon narinig at galing pa sa kanya. "What's happening? Bakit ang saya mo?" Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. "Love kasi ang tawag mo sa akin noon. Kaya nakakatuwa dahil kusang lumabas iyon sa bibig mo." masigla kong sabi. "Nakakaalala ka na ba?" tanong ko. Umiling siya. "Really?! It means I had a chance to remember you." sabi niya na tuwang tuwa na rin. "Yes, Brix." Ngunit mabilis pa sa alas kwatro ang pagsimangot ng kanyang mukha. "Bakit?" "Love ang endearment ko sayo. Pero Brix lang ang tawag mo sa akin?" may himig tampo niyang tanong. Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang pisngi. "Mahal ang tawag ko sayo noon," sabi ko. "Then call me, mahal." aniya na nang nakatitig pa rin sa akin. "Okay lang sayo?" naninigurado kong tanong. "That's fine with me. Mas maganda nga 'yon dahil baka mas mabilis makabalik ang ala-ala ko. I want to know more anything about you, love." malambing niyang sabi at mas lalo pang pumungay ang kanyang mga mata. Naubos ang buong maghapon namin sa pamamasyal. Sobrang saya ni Bridgette at ganoon din naman ako. Blanko man ako sa alaala ngayon ni Brix pero gagawin ko ang lahat para makabuo muli ng masasayang alaala na kasama siya at ang aming anak. Patungo na kami ngayon sa kanilang mansyon. Kabado at palakas ng palakas ang t***k ng puso ko. Nilingon ko si Bridgette na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa likod. "Are you alright?" tanong ni Brix kasabay nang paghawak niya sa aking kamay na nakapatong sa aking hita. Binaling ko ang tingin sa kanya. Saglit siyang sumulyap sa akin at muling binalik ang paningin sa daan. "Kinakabahan." "Don't be, love. I'm here by your side." aniya at pinisil ang aking palad. Ilang beses akong huminga nang malalim hanggang sa marating na namin ang kanilang mansyon. Inayos niya muna ang pagkaka-park ng kanyang kotse bago siya bumaba. Tinanggal ko na ang seat belt na kinabit niya kanina sa akin. "Ready?" tanong niya nang buksan niya ang pintuan sa aking tabi. Pilit akong ngumiti at tumango. Inalalayan niya akong makababa at sinunod naman niya ang pagbuhat kay Bridgette. Hindi pa man siya nabubuhat ng kanyang ama ay nagising na siya. "Papa, saan po tayo?" inaantok niyang tanong kay Brix. "We're here to meet your grandpa at grandma." nakangiting sagot ni Brix. Namilog ang kanyang mga mata at bakas sa kanyang mukha ang saya. Kumirot ang dibdib ko nang masaksihan ko ang kakaibang saya sa mukha ng aking anak. Kahit pala binuhos ko na ang pagmamahal sa kanya ay iba pa rin talaga kapag kumpleto ang pamilya. Iba pa rin kapag may matatawag ka na Papa.. lola at lolo. Sana lang ay matanggap siya nila Don. Kahit siya lang at wag na ako, masaya na ako. Hindi ko yata kakayanin kapag nasaktan ang anak ko. "Let's go inside. I'm sure they're waiting for us." sabi ni Brix. Pinagsiklop niya ang daliri ng aming kamay at naglakad na patungo sa pinto kung saan ay tanaw ko na sila Manang Imelda na nakatayo doon. Tinatambol ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y nagising ang kung anumang elementong natutulog sa dibdib ko sa mahabang panahon. Nakita ko ang pagkunot ng noo at pagkabigla ni Merly at gayon din kay Manang Imelda. Nakakagulat talaga kapag nakita mong ang labandera ng mansyong ito ay hawak ang kamay ng anak ng kanilang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD