Chapter 4 - SHORT STORY

1971 Words
"What?" gulat na tanong ni Brix. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakalapit na sa kanya si Bridgette at niyakap ang kanyang mga binti. Umiling-iling ako sa kanya. Puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata at yumuko upang tingnan si Bridgette na ngayon ay nakatingala na sa kanya. Lumapit ako sa kanila at binuhat si Bridgette. "Tara na, anak. Magluluto pa si mama ng paninda natin mamaya." sabi ko sa kanya sa nababasag na boses. Lumunok ako para mawala ang bara sa aking lalamunan. "Di ba siya si Papa?" tanong niya nang mabuhat ko siya. Nilingon ko si Brix na nakatitig lang kay Bridgette. "Hindi, anak." tanggi ko. "Bakit parehas sila ng mukha sa picture?" tanong niya pa. Hindi ko na siya sinagot at naglakad na palayo kay Brix. Hindi na rin ako nagpaalam pa sa kanya. "Mama ayaw ba sa akin ni Papa?" malungkot na tanong ni Bridgette nang makalayo na kami kay Brix. Hindi ako lumilingon sa aking likuran kung nakasunod ba siya o hindi. Ang dasal ko lang ay sana 'wag na siyang sumunod pa. Parang hindi magandang idea na pumayag ako na tulungan siyang makabalik ang alaala niya. Ngayon ay nagkita pa sila ni Bridgette. Nasasaktan ako para sa aking anak. Ang isipin niyang ayaw sa kanya ng sarili niyang ama ay nagpapadurog sa aking puso. "No, baby. I know Papa loves you." alo ko sa kanya nang nagsimula na siyang humikbi. Binawi ko rin ang sinabi ko kanina na hindi niya Papa si Brix. "Bakit hindi siya happy nang makita niya ako?" Dapat ko bang ipaalam sa kanya ang sitwasyon ng papa niya? Na may amnesia ang papa niya at hindi niya ako maalala. Hindi ako tinantanan ng mga tanong ni Bridgette hanggang sa makarating kami ng bahay. Binihisan ko siya ng damit pambahay at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagbabalot ng saging kanina. "Mama?" malambing niyang tawag. "Kailan ulit darating si papa?" Tumingin ako sa kanya. Alam kong sabik siya sa pagmamahal ng isang ama. Pero hindi ko pwedeng biglain si Brix. Ako nga hindi niya maalala. Paano pa kaya kung sabihin ko sa kanya na anak niya nga si Bridgette. Saka may girlfriend siya. Ayokong masaktan ang aking anak sa bandang huli. "Gusto ka niya. May problema lang si Papa." "Ano po problema niya? 'Di ba po family tayo? Sabi ni teacher dapat daw ang family nagtutulungan pag may problema." Kung minsan talaa ay nagugulat na lang ako sa mga sinasabi niya. Limang taon lang siya pero ang isip niya'y parang sa matanda na. "Opo. Pero iba kasi ang problema ni Papa. At hindi p'wede malaman ng bata, ha? Kaya kung sakaling pumunta siya dito 'wag mo muna siyang kukulitin. Okay?" "Opo, mama! Sana bumalik ulit siya dito para mag-play kami." Naging masigla na siya at hindi na nangulit pa. Habang nagluluto ay hindi mawala sa isip ko si Brix. Ang reaksyon niya nang makita niya si Bridgette at nang tawagin siya nitong papa. Alam kong magulo pa sa kanya ang lahat kaya ayoko siyang i-pressure. Gusto kong bumalik na ang ala-ala niya para naman makasama na namin siya ng kanyang anak. O kahit ang anak man lang niya dahil alam kong may girlfriend na siya. Dalawang araw na ang nakalipas pero walang anino ni Brix ang dumating sa bahay namin. Halos oras-oras ay nagtatanong si Bridgette sa akin at hinahanap siya. Kung minsan naman ay nakaabang siya sa labas ng pinto. Bukas ay araw ng linggo. Araw rin ng paglalabada ko sa mansyon nila. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan kung sakaling makasalubong ko siya. Gabi na at hindi ako matahimik. Ilang beses na rin akong tumayo at uminum ng tubig. Hindi ako makatulog. Tiningnan ko si Bridgette na mahimbing na natutulog at nagpasyang lumabas muna para magpahangin. Napatalon ako sa gulat ng makita ko si Brix- nakatayo sa labas ng aming pinto. Naka-itim siyang jacket at sumbrero. "Anong ginagawa mo dito?" bulong ko sa kanya. Gulat na gulat pa rin ako nang makita ko siya dito sa labas ng bahay namin. Nilingon ko ang nakahigang si Bridgette upang tingnan kung nagising ito. "Checking on you." Matapang ko siyang hinarap. "Ha? Ayos lang kami dito, Brix." "And I just want to talk to you." Tinitigan ko siya at gayon din siya sa akin. "Ano'ng pag-uusapan natin? "Tell me the whole story. At anak ko ba talaga siya?" turo niya sa natutulog naming anak. "Sa labas tayo. Ayokong makita ka niya oras na magising siya." "What? Why?" kunot-noo niyang tanong. "Ayoko siyang masaktan, Brix. Kung hindi mo rin naman siya tatanggapin sa dulo, mas mabuting 'wag ka ng magpakita ulit sa kanya. Ayokong makita na nasasaktan ang anak ko." mahaba kong salaysay at sinarado na ang pinto. Nauna akong maglakad sa kanya upang umupo sa kawayan na upuan dito sa labas ng bahay namin. Naupo ako at gayon din siya. "Saan mo gustong magsimula?" tanong ko nang hindi siya nililingon. Dinig ko ang pagbuga niya ng hangin na para bang hirap na hirap. "Anak ko ba talaga si Bridgette?" una niyang tanong. Tumango ako. "What happened?" Nilingon ko siya at huminga ng malalim. "Boyfriend na kita noong umalis ka dito sa Pilipinas. At buntis na rin ako noon ng hindi mo alam. Hindi ko sinabi sayo na buntis ako dahil kilala kita. Hindi mo itutuloy ang pag-alis mo dahil mas gugustuhin mo na makasama ako at masubaybayan ang pagbubuntis ko. Pangarap mo na iyon na makapunta sa ibang bansa. Marami tayong pangarap na gusto mong matupad. Una na doon ay ang makapag-abroad ka para mas malaki ang kitain na pera. Pero isang buwan ka pa lang doon ay hindi ka na nagparamdam. Walang text o tawag akong natanggap galing sayo. Noong una ay ayos lang dahil ang iniisip ko noon ay wala ka pang cellphone at baka wala kang nahiraman. Pero lumipas na ang dalawang buwan, tatlo, hanggang sa umabot na ng taon." mahaba kong kwento. Nagsimula ng tumulo ang aking luha nang muli kong maalala ang mga paghihirap ko noon para lang makibalita sa kanya. Pero wala talaga. "Halos mabaliw ako noon sa kakaisip sayo kung kumusta ka na. Hindi ako makatulog. At hanggang sa nanganak ako. Wala ka pa ring paramdam. Araw-araw ay nagdarasal ako na sana ay makauwi ka ng ligtas. Lumipat ako ng bahay dahil hindi ko na kayang bayaran ang dati nating bahay noon. Mag-isa kong tinaguyod si Bridgette. Naging ama at ina ako sa kanya." Tuluyan na akong napahikbi. Tahimik lang siya sa aking tabi at mataman akong pinakikinggan. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. "I'm sorry." sabi niya. Umiling ako sa kanya. "Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang nangyari sayo. Hindi mo ginusto ang maaksidente at mawalan ng alaala." wika ko at tiningnan siya. Kita ko sa mga mata niya ang pangingilid ng kanyang luha. Alam kong hindi niya ako maalala sa kanyang isipan pero alam kong naaalala ako ng puso niya. "Noong unang kita ko sayo sa mansyon ay may kakaiba na akong naramdaman para sayo. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kita at makalapit sayo. Pero nang malaman ko na kilala mo ako ay inisip kong baka dahil 'yon doon kaya ganoon ang nararamdaman ko. Pero nang pumunta ako sayo dito at nang makita ko si Bridgette. I know in my heart na hindi lang simpleng pagtibok ng puso iyon. Ikaw ang sinisigaw ng puso ko, Kahit hindi kita maalala. Kilalang-kilala ka ng puso ko. Sayo lang tumitibok ito ng ganito kabilis." Nagulat ako sa sinabi niya. Tinapat niya pa ang kamay ko sa kanyang dibdib at ramdam ko ang bilis ng pagtibok niyon. "Brix..." Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "Cha, I know na kahit hindi kita maalala ikaw pa rin ang mamahalin ng puso ko. Ikaw ang nagmamay-ari nito at wala ng iba pa. So, please, don't think that I won't accept you by telling the truth. I deserve to know. Marami akong gustong malaman tungkol sa pagkatao ko kaya nagdesisyon akong umuwi dito sa Pilipinas. Nararamdaman ko na may kulang at hindi ko alam kung ano 'yon. Pero ngayon ay alam ko na. At ikaw 'yon.. kayong dalawa ng anak natin." malambing niyang sabi. Nanatiling magkahinang ang aming mga mata. Mapungay na ang kanya at punong-puno ng emosyon. "You will accept me again?" tanong niyang nakikiusap. Masyado ng napuno ng emosyon ang aking puso. Halo-halo iyon at hindi ko na alam kung magiging tama ba na tatanggapin ko siya. "May.. g-girlfriend ka 'di ba?" kandautal kong tanong sa kanya. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at umangat ang gilid ng kanyang labi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang mag-init ang pisngi ko. "Narinig kasi kita...-" "Babe is not my girlfriend. That's her name and she's only my friend." Mabilis akong lumingon sa kanya. Ang mga kutsilyong bumaon sa aking puso noong marinig ko iyon ay naglaho ng parang bula. Nakahinga ako ng maluwag. "Akala ko...-" Pinutol niya ang sasabihin ko nang itapat niya ang kanyang daliri sa aking labi. "Paano ako magkaka-girlfriend kung may babaeng gumugulo lagi sa panaginip ko? At paano ako mgkaka-girlfriend kung may sakit ako?" "Panaginip?" "Yes. Simula nang magising ako galing sa coma, lagi akong nananaginip ng isang babae. Malabo ang imahe niya kaya hindi ko siya makilala. And now I know that it was you. I'm sure of that. I'll ask you again, Cha... Will you accept me?" Ulit niyang tanong. Sobra-sobra ng impormasyon ang aking narinig mula sa kanya. Bumuhos na ang luha sa aking mga mata dahil sa sobrang saya na aking nadarama. Tumango ako, "Don't just nod. I want to hear your voice, Cha." aniya. "Oo." marahan kong sinabi. Huminga siya ng malalim nang marinig niya ang sagot ko. Pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kanya at kinulong sa kanyang bisig. Umiyak lang ang ginawa ko habang nakakulong ang katawan ko sa katawan niya. Parang ibinuhos ko ang lahat ngayon ng kinimkim ko na pagdadalamhati noong nawala siya. Pero gumaan ang aking dibdib. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya hinayaan mawala sa akin ng tuluyan si Brix. Ibinalik niya sa akin ng ligtas ang mahal ko. Nagpumilit na matulog si Brix dito sa bahay namin. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong siya pa rin naman ang mananalo. Just like old Brix. Wala talaga siyang pinagbago kahit na may amnesia siya. Nakahiga na kami sa aming kama ni Bridgette. Maliit na kutson lang naman ang higaan namin kaya naman pinagkasya niya ang kanyang katawan doon. Nasa gitna namin si Bridgette na ngayon ay tinititigan niya. "Siguradong matutuwa siya 'pag nagising siyang katabi ka." Nakangiti kong sabi. "Hinihintay ka niya kahapon at kanina. At lagi ka rin niya tinatanong sa akin. Ang sabi niya pa, 'pag pumasyal ka raw ulit dito makikipag-play daw siya sayo." kwento ko. "Marami kang iku-kwento sa akin simula noong pinagbuntis mo siya. I want to make up to her for the five years I was not by her side and didn't spend time with her. And to you, also." sambit niya at tumingala sa akin. Umiling ako sa kanya. "'Wag mong i-pressure ang sarili mo. Naiintindihan kita at alam kong maiintindihan ka ni Bridgette. Mabait siyang bata at maunawain. I'm sure she'll understand and love you." "Just like her mom. Loving and understanding." Puri niya. "And you too. Akala ko itatanggi mo kami kapag sinabi ko ang totoo sayo. Kaya hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob sa una nating pagkikita." "I'll never do that." matigas niyang sabi. Nginitian ko siya at gayon din naman siya sa akin. Inabot niya ako ng kanyang yakap at marahan na hinaplos ang aking braso. "Goodnight, Cha! Sleep tight now." sabi niya nang ipikit ko ang aking mga mata. Nagdasal ako bago tuluyang hilahin ng antok. Sana lang ay hindi ito isang panaginip lang. Kung sakaling panaginip man ito. Sana'y 'wag na akong magising
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD