RHAIVEN'S POV
Ang saya ko dahil sa wakas nakaganti na rin sa pangit na 'yun. Nakita ko kasi sya kanina na naglalakad papunta ata sa may gate at sakto naman na pabalik na ako sa school. I crab the opportunity para magantihan na sya. Akala nya maiisahan nya ako! Tss!
Patay sa'kin 'yun at kailangan ko pang mag-isip ng iba pang paraan para magantihan sya. Nakailang toothbrush ang ginawa ako dahil nalalasahan ko pa rin ang taenang lumpia. Pakiramdam ko kumain ako ng tae sa sobrang nakakadiri ang lasa.
Heto na naman ako, nakikinig sa mga discussion at masasabi kong lutang ako. Ewan ko pero natatawa na lang ako bigla kapag naaalala ko ang mukha ng babaeng 'yun kanina. Naranasan ko din sa wakas ang kaligayahan na nararamdaman nya kapag inaasar ako. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nakaganti ka.
Matapos ang discussion ay nagyaya ang mga kaibigan ko na pumunta ng bar. Sumama naman na ako tutal payag naman si daddy. Mamaya ko na sasabihin na pumunta ako ng bar. Dahil sa nakaramdam ako ng gutom ay nag order na ako ng sangkatutak na pagkain. Para bang may handaan sa dami ng inorder ko.
Nang mailapag na ang mga ito sa mesa namin ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsimulan nang lumamon. Gutom na gutom talaga ako. Gulat na gulat naman ang mga kasama ko sa inasta ko. Alak lang kasi ang order nila saka chips samantalang ako ang dami.
"Uy Rhaiven, dahan dahan ka nga sa pagsubo, baka mabulunan ka, " wika ni chris at tinapik ako sa aking balikat.
"Okay lang, pre," wika ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Kita mo 'tong taong 'to, parang 'dii kumain ng isang taon. Okay ka lang ba talaga?"
"Kaya nga. Hindi ka ba pinapakain ni Tito Russel, pre?" Asar ni Luis sa akin kaya binato ko sa kanya ang buto ng manok. Kakainis. Buti nga nakailag sya baka tumama 'yun sa noo nya.
"Kadiri ka, pre," wika nya. Nagsitawanan naman sila maliban sa akin. Busy ako sa paglamon saka kaiangan ko muna magpakabusog ngayon.
"So, what's wrong with you at ganyan ka ngayon? Nakakapagtaka lang ang mga inaasta mo ngayon , 'di ba guys?" Tugon ni Kenneth at nagsitanguan naman ang iba. Wirdo na kung wirdo basta gutom ako.
Nginuya ko muna ng mabuti ang pagkaing nasa bungang ko saka uminom ng tubig. Binaba ko ang kutsara na hawak ko at tinungo silang tatlo.
"Sinong 'di magugutom doon sa bahay na 'yun kung puro gulay nalang ang nakahain sa mesa. Tss! Feel ko tuloy papayat ako sa bagong patakaran doon sa bahay." Paliwanag ko sa kanila at nagtawanan naman sila.
"Pre, ano naman kasing problema dyan sa dila mo at ayaw mong kumain ng gulay. Look at you, ang payat mo at konti nalang talaga magiging skeleton ka na." Naghighfive pa sila ni Luis na tawang-tawa.
Napailing na lang ako. Sanay naman na ako na ganito magbiro ang mga kaibigan ko. Saka 'di naman ako pikon, minsan lang siguro.
"Oo nga, to be honest masarap ang gulay lalo na 'yung kalabasa. Wow! Kalabasa pampalinaw ng mata," ani Kenneth kaya lalong lumakas ang tawanan nila. Iba kasi ang ibig-sabihin noon sa kanila.
"Pampalinaw ng mata upang makakita ng magandang babaeng ikakama," hindi naman nagpatalo si Luis.
Nagtatawanan lamang sila sa mga kalokohan na naman na ginagawa nila. At heto ako, ipinagpapatuloy ang paglamon.
"Kayo talaga, puro babae laman ng utak nyo 'di na kayo nagsawa," malamig na tugon ko.
"Wow naman,pre. Ikaw ba 'yan, ha? Nilalagnat ka ba?" Inilagay pa nito ang likod ng kanyang palad sa leeg ko, sinisigurado kung may lagnat ba ako o wala dahil sa sinabj ko."Sino ba sa'tin ang naglalangoy sa sangdamakmak na babae, 'diba ikaw? Mga pre, 'di daw nagsasawa oh," mungkahi ni Chris. Puro tawanan sila at 'kala mo naman katapusan na ng mundo.
"Pre, ba't 'di mo takutin ang tigaluto nyo? As if naman di yun matatakot sa'yo, bentang-benta mga moves mo pag-usapang ganoon e," wika ni Luis at tinagay ang baso ng alak na hawak.
Sumagot naman ako."'Yun na nga ang problema, 'yung tagaluto ng ulam namin is 'yung bagong salta na yaya ko."
"Bagong yaya mo? Teka, oneweek na syang nandoon sa bahay nyo, 'di ba?" Nakahawak pa si Luis sa kanyang baba habang sinasabi 'yon. Mukhang sinisiguro nyang tama ang kanyang sinasabi.
Tumango ako bilang sagot. Oo, oneweek na ang taong 'yun sa bahay. At kung panaginip man ito sana gisingin nyo na ako dahil ayoko na talaga. Dahil sa sobrang inis ko doon, 'di ko namalayan na nagtagal sya sa bahay namin.
"Naks! Mukhang olats ka na ngayon ah. Sya lang ata 'yung yaya mo na nagtagal for the first time. Dati-dati halfday pa lang suko na sila sa'yo," suhestiyon ni Chris na muntik pang mabulunan dahilan para matawa kami.
"Alam nyo ba, isang salita nya lang nakukuha na nya sina Daddy, what for kung makauwi na si Mommy, edi matik na ako," namomoblemang tugon ko.
"Nasaan na mga moves mo, pre, wala na ba? Hindi ba umubra sa babaeng 'yun kaya sya nagtagal sa'yo?"
"Nakatyamba lang 'yun, tyaka hanggang one week lang 'yun as if naman na payag akong tumagal pa 'yun sa bahay. Tss." Komento ko.
"Alam mo, ang susi lang naman dyan para matigil 'yang paghihirap mo ay tanggapin mo ang reyalidad na sa ganyang edad mo kailangan ka pang bigyan ng yaya," asar ni Kenneth sa akin at bahagya nya pa akong dinuro.
"You know what, pre, para kang bata na kailangan bantayan kahit saan ka pumunta."
Napailing ako sa sinabi nyang 'yon ni Chris."'Di kayo nakakatulong, imbes na icheerup nyo ko lalo nyo lang ako dinedepress. Tss."
Nagtawanan naman sila sa sinabi ko. Totoo naman kasi depress na depress na nga ako sa taong bundok na 'yun dinepress pa nila ako lalo.
"Maganda ba sya, pre?" Tanong ni Chris kaya naman nabilaukan ako. Kaagad na inabutan ako ni Kenneth ng tubig at aking itong ininom.
"Tss. Anong maganda doon, ang itim na nga 'kala mo nga pinaglihi sa uling e," paglalarawan ko sa yaya ko.
"Grabe ka naman magsalita," usal ni Kenneth na hindi natuwa sa sinabi ko.
"Bakit, totoo naman, kahit sinong lalaki aayawan 'yun. Wala naman kainte-interesado sa taong 'yun. I swear," itinaas ko pa ang kanan kong kamay.
"Sinasabi mo lang 'yan kasi kaaway mo, kasi naiinis ka sa kanya," depensa naman ni Luis kaya napatingin ako sa kanya.
"Tss." Singhal ko.
"The more you hate the more you love," hirit ni Kenneth kaya nakaramdam ako ng inis. Gusto ko nga syang suntukin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nasa harapan kami ng pagkain.
"f**k! Walang ganyanan, Kenneth. Never akong magkakagusto doon. Kahit sya nalang ang natitirang babae dito sa mundo, hinding-hindi ako maiinlove doon." Depensa ko.
"Oh, ba't ka ganyan magreact, pre? Sinabi ko lang naman ang kasabihang 'yun, ah." Sambit nya't narinig ko ang pagtawa nya.
Nagulat ako sa sinabing iyon ni Ken. Oo nga no bat ako nagreact agad ng ganoon? Aba! Malay ko bang para sa'kin ang katagang 'yun na binitawan nya.
"Tss. Pakyu." Ipinakita ko sa kanya ang middle finger ko.
Nagkunyari syang zinipper ang bibig nya. Hindi na ako sumali sa usapan nila at kumain na lamang ako. Mamaya sa bahay gulay na namam ang nakahain kaya bubusugin ko na ang sarili ko ngayon.
Pagkatapos ang inuman at lamunan sa bar kasama ang mga kaibigan ko ay umuwi na ako tutal kumagat na ang dilim. Pero, habang nasa byahe ay naramdaman ko ang pagkirot ng tyan ko. f**k! Eto na nga ba ang sinasabi ko.
HAILA'S POV
Ilang oras na ang nagdaan pero nandito pa din ang inis na aking nararamdaman. Karma ba ang tawag sa nangyari sa'kin kanina o sadya 'yun? Anong nakakatawa doon sa nangyari sa'kin? Napakasama talaga ng ugali ng lalaking 'yun.
Dahil sa sina Manang Selya ang nakatoka ngayon sa kusina ay nilinis ko ang kwarto ng aking alaga. Kahit kailan talaga parang bata 'yun sa sobrang burara. Lahat ng pinagkainan nya nasa ibabaw ng kama. Sana nga langgamin sya.
Masasabi kong mabango ang napakalaking kwarto nya pero sobrang g**o. Kung sabado lang ngayon baka minuminuto kong dapat ayusin ang mga gamit nya sa sobrang burara. Para syang 'di lalaki sa g**o ng mga gamit nya. Sayang 'tong laki ng kwarto nya 'di nya alam mag-ayos ng gamit.
Baka naman sinasadya nya lang maging burara para mahirapan ako? Minsan kasi maarte sya pero sobrang g**o ang kwarto pagdinalaw ng pagkaburara.
Pagkatapos ayusin ang kwarto ng alaga ko, pumunta naman ako sa silid na nabigay sa akin. Wala naman akong gagawin kaya papahinga muna ako. Lilinisin ko na din ang silid ko. Sa sobrang busy hindi na ako nakakawalis. Baka maalikabok na sa ilalim ng kama ko.
Tumunog ang selpon ko. Kaagad kong kinapa ang aking selpon na nakalagay sa bulsa ko. Sino naman kaya 'tong tumatawag? Sakto 'di ako busy pwede naman na gumamit ng selpon.
"Kuya!" Masiglang wika ko dahil natutuwa akong sa wakas tumawag na sya. Halos tatlong linggo na syang walang paramdam kaya iba ang saya ko ngayon.
"Lala, hinaan mo nga 'yang boses mo nakakarindi sa tinga e," reklamo ng kuya sa kabilang linya.
"Kuya naman e, namiss kita kaya pasensya na ," aniko. " Nga pala, ba't ngayon ka lang ulit tumawag? Akala ko tuloy patay ka na."
"Pinapatay mo na ako? Ikaw talaga, puro ka kalokohan e," sermon nito sa akin at nararamdaman ko ang inis sa boses nya."Balita ko may trabaho ka na ulit." Pag-iiba nya sa usapan.
"Oo, Kuya," masiglang wika ko.
"'Buti naman para makatulong ka din sa'kin pantustos sa gamutan ni lola. Kumusta naman 'yang alaga mong bata, malikot ba 'yan kagaya noong mga naunang bata na inalagaan mo?"
'Di ko alam pero natahimik agad ako sa sinabing 'yun ni Kuya. Sasabihin ko ba sa kanya na hindi bata ang alaga ko kundi binata. Baka ano isipin nya, abnoy pa naman siya.Hayss! Huwag na nga lang! Saka ko na sasabihin paghanda na ako.
"Naku kuya, ang salbahe ng alaga ko pero okay lang, medyo may pusong mamon din pagdinalaw ng kabaitan."
"'Buti naman at mahaba pasensya mo dyan baka sa sobrang salbahe nyan ay maisipan mong umuwi kaagad, " biro nya sa akin at tumawa na lang ako.
"Kuya talaga , kailangang habaan ang pasensya, eto ang trabaho na binigay sa'kin, alangan naman magreklamo ako 'di ba?"
"Sabagay, nga pala bago ko makalimutan ang sadya ko dahil dyan sa kadaldalan mo, ikaw muna ang magpadala ng pera kay lola," sinabi na nya ang sadya ng kanyang pagtawag.
"Bakit ako kuya?" Reklamo ko naman kaagad. Hindi ko inaasahan na sasabihin nya 'yon.
"Lala, kakapadala ko kay lola noong isang linggo. 'Yung kalahati ang pinadala ko tapos 'yung natira ginastos ko para sa pangangailangan ko dito. Ikaw muna ang magpadala sa ngayon." Pagpapaliwanag nya pero hindi ko maiwasan ang tumutol.
"Kuya, oneweek pa lang ako dito sa trabaho ko, alangan naman na mag-advance agad ako? Nakakahiya kaya, " depensa ko at nagpapadyak sa inis.
"Mas lalo na ako baka isipin nila masyado akong dehado. Kaya ikaw na muna ang magpadala sa kanya, parang awa mo na. Sa susunod na dalawang buwan ako ang magpapadala, pangako 'yan." Sambit nya na pilit pinapaintindi ang problemabg kinakaharap namin.
"Kuya naman."
"Lala, please lang ,kailangan ni lola ng gamot, hindi pwede na 'di sya uminom noon," depensa nya.
Hindi ko sya sinagot.
"Sige na, sa ibang araw na tayo mag-usap, kailangan ko nang ibaba 'tong telepono nasa trabaho kasi ako. Ingat ka dyan.Bye." Pagpapaalam nya sa akin at pinatay na nya ang tawag.
"Hi, Ate pwede pumasok?" Ang kaninang lutang na isip ko ay nabalik sa wisyo nang marinig ang magandang boses ni Maam Rhaivee.
Umayos agad ako at ibinalik agad agad ang cp sa bulsa ko.Baka isipin nya porket nandito ako sa kwarto ko ay pwede na akong gumamit ng selpon.
"Maam, tuloy ka po, " anyaya ko sa kanya at inalok na umupo sa kama ko na bahagya ko naman na inayos. Nakakahiya, baka sabihin nyang dugyot akong babae. Umupo nga sya doon at iniligpit ko ang ilang kalat na nasa lamesa ko.
"Pasensya na kung naabutan nyong makalat 'tong kwarto,naglilinis po kasi ako, Maam." Paghingi ko ng pasensya at kinamot ang ulo sa hiya.
Sumagot naman sya."No, it's okay, Ate."
Tumango na lang ako at hindi alam kung ano ang mga susunod kong sasabihin. Napatingin ako sa kanya noong muli syang magsalita. "You know what, Ate, napapahanga mo talaga ako."
Nagtaka naman ako sa sinabi nya kaya umarko pataas ang kilay ko."Huh? Saan naman po, Maam?"
"For being my brother's maid. Youu're really amazing, aren't you?" Sagot nya at nakangiting nakatingin sa akin.
"Maam, kailangan po kasi trabaho ko pong alagaan ang kuya nyo," nahihiyang usal ko.
Tumango sya." I got it. My question is paano mo napapasunod si Kuya ng ganoon? I mean ba't ang dali lang sa'yo na itrato sya ng ganoon? Hindi ka ba natatakot sa kanya, Ate? You must remember, you don't know him yet baka oneday maabutan ka namin ni Daddy na puro pasa na ang mukha mo." Pag-aalala ni Rhaivee sa akin.
"Sana nga po hindi." Saka ako tumawa ng bahagya."Sa totoo lang po, nagtatapang-tapangan lang naman ako para 'di nya isipin na kailangan ko syang katakutan. Kasi, pagpinapakita ko lang na takot ako mas lalo syang gagawa ng kalokohan."
"Ibang klase ka talaga, Ate. Si kuya kasi ang klase ng tao na sobrang bilis mapikon. Barahan mo lang maiinis na, irapan mo lang ang sensitive na. But you know what, mabait sya." Mahinahong wika nya na para bang ipinagmamayabang nya sa akin na may good side ang Kuya nya.
Mabait? Ang salitang 'yun ata ang hindi ko pa nakita sa alaga ko. Kung sa kanya mabait ang monster na yun sa akin hindi. Napakasalbahe nya kaya.
"Mabait?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Mukhang nakuha nya ang ibig-sabihin ng pagtatanong ko."Oo nga pala, hindi mo sya nakikita bilang mabait kasi masama nya sa'yo. To be honest, I'm really lucky to have a brother like him. Yeah, playboy sya but ayaw nya akong pinagtritripan ng mga lalaki. Hindi nga ako nagkakaboyfriend kasi takot ang mga manliligaw ko sa kanya." Pagkwekwento nya sa akin.
Sumagot naman ako."Kahit sino namang yatang Kuya sa mundo magiging concern sa mga babaeng kapatid nila e. Pero, ang sweet pala nya sayo, Maam." Puno ng paghanga sa boses ko.
"Yeah, he's sweet but not always, minsan kasi dinadalaw ng kademonyohan 'yun. Kasamaan din ang dahilan kung bakit nagsasawa agad ang mga yaya na kinukuha nina Daddy sa kanya." Dagdag pa nito.
Naging interesado ako bigla kaya naisipan kong magtanong."Ilang yaya na po ba ang kinuha nila para sa kanya?"
"Madami na, sa sobrang dami hindi na nga namin mabilang. Lahat na ata ng agency nakapagrequest na sina daddy para ikuha sya but still walang nagtagal."
Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Anong klase ng droga naman kaya ang nahithit ng taong 'yun at ganoon sya kasama. "As in po walang nagtatagal ni isa?"
"Meron." Tipid na sagot nya.
"Sino naman po 'yun?" Tanong ko. Punong kuryosidad sa utak ko ngayon at nais makakuha kahit konting sagot manlang.
"Yaya Tessa, 'yun ang pinakamatagal sa lahat since bagong kasal pa lang nina daddy, naninilbihan na 'yun dito. Kumbaga 'yun ang kinalakihan ni Kuya na yaya nya." Pagkwekwento nito na nasa malayo ang kanyang tingin.
Hindi kaya 'yun ang yaya na kasama nya sa litrato? 'Yun pala ang pinakamatagal ah.Wow! Pero nasaan na ang yaya na 'yun?
"Maam nasaan na po ang Yaya Tessa na 'yun?" Nagtatakang tanong ko. Naguguluhan ako sa mga nalaman ko. Pilit ko silang pinagkokonekta para tuluyang masagot ang mga katanungan sa utak ko.
Dahil sa tanong kong iyon ay napatingin sya sa akin na para bang nagulat. Nagtama ang aming tingin at nababasa ko sa kanyang mukha na gusto nyang iiwas ang usapan na 'yun..
Napalunok ako. Masama ba ang tanong kong iyon? Tinanong ko lang naman kung nasaan ang Yaya Tessa na 'yon. Bakit ayaw nya akong sagutin?
"Hindi ko po ba dapat tinanong 'yun?" Kagat-labi pa ako sa hiya. Bigla akong nahiya sa tinanong ko. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko dahil sa katangahan.
Hindi nya ako sinagot bagkus ay tumayo na sya sa pagkakaupo. Nagkunot noo naman ako. Ang weird!
"I have to go, Ate, may tatapusin pa pala ako. Thanks for the time." Tuluyan na nya akong iniwan. Napatingin na lang ako sa pintuan na nilabasan nya.
Bakit? Anong meron sa yaya Tessa na 'yun? Nasaan ba kasi ang taong 'yun? Patay na ba? Iniwan nya kaya si Sir Rhaiven? Mas gumulo pa ata 'yun sa utak ko kaysa sa pera na kailangan kong ipadala.
Tinapos ko na ang paglilinis upang makapaghanda na ng hapunan. Kailangan kong tumulong sa pagluluto tutal tapos na din ako sa gawain ko. Hihintayin ko lang na makauwi ang alaga ko baka magpahanda kasi 'yun ng meryenda nya.
"Haila, 'yung alaga mo dumating na, ipaghanda mo na lang sya ng meryenda nya, huwag mo ng hintayin na sabihin nya," wika ng mayordoma at tumango naman ako.
Teka, umuwi na sya? Bakit 'di ko namalayan? Kaagad na ako naghanda, pizza at burger ngayon ang hinanda ko para naman 'di magalit 'yun. Nangangayayat na kasi sya at ewan ko kung pansin nina Sir Russel 'yun. Tignan mo nga naman ang taong di sanay kumain ng gulay. Kung gaano sya kapayat noong dumating ako mas pumayat pa sya.
Nang maihanda ko ang meryenda nya ay pumunta na ako sa itaas kung saan naroroon ang kanyang kwarto. Tiyak magugustuhan nya ngayon ang meryenda nya tutal hindi naman na lumpia.
Nakailang katok ako sa kwarto nya pero wala manlang ako narinig. Akala ko ba dumating na sya?Kaya naman 'di ko na hinintay pa na sumagot sya at binuksan ko na ang pintuan.
Bakit walang tao? Asan 'yun? Niloko ata ako ng mayordoma pero imposible naman. Nasaa na ba ang monster na 'yun? Nilapag ko muna ang tray na dal-dala ko sa study table nya at hinanap sya.
Alam kong nandito na sya dahil nakakalat na sa sahig ang bag nya. Kahit kailan talaga burara ang taong 'yun. Pinulot ko ang kanyang bag saka nilagay sa couch.
"Sir Rhaiven, dinalhan ko na po kayo ng meryenda. " Sigaw ko para siguradong maririnig nya kung nasaan man sya.
Walang sumagot. Asan ba 'yun? Mukhang pinagtritripan ako ng monster na 'yun ah. Tinignan ko sa ilalim ng kama pero wala sya. Pumunta din ako sa closet nya pero wala din sya doon
"Ang hirap talagang hanapin ang taong nagtatago. Naku Sir, may nalalaman pa kayong ganitong gimik, hindi po.. "
"Ack!" Rinig kong may dumuwal kaya kaagad akong nakaramdam ng kaba.
Rinig kong tinig sa 'di kalayuan. Teka, sumusuka ba 'yun? Hndi kaya si Sir Rhaiven 'yon? Dali-dali akong tumakbo papunta ng sa terrace ng kwarto nya.
At hindi nga ako nagkamali, nandito sya sa banyo at nakapwesto sya sa may lababo. Hala, anong nangyayari sa kanya? Nilapitan ko sya at hinagod hagod ang kanyang likod. Halos mapapikit pa ako ng sunod-sunod ang kanyang pagsuka.
"Ack!" Sunod-sunod nyang pagsuka.
Tuloy-tuloy pa din sya sa pagsuka at ganoon din ang paghagod ko sa likod nya. Kahit pa naman anong salbahe ng taong 'to concern pa din ako sa kanya. Yaya ako nito at baka ako maging suspek pagnamatay 'to.
"Sir, ano ba kasi kinain nyo at nagsusuka kayo ngayon ng ganito," 'di ko na napigilan ang magtanong. Nag-aalala na talaga ako sa kalagayan nya.
"Tinatanong mo kung anong kinain ko? Aba, ano pa nga ba, eddi yung pinagmamalaki mong lumpia mo!" Singhal nya sa akin at padabog na binawi ang braso nya na hawak ko.
"Ba't mo po sinisi ang lumpia ko? Nasa inyo na po 'yan kung madumi kamay nyo kaninang kumain kayo!" Depensa ko naman.
Tinignan nya ako ng masama."So, what do you mean, dugyot ako?"
"Siguro po kasi po 'yung kamay natin kung ano-ano hinahawakan kaya madaming germs na kumakapit. Minsan kasi huwag maging dugyot, Sir, okay?" Panenermon ko sa kanya.
"Talagang kasalanan ko pa ngayon? Sino bang nagluto ng letcheng lumpia, 'di ba ikaw? Kaya ikaw ang may kasalanan nito." Asik nya.
"Sir, for you information, dalawang beses ko pong hinugasan ang kamay ko bago ako nagluto. Kayo po umattack kanina 'di manlang kayo naghugas ng kamay. Kaya kayo ang may kasalanan." Dinuro ko pa sya ng bahagya kaya lalo syang nainis sa akin.
Narinig ko ang mahihina nyang pagmumura."Tss! Umalis ka na nga dito!" Pagtataboy nya sa'kin at tinapik ang kamay ko na humahagod ng likod nya.
"Ayoko nga Sir, baka mamaya magsuicide kayo dito." Pagmamatigas ko.
"What the?" Hindi makapaniwalang sambit nya.
"Sir, madaming tao ang gustong mabuhay huwag nyo naman tapusin ang buhay nyo dahil lang sa lumpia ko, Sir. Dinalhan ko naman kayo ng mas masarap na meryenda, hindi na po lumpia.Sir, huwag po kayo magsuicide, please," pagmamakaawa ko sa kanya at konti na lang ay lumuhod ako sa harapan nya.
"Ano ba! Sabing umalis ka eh!" Pagtataboy nyang pilit sa akin.
"Sir, sino na po magpapasweldo sa'kin kung magsuicide ka? Sir, parang awa mo naman," wika ko at hinahawakan sya ng mahigpit sa laylayan ng damit nya.
"Anong magpapakamatay na sinasabi mo dyan, ha? Hanggang ba sa pagtae babantayan mo 'ko?" Asik na ikinagulat ko.
Nagulat ako sa sagot nyang iyon. Napabitaw ako bigla sa damit nya sa hiya. Malay ko bang magpapakamatay sya 'dib ba? Bawal na ba maging overacting ngayon?
"Ganoon po ba, sorry, akala ko po kasi ano.." saka ako napakamot sa aking ulo dahil sa katangahang ginawa.
Inirapan nya ako."Nextime huwag kang maging overactinv ng ganyan, hindi bagay sa'yo," tinaboy nya pa ako at bago makasagot ay pinagsarhan na ako ng pinto.