Chapter 2 - Short Story

922 Words
Tulala ako at sinusundan lang siya ng tingin. Dumapo ang mga mata niya sa akin pero wala akong makitang kahit anumang ekspresyon sa kanyang mga mata. Blanko ang kanyang emosyon. Kung hindi pa ako siniko ni Merly ay hindi pa ako matatauhan. Sabay-sabay din silang bumati gaya ng ginawa namin kanina kina Don. Pero ako... nanatiling nakatitig sa kanya. Nakalampas na siya sa akin pero ako ay nakasunod lang ng tingin sa kanya at hindi pa rin makapaniwala. Sunod-sunod na nagdagsaan ang mga tanong sa aking utak. At naalala ko ngang may amnesia pala siya at hindi makaalala. "Cha, tara na sa kusina." Napatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Merly. "H-Ha? ...ahmm... sige susunod na ako." taranta kong sabi sa kanila. Muli kong sinulyapan ang sala kung saan sila naroon at naabutan kong nakatingin rin siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at naglakad na diretso sa kusina. "Ayos ka lang ba, Cha?" nag-aalalang tanong ni Shaina nang makapasok ako sa kusina. "O-Oo.. naman." kandautal kong sagot. Iniwasan ko rin siya ng tingin. "Namumutla ka kasi. Para kang nakakita ng multo." dagdag niya pa. 'Oo nakakita nga ako ng multo. Ang nobyo ko lang naman na limang taon ko ng hinihintay.' sigaw ng isip ko. Nanghihina pa rin ako at hindi makapaniwala. Kaya pala sa limang taon na nawala siya'y hindi niya man lang ako kinontak ay dahil naaksidente siya. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata dahil sa isiping hindi niya rin ako maalala. Naalala ko ang titig niya sa akin kanina na walang mababakas na kahit anumang emosyon. Paano ko siya ipapakilala sa aking anak kung ganoon ang kalagayan niya? "Cha, pakidala na ang ulam sa mesa!" tawag sa akin ni Aling Imelda. Tumalima ako at lumapit sa kanya. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Kailangan kong ayusin ang trabahong ito. Ayokong mapahiya kung magkakamali ako. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad palabas ng kusina. Mula dito ay tanaw ko na silang naka-upo sa mahabang mesa na nakalatag sa dining. Punong-puno iyon ng pagkain at bulaklak. Katabi ni Don Ismael si Brix na kinakausap naman ng isang ginang na ang alam ko'y kapatid ni Don. Halos lahat yata ng kamag-anak nila ay narito na. Lahat sila ay isinisigaw ang karangyaan. Noon pa man ay nakitaan ko na si Brix ng kakaibang features sa kanya. Makinis ang kanyang balat at ang mukha'y parang banyaga. Sa pagkaaalam ko'y banyaga ang napayapa niyang ina. Twelve years old siya noon nang makilala ko siya sa palengke. Nagtitinda siya ng mga rekado na nakalagay sa bilao. Pero ibang-iba na siya ngayon. Mula ulo hanggang paa, isinisigaw na mayaman siya. Na malayo ang agwat namin sa isa't isa. Laking pasalamat ko na hindi ako nadapa habang naglalakad. Nakahinga ako ng maluwag nang ilapag ko ang ulam sa harap nila. Nakatingin ako kay Brix habang inaangat ko ang aking kamay palayo sa mesa. Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kanya, kaya naman nag-angat rin siya ng tingin at saktong nagtama ang aming mga mata. Tulad nang kanina ay walang emosyon niya akong tiningnan. "Yes?" taas kilay niyang tanong. Nilihis ko ang tingin sa kanya at humingi ng pasensya. "S-Sorry." sambit ko at nagmamadali nang pumasok sa loob ng kusina upang kunin ang iba pang putahe na kailangang ilabas. Kailangan kong mag-focus sa trabaho. Gabi na nang matapos ang kasiyahan. Alas onse na ng gabi at nagmamadali na akong maglinis para makauwi na. Tiyak na hinahanap na ako ni Bridgette. Hindi pa naman natutulog iyon nang wala ako. Dito ako sa garden itinilagang maglinis kung saan pa may mas pinakamaraming kalat. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang makarinig ako ng yabag sa aking likuran at tinig ng isang lalaki. Hindi ko siya nilingon kahit pa alam kong nasa malapit lang siya sa akin. Pinagpatuloy ko ang aking paglilinis habang hindi sinasadyang naririnig ko ang pagsasalita niya. "I'm okay here, babe. You don't need to worry." aniya sa malambing na boses. Parang sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang dibdib ko sa narinig. Babe? Ibig sabihin may girlfriend siya sa ibang bansa? Girlfriend niya na ba ito n'ong nakakaalala pa siya o ngayon na wala na siyang maalala? Nanginginig ang mga kamay ko habang nagwawalis. Ang mga luha ko'y kusang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi ko na kayang marinig ang anumang sasabihin niya pa sa kanyang kausap. Tumayo ako ng tuwid at nakayuko ang ulong dumaan sa likod niya. Pasimple kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. "Okay, goodnight!" dinig kong sambit niya sa kanyang kausap. "Wait! Hey!" Natigilan ako nang tawagin niya ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "B-Bakit po... S-Sir?" hirap na hirap kong tanong. "Kilala mo ba ako?" tanong niya sa akin na kinagulat ko. Kunot ang kanyang noon at salubong ang makakapal niyang kilay na nagdedepina sa kulay brown niyang mga mata. Mga matang ako lang ang dati nitong nakikita. At ang mga matang pinaka-paborito ko sa kanyang mukha. Malakas ang kalabog ng aking dibdib. Litong-lito ako kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kung sasabihin ko ba ang totoo. Maniniwala kaya siya sa akin? Sa huli ay tumango ako. "I knew it!" sambit niya. "Paano mo ako nakilala? At saan?" sunod-sunod niyang tanong. Tinitigan ko siya na para bang sa pamamagitan niyon ay maaalala niya ako. Pero nag-iwas siya ng tingin sa akin na para bang napaso siya sa titig ko. "Ahmm...-" "Nevermind! Go back to your work." aniya at tinalikuran na ako. Ilang minuto akong natulala sa kawalan. Iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD