Chapter 3 - SHORT STORY

1648 Words
Hindi ako makatulog. Alas dose na nang hatinggabi pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Hindi ko na nakita pa si Brix nang umalis ako. Marahil ay nasa kwarto niya na siya at nagpapahinga. Mahimbing na natutulog sa tabi ko si Bridgette. Sa pamamagitan niya'y nakikita ko ang mukha ng kanyang ama. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang kanyang anak? Makakaramdam kaya siya ng lukso ng dugo na tinatawag? Kahit na ala-una na ako ng madaling araw nakatulog ay maaga pa rin ako nagising kinabukasan. Wala akong trabaho sa mansyon ngayon kaya naman abala ako sa paggawa ng ititinda ko na meryenda. Samantala si Bridgette naman ay hinatid ko na sa day care center. Abala ako sa pagbabalot ng saging sa wrapper nang may kumatok sa pinto ng munti naming bahay. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon. Marahil ay isa lang sa mga kapit bahay ko. "Good morning!" nakangiting mukha ni Brix ang bumungad sa akin sa pinto nang buksan ko iyon. Sandaling huminto ang paligid ko at lumakas ang t***k ng puso ko. "Hey!" tawag niya sa pagkatulala ko. Natauhan ako at biglang nakaramdam ng pagkataranta. "S-Sir? Ano pong gi-ginagawa niyo dito?" kandautal kong tanong. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na makita siya. Samantalang ito naman ang gusto ko at dasal ko noon pa na umuwi siya. Hindi ko lang talaga akalain na uuwi siya dito sa Pinas na wala naman maalala. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako sa sitwasyon na ito. "Hindi kasi kita nakita sa mansyon." sagot niya habang nililibot ang mata sa loob ng aking bahay. Maliit lang naman ito hindi gaya sa kanila na malawak at mamahalin ang mga gamit. Ni wala nga kaming t.v dito. Ang tanging appliances ko lang ay ang electricfan na binili ko pa sa repair shop. "Ahmm. Sa linggo pa po ako papasok doon para maglaba. Nag-extra lang naman po ako kahapon kasi kulang sila sa tao para mag-serve sa mga bisita." Kumunot ang noo niya nang makatapos akong magsalita. Galit ba siya? "Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya. Nagulat ako doon at nakaramdam ng hiya. Niluwagan ko ang bukas ng pinto at pumwesto sa gilid nito upang makadaan siya. Nang makapasok siya'y kaagad kong binigay ang upuan. "Umupo ka po, Sir. Pasensya na po at mainit dito sa bahay namin." Nahihiya kong sabi. Kinuha naman niya ang upuan na inabot ko sa kanya. Mabuti na lang at naka V neck shirt lang siya na kulay puti. "Mag-isa ka lang dito?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon. "Meron po akong kasama." "Cut the 'po'. I'm sure na magkasing-edad lang tayo o mas matanda lang ako ng ilang taon." "Ikaw pa rin kasi ang amo ko. Kabastusan naman kung hindi ako mag-po sayo." "Nah. I'm not your boss. Si Dad at Tita lang ang boss mo, but not me." katwiran niya, Hindi na ako nakipagtalo pa. Nawalan lang siya ng alaala pero nandoon pa rin ang ugali niya na hindi magpapatalo. Kapag gusto niya ay gusto niya na iyon ang masusunod. "Ano po.... I mean... Ano 'yong sadya mo dito Sir?" alanganin kong tanong. "Tinanggal mo 'yong 'po' pero may 'Sir' pa rin. Tss!" sambit niya. Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin sa pangalan niya. Parang may nakabarang malaking bato sa aking lalamunan. "I just want to know kung saan mo ako nakilala at paano?" "Sa palengke tayo noon nagkakilala, Sir.... este... B-Brix." hirap na hirap akong bigkasin ang pangalan niya. Dati ang tawag ko sa kanya ay mahal at siya naman sa akin ay love. Pero ngayon ay parang hindi ko na alam kung paano ko muling itatawag iyon sa kanya. O kung magbabalik pa ba siya sa amin kapag nakaalala na siya. "Palengke? What am I doing there?" nagtataka niyang tanong. "Hindi mo ba talaga maalala?" "I should've not been asking you right now if I remember anything. But, I don't remember anything right now. Even if my childhood memories." malungkot niyang sabi. Desperado siyang maalala ang lahat at kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata. "Would you mind to help me to remember anything? Since you said that we know each other before. And what's your name again?" Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Nanlambot bigla ang tuhod ko. "Please..." he pleaded. Hindi ko siya natanggihan at wala sa sariling tumango. Siguro ay ayos na rin ang gagawin ko para mabilis siyang makaalala at nang sa gayon ay maalala niya na rin ako. "Yes!" sigaw niya dahil sa sobrang saya. Tipid akong ngumiti sa kanya dahil sa nakikitang saya sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko tuloy ay espesyal ako sa kanya dahil sinadya niya pa ako rito para lang humingi ng tulong sa akin para makaalala siya. Napansin ko ang pagdungaw niya sa likod ko at nilingon ko rin iyon. "Charity ang pangalan ko. Pero Cha na lang." pakilala ko. "Okay, nice name! What are you doing?" sulyap niya sa likuran ko. "Ah.. nagbabalot ng saging sa wrapper tapos piprituhin para sa paninda ko mamaya." sabi ko sa saging na tinutukoy niya. Tumango-tango siya pero nakatitig pa rin doon sa saging. Umupo akong muli kaharap sa mesa at pinagpatuloy ang aking ginagawa habang nanunuod siya. Napatalon ako sa gulat nang lumapit siya sa akin. "Is this your business?" "Oo. Kailangan ko kasing kumita para pang-upa dito sa bahay at sa iba pang gastusin. Sa gabi nagtitinda naman ako ng balot." kwento ko sa kanya. "Ang dami mo namang ginagawa. Hindi ka ba napapagod?" "Napapagod, syempre. Pero kailangan, eh!" kibit balikat kong sagot. "By the way, itutuloy ko na ang pagtatanong sayo. Paano tayo nagkita sa palengke na sinasabi mo?" Sandali akong huminto sa paglalagay ng saging sa wapper at tiningnan siya. "Bata pa tayo n'on. Nagtitinda ka ng mga sibuyas, bawang at iba pang pang-rekado sa palengke. Samantalang ako nagtitinda naman ng meryenda gaya nito." kwento ko at itinuro ang ginagawa kong pang-turon. "Really?!" hindi makapaniwala niyang tanong. "Oo. Simula noon naging magkaibigan tayo. Hanggang sa lumaki tayong dalawa ay magkasama pa rin tayo. Ikaw ang naging kasama ko noon sa buhay nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa kanilang sakit." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinalaysay ko sa kanya. Na-miss ko tuloy sina Mama at Papa. "Ohh, I'm sorry for your loss. Kilala ba ako ng parents mo?" "Oo naman. Close nga kayo ni Papa. Dahil sa nag-iisa akong anak ay tinuring ka na rin nilang parang tunay na anak. Sabik si papa sa anak na lalaki kaya naman naging close kayong dalawa." Pagpapatuloy ko sa aking kwento. "E, 'di ba anak ako ni Dad? How come na napunta ako sa palengke at sa inyo?" nagtataka niyang tanong. "Hindi ko rin alam dahil wala ka naman na-ikwento sa akin noon. Pero ang sabi sa akin ni Aling Imelda naglayas ka raw noon sa mansyon niyo noong sampung taong gulang ka pa lang dahil ayaw mo sa bagong asawa ng iyong daddy." "So, hindi nila ako hinanap?" "Ewan ko. Basta ang kwento sa ibang bansa ka na nila nakita." kibit balikat kong sagot. Iyon lang naman ang impormasyon na alam ko tungkol sa kanya. Maski nga ako ay hindi alam na galing pala siya sa mayamang pamilya. "Cha!" tawag mula sa labas. Alam kong si Teresa iyon kaya agad akong tumayo at lumapit sa pinto. "Cha-... ayy may bisita ka?!" tili niya nang makita niya si Brix. "Ahmm. O-Oo.. anak ng amo ko." alanganin kong sagot. Ngumisi siya ng mapang-asar sa akin. "Bakit mo ako tinatawag?" tinaasan ko siya ng kilay. "Gaga ka! Anong oras na?" tanong niya sabay hampas sa braso ko. Tumingin ako sa aking orasan. Gan'on na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang oras. Alas nuebe na at labasan na ni Bridgette sa day care. "Oh my, God!" taranta kong sabi. Napansin ko ang pagtayo ni Brix at nataranta na rin. "Why? What's happening?!" taranta niyang tanong. "Kasi 'yong anak niya nakalimutan niyang sunduin sa day care." Si Teresa na ang sumagot sa kanya. Kinuha ko ang payong at tumingin sa kanya. "Pasensya na kailangan ko ng sunduin 'yong anak ko." Paalam ko sa kanya. Tulala pa rin siya sa akin. Pero nang makalabas na ako ay sumunod siya sa akin. "I'll go with you." Nagulat ako sa sinabi niya maging si Teresa ay gulat din na nakatingin sa kanya. "Hindi na, Brix. Baka hinahanap ka na sa mansyon." tanggi ko. Hindi pa ako ready na makita niya si Bridgette. Kilala siya ng aking anak bilang kanyang ama. Luma man ang litrato na kanyang pinakita sa anak ay hindi naman nagbago ang itsura ni Brix. Lumaki lang ang kanyang katawan pero hindi naman nagbago ang kanyang mukha. "I'll go with you. I insist. Malaki na ako at hindi nila ako hahanapin sa ilang oras ko na pagkawala." Wala na akong oras na pigilan siya. OA man ang pagkataranta ko pero ganito talaga ako 'pag dating kay Bridgette. Ayokong nahuhuli ako sa pagsundo sa kanya. Naglakad lang kami patungo sa day care dahil nasa pangalawang kanto lang naman ito mula sa amin. Nakasunod lang sa akin si Brix, samantalang umuwi na si Teresa sa kanila. Natanaw ko na ang day care at tanaw ko na rin ang aking anak na naka-upo sa isang bench. Nang makita niya ako'y lumiwanag ang kanyang mga mata at lumaki ang ngiti sa kanyang labi. "Mama!" tili niya at sinalubong ako ng yakap. "Sorry, baby. Nainip ka ba?" "Hindi po. Nag-play po kami kanina ng mga classmates ko, eh!" "Mabait ka ba kay teacher?" "Opo!" sabi niya. Lumingon siya sa aking likuran at naaala kong kasama ko pala si Brix. "Papa?" Mariin akong pumikit nang bigkasin ni Bridgette ang salitang papa. Maliit ang boses ng aking anak pero sakto lang iyon para marinig ni Brix na malapit lang sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD