CHAPTER 4

4767 Words
"Blag! Blag! Blag! Blag! " Malakas na tunog ng takip ng kaserola na ginamitan ni Haila ng sandok pamalo upang makagawa ng ingay sa kwadradong silid ng binata. Napamulat ng mata ang lalaki at inis na binigyan ng tingin ang babae. Hindi nya alam kung anong klaseng pambabadtrip ang ginagawa nito sa kanya. "Magandang umaga po Sir!" Sigaw ng dalaga sa alaga nito ng nakapwesto sa mga gilid ng kama. Nakangiti ito na para bang nasisiyahan sa ginagawang kalokohan. Aminado syang sinadya nya itong gawin upang makaganti manlang kahit papaano sa lalaki. "Tss! Walang maganda sa umaga ko dahil ngayon pa lang sinira mo na!" Bulyaw pabalik ng lalaki at padabog na tinakpan ang teinga gamit ang isang unan. Tumagilid sya ng bahagya dahil naiirita sya sa pagmumukha ng babaeng nasa kanyang gilid. Ang sarap sarap ng tulog nya tapos binubulabog sya nito ng napakaaga. 'Di nya maiwasan na mainis dahil sa ginawa nito. Hindi kailanman nakakatuwa ito para sa kanya. "Sir, bangon na po dyan," pangungulit parin nito at hinampas ulit ang takip ng kaserola na nagpaingay ulit sa silid na kanina ay napakatahimik. Dahil sa inis ay padabog na bumangon ang binata at bahagyang umupo sa kama nito. Binalingan ng masamang tingin ang babae na sumira sa kanyang umaga. Nagulat si Haila sa tingin na binigay sa kanya ng lalaki. "Alam mo ikaw, kung wala kang magawa sa buhay mo pwedeng h'wag mo ko isali, ha? Nakikita mong ang sarap ng tulog ko dito. Kung mambulabog ka 'kala mo naman sa'yo 'tong bahay. Tss." Depensa nito sa dalagang napakagat pa ng pang-ibabang labi sa hiya. "E Sir, umaga na po kasi at trabaho ko pong gisingin kayo. 'Di ba nga po yaya nyo 'ko? Ginagawa ko lang po ang trabaho ko." Paliwanag ng dalaga na naghand gesture pa. Napakamot ng ulo ang lalaki sa narinig na sagot ng dalaga. Kahit anong oras mag-aapoy na ang ilong nya sa galit. Bakit napakatapang ng babaeng kaharap nya ngayon upang iganto sya? "Pwes, yaya lang kita at wala kang pakialam kung hanggang kailan ko gustong matulog. H'wag ka ngang feeling close." Iritadong usal ng binata at akmang ihahampas ang unan sa babae ngunit mabilis itong umilag na tatawa-tawa pa. "Inutusan lang po ako ni Sir Russel na gisingin kayo kasi may pasok pa daw po kayo e." Nakangusong paliwanag nya. "Tss. Inutusan ka pala, bat kailangan mo pang magdala ng takip ng kaserola at sandok para gisingin ako? Ha?" Singhal nya dito. Hindi nito kayang palampasin ang ginawa ng dalaga. Sa totoo lang ito ang unang beses na gisingin sya na may kasamang ganoong gimik. "Sir, ilang beses po kayang kitang ginising kanina pero wala, tulog mantika ka pa rin. Sinampal ko pa kayo, pero makapal mukha nyo kaya 'di kayo nagising. Kung alam ko lang na takip ng kaserola at sandok magpapagising sa inyo, hindi na sana pa ako nagpakapagod, " hindi nya alam kung matutuwa sya sa sinabi ng yaya nya. Napabuga naang sya ng hangin at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Talagang sinampal pa sya ng dalaga at proud pa itong ipaalam sa kanya. Tss. "Sinong maysabi sa'yo na sampalin ako? Utos din ba 'yun ni Daddy sa'yo?" Naiinis na tanong nya. Napailing ang dalaga bilang pagsagot. Kaya naman nanlaki ang mata ni Rhaiven lalo sa mga nalalaman."Hindi po Sir, 'yun po pumasok sa isip ko na paraan para magising kayo. Astig nga po, dalawang palad ko sumampal sayo wala ka pa ring malay," tumawa pa ito ng malakas at hindi manlang alintana ang binata na nakatingin sa kanya. "Anong karapatan mo na sampalin ako?" Singhal ng binata sa babae dahil inis na inis sya pagkalaman na sinampal sya nito habang tulog sya kanina. "Ikaw po ba Sir, uutusan na gisingin ako, pag 'di ako nagising agad ano gagawin nyo, 'di ba sasampalin? Pwede din naman halikan, " asar nya at pumalakpak pa sa tuwa ang dalaga. "Tss. Pwedeng umalis ka na lang? Lalo mo lang sinisira araw ko, " tugon ni Rhaiven saka sinuklay ang daliri sa magulo nyang buhok. Naiinis na talaga sya. "Akala ko ba nasira ko na? 'Yun sabi nyo kanina 'diba?" Dahil sa sinabing 'yun ng babae ay tinignan nya lalo ito ng masamang tingin. Sobra na ang ginagawang pambabadtrip ng dalaga sa kanya at konti nalang ang pasensya nya. "Sabi ko nga, Sir, aalis na ako. Bye, sir," kumaway pa ito ng may ngiti sa mga labi bago tuluyang umalis. Inirapan nya lang ang babae at inihiga ulit ang katawan sa malambot nyang kama. Tumingin sya sa kisame at hindi nya maiwasan na maalala ang ngiti ng babae kanina. Ngiting mapapatahimik ka talaga kahit pa galit ka. Napailing sya. Hindi sya pwedeng magpadala sa ngiting 'yun ng babae. May atraso 'yun sa kanya. Sinira nito ang kanyang araw. Hindi lang isa ang kasalanan ng babae sa kanya kahit umaga pa lamang. Hindi nya lubos maisip na sinampal sya ng babae kaninang mahimbing syang natutulog. Ni kuko nga hindi nga naramdaman, sabagay tulog mantika sya kung matulog at aminado sya doon. Kumilos na lamang sya na linisin ang katawan upang makapasok na. Nakangiting naghuhugas ng mga ginamit pangluto ng agahan si Haila. Hindi nya lubos maisip na nalabanan nya ang takot kanina. Nilakasan nya talaga ang loob na badtripin ang alaga. Ngayon nya lang nalaman na mas kyut ito kapag naiinis. Napapangiti na lamang sya kapag naaalala ang mukha nito na nakabusangot kapag galit. Hindi nya malaman pero para bang nabuhayan ang pagkatao nya sa expresyong iyon ng binata. "Huy! Mukhang blooming ka ngayon," tawag ng atensyon sa kanya ni Erica na kapwa din nya kasambahay ng mga Mendoza. Binalingan nya ito ng tingin upang ngiti at muling binalik ang tingin sa ginagawa. "Wala lang, ate, trip ko lang 'to. Saka alam mo po ba nabadtrip ko si Sir Rhaiven ng napakaaga," masiglang balita nya sa kausap. Nagulat naman ang isa sa kanyang nalaman. "Uy talaga ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Erica. Tumango nalang ito bilang sagot. "Opo ate. Mas kyut pala sya kapag galit." "Totoo 'yan, bes. Mas kyut talaga sya paggalit pero minsan nakakatakot." Komento ni Erica at gustong ipaalala kay Haila na kinakailangan nyang mag-ingat dahil hindi nya pa lubos kilala ang binata. "Tulog mantika sya noong gigisingin ko sana. Alam mo po kung ano ang ginawa ko? Sinampal ko ng dalawang beses pero wala pa din kaya ayun kumuha ako ng takip ng kaserola at sandok para gisingin 'yun. Hahaha nagising naman." Masiglang pagbabalita ni Haila ngunit imbes na matawa si Erica ay nagulat ito. "Naku! H'wag mo masyadong binabadtrip 'yun, Haila. Hindi mo sya kilala kapag galit. Baka kung ano gawin noon sa'yo kapag nasobrahan mo," paalala ni Erica sa kanya na puno ng pag-aalala sa boses nito. "Opo, noted 'yan, ate. " sagot ni Haila na walang bahid ng takot sa kanyang mukha. "Alam mo bang ikaw lang nakagawa sa kanya nito? 'Yung iba nga noon na yaya nya takot sa kanya, maski paghain ng pagkain sa plato hindi nila magawa, " pagkwekwento ni Erica habang abala sa pagliligpit ng mga kubyertos na ginamit. "Talaga po? Grabe naman noon, sanakikita ko parang mabait din sya konti, " sambit ni Haila at inalala ang pagbabalik ni Rhaiven ng selpon nito noong nakaraan. Hindi nya akalain na ibabalik 'yon ng binata sa kadahilanang lumabag ito sa unang rule na kaninang pinag-usapan. "Sa ngayon lang 'yan, Haila, ero kapag nagtagal ka ng konti dito makikita mo na talaga, " may bahid ng pangamba sa boses ni Erica kaya napatingin si Haila sa kanya "Ganoon po ba 'yun?" Tanong nya sa kasama at hindi manlang binigyan ng pansin na nakatuon pa rin sa ginagawang paghuhugas. Tumango na lamang si Erica at natahimik sila pagkatapos. At 'di kalaunan ay linapatan nya si Haila at mayroon itong binulong. "Uy! Bes, andyan na si Sir Rhaiven. Umayos ka na," bulong nya rito kaya naman nataranta si Haila ng biglaan. Pagkarinig nya sa pangalan ng binata ay nagsibilisan na ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi nya mawari ito at tanging alam nyang dahilan ay pwede sya nitong gantihan o baka bulyawan. Papalapit ang rebulto ng binata na nakasuot ng walang gusot nyang uniporme. Bagay na bagay ito sa kanya dahil sa kaputian nyang taglay. Maayos ang buhok at kahit malayo palang ay amoy na nito ang pabango nakakawiling amuyin. "Goodmorning po, Sir," bati sa kanya ni Erica at tanging tango na lamang ang naisagot dahil halatang wala syang gana. Pagkatapos ay iniwan na sila noong yaya. Wala naman nagawa si Haila kundi tunguhin ang alaga at baka isipin nito na naiilang sya rito. "Nasa'n sina Daddy saka si Rhaivee?" Bungad na tanong nya sa babae. "Uhm! Umalis na po silang dalawa dahil po hindi ka na po nila mahintay, " sarkastimo ngunit magalang na wika ng babae. Dahil doon ay sumama ang tingin ng binata sa kanya. Kahit magalang na paraan sumagot ang babae, narammdaman nya pa rin ang pagiging sarkastimo nito. "Tsk! Whatever. Dalhan mo nga ako ng pancake doon, 'yun ang gusto kong maging breakfast ngayon e," utos sa kanya ng lalaki na nakacross na ang mga braso sa dibdib nito. Halatang inis na inis pa rin sa tono ng boses nito pati na rin ang postura nya. "Okay, sige po, Sir. Tatapusin ko lang po 'tong---" "Ngayon na! Ayokong pinaghihintay ako, " singhal nyang pasigaw na ikinagulat ng babae. Muntik nya pang mabitawan ang hawak na plato. Wala na pa syang nagawa kundi tumango na lamang. Napakabossy kasi ng lalaki kaya no choice na sya. Kaysa naman sa makipagbangayan ito, nanahimik na lamang sya. "By the way, naihanda ko na lahat ng lalabhan mo. Lahat ng kalat sa kwarto ko pakilinis ng mabuti at kapag 'di sakto sa panlasa ko ang paglilinis mo, uulitin mo, maliwanag?" Madidiin na salita ng lalaki. "Opo, Sir." "Sira 'yung washing machine kaya magkamay ka sa paglalaba, " walang ganang utos ni Rhaiven na nakatingin sa ibang direksyon. Ayaw na ayaw nyang tumingin sa babae dahil lalo lang sya maiinis. "Po? Bat po sira? Kay yaman nyo sira naman pala washing machine nyo. Ano ba yan," reklamo nya at napakamot pa sa ulo. Heto pa lang na mansyon ang naencounter nya na sira ang washing machine. Tss. "May problema ka ba doon? Ha?" Taas-kilay nitong singhal. "Ah-eh wala naman po, Sir. Keri ko pong magkamay sa paglalaba," napipilitin nitong sagot pero sa kaloob-looban ay naiinis sya. "Okay, good. Ipaghanda mo na ako at baka malate ako," pagkasabi nya ng ganoon ay tinalikuran na nya ang babae saka naglakad papunta sa dining area. Kaagad na tinapos ni Haila ang paghuhugas saka nya pinaghanda ang alaga. Pinagsilbihan nya pa ito kahit pa man alam nyang nakatingin sa kanya ito. Hindi nya iyon binahala pa bagkus hinintay na lang nya na matapos. Nagpaalam na ang binata sa kanya at pinaalalahanan sya ulit sa mga kailangan nitong gawin. Tumango ang babae bilang pagsagot. Pagkatapos na linisin ang mga kubyertos na ginamit ng lalaki ay kaagad ng nagpunta si Haila sa naturang kwarto ng alaga. Bumungad sa kanya ang sandamakmak na labahan at ang kapal ng mga kumot nito. Isama na rin ang damit nyang nakalagay sa dalawang tray. Sa dami ng mga iyon ay may ilan pa sa sahig na nakakalat. Napaisip tuloy ang babae kung ilang araw bang hindi sya nilabhan ng mga yaya nito ng nakaraang araw. Napabuntong-hininga na lamang sya at bagsak ang balikat na kinuha ang mga iyon upang makapagsimula na. Pagdating sa area na kung saan pwedeng maglaba, hindi na pa sya nagpaligoy-ligoy pa, basta kanya na lamang iyon sinimulan. Hindi nya lubos maisip na naglalaba sya ngayon na nakakamay. Wala naman syang magagawa kung sira talaga ang washing machine ng mansyon. Alangan naman na ang mga amo pa ang mag-adjust sa paglalaba nya. "O, Haila, heto pa daw ang lalabhan mo sabi ni Sir Rhaiven kanina," sulpot ng kasama nilang kasambahay na si Nancy na may hawak na mga sapatos. "Lahat po 'yan?" Gulat na tanong ni Haila habang nakaduro sa mga dalang sapatos. "Oo, matagal na ring hindi nakatikim daw ng sabon mga 'to kaya kailangan na daw labhan. Mga bente pares lang naman," wika ng babae at tumango na lang sya. Iniwan na sya nito pagkalapag ng mga sapatos sa may left side nya. Hindi nya alam kung kailan sya matatapos sa dami ng mga kailangang labhan. Feel nya tuloy hindi yaya ang trabahong pinasok nya kundi labandera na. Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa sya nangangalahati sa mga nilalabhan. Ramdam na nya ang sakit ng kanyang braso pero hindi nya kailangang tumigil dahil baka magalit ang alaga nito sa kanya pag-uwi. Pinagpatuloy na lamang nya ang ginagawa nang biglang may sumulpot na naman. "Haila, bat nagkakamay ka sa paglalaba?" Tanong ni Erica na nakakunot-noo. Binigyan nya ito ng tingin saglit bago ibinalik sa ginagawa. "Naku! Sanay naman po ako, saka okay lang, nag-eenjoy ako naman ako e," palusot nya sa kasama at bahagya pa syang tumawa. Nagsalita ulit si Erica at napahilot sa kanyang sentido. "Hay! Naku, hindi mo naman kailangang magkamay para maglaba e. " Nagtaka sya sa naging komento ni Erica. Napatingin sya rito at pinagkunutan sya ng noo ng kausap dahil nagtataka sya kung ano ang ibig nitong sabihin."E, manang, sabi po kasi ni Sir Rhaiven sira daw ang washing machine kaya magkamay raw ako sa paglalaba." "Ano?" Gulat na gulat na usal ni Erica. "Opo, sinabi nya po sa'kin kanina. Dami nga po 'tong pinalaba sa'kin, ang sakit na ng mga braso ko," wika nya at hinimas ang kaliwang braso na makirot. "Anong sira? Hindi naman ah." Natigilan sya sa pagmamasahe sa kanyang braso pagkarinig sa sinabi ng babae sa kanya. "Po? Ano pong ibig nyong sabihin?" Takang-taka na tanong ni Haila na diretsong nakatitig kay Erica at hindi maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Haila. "Ano ka ba. Kakabili lang noong nakaraang linggo 'yung washing machine ng masyon. Tsaka, imposible naman na masira 'yun agad, mahal pa naman ang bili noon ni Sir Russel sa pagkakaalam ko," paliwanag nito sa kanya at halos malaglag ang kanyang panga sa narining. Bat hindi nya naramdaman na pinagtripan lang sya ng binata? Naglakad palapit si Erica sa washing machine na nakapwesto sa 'di kalayuan. Pinaandar nya iyon upang ipakita kay haila na hindi talaga 'yon sira. "Hindi po sira?" Paninigurado ni Haila habang nakaduro sa naturang washing machine. "Hindi nga. Ayan oh, kita mong umaandar," duro nya pa sa washing machine na nakaandar. Wala na pang nasabi si Haila. Nauto talaga sya sa sinabi ng binata at naramdaman nyang kumulo ang kanyang dugo. Paano sya nagawang utuin ng lalaki? Gumaganti na ba ito sa kanya? Kahit naiinis ay pinili na lamang ni Haila na tapusin ang labahin. Padabog pa nyang binabanlawan ang mga damit ng binata. Kapag naaalala nya ang kagaguhan sa kanya ng lalaki ay naiinis sya ng sobra. Gusto nya tuloy suntukin ito pagkauwi. Hindi na nya mahintay pa ang pag-uwi ng binata. Hindi naman 'yun mang-uuto kung hindi sya nagpauto. Gusto nya magwala na parang demonyo. Naiinis sya, hindi nya lubos maisip na naisahan sya ng mokong na 'yun. Siguro, tawang-tawa na 'yun sa kalokohan ginawa sa kanya ng lalaki. "Bwisit na demonyo 'yun! Nakakainis! Bat nya sinabing sira ang washing machine nila, hindi naman pala! Anong tingin nya sa'kin ignorante? Psh! Kahit mahirap kami kaya ko pa rin gumamit ng ganoong bagay. 'Kala nya hindi ako gaganti? Tss. Lintik lang ang walang ganti.," dahil sa pagdadabog nya ay rinig na rinig 'yon sa kwadradong silid ng kanyang alaga. Nahagip ng kanyang mata ang picture frame ng lalaki sa table nito na malapit sa kama. Kinuha nya iyon at pinagmasdan nang nakataas-kilay. "Infairness, gwapo ka sa picture pero sa personal hindi. Alam mo kung bakit? Dahil napakapangit ng ugali mo. Para kang pinaglihi sa sama ng loob," saka nya dinuduro ang litrato ng binata sa inis kung saan nakalapag sa side table. "Haila," tawag sa kanya ni Sir Russel nang abala syang naglilinis sa kwarto ng lalaki. Dahil sa pagkagulat ay muntik nya pang mabitawan ang picture frame ng binata. Buti na lamang at mahigpit ang pagkakahawak nya doon. "Uhm. Sir, bakit po?" Kaagad nyang tanong sa amo nito at umayos ng tayo. Napakagat pa sya ng pang ibabang-labi sa kaba. Narinig kaya ni Sir Russel ang mga sinabi ko? Hala! H'wag naman sana. Patay ako nito pagnarinig nya talaga," usal ni Haila sa utak nya at talagang masasapak nya ang sarili pagnagkataong narinig iyon ng amo. Lalo pa syang kinabahan ng direkta syang tinignan sa mata ang matandang lalaki. Mali sya nang iniisip. Imposimble na narinig sya nito pero bat ganyan sya makatingin? "Wala naman akong kailangan. Uhm, narinig ko lang naman ang mga sinabi mo tungkol sa anak kong si Rhaiven," pagkarinig nya ng mga iyon ay nakaramdam sya ng hiya kaya naman napayuko sya agad. "Eh. S-sir, hindi ko naman po sinasadyang sabihin mga iyon kasi----" "Don't worry, Hija, nasanay na ako na ganoon ang sinasabi nila sa panganay ko. Hindi lang ikaw ang unang yaya na nagsabi ng ganoon, hindi na nga mabilang kung ilan e," nakangiting usal ng ginoo at bahagyang napakamot sa kanyang ulo. Napaangat sya ng tingin sa kaharap nyang lalaki. Bakit hindi manlang nagalit sa kanya ang ama ng alaga nya. Hindi ba masakit sa kanya 'yun? Sabagay, sya na mismo nagsabi na nasanay na syang ganoon ang sinasabi sa kanyang anak. Kung gaano kademonyo ang anak nito ganoon naman ang kabaitan ng kanyang ama. "Ganuoon po ba?" Kagat-labing usal ni Haila na hindi makatingin ng direkta sa amo. Tumango ang lalaki at naglakad papunta sa may bintana. Sinundan na lamang ni Haila ito ng tingin. "Aminado akong pasaway talaga ang anak kong iyon. Ni isang salita wala syang pinapakinggan kaya minsan, sya ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Babaero sya kung ilarawan ng iba dahil kung sino-sinong babae ang kasama nya. Kaya ganoon na lamang kami kaoverprotective doon kasi may nangyari sa kanya in the past. Pero, alam mo mabait 'yun pagdating sa kapatid nyang si Rhaivee, ni ayaw nga noon na magkanobyo pa e," pagkwekwento nito na may gumuguhit pang ngiti sa labi. Nagtaka naman si Haila at ninais na magtanong."Bakit daw po?" "Kasi bata pa daw sya para masaktan sa pag-ibig na 'yan. Ewan, mula nagbinata si Ranz, wala pa syang pinapakilala sa'min na nobya nya. Napapaisip tuloy ako kung may balak ba 'yun na mag-asawa o wala na. He's already eighteen years of age but until now wala pa. Sa gwapo nyang 'yun, imposible naman ata na hindi sya habulin ng babae, " tumatawang wika ni Russel. Sumagot naman si Haila at pasimpleng tumawa."Oo nga po." 'Yun na lamang ang kanyang nasagot at hindi nya namalayan na humarap na sa kanya ang matandang lalaki. "But, seriously, sa nakikita ko sa'yo mukhang magtatagal ka bilang yaya ng anak ko. Ni walang bakas na takot ang makikita sa mukha mo, bossyka pagtinitignan," nakakrus ang braso nito na wika sa babae. Napakamot sa ulo naman si Haila sa hiya. Hindi nya akalain na sasabihin iyon ng lalaki sa kanya. Halata ba talaga ang pagtatapang-tapangan nya sa alaga? Nakakatawang isipin. "Syempre ako pa po, saka mas lalo lang akong pagtritripan ni Sir Rhaiven pagpinahalata ko pong takot ako sa kanya. Mas okay nang bossy ako para kahit papaano mabigyan nya ng limitasyon ang mga ginagawa nya sa'kin." Magalang na sagot ni Haila. "Ganyan ang gusto ko sa isang yaya na katulad mo. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang kinuha ko." Napakakomportable nya sa lalaki at talagang napakagaan iyon sa kanyang pakiramdam. "H'wag po kayong mag-alala Sir, gagalingan ko po ang trabaho ko at pangako pong papatinuin ko ang anak nyo," pangangako ni Haila sa kanyang amo. "Aasahan ko 'yan. Apir tayo dyan," saka sila naghighfive. "Mauna na ako at baka malate pa ako sa meeting ko. Nga pala baka muntik ko ng makalimutan na kung pwede vegetable ang ipameryenda mo doon sa anak ko pagkauwi. E, alam mo naman na medyo may kapayatan sya 'di ba? Kaya kung pwede ganoon ang ipakain mo," bilin sa kanya ni Russel na may pag-aalala sa kanyang boses. Oo, tama sya, hindi mataba at hindi rin payat si Rhaiven pero kapansin-pansin ang payat nyang taglay. "Wala pong problema dyan Sir, ako na po ang bahala sa anak nyo," sagot ni Haila na may ngiti sa mga labi. Masarap sa pakiramdam nyang pinagkakatiwalaan na sya ni Sir Russel. Hindi nya mapaliwanag ang saya. Tinapos nya muna ang paglilinis upang maipaghanda ng makakain ang alaga pagkauwi. Habang naglilinis, hindi nya maiwasan ang matuwa sa mga sinabi ni Sir Russel. Sanay na syang pinupuri sya ng mga amo nya pero ngayon lang nya naramdaman ang ganoon. Para bang nanalo sya sa lotto sa sobrang saya. Pinapangako nya sa sarili na pagbubutihin ang kanyang trabaho dahil 'yun ang nararapat. Pagkatapos maglinis ay dumiretso na sya sa kusina upang maghanda ng makakain. At ilang minuto lang ang nakararaan ay narinig nya ang pagbusina ng kotse na nagsasabing nakauwi na ang kanyang alaga. Pumasok tuloy sa isip nya ang ginawang kabalastugan sa kanya ng lalaki. Nainis na naman sya. Sinalubong nya ang binata sa may sala at hindi nito pinahalata ang inis na nadarama. Ngiting- aso ang pinabungad nito sa lalaki at namilog naman ang mata nito sa gulat. "Tss." 'Yun na lamang ang lumabas sa bibig ng lalaki at nilampasan sya nito. Walang gana nitong binagsak ang katawan sa sofa at inihilig ang ulo saka pumikit. "Buti hindi ako napagod sa paglalaba. Hindi naman pala sira ang washing machine. Baka 'yung nantrip ang sira, no?" pagpaparinig nito sa binata na kunwari pa syang nakatingin sa malayo. Pansin nyang dumilat ang binata at tinignan sya nito ng tingin. "Nagpaparinig ka ba?" Inis na singhal sa kanya ng binata at kaagad nyang binigyan ng tingin. "Oh, Sir bat kayo nagreact? Natamaan po ba kayo doon? Sorry naman po," palusot nya't sinadyang paliparin ang kanyang buhok. "Tss. H'wag mo ko simulan dyan ah. At para sabihin ko sa'yo, hindi ako nasisiraan ng bait." Singhal ng lalaki sa kanya at konti na lang ay susugurin na sya nito. Matapang na sumagot si Haila sa naiinis na nyang alaga na si Rhaiven. "Wala naman po akong sinabi ah. Ikaw 'tong nagrereact bigla. Tinamaan ka, no?" Dahil sa inis ay pinagdilatan sya ni Rhaiven. Konti na lang ay mamamatay na sya sa mga tingin nitong sobrang talim. Ngunit, hindi man lang sya nakaramdam ng kahit na anong takot sa mga tingin nito sa kanya."Alam mo ikaw, napakatapang mo para sagut- sagutin mo ako ng ganyan, no? Hoy! Yaya ka lang dito at kami ang may-ari ng bahay na 'to kaya umayos ka. " Sumagot ang dalaga na napakamot pa sa kanyang ulo."Nakaayos naman po ako." "Talagang, ipaghanda mo na nga lang ako ng meryenda ko baka ano pa magawa ko sa'yong negra ka." Singhal ng binata na akma sya nyang hahambalusin ang dalaga. "Excuse me Sir, hindi po ako negra, kayumanggi talaga po ang balat ko. Natitiyak ko naman na alam niyo ang pinagkaiba ng negra sa kayumangi," depensa ni Haila. "Anong tingin mo sa'kin, ignorante? Tss. Private school ang pinasukan ko kaya wala kang karapatan na insultuhin ako ng ganyan." "Hindi naman po ako nang-iinsulto, baka kayo po." "Hah! Umalis ka na. Nakakabadtrip ka naman oh." Pagtataboy ng lalaki sa kanya. Narinig pa ni Rhaiven ang mahinhin na tawa ni Haila pabalik sa kusina. Talagang inaasar sya ng babae at hindi sya magpapatalo doon. Ramdam nya ang stress sa school at ganoon pa ang madadatnan nya pag-uwi. Sinabi pa mismo ng dalaga na nakakabadtrip sya? Lumalabas talaga ang sungay nya kapag ang babae na ang kaharap nya. Ngayon pa lang nahihirapan na syang patalsikin ang dalaga sa bahay nila. Naeenjoy na nya kasing makipaglaro kaya nawala na sa isip nya ang mga plano. Pakiramdam ni Haila sya na ang pinakamasayang tao sa mundo sa puntong iyon. Hindi nya alam pero masarap sa pakiramdam nya na asarin ang binata. Bumalik sya sa sala na may ngiti sa mga labi at nadatnan nya ang lalaki na nanonood sa malaki nilang tv. "Sir, eto na po ang meryenda nyo," masiglang wika nya ng malapit na sya sa pwesto ng binata. Kaagad nyang inilapag ang mga dalang pagkain sa mesa at nilagyan ng juice ang baso para sa alaga. "Ano 'yan?" Nandidiring tanong nito sa kanya. Sumagot naman ng pabalang si Haila."Meryenda nyo, Sir, ano pa ba?" "Alam ko na meryenda 'yan pero bat ganyan ang dala mo?" "Bakit Sir ayaw nyo po ba?" "Magrereklamo ba ako ng ganito kung gusto ko?" Walang ganang usal ni Rhaiven na kontj na lang ang kanyang pasensya sa babae. "Sir, masarap po at masustansya 'tong lumpia na ginawa ko at alagang para sa inyo lahat 'yan, " masiglang pagmamayabang ni Haila na nakaduro pa sa plato na nakalapag sa mesa. "Lumpia? Sa tingin mo kumakain ako ng ganoon?Hindi ako kumakain ng parang kinakain ng aso. Tss. Itapon mo 'yan at umorder ka ng pizza saka fries. Dalian mo," utos ng lalaki sa kanya at binalik ang tingin sa telebisyon. Sumagot naman ang babae."Pasensya po pero hindi ko po susundin ang gusto nyo." "At bakit hindi?" "Inutusan po ako ni Si Russel na pakain kayo ng gulay e." "Inutusan ka na naman? Tss. Sino ba ang alaga mo sa'ming dalawa, siya ba? 'Di ba ako? Kaya sige na itapon mo na 'yan at umorder ka na. Nagugutom na ako." "Bawal nga po kasi." "Itatapon mo 'yan o ikaw mismo ang itatapon ko sa labas?" Banta sa kanya ng alaga kaya naman napakamot sya ng ulo sa inis. "Sir naman e," reklamo nito na nakasimangot. "Dali na nagugutom na ako, " Umiling ang babae kaya lalong nainis ang binata sa kanya. "Isa!" Pagbibilang nito. "Sir bawal nga kasi." "Dalawa!" "Mapapagalitan po ako ni Sir Russel nito.." Pagpupumilit ni Haila na bahagya pang napapakamot sa kanyang ulo dala ng inis na kanyang nararamdaman. "Tatlo!" Pagpapatuloy na pagbibilang ng binata na halos salubong na ang kanyang dalawang kilay. "Pag 'to umabot ng apat makikita mo na talaga." Bahagya pa syang dinuro nito. "Oo na, heto na itatapon na po," nakasimangot na wika nya at padabog na kinuha ang mga iyon. Pumunta sya sa kusina at kahit sinabi ng binata na itapon nya ang lumpia na niluto ay hindi nya sinunod. Bagkus umorder na sya para tumahimik ang alaga nito. Hindi nya maiwasan ang mainis. Halos matalsikan pa sya ng mantika sa pagprito tapos ganoon lang na ipapatapon nya lang? Gusto nya tuloy suntukin ang lalaki sa inis. Pagkadeliver ng inorder nyang meryenda ay inihanda na nya iyon at dinala sa sala. Pagkatapos ay bumalik na sya sa kusina at kusang kinain ang lumpia. Sayang naman kung itatapon nya ang mga iyon. Pinaghirapan nya iyon na lutuin kaya kakainin na lamang nya. "Uy! Lumpia ba 'yan?Penge ako, ah," sulpot ni Erica na halatang kakatapos lang sa paggagarden. "Sige, kuha ka lang," walang gana na sagot nya. Mabuti na lamang at sinaluhan sya ni Erica dahil kapag naiisip nyang nireject sya ni Rhaiven ay nawawala ang gana nya. "Ok ka lang ba? Ba't parang matamlay ka?" Sinuri ni Erica ang mukha ng dalaga habang abala na ngumunguya sa hawak nitong lumpia. "Si Sir Rhaiven po kasi ayaw kainin 'tong pinahanda ni Sir Russel para sa kanya, " pagsusumbong nito sa kasalo. "'Tong lumpia ipapakain mo doon? Naku! H'wag ka ng umasa pa na kakain nya dahil anak mayaman 'yun, hindi sanay kumain ng mga ganito 'yun." Komento ni Erica na animo'y kilalang-kilala na nya ang binata. "'Yun na nga hindi sya sanay pero utos 'yun ni Sir Russel, baka mapagalitan ako kapag nalaman nyang hindi naman kinain ng alaga ko 'to," dinuro nya pa ng bahagya ang plato na kung saan nakalagay ang mga lumpia na kanyang niluto."Tinakot pa ako kaya napilitan akong umorder ng ibang meryenda nya." "Sabi sa'yo, matigas talaga ang ulo noon kaya hayaan mo na." Pagwawalang bahala ni Erica at ipinagpatuloy ang paglamon sa lumpia na pinagsasaluhan nila ni Haila. "Pero, infairness masarap ka magluto." Pag-iiba nito sa usapan. "Salamat po," masayang aniya." Pero, naiinis ako sa ugali nya. Parang 'di sya pinalaki ng maayos kung umasta." "Babaero nga e, may respeto pa ba? Kumain ka nalang, h'wag mo i-stress ang sarili mo doon sa alaga mo." Komento ni Erica at tinapik ng mahina ang braso ng dalaga. Tumango na lamang sya at sinaluhan ang kasama. Sinabay nyang nilunok ang pagkain saka inis nya sa binata. Talagang sinusubukan sya nito kaya tuloy gusto nyang gumanti. Talagang gaganti na sya sumosobra ang binata. Kung demonyo ang alaga nya, ipapakita nya na mas demonyo sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD