RHAIVEN'S POV Nagdaan ang ilang araw na kinukulit ako nina Mommy at Rhaivee na makisali sa kanilang plano. Mukha ba akong interesado sa gimik nila? Tsk! Hindi ba nila magagawa ang birthday surprise ng hindi ako kasama? Ayaw na nga e pinipilit pa ako. Alam na nga nilang hindi ako mahilig sa ganoon. Like, nakakabored. Dumaan rin ang ilang araw na bihira akong makisama sa kanila. Ewan, nasanay na yata akong mag-isa e. Well, tamang nood lang ng anime sa tabi. Mas gusto ko pa yatang ubusin ang oras ko sa panonood kaysa makipagplastikan sa Kenneth na 'yun. Hindi naman nakakaligtas ang mga tingin na tinatapon nya sa akin. Kumbaga, gaya parin ng dati, nag-iisip malamang ng kakaiba.E kung totohanin ko lahat ng iniisip nya? Iyak sya panigurado. Hindi ko pa naman masasabi sa ngayon na talagang may