bc

The Billionaire's Amnesia

book_age16+
361
FOLLOW
1.5K
READ
HE
neighbor
single mother
lighthearted
campus
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Hello, Lovies! Short story lang po ito at free. ? Sana magustuhan niyo po!

Kwento ito ni Charity at ni Brix. Kung paano silang muli pagtatagpuin ng tadhana. At kung makikilala pa ba sila ni Brix, gayong may amnesia ito?

Please support my other story. Check my profile on dreame or yugto app.

Thank you!

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Short Story
ARAW-ARAW ay nagdadasal ako na sana ay magbalik na ang nobyo kong si Brix. Limang taon na kasi ang nakalipas mula nang mangibang-bansa ito. Kahit pa wala kaming komunikasyon na dalawa ay naniniwala ako na babalik siya. Maraming nagsasabi sa akin na 'wag ng umasa na magbabalik pa si Brix. May mga nagsasabi rin na baka may nahanap na ito doon na babaeng pinalit sa akin. Masakit pero hindi ako naniniwala sa sinasabi nila hangga't hindi ako mismo ang nakakakita. Malaki na ang aming anak at hindi niya iyon alam. Umalis itong hindi ko sinasabi sa kanya na nagdadalang-tao ako. Ayaw ko kasing maudlot ang pag-alis niya dahil alam kong mas uunahin ni Brix na mag-stay dito kasama ako at ang magiging anak namin. Mag-isa kong tinaguyod ang pagpapalaki sa aking anak. Nagtitinda ako ng meryenda sa hapon at balot naman sa gabi. Tuwing linggo naman ay naglalabada ako sa mansyon sa katabing subdivison. "Cha, magtitinda ka ba ng balot mamaya?" tanong ng kapitbahay kong si Alfie. Isa sa mga nanliligaw sa akin. "Oo, Aflie. Bibili ka ba?" tanong ko habang inaayos ang panindang bananacue. "Oo naman!" masigla niyang wika. Napangiti ako sa lalaki. Kahit paano'y swerte ako sa mga kapitbahay ko. Mababait sila sa aming mag-ina. "Bridgette, anak!" tawag ko sa aking anak na naglalaro hindi kalayuan sa akin. "..kain ka muna dito." Tumalima naman siya sa akin at mabilis na lumapit. "Thank you po, Mama!" sambit ni Bridgette nang tanggapin niya ang turon mula sa kamay ko. "Halika nga dito. Pawis na pawis ka na!" Pinunasan ko ang likod niya na basang-basa na dahil sa paglalaro. "Ang cute-cute talaga ng anak mo, Cha." puri ni Teresa na kapitbahay namin. "Siguro kamukha siya ng papa niya?" dugtong niya pa. Pinanlakihan ko ng mga mata ang dalaga. Hindi naman lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa ama ni Bridgette. Nilingon ako ng aking at anak at nagtanong. "Talaga po mama? Kamukha ko po si Papa?" nakangiti niyang tanong. Ngumiti rin ako sa kanya at tumango. Kahit naman na wala ang kanyang ama ay hindi ko pinagkait sa kanya na makita ito kahit na sa litrato niya na lumang-luma na. "Sorry," mahinang bulong ni Teresa at nag-peace sign sa akin. Nginitian ko siya at sinabing ayos lang. Ayaw ko lang talaga na nauungkat ang tungkol kay Brix at naririnig iyon ni Bridgette dahil siguradong hindi na naman niya ako titigilan sa kakatanong. At nagsimula na nga siyang tanungin ako nang makaalis na si Teresa. "Mama, kailan po ba talaga uwi si Papa?" malungkot niyang tanong habang kinakain ang hawak niyang turon. Saglit akong nag-isip ng isasagot sa kanya. Ayokong umasa siya dahil kahit ako'y hindi ko alam kung babalik pa ba sa amin ang Papa niya. Parang pinipiga ang puso ko sa isiping baka mayroon na siyang ibang pamilya at tuluyan na niya ako kinalimutan. "Hindi ko alam, anak." ang tanging sabi ko na lang kay Bridgette. Hinaplos-haplos ko ang kanyang itim at alon-alon na buhok. Ito lang yata ang namana niya sa akin at ang lahat ay sa ama niya na. Katulad ni Brix na gwapo, brown ang mga mata, mapula ang labi at matangos ang ilong ay gano'n na gano'n din ang mukha ni Bridgette. Para silang pinagbiyak na bunga. KINABUKASAN ay maaga ulit akong nagtungo sa palengke upang mamili ng paninda kong saging para sa mamaya na meryenda. Bumili na rin ako ng balot para naman sa gabi. Mabuti na lang at wala akong labada ngayon sa subdivision pero pinapapunta nila ako bukas para tumulong sa pag-aayos at pagluluto. May welcome party raw kasi na gaganapin sa mansyon ayon kay Aling Imelda. Nagbabalik na raw ang nawawalang anak na lalaki ng pamilya Buenavista. Ayon kay Aling Imelda, sampung taon raw ang batang lalaki nang maglayas sa kanilang mansyon dahil umano'y ayaw nito sa madrasta niya. At ang pagkakalam ko'y si Donya Carmen ang madrasta na tinutukoy. Binilisan ko na ang pamimili dahil baka hanapin na ako ni Bridgette. Iniwan ko lang kasi itong tulog at sandaling pinabantay kay Trixie na bestfriend ko. "Tagal mo naman friend!" bulalas ni Trixie nang makauwi ako. "Nagmamadali nga ako kanina, eh. Papasok ka na ba?" tanong ko sa kanya kasabay nang paglapag ko ng aking mga pinamili sa maliit na mesa. "Oo. Opening ako ngayon, eh. Pasensya na, hindi kita matutulungan sa pagbabalat ng saging." Ngumuso siya at umaktong nalulungkot. Natawa ako sa kanyang itsura. "Ayos lang. Kaya ko na 'to!" "Uuwi na ako. Kailangan ko pang magpaganda." aniya at nagpaalam na. Bumeso pa siya sa akin bago tuluyang lumabas ng pinto. Nagtatrabaho siya sa isang mall, malapit lang din dito sa amin. Sinilip ko si Bridgette sa pamamagitan nang paghawi ng kurtina. Maliit lang naman ang inuupahan kong bahay sa halagang dalawang libo kada buwan. Kumpara kasi sa dati naming tinitirhan ni Brix ay may sariling kwarto at medyo malaki. Gustuhin ko mang mag-stay doon ay hindi ko kakayanin ang bayad sa upa dahil may kamahalan din. Madalas ay dumaraan ako doon para makibalita. May binilinan rin ako na kapitbahay ko roon na ituro ang bago naming tinitirhan kay Brix kung sakaling magpunta ito doon. Sinimulan ko na ang pagbabalat ng saging at ang iba naman ay binalot ko sa lumpia wrapper. Nang matapos ay nagluto ako ng itlog at tuyo para naman sa almusal namin ni Bridgette. Saktong nakatimpla na ako ng gatas niya nang magising siya. "Good morning po, mama!" namamaos ang kanyang boses at pupungas-pungas pa ang kanyang mga mata. Nilapitan ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi. "Good morning, anak! Almusal na tayo." aya ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at iginiya na sa maliit naming mesa. Matapos kumain ay ginayak ko na siya para sa pagpasok siya sa day care. Saling pusa lang naman siya doon. Maganda kasi na nandoon muna siya habang naglilinis ako ng bahay at naglalaba. Malapit lang naman iyon dito sa bahay namin at tatlong oras lang naman ang kanyang klase. NAGING abala ang mga tao sa mansyon ng mga Buenavista. Talagang engrande ang gagawing party. Nakapalibot ang mga naggagandahang bulaklak sa hawakan ng hakdan at gayon din sa paligid. "Ang bongga naman pala ng party na 'to, Aling Imelda?" tanong ko sa matanda habang tumutulong sa pagbabalat ng patatas. "Oo, iha. Tuwang-tuwa kasi si Don Ismael, dahil babalik na dito ang kanyang anak." kwento niya sa akin. "Bakit saan po ba ang anak niya?" usisa ko. "Di' ba nga lumayas? Tapos natagpuan nila sa ospital sa ibang bansa, coma at hindi maganda ang lagay." Na-shock ako sa narinig. "Grabe pala ang nangyari. Buti magaling na siya?" "Oo magaling na. Pero wala raw maalala. Biruin mo halos limang taon siyang naroon sa ibang bansa para lang magpagaling. Tapos nang magising siya ay wala ng maalala. Sinabi ng doktor sa kanila doon na dalhin dito sa Pilipinas para bumalik ang ala-ala niya." "Ayy, gan'on ba?" tangi kong nasabi at napaisip. Paano kung ganoon rin pala ang nangyari kay Brix? Naaksidente o baka nagkasakit... tapos hindi na rin ako maalala kaya hindi pa siya nakakabalik. Pinilig ko ang aking ulo upang mawala sa isip ko ang aking nobyo. Umaasa ako na maayos siya kung saan man siya ngayon. Pagod na pagod kaming lahat ng nasa kusina. Marami kasing niluto kaya maraming rekado ang binalatan at hiniwa namin. Nag-ayos kami ng itsura bago lumabas muli at pumuntang kusina. Kaming tatlo nina Merly at Shaina ang nakatalagang magse-serve sa labas. "Parating na sila! Mag-ready na kayo!" anunsyo ng mayordoma na si Manang Cora. Tumayo ako ng tuwid at pinasadahan ng aking kamay ang suot kong uniporme na pinahiram pa sa akin ni Shaina. Mabuti na lang ay magkasing-katawan kami kaya nagkasya ito sa akin. Isa-isa kaming humilera sa bungad ng pinto. Napansin ko ang isa-isang pagdating ng kotse. Ang unang dumating ay kulay puti at bumaba roon sina Donya Carmen at Don Ismael. Sabay-sabay kaming bumati sa kanila na agad naman nilang sinuklian ng ngiti. Sa tagal ko dito sa mansyon bilang labandera ay alam kong mabait sila. Ganoon din naman ang kwento sa akin ng mga kasama kong kasambahay. Sa lahat ng nandito ay ako lang ang stay out. Ang sunod na dumating ay ang isang itim na kotse. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng makita ko ang kotse na iyon at isiping ang anak na ng aking amo ang naroon sa loob. Huminga ako ng malalim at pilit pinaalis ang kaba na namuo sa aking dibdib. Bumukas na ang pinto at dahan-dahang bumaba ang lalaki. Matangkad, gwapo at pamilyar na pamilyar sa akin ang mukhang iyon. Nanginig ang aking tuhod at buong katawan nang ma-proseso ko sa aking utak ang lalaking dahan-dahan na lumalapit sa kanila. It was him! My boyfriend, Brix!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
140.9K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
94.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.3K
bc

The Sex Web

read
149.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook