Chapter 6.1

3112 Words
HAILA'S POV Ngayon na ang nakatakdang araw upang magpadala dapat ako ng pera ngunit walang-wala parin ako. Paano na hindi talaga pwedeng lumiban si lola na uminom ng gamot nya. Sa kakaisip ko sa problema kong ito ramdam kong kulang ako sa tulog. Sa katunayan kaya hindi ako nagparamdam sa alaga ko ay busy ako maghapon. At biglaan din na may pinagawa sa akin si Sir Russel, kaya ayun si Manang Erica na ang inutusan kong magdala ng gatas sa demonyong iyon. Pero, nahiya ako ng malaman ko na minura sya ng magaling kong alaga. Nagmura sya dahil daw hindi ako ang nagdala ng gatas nya. Anong nakakamura doon? Wala manlang sya konsiderasyon sa pagiging busy ko? Hindi ba dapat matuwa sya kasi hindi kami pinagtagpo ng tadhana para mag-away na parang aso't pusa? Minsan talaga hindi ko sya maintindihan. May oras na ayaw nya akong makita at may oras din na gustong-gusto nya. "Haila, pinuntahan mo na ba ang alaga mo?" Tanong ni Manang Erica at kasalukuyan kaming naglilinis dito sa swimming pool ng mansyon. "Hindi pa, mamaya nalang pagkatapos natin dito, Manang," wika ko. Buong usapan puro 'yung alaga ko ang topic namin. Hindi ata makagetover si Manang dabil puro bukambibig nya ang magaling kong alaga. "Bakit hindi mo pa pinuntahan? Naku, kung nakita mo lang sya kagabi para syang tigre na galit na galit." Aniya habang abala sa paglilinis sa swimming pool. "Manang, palaging parang byernes santo ang mukha noon e , 'di ka pa nasanay. Saka mainis lang sya wala akong pakialam, manigas sya doon.." Nanggigigil na wika ko dahil bigla ko nalang naalala ang mukha nyang walang kwenta sa utak ko. "Bakit, nag-away ba kayong dalawa?" "Kami? Magjowa ba kami para mag-away ng ganoon? Yuck nya!" "Oh, bakit nga?" "Ang totoo nyan, namomoblema ako sa pera e." "Pera?" "Oo, Manang, pero huwag kang mag-alala 'di naman ako mangungutang sa iyo alam kong may pamilya ding umaasa sa'yo." "Salamat naman at hindi ka mangungutang sa akin!" Napahawak sya sa kanyang dibdib na animo'y nakaligtas sa isang malaking trahedya."Ano bang problema at kailangan mo ng pera ngayon?" Tanong nya. "Wala kasing maipadalang pera ang kuya ko kasi syempre may pangangailangan naman sya doon. Si Lola nauubos na ang mga gamot nya hindi sya pwedeng lumiban sa pag-inom noon. Kaya nga nag-iisip na ako ng paraan." Wika ko at tumingin sa malayo. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha. Punyemas kasi bakit ngayon pa? Tumawag ako kay Criza ang sabi naman nya pati sya walang-wala rin. Gusto kong humingi ng tulong kay Dave kaso pinapangunahan ako ng hiya. Ayokong isipin nyang kaya ko sya kinaibigan ay para sa pera lang. "Malaking problema talaga 'yan at kaluusugan ng lola mo ang nakasalalay dyan. Uhm, ganito ang gawin mo, kausapin mo si Sir Russel na bigyan ka ng pera tiyak naman maiintindihan ka noon.." Suhestiyon ni Manang. Dahil sa sinabing iyon ni Manang ay napunta sa kanya ang tingin ko. Gustuhin ko mang gawin iyon nandoon talaga ang hiya na nararamdaman ko. Baka isipin ng mga kapwa ko kasambahay porket lagi akong pinupuri ni Sir Russel ganoon na lang kung makahingi ako ng pera. "Hindi ba't nakakahiya 'yun? Oneweek palang ako dito hihingi na agad ako ng pera? Jusmi hindi ko ata kakayanin 'yan." "Gagamitin mo naman 'yun para sa lola mo at hindi sa walang kwentang bagay e. Ano ka ba si Sir Russel lang 'yun na mabait at matulungin. Kilala na namin sya bilang matulungin, pagka may emergency, hindi kami nagdadalawang-isip humingi ng tulong doon kasi hindi ka nya bibiguin." "Baka may masabi 'yung napakademonyo nyang anak, alam mo naman ang bunganga noon," usal ko at bumuga ng hangin. Ano lalapitan ko ba si Sir Russel para malutas ang problema ko? "Huwag mo nga syang isipin, ang mahalaga mapadalhan mo ang lola mo. Ano naman kinalaman ng alaga mo, kung maganda sana ang kalooban noon, sya nalang sana hingan mo kaso hindi, malabong mangyari 'yan. Sa dami pa naman ng sungay noon." "Pag-iisipan ko 'yan, Manang" usal ko sa kanya. Nagpaalam na sya sa akin at naiwan ako rito para maglinis ng swimming pool. Bahagya naman akong natawa sa sinabing iyon ni Manang. Hindi ko nalang sya pinansin na pumasok sa kabahayan at ako naman ay naiwan dito na naglinis. Hindi mawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Manang. Malayong-malayo naman talaga ang ugali ni Sir Russel sa anak nya. Kung gaano kabait ang ama sya naman ikinademonyo ng anak Habang naglilinis, ramdam kong may taong lumapit sa pwesto ko. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka isa sa mga kasama kong kasambahay. Kaya itinuloy ko nalang ang paglilinis ng pool. Sa laki kasi ng pool nila talagang mahihirapan ako at matatagalan. "Bakit hindi ka nagparamdam sa akin kagabi?" Mababang tinig na dinig ko kaya naman para akong estatwang napatigil sa aking ginagawa. Hindi ako pwedeng magkamali, pamilyar ang boses na 'yan sa likod ko at alam kong sya iyon. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at pilit na ngiti ang isinuot ko sa aking mga labi. Bumungad sa akin ang lalaking nakataas ang isang kilay nito na nakacross arms pa. Halata itong bagong gising dahil medyo singkit ang dalawa nyang mata. Sabado pala ngayon kaya naman late na sya nagising. "Goodmorning, Sir!" Kunyaring bati ko sa kanya ngunit hindi manlang nya ako sinagot bagkus nakatingin lang sya sa akin ng diretso kaya naman nailang ako at tumingin sa ibang direksyon. "Where have you been last night? Bakit hindi ikaw ang nagdala ng gatas ko? Bakit hindi ka manlang nagpakita sa akin?" Sunod-sunod na tanong nya kaya naman napalunok ako. Seryoso ang kanyang mukha kaya naman kinabahan ako bigla. "Uhm sir kasi-----" hindi ko na pa natapos ang aking sasabihin ng magsalita sya ulit. "You are my maid, right? Bakit kahit kaonting effort para dalhin ang gatas ko hindi mo pa magawang ibigay sa akin?" "Sir, kasi nga po-----" "Ano, ipapaayos ko na ba ang mga gamit mo para lumayas ka na dito sa bahay namin? Alam mo ikaw, napakatamad mo," gigil na gigil nyang usal sa akin. "Sir, teka nga lang, pwedeng patapusin nyo muna ako? 'Di pa ako tapos mag-explain puro na kayo satsat dyan." Nakapameywang na singhal ko sa kanya dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay. "Ah, ganoon, sumasagot-sagot ka na ngayon? Wow ah, napakatapang mo namang taong bundok ka!" "Sir, kanina 'di ba tinanong nyo ako tapos ngayong sasagutin ko kayo ganyan na sinasabi nyo sa akin? Ano ba talaga, gusto nyo ba akong mag-explain o hindi?" "Whatever," usal nya at pinaikot nito ang mga mata. "Ang sabihin mo, suko ka na sa akin at hindi mo na kaya. Ano, mahirap na ba iyong sabihin, ha? C'mon, sabihin mo na para matawagan ko si Dad at kumuha ulit ng ibang yaya na magsasayang ng oras sa akin.." "Hoy, Sir," hindi ko na napigilan ang sarili ko na idinuro ang mukha nya. Inis na inis na ako sa mga pinagsasasabi nito sa harapan ko."Mawalang galang nga po, ano po ba 'yang mga sinasabi nyo? Anong tingin mo sa akin mapapalayas mo ako ng basta-basta dito? Psh! Para sabihin ko sa'yo, hindi," pagdidiin ko sa huling sinabi ko." Hindi ako aalis dito saka kaya hindi ako nagparamdam kagabi kasi natambakan ako ng gawain. At bakit mo minura si Manang Erica, ha? Wala ka ba talagang konsiderasyon sa akin? Aba, kung makautos ka naman kasi akala mo naman hindi kami napapagod! Akala mo naman kasi madali lang ang trabaho namin dito!" Depensa ko sa kanya kaya naman lalo lang nagdilim ang kanyang paningin sa akin. "Can you please shut up! Baka gusto mong tumama 'tong kamao ko dyan sa mukha mo? Ang yabang-yabang mo akala mo naman kung sino ka." Gumalaw pa ng bahagya ang kanyang panga sa inis. "Oh, bakit, takot ka bang matalo kita? Oo, babae ako pero malakas 'to hindi katulad mo na duwag!" sinadya ko talagang idiin ang salitang duwag upang mainis sya. "Anong sabi mo, ha?" Inis na usal nya kaya naman napaatras ako ngunit huli na ng mahawakan nya ang braso ko ng sobrang higpit. Bahagya ko pang nabitawan ang panlinis na hawak ko sa gulat. Habang paatras ako ng paatras ay humahakbang naman sya papalapit sa akin habang hawak nya ang braso ko. Pilit ko iyon na binabawi kaso hindi sapat ang lakas ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko ramdam ko na galit talaga sya. "Sir, bitawan nyo nga ako, nasasaktan ako," pagmamakaawa ko kaso nginisian lamang ako. "Oh, akala ko ba hindi ka duwag? Nasaan ang tapang mo ngayon, ha?" "Sir, ano ba, nasasaktan nga kasi ako." "Napakayabang mo kanina tapos ngayon para kang tuta dyan na nagmamakaawa. Tss, nakakatawa ka naman," pagmamayabang nya sa akin at bahagya pa syang natawa. Lalo nyang hinihigpitan ang paghawak ng braso ko sumagad na ata pati kuko nya. "Naku, Sir, pag ako nahulog dito, isinusumpa ko kakalbuhin talaga kita." Ramdam ko kasing isang hakbang nalang mahuhulog na ako sa swimming pool. Takte! Kakaligo ko lang tapos wala na akong pandamit yaya na susuotin pag ako nahulog. Tumingin naman sya sa likod ko pagkatapos ay nakangising tumingin sa akin. Alam ko na ang ibig-sabihin ng mga tingin na iyon kaya naman namilog agad ang mga mata ko. No way! Hindi ako pwedeng mabasa. "Sir hu-------" Naramdaman ko nalang na basang-basa na ako dahil sa pagkakatulak. Rinig ko naman ang walang kwentang pagtawa ang alaga ko na akala mo naman katapusan na ng mundo. Tinignan ko naman sya ng masama dahil sa kanyang ginawa. "Ano, firstime mo bang maligo sa pool? Sagarin mo na, unggoy, walang ganyan sa jungle," tawa nya na may pahawak hawak pa sya sa tyan. "Ang sama mo talaga!" Bulyaw ko sa kanya at binasa ngunit nakailag sya. Gigil na gigil talaga ako sa pagmumukha nya. "Bilisan mo dyan at naghihintay ang kotse ko doon na lilinisan mo," wika nya at tumalikod na sya. Habang papasok sa kabahayan naaninag ko pang kumaway sya sa ere at dinig ko ang pagtawa nyang nagpainis pa sa akin ng lalo. "Bwisit!" Pagmumura ko at umahon na. Padabog akong dumiretso sa likod bahay kung saan nakasampay ang mga tuwalya. Nakasalubong ko naman si Manang Erica at gulat na gulat nang makitang basang-basa ako. "Oh, anong nangyari sa'yo, bakit basang-basa ka? Sino gumawa nyan sa'yo?" Nag-aalalang tanong nya sa akin at nagmadaling lapitan ako. "Sino pa nga ba, Manang, syempre 'yung pinakademonyo sa lahat ng demonyo sa balat ng lupa," wika ko at inis na inis talaga ako. "Sige na, magpalit ka na, basang-basa ka o," hindi ko na pa sinagot si Manang at dumiretso na ko sa comfort room para sa aming mga maid. Nakakainis wala na akong susuotin na pandamit yaya, paano na? Wala akong nagawa kundi magcivilian na muna, okay naman daw e. Binilisan ko na ang pagbihis at pumunta sa garahe ng mansyon upang linisin ang kotse ng demonyo na 'yun. Nagmumura pa ako sa isip ko dahil sa inis Nabalik ang utak ko sa pera na dapat ipapadala ko. Maghahapon na walang wala padin akong nakukuha. Paano na 'to? Hindi ko pa napag-isipan ng mabuti kung lalapitan ko ba si Sir Russel. Talagang nahihiya ako e. Ayokong sabihin nya na mukhang pera ako kaya nagpapakitang gilas ako. Ewan ko gusto ko talagang umiyak e kaso pinipigilan ko baka makita pa ako ng alaga ko asarin na naman ako. Kung kinakailangan talagang puntahan ko si Sir Russel gagawin ko. Talagang kailangan ko munang pag-isipan ng mabuti. Nakakahiya naman kasi e oneweek palang ako dito tapos hihingi na ng pera agad. Kahit pa naman kinakailangan ko ng pera alam kong ilugar ang sarili ko. Bahala na. Napailing na lamang ako saka ibinalik sa wisyo ang sarili ko. Pag-isipan ko muna ng mabuti bago ko sya puntahan. Tama, pag-iisipan ko muna. Nang matapos kong punasan ang bintana ng kotse ay binuksan ko naman ito upang pagpagin ang mga upuan nito sa loob. Ibinaling ko ang aking atensyon sa buong loob ng kotse. Sobrang gara talaga parang ang sarap sumakay dito. Tutal tapos na lahat ng gawain ko itutulog ko muna dito kahit saglit lang. Bumaba muna ako saka iniligpit ang mga ginamit ko sa isang sulok. Pagkatapos ay bumalik ako sa loob saka puwesto na sa paghiga. Ang lambot ng upuan saka ang bango pa. Sakto kulang ako ng tulog, idlip na muna ako at 'di ko namalayan dinalaw na agad ako ng antok. RHAIVEN'S POV Sabado ngayon at talagang napakaboring. Wala na akong ginawa kundi mahiga dito at manood ng telebisyon. Ewan ganito naman lagi ako dito sa bahay pero naninibago parin ako. Niyaya ako nina Luis na lumabas kaso tinatamad ako saka hindi ko pa tapos ang mga assignment ko. May tatapusin pala akong ngayon nagkataon pang hindi ako nakabili ng materials kahapon. Pinatay ko na ang telebisyon saka tumayo at pumasok sa banyo. Naligo ako saka pagkatapos ay nagbihis na. Pero biglang pumasok sa isip ko si Haila. Natawa ako nang 'di ko manlang namamalayan. Akala mo naman kasi sino sya na sobrang tapang e. Nainis ako kanina 'di nya lang alam, hindi lang babae 'yun baka sinapak ko na eh. Oneweek na sya dito sa bahay wala pa akong nagagawa para umalis sya. Paaano ba naman kasi mahihibang ka sa kayabangan ng unggoy na 'yun. Kailangan ko na talaga syang mapaalis bago pa umuwi si Mommy. Ayokong mameet sya ni Mommy baka tulad ni Daddy makaclose nya din at tiyak wala akong takas. Malaking problema noon kung sakali. NAkakainis! Bakit ang unggoy pa ang nabigay sa akin na yaya. Mukha kasing mahihirapan ako. Pwes, kung hindi ka makausap sa santong usapan idadaan nalang natin sa santong paspasan. Hindi ko alam kung ilang minuto kong kinausap ang sarili ko sa bagay na 'yun. At namalayan ko na lamang ang sarili ko nakatapat sa full length mirror na tumatawa mag-isa. Naglagay ako ng pabango sa katawan ko saka muling humarap sa salamin at para bang engot ako na kumindat pa doon. Bumaba naman na ako saka nadatnan ko si Rhaivee na nanonood sa sala. "Hoy, Rhaivee, pakisabi kay Daddy aalis na muna ako, " wika ko ng naglalakad papalit sa kanya. At doon nya ako binigyan ng tingin, mula ulo hanggang paa nya ako tinignan na ipinagtaka ko naman. "Pormadong-pormado tayo ngayon, Kuya, saan ang punta?" Pang-aasar nya kaya naman napasighal ako at tumingin sa ibang direksyon. "Pakialam mo ba sa suot ko, sa gusto ko nito e." Singhal ko sa kanya."Basta pakisabi kay Daddy ah." "Siguro may date ka no, Kuya?" Biro nya kaya naman binigyan ko sya ng masamang tingin. "Bakit pag may kadate lang ba pwedeng magsuot ng ganito?" Taas-kilay na depensa ko. "Hindi naman, " umiling pa sya." Ang pormal mo kasi tignan, baka naman ikaw ang escort sa santakrusan." And she laughed so hard. Dahil sa biro nyang iyon hinagis ko sa kanya ang unan na kinuha ko sa may sofa. "Tss, engot, dyan ka na nga nakakabadtrip ka naman, " singhal ko at tinalikuran na sya. Narinig ko pa ang pagtawa nya kaya naman nainis pa ako lalo. "Kuya, pasalubong ko, ha, huwag mong kakalimutan. Thank you," pahabol nyang sigaw bago pa ako makalabas ng mansyon. Hindi ko na pa sya pinansin at nagderetso sa garahe. "Yaya, pakibuksan po 'yung gate aalis ako e," utos ko sa yayang nakasalubong ko kaya naman tumango na sya agad at sinunod ang utos ko. Naglakad ako papalapit sa kotse ko at doon ko lang napansin na kumikinang ito sa sobrang linis. Natawa na naman ako ng maisip ang unggoy na 'yun. Nasaan na kaya 'yun? Pumasok na ako doon saka inopen ang dvd player para 'di ako maboring sa byahe. Ikinabit ko ang aking seatbelt saka pinaandar ang makina ng kotse at umalis na. Mabilis akong nakarating sa bayan saka inalis ang seatbelt at pinatay ang music. "ZzzzzzzZZzz" Hilik ng taong natutulog 'yun ah? Pero imposible naman ata na guniguni ko &yun kasi ang lakas talaga. Parang galing dito sa loob ng sasakyan ko. Ibinaling ko muna ang tingin sa labas baka kasi galing 'yun sa labas namali lang ako ng dinig. Pero wala naman kaya ibinalik ko ang tingin sa kotse ko at chineck kung may tao sa likod. Namamalik mata ba ako o hindi? Anong ginagawa ng taong bundok na ito sa loob ng kotse ko? Paano sya napunta dito? Bakit hindi ko sya napansin kaninang sumakay ako? Dahil sa gulat wala akong nagawa kundi titigan sya at mainis sa kawalan. Bwisit! Ayoko pa namn na may makakita sa akin na may kasamang yaya. Lalo na tiyak madaming student din na kagaya ko na bibili din ng materials. Salubong ang dalawang kilay ko habang pinagmamasdan sya. Paano na ito? Taena, sa kulit pa naman ng unggoy na ito. Hindi ko namamalayan na dumilat sya kaya sa pagkabigla at lumayo ako ng konti. Namilog ang mga mata nya pagkakita sa akin. "Aaah!" Hiyaw nya kaya naman napatakip ako ng dalawa kong teinga. Nabingi ako sa tili nyang iyon. "Ano ba huwag ka ngang tumili dyan! Nakakarindi ka alam mo ba 'yun, ha?" singhal ko sa kanya saka sya inirapan. "Anong ginawa mo sa akin, Sir? Saklolo, tulungan nyo ko nirape ako!" Sigaw nya sa bintana kaya naman kaagad kong tinakpan ang bibig nya at isinara ang bintana. "What do you think you're doing, huh? Nirape? Ikaw? Tss, asa ka naman uy!" "Aba, bakit, Sir, hindi ba nakakaattract itong katawan ko?" "Hindi!" "Che!" singhal nya at nagcross sya at inirapan ako. Umayos naman ako ng upo at kinalma ang sarili. Ayolong tumingin sa mukha nya baka masapak ko sya ng wala sa oras. "Anong ginagawa mo dyan, ha? Oras ng trabaho nandito ka natutulog? Tamad ka talaga." "Tamad agad, Sir? Hindi ba pwedeng nagpahinga lang ako? Hfmpt!" "Nagpahinga, dito sa kotse ko? Ang kapal din ng mukha mo no." "Bakit ba, ikakasira ba ng kotse mo ang pagtulog ko dito, ha?" "Hindi pero ikakabaho nya lang lalo na sa mga katulad mong taong bundok." "Wow! Sir, ang bango mo naman grabe! Nahiya naman itong katawan ko na bagong ligo dahil tinulak mo ko sa swimming pool kanina.." "Kasalanan mo din lang naman, engot!" "Oh, bakit ako?" Dinuro ko ang aking sarili. "Sino ba nangtulak sa akin, 'di ba ikaw? At sino 'yung pikon kanina, ako ba, 'di ba ikaw din lang!" "Hindi ako pikon!" "Kung hindi ka pikon kanina bakit mo ko tinulak? Sige nga, bakit mo 'yun ginawa?" "Dahil alam kong walang swimming pool sa bundok kaya ako na mismo nagtulak sa'yo. Alam ko namang naglalaway ka doon e, 'di ba?" Palusot ko kahit ang totoo napikon ako kanina. Ayoko lang malaman nya na napikon ako dahil tiyak hahaba ang usapan namin inshort bangayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD