Chapter 4.1

3700 Words
"Haila, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay at pinapapunta kami ni Sir Russel doon sa bodega upang maglinis," wika ni Manang Selya kay Haila na busy sa pagpupunas ng mga kubyertos na nagamit. "Opo manang, ako na po ang bahala dito," masigla nitong sagot at tinanguan na lamang sya ng matanda.Tinalikuran na sya nito at kanya naman pinagpatuloy ang ginagawa. Nagfocus nalang sya sa paglilinis upang makapagpahinga pagkatapos. Lalo syang nastress sa bangayan nila ng alaga kanina at naging dahilan pa iyon upang sumakit ang kanyang ulo. Nainis kasi sya ng sobra at talagang nakakagigil. Habang abala sa ginagawa ay may pumasok na rebulto sa kusina at namilog ang kanya mata nang makita ang binata na wala ata sa mood. Hinayaan nalang nya at baka magbangayan na naman sila ng wala sa oras. Nagkunwari syang 'di nya ito nakita at tinignan nya ito sa may gilid ng mata at nakitang papunta sa kanyang pwesto. "Hoy! Tubig nga," bulyaw ng binata na dahilan ng pagkulo na naman ng dugo ni Haila. Kahit kailan wala talagang modo ang lalaki. Tinignan nya lamang ito saka inalis din kaagad ang tingin sa lalaki. Ang lapit na nga sa kanya ng refrigerato, kailangan pa nyang utusan ang yaya nito upang ikuha sya ng tubig gayoong ilang dangkal lang naman ang layo noon. "Bingi ka ba? Sabing penge ako ng tubig, nauuhaw na ako dito," reklamo ng lalaki na halos magsalubong na ang kanyang mga kilay sa inis. "Sir, sa tingin ko naman po abot nyo na 'yang ref kaya magkusa na po kayong kumuha ng tubig nyo," pagsusungit nya at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa. Binabadtrip lang sya ng binata kaya this time sya na mismo magpapakumbaba upang walang g**o na maganap. "Inuutusan mo ba ako?" Naiiritang ani ng binata. Pinagkrus nito ang kanyang mga braso sa dibdib at masama ang tingin na itinapon nito sa kanya. "Hindi naman, Sir pero po kasi----" Hindi na pa natapos ni Haila ang sasabihin nang tinignan sya nito ng napakasamang tingin. Talagang natakot sya doon at bumilis bigla ang pagtibok ng kanyang puso. "Pwedeng wala ng madaming satsat? Kanina ka pang umaga na nambabadtrip sa'kin e." Sumbat ng lalaki na halata na sa kanyang boses ang namumuong inis. "Kayo naman po kasi ang nauna e," pakikipagtalo naman ng babae. "What? Ako? Sino 'tong nambulabog ng tulog ng napakaaga? 'Di ba ikaw? Tss. H'wag mo isisi sa'kin 'yung mga kabalastugan mo," madidiin ma singhal nito sa kanya. Sa inis ng babae ay hinarap ng ito na nakakrus ang mga braso sa may dibdib. "Hindi ko naman po sinisisi sa inyo, ah? Kung tubig lang problema mo kaya ka ganito Sir, eto na ikukuha na kita. Badtrip agad e," padabog na naglakad ito papunta sa ref upang ikuha na ang alaga ng tubig upang tumahimik na. "Tss." Iyun na lamang ang nasabi ng binata at isinadal ang katawan sa may lamesa. Hinintay nyang pagsilbihan sya ng yaya nito at hindi nya maiwasang mainis. Uhaw na uhaw na nga sya tapos ganoon pa nangyari sa kanila. "Oh," padabog na nilapag ni Haila ang baso ng tubig sa lamesa na kung saan nakasandal ang alaga nya. Buti nalang at hindi natapon ang tubig na laman ng baso ng kanyang inilapag iyon sa mesa. Inirapan nya ito ng pabalik na sya sa pwesto kanina. Nabalot na sila ng katahimikan at pilit nila pinapakalma ang mga sarili. Umayos na sya ng mapansing papalapit sa kanila si Sir Russel. "Hello po, Sir.." Masayang bati nito. Sa pagkagulat at namilog ang mga mata ni Rhaiven na tumingin sa kanyang ama. "Hello din sa'yo. Nga pala, pumunta ako dito upang itanong sa'yo kung ano ang ipinameryenda mo dito kay Rhaiven kanina, " dinuro nya pa ng bahagya ang kanyang panganay na anak na si Rhaiven na muntik ng mabilaukan pagkarinig sa sinabi ng kanyang ama. Kapwa sila nagulat sa sinadya ng matandang lalaki. Nagkatinginan silang dalawa at hindi alam ni Haila ang isasagot. Iniiwasan na nga nya ang g**o at baka kung magsumbong sya yari na naman sya sa alaga. Napalunok sya. "Ahhh-ehh ano Sir uhm. yung-----" hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang sabihin. Napapakamot tuloy sya sa kanyang ulo na halatang natataranta sa nangyayari. "Daddy, lumpiang gulay po ang ipinameryenda nya sa'kin. Ang sarap nga e, nabusog po ako," bahagya nya pang hinawakan ang kanyang tyan upang mapaniwala ang ama. Nagulat si Haila sa sinabi ng kanyang alaga. Hindi nya inaasahan na magsisinungaling ito. Ano daw? Nabusog? Ni hindi nga nya tinikman tapos sasabihin nyang nabusog sya? Dahil sa pagkagulat ay natulala si Haila at hindi nya namalayan na inakbayan pala sya ng binata. "Subukang mong magsumbong sigurado akong 'di ka na masisikatan ng araw," pasimpleng bulong sa kanya ng alaga na ikinatayo ng kanyang mga balahibo sa braso. "Wow! That's good to hear, Haila," papuri ng matandang lalaki at nagpakawala ng palakpak sa kanyang mga palad. "Thank you, Sir," pilit ngiti pa ang kanyang nagawa para 'di sya mahalata ni Sir Russel. "Ranz, sana naman magtuloy-tuloy na 'yan para naman tumaba ka kahit konti, " paalala ng ama nito. "Sure dad, kahit isang libo pang lumpia ipaluto nyo kay yaya, kakainin ko po lahat kung 'yun ang gusto nyo," mayabang na tugon ni Rhaiven at sinasadya nya iyon upang mainis lalo ang babae na inakbayan nya. Ayaw nitong masermonan sa ama kaya minabuti nyang magsinungaling. Napabuga ng hangin naman si Haila sa inis. Wala syang magawa kundi sakyan ang pagsisinungaling ng kanyang alaga. Gusto man nyang sabihin ang totoo pero pinapangunahan na sya ng takot. Sa tindig kasi sa kanya ng binata umaatras na ang kanyang dila. "Aasahan ko yan, ha." "Yes Dad.." Rhaiven replied. "Keep up the goodwork, Hija." Bahagya nya pang tinapik ito sa braso. At walang nagawa si Haila kundi magpakawala ng pekeng ngiti upang 'di sila mabisto. Dahil sa walang lakas ang bibig ni Haila na ibuka ito ay tanging tango nalang ang naisagot nya. Nanginginig kasi ito at kung 'di pa aalis si Sir Russel ay sasabog na talaga ang inis nya. "So, maiwan ko na kayo pupunta lang ako sa bodega kasi pinalinis ko 'yun.." Paalam ng matandang lalaki. Tuluyan na ngang umalis ang matandang lalaki. Kaagad na inalis ni Rhaiven ang pagkakaakbay sa babae at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Tinignan ni Haila ng masama ang binata dahil sa ginawa nito. Isinama ba naman sya sa kalokohan nito at kung hindi lang sya tinakot baka sermon ang aabutin nito. "What?" Iritableng tanong ni Rhaiven nang mapansin ang masamang tingin sa kanya ng dalaga. "Sir, bat tayo nagsinungaling kay Sir Russel?" "Hoy! H'wag ka ngang magmagaling dyan. Kung sinabi mo ang totoo hindi lang ako ang malalagot kundi madadamay ka rin." At inalis ang tingin sa babae. Heto na naman sila magbabangayan at ni isa ay walang magpapatalo. "Kahit na, Sir. 'Di ba po bawal magsinungaling?" Napakamot pa ito ng ulo sa inis. "Bakit, masweswelduhan ka ba ng pagkahonest mo? Ha?!" "Hindi po pero ba----" Hindi na pa natapos ni Haila ang sasabihin nang mabilis na dinakma ng binata ang pisngi nito. Inipit gamit ang isang palad at nag-aapoy ang mata nito sa galit. Namilog ang mata sa gulat at pigil hininga ang kanyang ginawa. "Sa oras na magsusumbong ka, black eye na aabutin mo sa'kin. Naiintindihan mo?!" Tumango nalang sya bilang pagsagot. Padabog na binawi ng binata ang kamay at tuluyan na syang iniwan. Napatulala si Haila na naiwan mag-isa. Hindi nya akalain na ganoon pala kawild ang alaga paggalit. Naguguluhan na sya. Sabagay, may punto ang alaga nya once na malaman ni Sir Russel ay hindi lang 'yun ang malalagot pero damay din sya. Nagpapadyak sya sa inis. "Haila, ano ba 'tong pinasok mo kasi," usal nya sa sarili at pinukpok ang ulo gamit ang kamay. Wala syang ibang maramdaman kundi inis at galit sa lalaki. Okay na sana kung 'di sya dinamay noong lalaki, pero wala pinahamak sya pa rin nito. Si Haila na pa ang nagluto ng hapunan dahil hindi pa tapos ang mga kapwa kasambahay na maglinis sa bodega. Sa laki kasi ng bodega ay talagang matatagalan sila sa paglilinis. Tutal naman may pinalengke ang mayordoma kaninang umaga ay hindi sya nahirapan mag-isip ng lulutuin. Winili na lamang nya ang sarili sa pagluluto kahit pa man hindi mawala sa isip nya ang ganapan sa kanila ng alaga kanina lamang. Tss.. "Naku! Haila, pasensya ka na kung ikaw ang nagluto. Natagalan kami sa paglilinis e," sulpot ng mayordoma nila at halatang pagod nga. "Manang, okay lang po. Wala naman po akong ginagawa kaya ako na po nagluto. " sagot ng dalaga. "Nakakahiya naman sayo, hindi mo naman trabaho 'yan. Alagaan lang si Sir Rhaiven ang trabaho mo dito, " nahihiyang usal ng mayordoma sa kanya na bahagya pang napakamot sa kanyang sentido. "Si manang talaga, okay lang po saka nanahimik na ang alaga ko kaya wala pong problema." "Oh sige, ako nalang tatawag kila Sir para may maitulong ako." Usisa ng matanda. "Sige po at maghahain na po ako." Kaagad na nyang inihain ang mga niluto sa lamesa upang makakain na ang kanyang mga amo. Nakangiti sya ng malaki at talagang masisiyahan sila sa ulam na kanyang niluto. Alam nyang hindi sanay ang kanyang amo sa pagkain na niluto nya pero sana magustuhan pa rin nila. "Goodeve Sir, maupo na po kayo at kakain na," masayang anyaya nya kay Sir Russel na papalapit sa dining table na kung saan sya naroroon. "Uhm," inaamoy-amoy ng kanyang amo na lalaki ang mga inihanda nitong ulam. "Mukhang masarap ang ulam na niluto mo." Nakaramdam naman ng tuwa si Haila kaya hindi nya naiwasan ang mapangiti ng malaki. "Sana nga po magustuhan nyo." "Tawagin mo na sina Ranz para makakain na tayo," utos ng lalaki. "Tinawag na po sila ni Manang Selya, Sir." Sagot nya. Tumango nalang ang lalaki at umupo na. Parang naganahan ito nang makita ang pagkain na nakahain sa lamesa. "Wow! Mukhang mapaparami ako ng kain ngayon sa sarap ng ulam natin," biro sa kanya ng amo kaya naman napatawa sya ng mahina. Kahit kailan puro papuri ang naririnig nya rito kaya naman lalo syang nilalakasan ng loob. "Goodeve daddy," bati ng bunso nitong anak at humalik sa pisngi ng ama."Goodeve din ate, " kinawayan sya ng batang babae at tanging ngiti ang naisagot nya. Umupo na si Rhaivee at namilog ang mata sa nakita. Hindi nito akalain na ganoon ang pagkain na madadatnan nya. Hindi mawari ni Haila kung kasiyahan ba o inis ang namugto sa mukha ng babae pagkakita sa mga pagkain. "Maam Rhaivee, ayaw nyo po ba sa mga niluto kong ulam? Sabihin nyo lang po at magluluto po ako ng iba." Kinakabahang tanong ni Haila. "Ate, this is my favorite alam mo ba 'yun? Matagal ko ng gusto na mag ulam ng ganito." Masiglang sumbat ni Rhaivee na nagpakawala ng kaba sa dibdib ni Haila."Your the best talaga, ate." Dahil sa sinabi nyang iyon ay bumalik ang saya na naramdaman nya. Masarap sa pandinig nya ang mga papuring iyon kaya naman sobrang saya nya. Pero, hindi pa sya pwedeng magpakampante dahil wala pang komento ang kanyang alaga na busangot. Ano kaya magiging reaksyon nito kapag nakita ang mga hinanda nyang ulam? "Goodeve," walang gana na bati ng alaga nya na parang lantang gulay na naglalakad papalapit sa pwesto nila. Napatigil naman sa paghigop ang dalawang kumakain at halatang nasasarapan sila. "Ah Sir, kain na po kayo," anyaya nya rito at pinaghugot sya ng upuan upang doon maupo ang alaga. Tinignan sya lamang nito ng masamang tingin at umupo na. Alam nyang naiinis parin ang alaga nito sa kanya at wala syang pakialam doon. "Kain ka na masarap ang ulam natin," wika ng ama nya na halos mabuga pa ang kanin na nginunguya. Tinignan ni Rhaiven ang mga pagkain sa lamesa at halos magsalubong ang kanyang mga kilay pagkakita sa mga ito. "Anong mga 'to?" Inis na tanong Rhaiven sa yaya na nasa kanyang tabi at pinaghahain sya ng kanin. "Malunggay Sir," sagot ng dalaga habang abala sa paghahanda sa plato ng kanyang alaga. "Naku! Sir, masarap po 'yan lalo na pagmainit pa 'yung sabaw. Ako po nagluto nyan, Sir," ngiting wika nya.At sa sinabing iyon ng yaya nya ay lalo pa syang nainis. "Nananadya ka ba? Alam mo na ngang 'di ako kumakain ng ganyan 'di na? Ba't ganyan pa niluto mo?" Reklamo ng binata at wala syang pakialam kung nasa harapan man sila ng pagkain. Pagkakita nya palang sa ulam ay wala na syang tiwala doon kung malinis ba iyon o hindi. " Sir, masustansya po 'yan at talagang makakatulong po 'yan para lumakas resistensya nyo, " depensa ni Haila at diretso syang tumitig sa binata na iritadong-iritado na. "Oo nga, Kuya, tama si Ate. Atsaka, tignan mo ang 'yang sarili mo, sobrang payat, kakakain mo siguro ng masarap kaya ganyan," sabat ni Rhaivee at muling sumandok ng malunggay. "Tss. Wala na bang ibang ulam?" "Wait Sir, meron pa," at masiglang nagpunta sa kusina si Haila at kinuha ang ulam na kanya nya pang niluto. "Charan!" Inalis nya ang takip ng tupperware na pinaglagyan nya ng ulam"Presenting, prinitong galunggong na may kasamang toyo na magsisilbing sauce nya. At tsaka, Sir, masarap pong kainin ito lalo na kapag magkakamay kayo, subukan nyo po para malaman niyo." "Ate, ang sarap naman ng mga niluto mo," sabi ni Rhaivee na naganahan na naman pagkakita sa ulam. "'Yan ang ipapakain mo sa'kin? What the hell," tinapik nya ng bahagya ang lamesa dahil iyon upang makagawa ng ingay. Napatingin tuloy ang ama nya sa gawi nila." Dad, wala na bang iba? Talaga bang 'yan na ang mga ulam ngayon?"pagrereklamo ng binata sa ama. "Ranz, masanay ka na mula ngayon dahil puro ganyan na dapat ang kainin natin. Saka kainin ang dapat nakalapag sa mesa kaya sige na, bawal magreklamo." "Dad, mansyon 'tong bahay natin ta's ganito lang ang mga ulam na dadatnan ko? Ano bang nangyayari? I can't believe this." Napasapo na sya sa kanyang sentido. "Sige na, Sir kainin nyo na 'yan baka gusto nyo po subuan ko kayo," susubuan pa sana sya ng dalaga. Sng "Ba't ko naman kakainin 'yan? Saka tumigil ka nga, naiinis ako sayo, " madidiin na wika ng binata na halatang inis na inis na sya sa presensya ng dalaga. Dahil sa pagtatalo ng dalawa ay sumabat na sa usapan si Russel."At bakit mo naman tatanggihan ang mga pagkain na nasa hapag? Kung nandito lang ang mama mo, tiyak masesermonan ka na naman. Sige na kumain ka na. Masasarap mga inihanda ng yaya mo oh. " "I.DONT.LIKE." diin na pagmamatigas ng binata at tumayo sa pagkakaupo. Nawalan na sya ng gana na kaninang kalamnan nya ay mag-alburuto sa gutom. Parang gusto nyang magwala sa pinaggagagawa ng yaya nya sa kanya. Alam nyang sinadya nya iyon. "Saan ka naman pupunta?"tanong ng daddy nya na nasa plato ang tingin. . "Saan pa, edi sa kwarto. Nawalan na ako ng gana. Eatwell." "Sige, umalis basta grounded ka for one week." Pagbabanta ng kanyang ama na abala sa pagsandok ng kanin kaya hindi nya ito tinapunan ng tingin."Madali naman akong kausap, Ranz," pananakot sa kanya ng tatay nya kaya naman napahinto sya sa paglalakad at hinarap ang ama. "Daddy naman, walang ganyanan. Alam mo na ngang 'di ako sanay sa mga ganyang pagkain 'di ba?Kindly understand me, " nakabusangot na depensa ng binata Sumagot ang kanyang ama na nakahalukipkip na."Pwes, sanayin mo. Mamili ka, bumalik ka dito at kumain or grounded ka for one week?" "Bumalik ka na po dito, Sir Rhaiven," nang-aasar na tugon ng kanyang yaya na kunyari gusto pa sya nitong subuan. Kung wala lang ang kanyang ama baka kanina nya pa tinadyakan ang babae sa sobrang inis. Wala na syang nagawa kundi bumalik dahil tyak ikakamatay nya kapag nagrounded. Ayaw nyang makasama ng matagal ang babae lalo na at kinaiinisan nya ito ng sobra. "C'mon baby Rhaiven, subuan kita," pang-aasar ng babae sa kanya nang naglalakad sya pabalik sa kanyang upuan. Inirapan nya lang ang babae na talagang sinasadya nya lahat ng mga ginagawa nito sa kanya. Kailanman ay hindi sya matutuwa sa mga pinaggagagaw nito. "Eatwell Kuya," pambubuyo ng nakababata nitong kapatid na si Rhaivee. Nakangisi pa ito at muntik na nya itong takbuhin para sana hampasin pero pinigilan nya ang kanyang sarili. Padabog syang naupo at inirapan ang yaya nito na nag-aabang."Pag ako nagkasakit talaga ha.." "Anak, hindi naman nakakamatay ang gulay e, huwag ka ngang overacting," depensa ng kanyang ama. "Whatever, dad." Nilagyan ni Haila ang mangkok ng kanyang alaga at alam nyang napipikon ito. Wala naman syang choice kundi ipagpatuloy 'yun. 'Yun lang naman ang ganti nya sa kapahamakan na ginawa sa kanya ng binata kanina lamang. Nandidiring nginunguya ng binata ang malunggay na inihain sa kanyang plato. Kung hindi lang sya binigyan ng kondisyon ng ama, baka nasa restaurant na sya lumalamon ngayon. 'Di nya maiwasang mainis dahil gutom na gutom sya tapos ganoon lang ang dadatnan nyang pagkain. Abot naman sa tenga ang ngiti ng kanyang yaya. Siguro nasisiyahan ito kapapanood sa kanya habang pilit na kinakain ang mga inihanda nitong mga pagkain. Kailanman hindi nya pa nararanasan ang kumain ng ganoon at ito lang ang unang pagkakataon. Hindi na pa nakapagtimpi si Rhaiven kaya naman nauna na syang umalis sa hapag at padabog na bumalik sa kwarto nito. Talagang kumukulo ang kanyang dugo. Paano nagawa sa kanya iyun ng babae. Ba't ganoon nalang ang pagtitiwala ng ama nito sa babaeng 'yun? Wala naman kainte-interesado sa taong 'yun. Pagpasok sa kwarto nya ay padabog na sumalampak sya sa malambot na kama. Binigyan ng tingin ang kisame at doon na naman pumaso sa isip nya ang pagmumukha ng babae na nakangisi. Naiinis sya talaga. Ba't ganoon nalang katapang 'yun para kalabanin sya. Napailing sya dahil sa naisip. Hindi sya dapat magpaapekto sa babaeng 'yun. Sya ang alaga nito at mas may karapatan sya. Binabayaran nila ito kaya naman dapat umayos sya. "Nakakainis ka!" Bulyaw nya at inihilamos ang palad sa mukha. Wala syang pakialam kung may makarinig man sa kanya. Gusto nya lang ilabas ang inis na nararamdaman sa babaeng 'yun. "Goodevening Sir," masayang bati ng yaya nito nang hindi nga namalayang pumasok sa kanyang silid. "What are you doing here?" Walang gana na tanong nya sa babae na nanatili syang nakahiga. Lalo lang sya maiinis pag binigyan nya ito ng tingin. "Chillax lang, Sir, sungit nyo masyado. Nandito lang ako para ihatid 'tong gatas nyo and syempre para macheck if tulog na kayo, " sagot ng babae. "Nakikita mo naman na hindi pa ako tulog 'di ba? Tanga lang? Tss! Ilapag mo na lang dyan sa study table ko 'yang gatas, mamaya ko na inumin," utos nya at ginawang unan ang dalawa nitong braso. Kahit 'di nya nakikita ay alam nyang nasa kanya ang tingin ng babae. Nakangiti ito at 'yun ang natitiyak nya. "Sir, 'di na 'to masarap pagmalamig, parang tao lang din wala ng lasa pagmalamig dapat painitin para masarap 'di po ba?" Saka nagpakawala ng malakas na tawa si Haila pero hindi manlang sya nakarinig ng tawa mula sa alaga nito, nagpapahiwatid lang noon na hindi sya natawa sa sinabi nitong biro. "Tss!" Singhal ni Rhaiven at bahagya pang umiling."Pwede bang huwag kang mambadtrip ngayon? Kahit ngayon lang? Please? Magmula kasi ng dumating ka sirang-sira na palagi ang araw ko." "Araw lang ba, paano po sa gabi?" Pamimilosopo ng dalaga. "What the f**k?" Taas-kilay na singhal ni Rhaiven at napabangon pa sya sa pagkakahiga."Sumasagot ka pa?" "Magagalit ka lang din po naman paghindi ako sumagot. Ang g**o mo, Sir," napakamot pa sya sa kanyang ulo. "Get out of my room, please? Sisipain kita pag hindi ka pa umalis dito," dinuro nya pa ng bahagya ang pintuan. Hindi na nya kaya ang presensya na dulot ng babae. "Kung kanina nyo pa ininom 'tong gatas, Sir, kanina pa dapat ako umalis kaso dami nyo pang satsat e," depensa ni Haila ng buong tapang. "Ako pa 'tong sinisisi mo talaga, ha? Tss! Ilapag mo nalang nga doon sa study table ko di ba? Saka umalis ka na badtrip na ako masyado sa'yo e." "Che!" 'yun na lamang ang lumabas sa bibig ni Haila sa inis. Naglakad na sya palapit sa study table ng alaga at inilapag doon ang gatas na dala. At sa 'di inaasahan ay may nakakuha ng atensyon nya. Kinuha nya ang picture frame na nakapwesto sa 'di kalayuan. Natitiyak nyang ang binata ang nasa litrato at 'di namn nya mawari kung sino ang matanda na kasama nya. "Sir, sino po 'tong kasama nyo dito sa picture? Lola nyo po, sir?" Tanong nya habang nakatitig pa rin sa litrato na hawak. Nakatalikod sya sa binata na ang tahimik. Laging gulat na lamang ni Haila nang hablutin sa kanya ng binata ang litrato na hawak at para bang mag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata. "You don't have the right to touch this frame. This is mine and not yours!" Bulyaw sa kanya ng binata na ipinagtaka nya. Sobranb talim ng tingin na ibinigay nito sa kanya at para sya nitong kakainin ng buhay. "Sir, 'di ko naman sinasadya saka nagtatanong lang naman po if lola nyo 'yan.Masama na po ba 'yung----" hindi na nya natapos ang sasabihin ng putulin ng lalaki ang kanyang pagsasalita. Nakaramdam sya ng kakaibang takot dahil sa mga tingin nito. "HAILA, ANO BA! BA'T BA ANG KULIT MO? SINABING UMALIS KA NA DITO EH!" "Sorry, Sir." Paghingi nito ng pasensya. "WALA KANG KARAPATAN NA HAWAKAN ANG MGA GAMIT KO, MALIWANAG BA 'YUN SA'YO?NOW, GET OUT!" Hindi na pa nagsalita si Haila dahil sa takot. Makikita talaga sa mukha ng binata na galit ito at para bang may ibig- sabihin ang litrato na 'yun. Dapat iyon malaman ni Haila upang masagot ang kanyang katanungan. Nanatiling nakatayo si Haila at titig na titig sa mata ng binata. Ewan nya pero pakiramdam nya may mabigat na ibig sabihin 'yun. Ba't ganoon na lamang magalit ang binata ng hawakan nito ang litrato? "Sabing umalis ka na!" padabog na inilapag ni Rhaiven ang frame saka hinawakan sa braso ang babae at kinaladkad paalis ng kwarto nya. Wala naman nagawa si Haila kundi magpatangay na lamang. Napabuga ng hangin si Haila nang pinagsaraduhan na sya ng pinto ng alaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD