Haila's Pov
Hindi ko alam kung bakit hindi ako dinalaw ng antok kagabi. Nasa isip ko kasi buong magmadamag ang patungkol sa litrato. Pakiramdam ko may maling parte ng buhay ni sir Rhaiven ang nakapaloob doon.
Puno ng katanungan ang aking isipan na tanging si Sir Rhaiven lang ang makakasagot ng mga iyon. Dumating ang hatinggabi mula magliwanag ang buong paligid, ni hikab walang dumalaw sa akin. Eto lang na naman ang unang beses na hindi ako dinalaw ng antok.
No choice ako kundi bumangon na lamang at magsimula ng magtrabaho. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa 'di kalayuan ng kama ko at alas singko na pala ng umaga. Una ko munang inayos ang kama ko saka nag unat unat ng mga braso. Inayos ko din ang aking sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Hoy!" Malakas ng tinig na narinig ko na nagpabalik sa akin sa katinuan na may kasama pang tapik sa aking balikat. Nang aking tignan kung sino ay si Manang Erica lang pala.
"Po? Ahh? May sasabihin po kayo?" sunod-sunod na tanong ko dahil diko namamalayan ang oras. Basta natagpuan ko na lamang aking sarili na tulala at para bang malalim ang iniisip. Malalim talaga at 'yun ang aking natitiyak.
"Naku! Okay ka lang ba? Ba't parang wala ka sa sarili? Kanina ka pa, ha?"
"Pasensya na po may iniisip lang po kasi ako e."
"Ano naman 'yun at napapatulala ka pa dyan?" Tanong ng kasama nya. "Ewan ko kung namamalayan mong patapos ka na sa paglalaba o hindi."
Oo nga pala, naglalaba pala ako ng mga tambak na naman na damit ng alaga ko. Ewan dali mapuno ng basket nya kung saan nilalagay mga damit na lalabhan.
"Hays! Gumugulo po kasi sa isip ko 'yung litrato na pinakialaman ko kagabi doon sa study table ng alaga ko, " pagbabahagi nya.
"Aling litrato ba?" Tanong ni Erica.
Sumagot naman sya."'Yung may kasama po syang matanda ata 'yun? Basta 'yun po manang."
"Hala ka ba't mo 'yun pinakialaman? Hindi mo ba alam na ayaw na ayaw ni Sir Rhaiven na pinapakialaman gamit nya lalo na ang litrato na 'yun?" Paalala ng Erica na gulat na gulat pagkarinig sa ibinahagi ni Haila.
"Teka, sobrang halaga naman yata noong litrato na 'yun at kailangang 'di pa pakialaman." Komento nya.
"Sinabi mo pa. Mas mahalaga pa ata 'yun sa kanya kaysa sa mga sapatos o mga damit nya e."
"Bakit po ganoon sya magalit kagabi noong tanungin ko kung sino 'yun? Ba't parang kakaiba ang dating ng tanong kong 'yun sa kanya? Ano bang ibig-sabihin ng litrato na 'yun?" Sunod-sunod na tanong ko at nasa malayo na naman ang aking tingin.
Ang g**o, simpleng picture frame lamg 'yun pero kung makaalaga si Sir para bang mamamatay sya kapag napakialaman 'yun. Ano bang meron talaga doon?
"Huwag mong sasabihin na sinabi ko sayo, ha? Dapat sikreto nating dalawa 'to. Mangako ka sa'kin, Haila." Usisa ni Erica dahil sasabihin nya ang kanyang nalalaman sa dalaga.
"Promise Manang, hindi ko ipagsasabi kahit kanino," wika ko at tinaas pa ang isang kamay na nagsasabing nangangako talaga ako.
Ngumiti sya sa'kin at tinignan muna ang paligid kung may ibang tao pa bukod sa amin. At nang natiyak nyang kami lang dalawa ay bahagya syang lumapit ng konti sa akin. 'Yung saktong maririnig ko ang kanyang mga sasabihin.
"Ang babaeng nasa picture na nakita mong kasama ni Sir ay dati nyang yaya. Alam mo bang mula pagkabata 'yun na ang kasakasama ni Sir Rhaiven kaysa sa mga magulang nya.Pwede din nating sabihin na napamahal si Sir doon sa matandang 'yun. Pero, buhay nga naman, may nangyari na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng alaga mo." Seryosong tugon nya sa akin kaya napaisip na naman ako.
Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon nya kagabi dahil 'yun ang dati nyang yaya? Napamahal sya doon kaya nagalit sya nang pakialaman ko ang litrato nila? Pero, ano 'yung nangyari na hanggang ngayon hindi matanggap ni Sir? Nasaan na ang matandang 'yun na kasama nya sa picture?
Nagtanong ulit ako dahil puno ng kuryosidad ang utak ko. "Ano daw po 'yung nangyari?"
Umiling si Erica, nagpapahiwatid na hindi na nya alam ang sagot sa katanungan ko."'Yun ang hindi ko alam kasi limang taon na ata bago nangyari 'yun. Pinipilit ata kalimutan ng mga amo natin 'yun."
"E, 'yung matanda nasaan na daw?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko din alam. Subukan mo kayang tanungin minsan si Sir Rhaiven tiyak sasabihin noon sayo lalo na medyo makulit ka bibigay 'yun kung sakali." Suhestiyon ni Erica.
"Alam mo naman 'yun, manang, akala mo leon kung magalit. Pero, keri 'yan, dapat malaman ko ang totoo. May tinatago pa lang lihim ang lalaking 'yun. Akalain mo 'yun, manang."
"Kaya nga, minsan tinatanong ko kina manang Selya ayaw naman nila sabihin kung bakit. Basta ang alam ko, sinisisi ni Sir Rhaiven ang sarili nya sa pangyayaring 'yun." Pagbabahagi pa nito sa akin.
"Bakit naman, manang?"
Nagkibit balikat na lamang sya.
Hindi ko alam kung alin tanong ang uunahin kong hanapan ng sagot. Basta gusto kong malaman ang totoong pangyayari.
"Haila," tawag ng isang tinig sa akin habang abala ako sa pagpupunas ng lababo. Pagkatapos ko kasing maglaba ay naisipan kong tulungan ang mga kapwa ko kasambahay tutal mamaya pa ang uwi ng aking alaga.
"Bakit po, Sir Russel? May kailangan po ba kayo?" Magalang na tanong ko sa matandang lalaki na nasa aking harapan. Mas maamo ang mukha nito kaysa sa anak nyang para bang pinaglihi sa demonyo.
"Baka kung pwede ay dalhan mo ko ng meryenda mamaya pagtapos ka na dyan sa ginagawa mo." Mahinahon na sambit ng ginoo sa akin.
"Sige Sir, wala pong problema malapit na din po 'tong matapos e."
"Okay sige, gusto ko sanang ipagluto mo ako ng lumpia na pinameryenda mo noon kay Rhaiven eh, pwede ba?" Nakangiting tugon nya.
"Opo naman ho Sir, syempre po dapat nyo ring matikman dahil tyak mabubusog din kayo, " naghand gesture pa ako sa pagmamayabang.
Tumawa sya at sinabayan ko rin."Goodjob sa'yo hija, sa nakikita ko kasi sa'yo napakasipag mo at talagang maaasahan ka." Papuri ni Sir Russel sa akin kaya gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Si Sir talaga pagkanagkakatagpo tayong dalawa puro papuri po sinasabi nyo palagi sa'kin," naiilang na wika ko sa kanya. Ang sarap lang pakinggan ang mga papuri nya sa akin.
"Hindi ko naman sasabihin ang mga 'yun kung wala akong nakikitang kakaiba sa'yo. Iba ka sa lahat ng yaya na dumating dito. Gusto ko ang personalidad mo bilang isang kasambahay." Komento nito sa akin kaya lumundag ang puso ko sa tuwa.
"Sir, nakakataba naman po ng puso ang mga sinasabi nyo sa'kin. Huwag po kayong mag-alala, Sir, katulad po ng mga sinasabi ko noong nakaraan sa inyo pagbubutihin ko talaga ang trabaho ko."
"Nice to hear that," nakangiting ani Sir at dinuro ako. "Sige na, tapusin mo na 'yan para madalhan mo ko ng meryenda ko doon sa sala. Hihintayin kita doon."
"Opo Sir."
Binilisan ko na ang paglilinis at pagkatapos ay inihanda ko na ang mga kailangan ko sa pagluluto. Mabusisi ang aking ginawang paghahanda. Sana nga lang magustuhan ni Sir Russel ang lulutuin ko kaysa sa anak nyang demonyo.
Kamusta pala ang alaga kong 'yun? Kusa na kasi syang gumising kanina, puro senyas lang sya sa'kin kaninang agahan. Ni isang imik wala akong narinig sa kanya.
RHAIVEN'S POV
Natapos ang morning class ko kaya naman naisipan ko munang umuwi. Mamayang ala una pa naman ang susunod na klase ko at alas onse pa lang. Feel ko tuloy napagod ako at nadrain utak ko sa mga sangkatutak na discussion. Kahit pa naman anong paglalaro ang gawin ko hindi ko talaga maiwasan magseryoso sa studies ko dahil tyak matik ako kay Mommy.
Gusto kasi noon palaging pasado ang mga grades ko sa paningin nya. Sobrang strict nya at kailangan masunod lahat ng gusto. Minsan gusto kong humindi kaso lahat may kapalit. No choice ako kundi pagbutihin ang pag-aaral ko. Nakakagala naman ako pero minsan may time limit. Saka lahat naman ng gusto ko binibigay nila sa akin kaya okay na din 'yun.
Habang nagmamaneho pauwi hindi ko maiwasan isipin ang ganapan namin ni Haila kagabi. Ba't kasi kailangan nya pang tanungin kung sino ang kasama ko sa picture, halata naman na mahal ko 'yun sa buhay. Bakit ganoon na lang sya kainteresado kay Yaya Tessa? Nakakainis. Nagmomoveon na ako sa pangyayaring 'yun tapos binalik nya ulit. Badtrip.
Yaya Tessa. 'Yung taong nagmahal sa'kin ng higit pa sa pagmamahal ng magulang ko. Hindi yaya ang tingin ko sa kanya noon kundi parang totoong kadugo. Hindi ko mapigilan mapaluha kapag naiisip ko sya. Pakiramdam ko kapiraso ng puso ko ang nawala magmula nangyari sa kanya ang hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Hanggang ngayon sising-sisi pa rin ako kung ba't hinayaan ko sya noon. Sana lang mababalik ko ang pagkakataong 'yun para hindi naging ganoon ang nangyari.
Kahit kailan hindi mapapantayan ng kahit na sinong yaya ang ginawa nya sa'kin. Hindi ko hahayaan na may pumalit sa kanya ng ganoon lang kadali. Hindi ako payag.
Pagkarating sa bahay ay pinark ko na ang aking kotse at pumasok na sa kabahayan. Nadatnan ko si Daddy na nanonood sa sala ng basketball.
"Ranz, napaaga ka yata ng uwi, wala ka na bang klase?" Bungad na tanong ni Daddy sa akin at kaagad naman akong umupo sa pang-isahang sofa. Inilapag ang hawak kong bag saka iginiya ang katawan ko.
"Wala na, Dad. Mamayang 2pm pa 'yung nextclass ko. Nabobored ako doon kaya umuwi na muna ako," wika ko at ibinaling ang atensyon sa telebisyon.
Naaalala ko dito kami nagkakasundo ni Daddy noon sa panonood ng basketball. Nakakamiss lang 'yung mga panahong 'di pa sila masyadong busy ni Mommy sa trabaho. Ngayon kasi halos magkayod kalabaw na sila.
"Wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo? Sumama ka nalang sana sa kanila para 'di ka nabored." Suhestiyon ni Daddy habang nakadekwatro ang kanyang mga tuhod at relax na relax na nanonood.
"Wala po akong oras gumala ngayon, Dad. Masakit ang ulo ko sa dami ng requirements na tatapusin." Sagot ko at bahagyang hinilot ang aking sentido. Nahihilo pa ako noong nagmamaneho ako at mabuti na lang hindi ako naaksidente. Mabuti na rin na umuwi na muna ako para makapagpahinga ako saglit.
"Mabuti naman kung naiisip mong unahin 'yang pag-aaral mo kaysa sa gala na 'yan. Masaya ako sa nakikita kong improvement sa'yo." Nakangiting usal ng ama ko na animo'y isang demonyo ang kanyang anak na naging anghel. Psh.
"Sermon din naman aabutin ko kay Mommy paghindi ako nagseryoso sa pag-aaral ko. Walang improvement,Dad, talagang ganito na ako dati," biro ko sa kanya.
"Talaga lang ha. Tiyak na masisiyahan ang Mommy mo kapag nakikita ka nyang ganyan. Maski ako napangiti mo ng wala sa oras, paano ba naman kung sya na."
"Hope so, Dad," wika ko at huminga ng malalim."By the way, Dad, kailan uwi ni Mommy? Namimiss ko na kasi mga cookies na niluluto nya," pag-iiba ko ng usapan.
Mahilig kasi si Mommy na magbake ng kung ano-ano. Nabubusog nga lahat ng tao dito sa bahay maski kasambahay kung nandito sya. Akala mo naman kasi may handaan kung magbake sya. Sangkatutak at nakakatakam ang itsura pa lang ng binebake nya.
"Maybe nextweek daw kasi may mga business meetings pa syang tinatapos. Kilala mo naman ang Mommy mo, nagpapaalipin sa trabaho pero para daw sa inyo ng kapatid mo 'yun. Kaya dapat pagbutihin mo pag-aaral mo Ranz." Paalala ni Papa sa akin.
"Oo naman, Dad, hindi ko naman hahayaan na mapunta lahat sa wala ang mga pagod niyo Mommy. " Seryosong sagot ko. Nag-effort magtrabaho ang mga magulang ko kaya dapat ganoon rin ang gawin ko sa pag-aaral ko.
"Sir, heto na po ang pinahanda nyong meryenda sa akin, " nagsitayuan ng balahibo ko sa braso pagkarinig ng tinig na 'yun.
Ibinaling ko sa kanya ang tingin ko at papalapit sya sa amin ngayon na may hawak hawak na tray na kung saan nakalagay mga dala nya. Nakuha nya ang atensyon ko mula sa mga ngiti nyang matatamis.
Napalunok ako.
Hindi pwede 'to.!
"Andyan na pala ang meryenda na hinihintay ko. Tara anak kain tayo," yaya ni daddy sa akin pero nakay Haila pa rin ang tingin ko. Pinapanood ko sya habang inilalapag sa mesa ang mga dala nya.
"Sakto gutom na ako, Daddy," tugon ko at tumawa pa ng mahina.
Aaminin kong maganda din sya lalo na kapag nakalugay ang medyo mahaba nyang buhok. May pagkachubby ang kanyang mga pisngi. Nakakabaliw na ngiti nya at mga mata nyang sarap titigan.
At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama ang aming mga tingin kaya naman iniwas ko 'yun agad. Ayokong isipin nya na may kakaiba sa tingin na binigay ko.
"Anak, tara na, tikman mo 'tong meryenda na inihanda ni Haila," pag-uulit ni daddy kaya naman tinignan ko kung ano 'yun.
Nananadya ba sya? Sa dinami-dami ng pwede nyang ipakain sa amin ngayon, bakit 'yan pa ang naisip nya? Nakakainis naman. Magmula dumating 'yan puros gulay na inuulam dito, hindi na nagsawa sina Daddy. Tss. Pakiramdam ko tuloy pumapayat na ako dahil sa mga inuulam dito sa bahay.
"LUMPIA?" Malakas na sambit ko at halos magsalubong ang dalawang kilay ko.
"What's wrong, Ranz, gutom ka 'di ba? Akala ko ba favorite mo ito, bakit ganyan ka makareact?" Tanong ni Dad at kinagat ang hawak na lumpia. Takam na takam sya.
"Ano kasi, wala na bang iba bukod dyan? Daddy, gutom na gutom ako tapos ganyan lang? Ano ba 'yan," pagrereklamo ko at isinandal ulit ang katawan sa sofa.
Sinulyapan ko si Haila at tuwang-tuwa pa na nakikita akong nahihirapang takasan si Daddy. Talagang gumaganti ang babaeng 'yan ha. Tss! Humanda ka din sa'kin.
"'Di ba nga kung ano nakahain 'yun dapat ang kainin? Kaya sige na, sabayan mo na ako para naman makapagpahinga ka na." Usal ni Daddy at inurong ang tray papunta sa pwesto ko.
"Daddy naman e."
"Huwag ka nang magreklamo dyan, sige na, kain na." Utos ni Daddy sa akin."Hija, sige lang, kuha ka na lang din." Alok ni Daddy sa kanya.
Sumagot naman ang taong bundok na kasama namin. "Busog pa po ako, salamat nalang po." Pabebeng sagot nya kaya nainis ako lalo.
"Ganoon ba." Ani Daddy at tumango sya."Ranz, samahan mo na ako kumain at ubusin natin 'to, sayang naman." Alok nito sa akin kaya lalo akong nakaramdam ng pressure.
"Go Sir Rhaiven, gusto nyo po subuan ko po kayo," asar ni Haila sa akin na para bang sya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo sa pagkakataong ito.
"Sige na anak, kumain ka na, 'di na 'yan masarap paglumamig na," mungkahi ni daddy na sarap na sarap at heto ako nandidiri at walang takas.
At dahil sa ayaw kong isipin ni Daddy na maarte ako ay s*******n ko na lamang ito na kinagat. Pilit pa akong ngumiti at pinapakitang nasarapan habang nakatitig ito sa akin.
Argh! Taena! Bakit ganito ang lasa nito? Psh! Gusto kong sumuka kaso wala akong magawa kundi pilit na lunukin ito. Pigil sa tawa naman ang bumungad na aura sa akin ni Haila at alam kong kasiyahan nya ngayon ang karma na nangyayari sa akin.
Habang pilit na kumakain ay titig na titig ang hayup na babae. Pinagdidilatan ko sya ng mata ngunit imbes na matakot ay ngumingisi ito na para bang nananadya pa. Taena kang kutong lupa ka humanda ka talaga sa'kin. 'Kala mo papaapi nalang ako sa'yo ng ganito? Tss! No way!
Pitong lumpia ang pilit kong kinain sapagkat kasalo ko si Daddy. Sa pitong 'yun na nalasahan ko, masasabi kong nakakadiri pa rin ang lasa nito. Ganito ba epekto pag 'di mo nakasanayan ang ganoong pagkain? Hays!
Nang matapos ang nakakadiring pagsasalo namin ni Daddy ay wala akong imik na pumunta sa aking kwarto. Pero, bago muna 'yun ay makakasalubong ko muna ang magaling na babae malapit sa may hagdanan. Nakangisi ito at tuwang-tuwa pa.
"Ano Sir, masarap po 'di ba?" Pang-aasar nya sa akin.
"Humanda ka sa'kin! Patay ka talaga sa'kin, akala mo 'di ako gaganti," banta ko sa kanya at nakatingin pa ng napakatalim.
"Ano pong ihahanda ko? Lumpia po ba?"
"Tss." 'Yun na lamang ang naiusal ko saka sya nilagpasan at tinungo na lamang ang aking kwarto. Baka ano pa magawa ko sa taong 'yun.
'Yung kanina na gutom at pagod na aking naramdaman ay napalitan kaagad ng inis at galit. Sinusubukan talaga ako noon ah! Tss! Nagkamali sya ng binangga.
HAILA'S POV
Yown! Hahaha na sa'kin ulit ang korona. Tignan mo nga naman ang demonyong 'yun, nakarma ng ganoong kabilis. Tuwang-tuwa ako kanina sa kanya nang pilit na kinakain ang lumpia na hinanda ko. Alam kong nandidiri sya sa lasa nito at wala naman syang choice kundi lunukin nalang. Matik sya sa daddy nya kung 'di nya iyon kakainin.
Pagkatapos kong hugasan ang mga kubyertos na ginamit ko ay naglinis naman ako sa may garden dahil 'yun ang sinabi ng mayordoma sa akin tutal natapos ko na din maglinis sa kusina.
Ayokong pumunta sa kwarto ng alaga ko dahil tyak bangkay akong lalabas doon. Nag-aapoy pa naman ang mata noon sa galit. Para syang leon na gutom na gutom at kahit anong oras papatay sya. Kakatakot.
Nakakatuwa talaga 'yung mukha nya pagnapipikon. Parang ang sarap nyang asarin palagi. Para nga syang bata na nawalan ng candy sa aura nya. Pero, pansin ko hindi nya ako pinagbubuhatan ng kamay puro lamang sya salita.
Binaling ko na lamang ang atensyon sa paglilinis ng garden. Nakakamiss magtanin ng mga halaman eh, minsan kasi 'yun 'yung pinagkakakitaan ko noon pagwala akong trabaho. Sakto na 'yung kita ko pambili ng makakain namin ni Lola.
Kapag naiisip ko ang paghihirap na nararanasan ko hindi ko maiwasan na hindi mainis kay Papa. Bakit ba nya nagawang iwan kami ni Kuya? Dahil ba namatay na si Mama noon sa panganganak sa'kin iniwan nalang nya kami ng ganoon? Masasabi kong napakasama nyang tao.
Pero, kahit may galit akong tinatanim sa kanya hindi ko maiwasan na hiniling ang pagmamahal ng isang ama. Paano ba magmahal at magpahalaga ang isang ama? Ama ba ang matatawag kay papa na inabando na kami at hinayaan kami ni kuya na malasap ang kahirapan sa mura palang na edad? Kahit pa man baliktarin ko ang mundo sya at sya pa rin ang ama ko. At tanging hinihiling ko na lamang ay makasama ko sya kahit minsan manlang sa buhay ko.
Umiling ako sa mga pumasok sa isip ko. Bakit ko ba naisip 'yun hindi naman 'yun mangyayari kahit kailan. Pinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis. Malapit na akong matapos at maya-maya makakapagpahinga na ako.
Bago ko linisan ang mga gamit ay naisipan kong lagyan ng konting lupa ang mga tanim ko doon malapit sa may gate. Mas magiging malago kasi ang mga 'yun kapag madaming lupa. Matagal na kasi noong huling nilagyan nila ito ng lupa kaya naman pumunta na ako sa naturanh pwesto ng mga iyon.
Buhat buhat ang kalahating sako ng lupa ay nagtungo ako malapit sa may gate. May kabigatan ito pero kaya ko naman. Hindi na ako nagdalawang-isip na buhatin ito dahil nadumihan naman na ang aking tshirt. Maliligo din naman ako mamaya.
Maganda ang isang bahay kapag madaming halaman sa paligid. Lalo na itong mansyon dapat napapaligiran ng madaming halaman para maganda tignan.
"BEEEP BEEP BEEP!"
Dahil sa pagkagulat ko ay nabitawan ko ang sako ng lupa at napasubsob ako doon. Kahit kailan tarantado talaga ang taong 'to.Psh! Nakakainis! Bakit kailangan nya pa akong businahan, nasa gilid na nga ako. Ang lawak lawak na nga daan!
Naramdaman kong may pumasok na konting lupa sa bibig ko. Ikaw ba naman ang mapasubsob doon. Taena talaga ng lalaking 'to. Narinig ko na lang na natawa sya ng sobrang lakas at halatang nang aasar pa.
Pinunasan ko ang aking mukha lalo na sa bibig kong nalagyan ng lupa. Pagkatapos ay tinignan ko sya ng sobrang talim. Halos maiyak na sya sa sobrang tawa. Nakaramdam ako ng pikon doon.
"Nakakatawa 'yun, ha? Napakatarantado mo talaga no? Ilan ba mata mo at 'di mo manlang ako nakita sa may gilid, ha?" bulyaw ko sa kanya sa sobrang inis. Bahagya pa akong dumura dahil may nalalasahan akong lupa na naman sa bunganga ko.
"Oh, chilax lang, masarap ba 'yang lupa? Kainin mo lahat 'yan para mabusog ka at malay mo gumanda ka 'di ba?" walang kwentang usal nya. Dahil sa sinabi nyang iyon ay dumampot ako ng lupa at hinagis 'yun sa kotse nya.
"Tss! Tinatanong ko ba, ha? Alam mo kahit kailan wala ka talagang modo no? Napakasama ng ugali mo, kasing itim ng budhi mong gago ka!"
"Para sabihin ko sa'yo, wala itong sinasamba kahit santo pa 'yan. Saka ang ganda mo nga dyan sa itsura mo, para kang batang yagit!" Dinuro nya pa ako ng bahagya at pinagtawanan ng malala.
"Che!" wika ko. Pinagpag ko ang aking damit upang maalis ang mga lupa. Tawang-tawa pa din sya. Pinunasan ko ulit ang mukha ko dahil doon sya nakatingin.
"Bilis ng karma mo, ha! Kanina lang nagplaplano ako kung paano ka gagantihan pero ngayon kinarma ka na agad? Kita mo na, pati tadhana kampi na sa'kin!"
"Oh tologo bo? Pabroadcast mo na din para masaya ka."
Tumawa sya ng sobrang lakas.
"Hoy tarantado, magsorry ka sa'kin, akala mo matatakasan mo ko. Magsorry nga ngayon din." Utos ko sa kanya.
Sumagot sya nang nakataas ang kanyang kilay."At bakit ko naman 'yun gagawin, aber?"
"At bakit hindi? Sino ba 'tong tarantado na magbubusina pa rin kahit nasa gilid na nga ako ng kalsada, 'di ba ikaw 'yun ha?"
"Oh, sino 'yung tatanga tanga sa'tin? 'Di ba, ikaw lang din naman?" Depensa naman nya.
"Paano ako naging tanga tanga doon?" Dinuro ko pa ang pwesto ko kanina." Ang tahimik na nga ako naglalakad dito kanina!"
"Basta tanga-tanga ka. PERIOD!"
"Ang sabihin mo, papansin ka lang sa'kin," prangka ko sa kanya dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay." Teka lang ah, magsorry ka na para matapos na 'to."
"A-yo-ko!"
Lahat na ata ng galit ko gusto nang bumuga kahit anong oras. Talagang ginagalit ako ng taong 'to. Konting-konti nalang bibigay na ako!
"Talagang--ano ba, sorry lang naman ayaw mo pa, gago ka ba?" Mura ko sa kanya dahil sa inis. Wala talagang modo. Nakakainis!
"Hindi uso sa'kin ang salitang 'sorry, pa'no ba 'yan?" asar nya sa'kin at pinagtawanan na naman ako.
"Babye pangit, kainin mo lahat 'yan, ah, " 'yun lang at isinara na nya ang bintana ng sasakyan nya. Pinaharurot nya ang kotse at wala akong nagawa kundi mapabuga ng hangin. Nakakainis talaga!