HAILA'S POV Hindi ko masabi kung masaya ba ang kaarawan ko ngayong araw na ito. Pakiramdam ko, normal na araw tulad ng nakasanayan ko. Binigyan ako ng mga kapwa ko kasambahay ng regalo. Pinag-ambagan nilang lahat 'yun para may maibigay sa akin. Nagpasalamat naman ako dahil kahit papaano ay naisipan nilang mag-effort na regaluhan ako. Nakatanggap rin ako ng regalo mula kay Maam Rhaivee. Binigyan nya ako ng damit, mga makeup at kung ano-ano pa na literal na ginagamit ng mga babae. Hindi ko napigilan ang maiyak dahil kung tutuusin, mahal lahat ng kanyang ibinigay. Ngayon ko lang naranasan na makatanggap ng ganoon kamahal na regalo. Hindi ko inaasahan na bibigyan nya ako ng mga bagay na kaya kong bilhin sa sweldo ko sa isang taon. Ibang klase! Hindi rin nagpahuli ang mag-asawa na bigyan ako