RHAIVEN'S POV Nang makabalik ako sa kwarto kung nasaan si Haila ay saktong nagising na sya. Nagtama ang aming mga tingin. Ngumiti na lang ako bilang tugon pero hindi nakaligtas sa akin ang masamang baling ni Kenneth sa akin. Ano na namang ginawa ko? Mali bang nginitian ko sya? Nagpaalam na rin sina Luis at Chris. May gagawin pa raw sila pero kung tutuusin, sinasadya nilang kaming tatlo lang ang matira rito. Para ano? Para magkainitan na naman kami ng praning na Kenneth? Psh! Mas malaki yata ang pasensya ko kaysa dyan sa lokong 'yan. Uuwi sana ako kaso nalaman ni Mommy na sinugod ko sya sa ospital. Syempre, ano pa bang aasahan ko sa nanay ko. Pinabantayan nya sa'kin itong yaya ko dahil kasalanan ko naman daw kung bakit nagkasakit. Teka, kasalanan ko? Anong ginawa ko? Umiwas nga ako ng is