Chapter 6

3430 Words
THIRD PERSON'S POV Kilala si Rhaiven bilang isang dakilang playboy. Everyweek paiba-iba sya ng babae at para bang hindi buo ang araw nya pagwala syang babae na kasama kapag bored. Maski mga kaibigan ay nakasanayan na rin ang ganitong setup. Minsan pa nga nagpapagandahan sila ng babae. Lahat na yata ng babaeng naglalaway sa kanila ay pinapatulan nila. "Kuya!" tawag sa kanya ng kapatid na si Rhaivee na papalapit sa tambayan nilang magbabarkada. Isa-isa silang may kandong na mga babae at halos higad kung umakto ang babaeng kasama nila. Kahit pa man nandidiri si Rhaivee sa nadatnan nyang eksena ay wala na itong nagawa pa. Nasusuka sya pero kailangan nya ng tulong mula sa kanyang kuya na busy na naman sa babae. Sanay naman sya na ganyan ang kapatid pero hanggang ngayon 'di nya maiwasan ang mandiri. Kung sino-sino kasing babae ang kasama nya. "What the hell are you doing here?" Nakataas-kilay na tanong agad ni Rhaiven nang makita ang rebulto ng kapatid. Napacross arms naman si Rhaivee at tinaasan ng kilay ang kapatid. Namomoblema kasi sya sa isang subject at gagawa pa sila ng essay about sa discussion nila kanina. Nagkasabay-sabay na kaya naman kailangan nya ng tulong sa ngayon. At nagbabakasakali syang papayag ang kapatid nya dahil malaking tulong 'yun sa kanya kung sakali. "I need your help, Kuya, kaya sumama ka sa'kin." Imbes na sumama ang binata ay nagmatigas ito at tinignan ng nakataas-kilay ang nakababatang kapatid. "At bakit naman ako sasama sa'yo? Sino may sabi?" "Ako bakit, angal ka?!" Matapang na singhal ng babae. Bahagya naman napailing si Ranz sa katapangang pinapakita sa kanya ng kapatid. "Nextime nalang can't you see I'm business with my business here," wika nito at napabuga nalang ng hangin. Nasanay na ang mga kaibigan nito na magkasagutan silang magkapatid sa harapan nila. "Yes you're busy sa pambababae kuya. Kuya hindi ka ba nagsasawa, " pandidiring mungkahi ni Rhaivee. "Buhay ko na 'to kaya hindi mo ko masisisi. So, please don't disturb me, sa iba ka na humingi ng tulong, " usal nito at inamoy ang buhok ng babaeng nakakandong sa kanya. "Sa'yo ko gustong humingi ng tulong kuya," naiiritang wika ng babae at nagpapadyak sa sahig na animo'y isang bata. "Rhaivee, huwag ka ngang makulit. Umalis ka nga dito," pagtataboy nya sa kanyant kapatid. "Mga pare, huwag nyong pansinin 'yan ganyan talaga 'yan walang magawa sa buhay." Hindi na napigilan ni Luis na sumabat sa usapan ng magkapatid."Pre, pagbigyan mo na 'yang kapatid mo minsan na nga lang humingi ng tulong sa'yo e." "Why would I? 'Di ba nya nakikita na busy ako sa darling ko, 'di ba honey?" At tumango naman ang babae na halos makita na ang kaluluwa nito. "Rhaivee, pagpasensyahan mo 'tong kuya mo, nagugutom e, hayaan mong magpakabusog sa mga babae nya," asar ni Ken at nagsitawanan naman ang mga kasama nito maliban kay Ranz na walang reaksyon sa kanyang mukha. "Gago, huwag mo nga 'yang sabihin sa kapatid ko, 'di mo ba nakikita bata 'yan tas babae pa," naiiritang tugon nito at nagpeacesign naman ang kaibigan nya. "At ikaw naman little sister, umalis ka na, okay? Don't you dare disturb me! Alis na," at pilit pinagtataboy ang kapatid nito na halos 'di na maipinta ang mukha sa pagkakabusangot. "Ah ganoon, ayaw mo, ha?" Inilabas ni Rhaivee ang selpon nito sa bulsa at idenial. Tinawagan nito ang sekretarya ng ina upang magsumbong. "Hoy! Anong ginagawa mo?!" Naiinis na pagtataas ng boses ni Rhaiven sa kanya. "Mind your own business," inirapan nya ang kuya at nanatili naman nakataas-kilay na pinagmamasdan ni Rhaiven ang kapatid na busy sa pagpindot sa selpon nya. "Hello Ate Steph," tawag nito sa sekretarya ng kanilang ina." Nandyaan po ba si MOMMY!" Sinadya nitong idiin ang pagkakabigkas noon at nilakas nya pa upang marinig ng nagmamatigas na kapatid. "f**k Rhaivee!" Napatayo na agad si Rhaiven at patakbong kinuha mismo sa kapatid ang hawak nitong selpon. Hindi nya kailangang iblackmail sya nito. Bakit 'di nya naisip na malakas pala ang bunso nitong kapatid sa ina. "Give me back my phone, ano ba!" Sigaw na ng babae habang nakataas kilay na nakatingin sa kapatid na bahagyang initaas sa ere ang selpon nito. "What do you think your doing, huh? Really, magsusumbong ka kay Mommy? Wow, nice blackmail, Rhaivee." "Ano naman sa'yo, 'di ba nga ayaw mo kong tulungan? Pwes, si Mommy magpapapayag sa'yo and before that, she need to know what you're really doing at this moment." Pananakot ni Rhaivee. "Tss. Kahit kailan talaga sumbungera ka." "Mainis ka lang at si Mommy ang makakalaban mo. Ngayon, payag ka ng tulungan ako?" "Oo na, taena mo," at tumayo na ang binata at narinig nalang nya na nagtawanan ang mga kaibigan."Hon, I need to go, okay? Go back to your classroom now," tugon nya sa babae at umalis sa pagkakandong nito sa kanya. Hinalikan muna nito at tinahak na ang daan paalis sa pwesto nila. "Wala ka pala, takot ka pala sa kapatid mo," asar ni Chris sa kanya at nagsitawanan ang mga kasama nito. Natawa naman ang babae sa mukha ng kuya nito. Kinatatakutan talaga nito ang ina nila kaya everytime na 'di nya mapapayag ay idadahilan nya ito. Wala naman magawa ang binata kundi sumunod nalang. Mommy nila 'yun at lahat ng sasabihin ay dapat masunod at kung hindi may kalalagyan talaga sya. "Si Mommy lang pala katapat mo e." "Rhaivee, stop it, pasalamat ka gumana 'yang utak mo at naisipan mong iblackmail ako gamit si Mommy." Singhal ng binata. "Bakit ba parang ang bigat sa'yong tulungan ako? Kapatid mo ko kaya imbes na sa mga babae ka mag-effort dapat sa'kin, " dinuro nya pa ng bahagya ang kanyang sarili. Napasinghal si Rhaiven at napailing ng ilang beses."At sino ka para sinuswerte? At pag ikaw bibigyan ko ng effort dapat bayaran mo ko' di 'yun libre." "Whatever." Umirap pa ang dalaga. Naisipan ni Rhaiven na bilhan muna ng makakain ang kapatid upang 'di ito maburyo habang ginagawa ang mga requirements nya. Dumaan sila sa canteen at laking tuwa nalang ng babae sa ginawa ng kuya nito. "Ayan, imbes na ako ang ilibre mo dahil ako ang inistorbo mo, ikaw pa 'tong nabuhusan ng biyaya," bahagyang napailing ang binata. "Kuya naman, parang eto lang isusumbat mo pa kung tawagan ko kaya si Mommy at huwag kang bigyan ng allowance, huh?" Nakangising suhestiyon nito at natawa ng malakas. Pumunta sila sa may garden na kung saan may mga upuan at lamesa doon na pwedeng magreview ang mga estudyante. Umupo sila at nagsimula ng ibigay ni Rhaivee ang mga works nyang 'di nya pa tapos. At hindi na pa nagpaligoy-ligoy pa si Rhaiven at sinimulan na lang nya ito upang matapos na agad. Ibinaling nalang din ni Rhaivee ang pansin sa lecture nya dahil mamaya may quiz pa sila. "Bro, ang ganda talaga ni Rhaivee, no? Para syang anghel na bumaba galing langit." Bulungan ng grupo ng kalalakihan sa tabi nila. "Oo nga, ang kinis ng balat nya saka amoy na amoy ang pabango nya." Komento naman noong isa. "Ang sarap nyang titigan at napakasexy ang katawan nya, bro." Dahil sa usapang iyong ng mga kalalakihan sa likuran ni Rhaiven ay tinignan nya ang kapatid na nakasuot ng blazer at hapit na hapit iyon sa hinaharap nito. Nakaramdam sya ng inis dahil parang binabastos ng mga gago ang kapatid nya. Hindi naman talaga makakaila na maganda ang kapatid nito na namana ata sa ina nila. "Rhaivee, palit nga tayo ng pwesto," wika nya sa kapatid na ikinagulat naman ng babae. "Bakit naman, kuya? Okay lang naman ako dito sa pwesto ko. Tinatamad akong tumayo," sagot ng babae. "Wala ng madaming tanong, Rhaivee, palit na tayo. Ilugay mo nga rin 'yang buhok mo, takpan mo 'yang dibdib mo ngayon din," utos nito at halata na sa boses nyang naiinis na sya. "Bakit ba, kuya? Ang wirdo mo naman, niregalo mo 'to sa'kin, ganda kaya nito. Saka mainit ngayon kaya ayokong maglugay ng buhok." Pagmamatigas ni Rhaivee. "Rhaivee, pinagnanaasan ka ng mga pakboy sa likod ko, okay? Kaya sumunod ka nalang, pwede?" Inayos ng binata ang mga gamit at pinapanood nya ang kapatid na inaalis ang pagkakatali sa buhok. Tinakpan nito ang dibdib gamit ang mahaba at manipis nitong buhok ayon sa utos ng binata. Tumayo sya at nakipagpalitan ng pwesto. Nang magpalit sila ng pwesto ay pinagdilatan ng binata ang mga kalalakihan na 'di malayo sa pwesto nila. Ang mga tingin kasi nila sa babae ay para bang naglalaway sila sa kagandahan nito. At iba ang dating noon kay Rhaiven kaya ganoon nalang nya pinag-ayos ng mabuti ang kapatid. "Oh, anong tinitingin-tingin nyo pa dyan? Alis! Manyakin nyo na lahat huwag lang ang kapatid ko," sigaw nya sa mga kalalakihan at natakot naman sila kaya naman nagsitayuan at tumakbo paalis. "Ikaw naman, " humarap sya kay Rhaivee." Sa school ka papasok at hindi sa barayos-ayusin mo nga ang pananamit mo." Wala ng nagawa si Rhaivee kundi tumango at sumunod sa gusto ng nakatatanda nitong kapatid. Minabuti nilang tapusin na lahat ng mga paperworks ni Rhaivee para hindi na sya nito kulitin pa. Hindi naman nahirapan si Rhaiven dahil kabisado nya pa ang mga pinag-aralan nila noong nasa highschool sila. Pagkatapos ng ilang discussion ay nagsilabasan na silang magbabarkada sa kanilang classroom. Nagyaya pa si Luis na pumunta sila sa bar pero umayaw sya dahil wala ito sa mood. Kaya naman mabilis syang nagpaalam sa mga kaibigan at umuwi na. Nakaramdam sya ng pagod kaya pagkauwi sa bahay ay dumiretso na sya sa kanyang kwarto. At laging gulat nya ng madatnan na sobrang linis ang kanyang kwarto. Napapaisip tuloy sya at hindi nya naiwasan ang matuwa. Walang paligoy-ligoy ay hinubad ang sapatos na suot at tinapon kung saan. Sa araw na ito ay hindi sila nagbangayan ng yaya nya sapagkat nawala sya sa wisyo. Huling kita nya rito ay noong kagabi na animo'y kesehodang kung maging overacting sa kanya. May parte sa kanyang natuwa sya sapagkat concern pala kahit papaano sa kanya ang dalaga. Pero nangingibabaw padin ang inis nito. Nagpagulong-gulong sya sa kama at sa kanyang paghinto nahagip ng kanyang mata ang litrato na kung saan napapatahimik sya. Litrato ng dati nyang yaya. Yaya Tessa ang pinakamamahal nyang yaya noon. Hindi nya lubos maisip na nawala iyon sa kanya ng ganoong kabilis. Hanggang ngayon sinisisi nya parin ang sarili. Pilit nyang kinakalimutan ang pagyayaring iyon sa buhay nya pero sa kulit ni Haila parang bumabalik ulit ang sakit ng kanyang nakaraan. Napabuntong-hininga sya saka inalis ang tingin doon. Bagkus ay ibinaling ang tingin sa kisame. Doon nya inalala ang mga pagkakataong masaya pa nya itong kasama. Na lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay natural pa at walang halong pagpapanggap tulad ngayon. HIndi sya ganoon kababaero noong araw pero dahil dala siguro ng pangyayaring iyon ay doon nya inubos ang kanyang oras. At paraan nya din 'yun noon upang makalimot sa sakit. Hanggang ngayon ay hindi nya parin tanggap ang katotohanang lumisan na ang yayang mas minahal nya kaysa sa mga magulang nya. Napapikit sya at pakiramdam nya bumibigat na naman ang kanyang dibdib sa alaala na bumabalik sa utak nya. "Kung hindi lang ako tarantado noon, sana kasama pa kita ngayon," malungkot na wika nya habang nakapikit at inaalala ang mukha ng may edad na babae. Pigil na pigil sya sa pag-iiyak. Ayaw nyang may pumatak na kahit isang butil ng luha nya sa pisngi nito. Nasasaktan sya. Nagsisisi. Nagdurusa. Nabalik sya sa wisyo nang may kumatok sa pintuan. Inayos nya ang sarili at pagkakahiga nya. Bumungad sa kanya ang mayordoma nila. "Sir, kakain na po, baba na po kayo kanina pa po kayo iniintay nina Sir Russel, " magalang na tugon ng matandang babae sa kanya. "Sige, susunod na ako, magbibihis lang ako," sagot nya at tanging tango na lamang ang naisagot ng mayordoma sa kanya saka isinara ang pintuan. Pero bago umalis sa pagkakahiga ay nagtaka sya kung bakit hindi si Haila ang tumawag sa kanya upang kumain. Iniiwasan ba sya nito? Nakaramdam sya ng konting inis dahil talaga naman na trabaho ng babae na tawagin syang kumain. Iyon palang ang unang beses na hindi sumulpot ang yaya nya. Napailing na lang sya saka tumayo na. Nagbihis na muna sya ng pambahay at inayos ang sarili. Pagkatapos ay bumaba na sya at nadatnan nya ang ama nito at kapatid na busy ng kumakain. "Oh, Ranz c'mon kain na tayo," anyaya sa kanya ng ama at hindi nalang nya ito sinagot at tahimik na naglakad paupo sa harap ng kanyang kapatid. "Goodevening, kuya," bati ni Rhaivee na ngiting-ngiti pero hindi nalang nya iyon pinansin at nilagyan ng kanin ang kanyang plato. Doon nya lang napansin na hindi gulay ang nakahain sa mesa kundi halos mga nakasanayan nyang kainin kaya naman natakam sya. "Kuya, you know what, perfect ko 'yung sinagutan mo kanina. Thank you pala sa tulong mo," masayang balita ni Rhaivee sa kanya at tinignan naman nya ito ng may ngiti. "Is that true? Tinulungan ka ng kuya mo?" Nagulat na tanong ng kanilang ama. "Yes daddy, blinackmail ko kasi sya gamit si Mommy, ayun no choice sya kanina!" Masayang pagkwekwento ng dalaga. "Tss." singhal nya sa kapatid. "Wow that's nice to hear Ranz, you're improving, huh?" natawa naman sya ng mahinhin. "Of course, Dad, contented and happy sa mga kafling nya," akto pa nito na nandidiro . "Ranz, kailan ka ba titigil dyan sa hobby mo? Hindi ka ba nagsasawa, halos araw-araw naman yata 'yan." Mungkahi ng kanilang ama at diretsong nakatingin kay Rhaiven. "Of course, Dad, I'm happy and enjoying saka stress relieve ko 'yun, " walang ganang sagot nya. "Flirting to girls? Stress reliever? Nice 'yang stress reliever mo, kuya, imported, " biro ni Rhaivee at umalingawngaw ang tawa nya sa kabuuan ng kusina. "You need to be serious now, Ranz, at that age dapat may iharap ka na sa'min na babae bilang nobya mo." Dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama ay nabilaukan ito at inabutan naman sya agad ng tubig ng isa sa mga yayang nandoon. Hindi nya alam kung maiinis sya or matatawa sa sinabing iyon ng ama. "Seryoso ka dyan, Dad?" "Mukha ba akong nagbibiro? Look, I think you are more attracted the way you wear any clothes and of course hindi ako naniniwala na wala ka pang napupusuhan na babae." Kumindat pa ang ama nito't sumilay ang ngisi sa mga labi. Narindi sya sa sinabi ng ama kaya napabuga ng hangin."Dad, wala pa ako sa stage na iyan e, huwag kang atat, okay? Magkakaapo ka naman akin, just relax." "That's not what I mean Ranz, sinasabi ko lang sa'yo is time na para magseryoso ka sa babae. Bakit wala ka pa bang nahahanap?" Paglilinaw nito. Natahimik si Ranz sa tanong ng ama? Wala pa nga ba? Para sa kanya kasi hindi pa sya handa sa ganoong bagay. Sometimes he feel he need a serious relationship lalo na binata na sya. Hindi nya maiwasan mainggit sa ibang lalaki na meron na at masaya na kasama ang babaeng kanilang minamahal. "Oh, baka naman kuya nahanap mo na kaso torpe ka lang talaga. Malay natin nandyan lang sya sa tabi-tabi." Asar nya kanyang kapatid at nakuha na nito ang ibig nyang sabihin. Natawa ang ama nila at nakitawa din nalang sya. "Dad, don't worry, dadating tayo sa bagay na 'yan not now but soon, just wait, okay?" Usal nalang nya at napayuko sa hiya. Ayaw na ayaw nya na pinag-uusapan nya ang bagay na iyon. Nagpatuloy nalang sila sa pagkain at nabalot ulit iyon ng katahimikan. Si Haila. Oo, 'yun ang alam nyang topiko sa kanya ng ama. Nararamdaman nyang tama ang nasa isip nya. Hindi naman nag-oopen up ng ganoon ang ama at ngayon lang nangyari ang usapan na ito. At doon nya lang napansin na wala pala sa dining area ang yaya nito. Ni anino nito ay hindi nya nakita. Nagtataka tuloy sya kung saan nagpunta ang babae. "Uhm, were is she?" Basag nya sa katahimikan kaya naman napatingin ang lahat sa kanya kasama ang mga kasambahay nila. "Who?" "Haila, where is she?" Pag-uulit nya at doon nya lang pinakiramdam ang sarili. Nagulat sya sa inasta nyang iyon. Bakit nya hinahanap ang babae?Doon nya binalingan ng tingin ang ama at kapatid nito na abot teinga ang ngiti. "What? bawal na bang magtanong?" Wika nya at nagpalipat ng tingin sa dalawa. He's sound cool at natawa naman ang mga kasama nya. "At bakit mo naman sya hinahanap, kuya? Are you inloved to her?" "No, I'm not," inis na sigaw nya sa kapatid. Sana hindi nalang nya tinanong ang bagay na iyon. "Relax, I'm just asking, kuya." "Inlab 'yan kaya nya hinahanap," bulong ng kanyang ama pero tanging sya lang ang hindi nakarinig dahil natawa ang kanyang kapatid. "What did you say, Dad?" "Sabi ko baka busy kaya wala sya dito. So, just finish your food nalang hahaha!" Napailing nalang sya at tinapos nalang ang pagkain. Nahhalfbath muna sya saka nagbihis. Pagkatapos ay nahiga sa kama nya at binuksan ang telebisyon. Habang nanonood ay hindi nya maiwasan isipin kung bakit hindi manlang nagparamdam ang babae sa kanya. Himala, tumahimik ang buhay nya kahit isang araw nya. Pero, bakit ganoon para bang naninibago sya? Natigilan sya sa pag-iisip at nakuha ng atensyon nya ang pintuan na may bahagyang kumatok dito. Nakaramdam sya ng tuwa dahil sa wakas makikita na nya ang babae. Siguuro dinalhan sya nito ng gatas dahil ganoon naman talaga ang routine nya. Naexcite sya dahil hindi sa namiss nya ito kundi para asarin na naman nya. 'Yun naman ang gagawin nya wala ng iba. At akala nya na ang babae ang magdadala ng gatas nya ay hindi pala. Bumungad sa kanya si yaya Erica na may hawak na baso ng gatas. Doon sya naghinang. Wala ba talagang balak magparamdam sa kanya ng babae. Wala tuloy syang maasar. "Goodeve, Sir, here's your milk," masiglang tugon iyon ng babae at dali dali inilapag iyon sa study table nya. Hindi naman nya ito pinakialaman pa at ibinaling nalang ang tingin sa telebisyon. Nakaramdam lang sya ng inis na hindi nya maintindihan. "Bakit ikaw ang nagdala nyan? Nasaan 'yung unggoy na yaya ko? I thought hindi mo 'yan trabaho, 'di ba? This is her job and not yours!" Singhal nya sa babae at napayuko ito sa hiya. "Uhm, Sir, may ginagawa kasi sya sa baba kaya ako na nagdala nyan sa'yo.." "Is that so? Konting oras lang naman ang gugugulin nya para dalhan nya ako ng gatas hindi nya pa magawa? Tss." Nanatiling walang imik ang kasambahay dahil sa takot. Sa aura kasi ng binata ay para syang tigreng galit na galit. "Tss. Tawagin mo nga sya," utos nito sa inis. At dalidali naman sumunod ang babae sa nais ng binata. Padabog syang tumayo upang inumin ang gatas na nakalapag sa study table nya. Natanong naman nya ang sarili kung bakit nga ba hindi nagpaparamdam sa kanya ang babae wala naman syang naalalang ginagawang kalokohan. Ni hindi na nga nito kinausap o inasar manlang buong maghapon. Nakaramdam talaga sya ng inis. Kung kailan kailangan nya ang babae doon naman hindi nagpaparamdam. Saka anong karapatan ng babae na hayaan sya nito kung trabaho namn nito na pagsilbihan sya. Bumukas ulit ang pinto ngunit ng inaasahn nyang ng babae na ang bubungad ay hindi parin kaya naman mas namuo ulit ang inis na nararamdaman nya. Salubong ang kanyang kilay na tinungo ang yaya. "Oh, bakit ikaw parin? 'Di ba sabi ko tawagin mo ang unggoy na 'yon? Bakit ikaw ang nandito?" "Uhm, Sir, pasensya na daw busy talaga sya e kasi----" "f**k that!" Pagmumura nya kaya naman nagsimula ng manginig sa takot ang babaeng kaharap nya. Basta ang ginawa na lamang nito ay yumuko at hinintay ang mga susunod na mangyayari. "Sige na, umalis ka na dito," saka nya inabot ang baso na pinaglagyan ng gatas at umalis ang babae. Padabog syang huminga ulit sa kanyang kama. Nandoon parin ang inis na kanyang nararamdaman. Ano ba kasi ang ginagawa ng babae? Hindi na ba talaga ito magpapakita manlang bago matapos ang gabi? Hindi nya maintindihan ang kanyang naramdaman. Bakit parang galit na galit syang hindi sumipot ang yaya nya. Hindi ba dapat matuwa sya kasi walang sumira ng araw nya? Dahil sa hindi pa sya dinadalaw ng antok ay minabuti nyang hintayin ang babae. Nakailang tingin sya sa pintuan at sa wall clock ng kanyang kwarto. Nagbabakasali syang papasok pa ang babae upang humingi ng paumanhin sa hindi nya pagsipot. Mahigit isang oras na syang naghihintay kaya hindi nya namalayang nakatulog sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD