RHAIVEN'S POV Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam pero mula kahapon nawalan na ako ng gana sa lahat. Epekto ba ito ng napanood kong surprise ni Kenneth kay Haila? Hanggang sa panaginip 'yun ang nakikita ko. Masyado na yata akong nababaliw sa bagay na 'yun. Hindi naman bigdeal e pero hindi ko maiwasan. Bakit ba kasi ganoon ang epekto noon sa akin? Napakalakas noon. Buong sistema ko nadamay na rin. Lutang ako kahit anong gawin ko't san man ako magpunta. Tinatanong ako nina Luis pero hindi ko manlang sila magawang sagutin. Pati pagsasalita tinatamad na rin ako. Sa pagkakayakap nya kay Kenneth, alam kong napakalaki ng kang tuwa. Kahit na sinong tao ang malalagay sa sitwasyon nya, talagang maiiyak ito sa tuwa. Iba rin ang ngiti nya. Lalong lalo na ang kanyang reaksyon. Kumbaga, hindi na ak