Chapter 3.1

2216 Words
Tinulungan na lamang nya ang kapwa nya kasambahay na ihanda ang hapunan ng kanilang amo. Hindi naman sya komportable kung uupo lang sya sa isang tabi at ang mga kasama nya ay busy sa paghahanda ng kanilang makakain. Parang ang unfair noon sa kanya. Nang maihain sa medyo may kahabaan na lamesa ang mga pagkain ay saktong dumating si Si Russel. Ten seater ito at talagang malawak ito para sa mag-anak lalo na at apat lang sila. Binati nila ito at ngumiti naman pabalik. Umupo ito at pinaghain sya ng isang maid. "Hi Daddy," masiglang bati ni Rhaivee sa ama nang matanaw nya ito mula sa 'di kalayuan. Nang makalapit ay bineso nya ito sa pisngi at niyakap patalikod. Hindi maiwasan ni Haila ang maiingit dahil mula pagkabata ay hndi na nya pa nakasama ang ama. Iniwas nya ang tingin. Lalo lang syang masasaktan kung iisipin nya ang unang lalaki na nanakit sa kanyang puso. "How are you baby?" Tanong ng ama nito. "Im super duper ultra mega okay," umupo si Rhaivee sa left side ng ama. Dumaan pa sya sa harapan ni Haila at hindi ito nagdalawang-isip na ngitian ito. Ganoon din ang ginawa ng babae. "I see, " komento ng ama at ibinalik ang tingin sa plato."Oh by the way, where's your brother? Time to eat dinner na at wapa pa sya.Haila.." saka binalingan si Haila sa likod nito. Natauhan naman agad si Haila ng marinig na tinawag sya ng amo. Kaagad nya itong linapitan. Komportable sya kay Sir Russel kaysa sa anak nitong napakademonyo. "Tawagin mo na nga si Rhaiven upang maka---" "Kuya," napatingin naman sila sa taong papalapit sa dinning table na kanilang kinaroroonan. Sinalubong ni Rhaivee ang kapatid nito na may tuwa sa mga labi. Wala namang ekspresyon na pinakita ang binata at nanatiling blangko ang mukha. Inakbayan na lamang nya ang kapatid saka sila naupo upang saluhan ang ama. Kaagad na umalis sa pwesto ang babae at nilapitan ang alaga. Pinaghain nya ito na parang bata lang. At walang nagawa si Aiven kundi hayaan nalang ito lalo na at nasa harapan nila ang ama. "So Rhaiven, kamusta naman si Haila bilang new maid mo?" tanong ng ama sa kanya. Napatigil ang dalaga sa ginagawang paghain ng pagkain sa kanya. Nagkatingin sila pareho. Napalunok. Hindi alam ni Rhaiven ang isasagot kaya tanging ngiti nalang ang nagawa sa ama. Itinuon ang pansin sa plato dahil nakaramdam rin sya ng gutom. "How about you Haila, hindi ba mahirap alagaan ang anak ko? Kamusta naman ang unang araw mo dito sa mansyon namin?" Kaagad na tanong rin nito sa kanya na may ngiti pa sa mga labi. Hindi sya agad nakasagot dahil pansin nyang nasa kanya ang tingin ng alaga. Ayaw nyang magsumbong dahil tyak patay sya dito. Hindi pa rin naalis ang tingin ni Russel sa kanya at pati na rin si Rhaivee. "Uhmm. Okay naman po, Sir," 'yun ang lumabas sa kanyang bunganga at ngumiti. "Sa totoo lang po ang BAIT po ng anak nyo sakin," sinadya nyang idiin ang pagbigkas nya sa salitang Bait. Alam nyang nagulat ang lalaki sa narinig na sagot. Maski ang amo nito ay nagulat din sa narinig. Ito pa lang kasi ang yayang nagsabi na mabait ang lalaki kahit ang totoo ay hindi. Nakakapagtaka lang kasi dahil wala itong negatibong komento ngayon ang yaya na kinuha nila para sa anak. Hindi nya alam pero nakaramdam si Russel ng tuwa. Iniisip nyang unti-unti ng nagbabago ang anak. Nag-iwas ng tingin si Rhaiven. Hindi alam ang irereact basta ang alam nya ay natuwa sya. Natuwa dahil pinagtakpan sya ng babae. Talagang may magagawa sya kapag once nagsumbong ito. "That's good to hear, keep up the good work Haila," saka nagthumbs-up at sumubo ito ng pagkain. Ngiti nalang ang nasagot nito. May kung ano na kumirot sa dibdib ni Haila sa sinabi nyang iyon. Naguilty sya tuloy. Hindi naman talaga mabait ang loko. Sa totoo lang, kabaliktaran pa nya ang nasabing sagot. No choice na lamang sya at minabuting magsinungaling. Alam nyang magiging bigdeal sa lalaki kapag nagsumbong pa sya. "Mabait nga ba talaga?" Komento ni Rhaivee nang marinig ang naging usal ni Haila patungkol sa kuya nito na si Rhaiven. Halos mapatingin pa ang lahat ng nagsalita si Rhaivee. Ganoon na lang ang tingin sa kanya ng kapatid sa sinabi. Napangisi ito at pinagdilatan talaga sya ng kapatid. Pansin nyang nainis ito kaya ganoon nalang ang tuwa na nabigay sa kanya. "What do you mean Rhaivee?" Napatingin na rin ang ama nito na nakakunot-noo sa kanya. Sa mukha ng kanyang kuya ay ramdam na nyang kinakabahan ito. Alam nyang 'di sya nito ibubuking pero sa nakikita nya ay posibleng magsabi ng totoo ang kapatid nyang si Rhaivee. "Wala dad, nakakapanibago lang kasi mabait na daw si kuya, " palusot ng nakababatang kapatid at nginisian pa ang Kuya nito. Pinagdilatan sya ni Rhaiven dahil hindi nito nagustuhan ang tabas ng kanyang dila. Nainis ang binata doon. Pati ba naman ang kapatid nito ay kinakalaban sya. Hindi nya alam kung may laban pa ba sya sa dalawa na alam na alam na ang baho nya. "Yeah, I know that, pero mas okay na rin 'yun, right? I'm sure masisiyahan ang mommy nyo nito.." Masayang usal ng ginoo habang nakatingin ng diretso sa anak na lalaki. Ninais na lang ni Rhaiven na nginitian ang ama para hindi sya mahalata. Bumalik na ang kanilang tingin sa pagkain. Naging tahimik si Rhaiven at pasulyap-sulyap sya sa kapatid. Hindi nito gusto ang bawat tingin na binibigay sa kanya ng babae. Alam nya kasing nang-aasar ito. Kung wala lang ang ama nila ay talagang kanina nya pa siguro sinugod. Pero, kinalma nya ang sarili bagkus pinuri na sya nito kanina lang. Nang matapos syang kumain ay minabuti nyang puntahan ang kapatid sa kwarto nito. Tutal naman maaga pa naman para matulog sya. Ilang metro lang naman ang lalakarin nya bago marating ang kinaroroonan ng kapatid. Nang nasa tapat nito ay hindi na pa sya kumatok. Diretso na lang sya at nadatnan ang kapatid na busy sa laptop na nasa study table. Nakaupo ito at nakaharap. "Oh kuya kong MABAIT ikaw pala 'yan, what brought you here?" Nang-aasar na wika ni Rhaivee sa kapatid pero nasa laptop pa rin ang tingin. Pansin nya kasing pumasok ito. "Rhaivee, stop that, it's not funny, okay?" Inis na singhal ng lalaki at sumandal sa pader na malapit sa kinaroroonan ng kapatid. Pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito. Isama mo na rin ang kilay nitong nakataas dahil sa inis na nararamdaman. "Why should I, Kuya? You know what, you're so funny kanina. Kinabahan ka yata e," asar pa nito habang naghand-gesture. Tumawa ng sobrang lakas na ikinainis pa nito lalo. Binatukan nito ang kapatid tutal naman ay abot nito. Mahina lang naman ang pambabatok na ginawa nya. Hindi na nya talaga gusto ang pang-aasar sa kanya. Inirapan pa nya pagkatapos. Nagagawa nya ang mga bagay na 'yun sa kapatid at hindi na 'yun bago pa sa dalaga. "Ouch! Kuya, bat nambabatok ka agad?" Inis na tanong nito at hinawakan ang ulo. Hinarap na nya ang binata na may inis na makikita sa mukha. "Ikaw ah," duro pa nito sa kapatid."H'wag na h'wag mo 'ko susubukan dyan. You know me at alam mo kung paano ako gumanti" "Kuya, ano na naman ba ang ginawa mo kay ate ganda at nagawa nya pang magsinungaling kay daddy? Sinabi nyang mabait ka. Wow! Kailan pa?" Pangkukuwestiyon ni Rhaivee sa kanyang Kuya. "Let me correct you, ate negra not ate ganda, okay? And besides wala akong ginawa doon. Inutusan ko lang sya dahil nga maid ko sya, right?" "Oo nga maid mo nga sya pero hindi naman ganoon ang mukha noon kanina kung wala kang ginawang kalokohan eh. Naku kuya, pag ikaw may ginawa doon bibigay na talaga ako kay daddy. Magsusumbong talaga ako.." "So ganoon kinakampihan mo na ang negra na 'yun? Look Rhaivee, kaya ko lang naman tinatakot ang mga yaya na kinukuha nina mommy sa'kin dahil ayokong may ganoon. I mean, I can handle myself now and I don't need a maid.." "Ayaw mo nga pero si mommy ang may gusto kaya wala kang magagawa. Let me say this to you Kuya, sinasayang mo lang ang oras mo dyan. I swear, maiinlab ka rin doon.." Nakangising komento ni Rhaivee at naghand gesture ng eye-to-eye sa kanyang kuya. "Yuck! Ako maiinlab doon?" Duro pa nya sa sarili na may pagtataka. "Tss. Never." Umiling pa ito ng bahagya. Nagkibit balikat na lamang si Rhaivee sa sinabi ng kanyang kuya. Napairap ang lalaki sa gawi ng kapatid. "Dyan ka na nga, hindi ka na nga nakakatulong, nang-aasar ka." Inis na depensa nito sa kapatid at padabog na lumabas ng kwarto nito. Hindi magandang biro 'yun para sa kanya. Paano naman sya magkakagusto sa babaeng 'yun e ang layo layo noon sa tipo nya. Tatawanan na lamang nya ang mga taong nagsasabi sa kanya maiinlab sya doon. Hindi sya papayag na mangyari 'yun. Pinapangako nya sa sarili na kahit 'yun na lang ang matirang babae dito sa mundo ay never nya iyon papatulan. Wala syang ka taste kung doon pa sya papatol. Nang pumasok sa kwarto ay nadatnan nya ang yaya nito na inaayos ang kanyang kama. Napansin yata nito ang kanyang pagdating kaya ganoon na lang ang taranta nya. "Uhmm. Naayos ko na po ang kama nyo, Sir. Napalitan ko na rin po ang bedsheet at punda po ng unan nyo," tugon ni Haila ng may ngiti sa labi. Napipilitan lang sya na ngumiti pero ayaw nyang isipin ng lalaki na hihingin nito ang utang ng loob sa ginawa kanina. "Alam ko. Nakita ko nga e, " pagsusungit ng lalaki at nakaduro pa sa kamang inayos nya. Napakamot na lamang sa ulo ang dalaga. "Sige po, Sir, alis na po ako," paalam nya rito ngunit hindi sya binigyan ng pansin ng lalaki at naglakad lang papunta sa kanyang kama. "Teka lang.." tawag nya sa babae kaya napahinto ito sa paglalakad ng malapit na sya sa may pintuan. Hinarap nya ang lalaki. May kinuha si Rhaiven sa may drawer na malapit sa kanyang kama. Kinuha nito ang selpon na pagmamay-ari ng dalaga. "Oh," sabay abot nito sa babae. Lumapit ito upang kunin iyon. Akala nya ay nakalimutan na nya 'yun ibigay ng lalaki sa kanya. Mumurahin pa naman ng selpon na 'yun na kinaiingatan nya. Kinuha naman ni Haila ang selpon sa mga kamay ng alaga."Thank you po, Sir," saka pa nya itinaas ng bahagya ang hawak na selpon. "Nextime, don't use gadget kapag nasa trabaho ka. Kung sakaling may nobyo ka, ibreak mo muna dahil makakadisturb 'yan sa'yo, " wika ng lalaki at nag-iwas pa sya ng tingin. Hindi sya komportable sa sinabi nya tungkol sa nobyo. Ewan nya pero nahiya sa bigla. Nagulat naman si Haila sa narinig. Natawa na lang sya dahil 'di nya akalaing sasabihin iyon ng lalaki sa kanya. Narinig ni Rhaiven ang pagtawa ng babae kaya kaagad nya itong binalingan ng tingin. How dare her to laugh like that? Gossh! Halos magsalubong ang dalawa nitong kilay sa inis. Ayaw pa naman nyang pinagtatawanan sya ng ganoon. Wala naman syang sinabi na nakakatawa. Bat ganoon na lang magreact ang babae. Stupid. "What's funny?" Walang ekspresyon nyang tanong dito. Napahinto naman ang babae sa gawi nya dahil nakita nyang sumeryoso na ang lalaki. Baka masigawan pa sya ng wala sa oras. "Uhm! Sir, wala naman po akong boypren ih.." kagat labi pa sya sa hiya. Napabuga ng hangin ang lalaki sa narinig na sagot ng babae sa kanya."Kung sakali lang naman, hindi ko naman sinabi na meron talaga. Assumera" Napasimangot na lamang ang babae sa narinig. Harap-harapan pa talagang sinabi 'yon ni Rhaiven? Alam naman nyang panget sya pero sabihin ang bagay na 'yun sa kanya ay hindi naman yata tama. Basta nainis sya bigla sa sinabi nito. Kung sabihin nya kasi 'yun parang pinapamukha nitong imposible syang magkanobyo. Tss. "'Yan ba ang selpo'ng ginagamit mo?" Nagtatakang tanong nya sa babae ng iniba nya ang usapan. "Ah, opo Sir, nokia po original pa nga ito," itinaas nya pa ng bahagya ang tinutukoy na selpon. "Nakakatawag ka ba dyan? E, mukhang sira yata 'yan eh?" Nandidiring wika nya. Keypad kasi ito at malayong-malayo sa selpon na gamit nya. Ganoon nalang ang pagtataka nya kung nakakatawag iyon. Mukhang pinulot lang sa basurahan kasi. "Opo naman Sir, kung gusto nyo maglaro pa kayo ng Mobile legends dito," pagmamayabang ng dalaga. "Tss! Umalis ka na nga lang, " pagtataboy nya. "Sige po. Goodnyt Sir. Bye. " paalam ni Haila sa binata at kumaway pa ng bahagya. Pabagog nyang binagsak ang katawan sa kama. 'Di nya alam pero bat ganoon na lamang kasarap sa pakiramdam nya ng purihin sya ng ama. Napapaisip sya tuloy kung dahil ba sa babae iyon. Hindi, mukhang magaan sa pakiramdam nya ang babae pero hindi nya maiwasang mainis. Nagiging mabait na nga ba talaga sya dahil sa presensya ng babae? Maiinlab ka rin doon... Napailing sya ng pumasok ang tinig na 'yun sa kanyang isip. Bat naman yata nasabi 'yun ng kapatid samantalang alam nya kung gaano sya kaarte sa babae. Hindi lang basta bata sino ang mamahalin nya. Aaminin nyang may itsura din ang yaya nya. Hindi nya maiwasan mapatingin pero hindi ibig sabihin noon na may gusto sya. Never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD