HAILA'S POV "Sa akin na sya sasabay," wika ni Kenneth nang tuluyan na kaming malakabas ng ospital. Pumaroon kami sa parking lot habang tulak tulak ni Luis ang wheelchair na kung saan ako nakaupo. Samantalang si Sir at Kenneth ay parehas na namang nag-uunahan. "No! I told her last night, she will go with me, tutal sa iisang bahay kami uuwi," depensa ni Sir at binuksan ang pintuan ng kanyang kotse't isinenyas sa akin na doon ako sasakay. Nakita kong napailing si Kenneth. Siguro nga ay alam ko na ang punta ng usapan na ito. Gaya kahapon na halos magpatalo pa sila mismo sa harap ko. Hindi ko nga alam kung bakit sila ganyan. Alam ko naman na gusto lang nila akong tulungan pero kung magtalo sila sa bagay na 'yun ay hindi na tama. Nakita ko rin na hindi napigil nina Chris at Luis ang matawa sa