bc

Babysitter of A Playboy

book_age4+
1.2K
FOLLOW
8.3K
READ
love-triangle
friends to lovers
drama
tragedy
comedy
twisted
enimies to lovers
friendship
love at the first sight
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ranz Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy at anak mayaman na ubod ng katigasan ng ulo. Lahat ng bagay ay nagagawa nya dahilan para ikuha sya ng yaya upang magtino. Ngunit, hindi inakala ng kanyang mga magulang na hindi uubra ang plano na kanilang naisip na ikuha sya ng yaya. Isang araw, may babaeng muntik na nyang mabangga noong minsan ay inutusan sya ng kanyang ina na pumunta sa probinsya. At sa inaasahan, nagalit ang babae na muntik na nyang masagasahan. Pinili nyang manahimik at dedmahin ang dalaga ngunit hindi na nyang napigilan ang sarili dahilan para patulan na nya ito. Halos hindi maputol ang sagutan nilang dalawa, walang may gustong magpatalo. Dahil sa mga lumalabas sa bunganga ng babae ay napilitan si Rhaiven na iwan na ito.

Hindi maipinta ang mukha ni Haila sa inis dahil sa lalaking muntik ng makabangga sa kanya. At ang malala pa roon ay hindi nito binayaran ang mga paninda nyang natapon sa sahig. Halos isumpa nya ang lalaki dahil sa inis. Ngunit, kaagad napalitan ng swerte ang malas na kanyang naranasan. Nakatanggap sya ng tawag mula sa agency na kanyang pinagtratrabahuan. Kinuha syang yaya ng isang mayamang pamilya at hindi nya inaasahan na iyong lalaking muntik ng makabangga sa kanya ang aalagaan nya.

Naranasan ni Haila ang pagmamalupit ni Rhaiven sa kanya dahil ayaw nito na magkaroon ng yaya. Pilit sinasabi ng binata na hindi nya kailangan ng yaya kaya ginagawa nya ang lahat para mapaalis ang sinumang yaya na kunin ng kanyang mga magulang. At sa kasamaang palad, kakaiba si Haila sa mga yayang naunang kinuha para sa kanya. Una pa lamang ay hindi na sila magkasundo at puro sila bangayan. Dumating pa sa punto na nagmakaawa si Haila sa harapan ni Rhaiven na kung maaari ay huwag sya nitong palayasin.

Napagdesisyunan ng nanay ni Rhaiven na pag-aralin nya si Haila sa paaralan na pinapasukan ni Rhaiven. Nainis ang binata at hindi sya sang-ayon sa gusto ng ina dahil mapapahiya sya kapag nalaman ng lahat na may yaya ito. Dahil sa ayaw nyang may makaalam na yaya nya si Haila, idinahilan nya ito na pinsan ng kaibigan nya na si Kenneth. Wala na pang nagawa sina Haila at Kenneth kundi sakyan ang kalokohan ni Rhaiven.

Nadala si Kenneth sa napakatamis na ngiti ni Haila dahilan para magkagusto ito sa dalaga. Kaagad nyang inamin ang nararamdaman dito at nabahala naman si Haila dahil baka madamay ang kanyang trabaho. Nalaman nina Luis ang tungkol sa pag-amin ni Kenneth kay Haila. Nagpaalam pa ang binata sa Kuya nito na kung maaari ay ligawan nya si Haila. Naging boto naman si Gino kay Kenneth na kuya ni Haila at tinulungan niya ito sa panliligaw.

Unti-unti nilang nakilala ang isa’t isa dahil sa mga sikretong kanilang tinatago. Para bang isang panaginip kay Haila ang pagiging mabait ni Rhaiven sa kanya. Hindi lubos akalain ni Rhaiven na lalambot ng ganoong kabilis ang kanyang puso dahil lamang sa kakaibang karisma ng dalaga. Ang dati nyang puso na natutulog at matigas ay pinalambot ng katiting na pag-ibig nya kay Haila. Ngunit, hindi nya nagawang umamin sa dalaga dahil nililigawan ito ng kanyang matalik na kaibigan na si Kenneth. Itinago nya ang nararadaman sa dalaga sa loob ng ilang buwan. Patago syang nasasaktan dahil sa pagiging malapit nina Haila at Kenneth. Nakaramdam si Rhaiven ng inggit at selos pero hindi nya magawang aminin dahil natatakot sya.

Natatakot syang pagtawanan sya ng kanyang mga kaibigan dahil sinabi nya noon na kailanman hindi sya magkakagusto kay Haila. Hindi nya inasahan na darating sya sa puntong titibok ng ganoong kabilis ang kanyang puso sa dalaga. Samantala, halos mamatay si Kenneth sa selos dahil sa pagiging malapit nina Rhaiven at Haila. Iminungkahi nya pa na may gusto na si Rhaiven sa dalaga ngunit pilit na dinedeny iyon ng binata.

Napapansin ng mga taong malapit sa kanila ang kakaibang trato ni Rhaiven kay Haila dahilan para mag-isip sila ng iba. Iyon na rin ang dahilan para mainis at magtanim ng galit si Kenneth kay Rhaiven. Dumating sa punto na hindi na sila nag-uusap dahil sa kapraningan nito. Isang araw, hindi inasahan ni Rhaiven na mapapaamin sya nina Luis at Chris na may gusto talaga sya kay Haila. Nakatanggap sya ng ilang pambubuyo dahilan para makiusap syang huwag makarating ang pag-amin nya sa dalaga.

Inanyayahan sila ni Luis na sumama sa kanilang resthouse dahil doon gaganapin ang kaarawan ng kanyang kapatid at sumama naman silang lahat para makapagrelax. Kinuha naman ni Rhaiven ang pagkakataon na iyon para magpapansin kay Haila ngunit mas lamang si Kenneth sa kanya dahilan para mainis sya lalo. Dumating pa sa punto na nag-away sila sa harapan ng babae dahilan para magalit ito at mainis sa kanila. Pag-uwi nila galing sa bakasyon, nakatanggap ng tawag si Haila mula sa kanyang kaibigan na si Criza. Idinahilan nila na hindi na makabangon ang Lola Sonia nya ngunit ang totoo ay umuwi ang kuya nito gayundin ang tatay nyang matagal ng hindi nagpakita sa kanila.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
HER POV "HOY BULAG KA BA? MAY BALAK KA BANG PATAYIN AKO?" Galit na galit na sigaw ko nang muntik na akong mabangga ng isang tarantadong nakakotse.Tm tumilapon pa lahat ng paninda ko sa sahig dahil sa gulat. Pero imbes na kaawaan ako ng nakakotse ay nagmatigas lang ito. Oo, huminto nga siya pero wala yata siyang balak na humingi ng sorry sa akin. Sa inis at galit ko ay pinagsisipa ko ang gulong ng kotse nito at pinagkakakatok ang bintana upang makuha ang atensyon ng taong nasa loob. Wala sa isip ko kahit mayaman man ang nakakotse ay hindi ko papalampasin ang ginawang kagaguhan sa akin. Hindi biro ang muntik ko nang pagkakasagasa. Dahil siguro sa inis ay napilitan itong harapin ako. Ibinaba niya agad ang bintana. Pero, lalo lang ako nainis dahil sa walang kwenta niyang reaksyon. Parang wala lang sa kanya na may muntik na siyang mabangga. "Can you please stop. Tsk! Stupid," naiiritang wika ng lalaki sa akin na may nginunguya pa itong bubblegum. Wala yata siyang pakialam kung babae man ang nasa harapan. Sigawan ba naman ako. Potek! "Hoy!" Umuusok ang ilong ko na sigaw rito at lumapit sa bintana ng kotse at dinuro ang lalaki. "Kahit magaling kang mag-english, bastos ka pa rin. Mawalang galang na po, ah, mister, alam nyo bang muntik na po kayong makabangga ng magandang dilag kanina," depensa ko na walang takot na nararamdaman na harapin ang isang lalaki na 'di ko naman kilala. "Miss, pwede ba, huwag kang gumawa ng iskandalo dito. Shut up your f*****g mouth, ugly!" Naiinis na tugon ng lalaki sa akin na halos magkasalubong na ang kanyang dalawang kilay. "Hoy! Kahit bobo ako sa english alam ko ang ibig-sabihin ng ugly at wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo basta para sa'kin muntik mo na akong mapatay. Kung sakaling mamatay ako sino na magpapakain sa lola ko, ikaw? Tarantado!" Nanggigigil na sigaw ko sa kanya. Gusto-gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino. "Miss, I'm begging you. Stop it, please," wika ng lalaki na pilit yata niyang binababa ang pride upang magkaunawaan kaming dalawa. "Kanina ka pa english ng english diyan ah, pwede ba magtagalog ka naman," wika ko dahil naiirita na ako sa kanyang pagsasalita. "What?" Nakataas-kilay na tanong ng lalaki sa akin. "I said, don't english me, cause, I, don't, don't, hmm, basta huwag kang mag-english, pwede?" Kahit anong pilit ko ay wala talaga akong masabing english. Umiwas pa ako ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman ko. Agad akong napatingin sa lalaki ng marinig nitong tumawa ng malakas at parang nananadya. Umusok ang ilong ko sa galit. Takte! Pinagtritripan 'ata ako nh bugok na 'to. "Hoy! 'Huwag mo kong pagtawanan dyan ah, hindi nakakatawa 'yon," pilit kong pinapahinto ang lalaki pero wala iyon epekto dahil halos mangiyak na ito sa kakatawa. "Simpleng english 'di mo pa kaya," saka pinagpatuloy ng lalaki ang pagtawa kaya tinignan ko siya ng masama. Edi ikaw na magaling. Psh! "Gago ka pala e, pinahirapan mo pa akong mag-english, kaya mo naman palang magtagalog," inis na wika ko. Sarap dakmalin mata niya at itapon sa dagat. "Sino ba kasing maysabi na 'di ko alam magtagalog? Tsk! Bobo 'yan?" At dinuro pa niya ako sa mukha tsaka pinagtawanan na naman. Padabog kong tinapik ang daliri ng lalaki na nakaturo ito sa akin. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Bobo na kung bobo atleast 'di tulad mo na walang modo," sabay irap ko sa lalaki. "Tsk! Mas okay ng walang modo atleast 'di bobong katulad mo. Nextime watch your words, loser," sambit ng lalaki saka pinaandar nito ang kotse paalis. "Hoy! Bayaran mo 'tong mga paninda ko!" Sigaw ko pero nakalayo na Ang lalaki. Kahit ano pang gawin kongnsigaw ay 'di na ako papansinin ng lalaki kaya wala na akong nagawa kundi pulutin nalang ang mga pagkaing natapon sa sahig. Uuwi akong may sama ng loob. Nakakainis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.0K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
98.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook