THIRD PERSON' S POV
Nawalan na ng gana si Rhaiven na manood kaya naisipan nyang bumaba muna at pumaroon sa may garden. Naligo muna sya dahil naiinitan sya ng sobra. Kahit pa man nakaaircon ay hindi pa rin iyon sapat sa kanya. Gusto nya 'yung fresh air.
Hindi mawala sa isip nya ang babae. Mukhang wala naman kasi katakot takot sa kanya ito at mukhang mahihirapan syang gumawa ng paraan upang mapaalis. Ayaw nya ang ganoon klaseng babae. Naiirita sya at parang puro kamalasan lang ang bigay nito sa kanya.
Binuksan nya ang shower at hinayaan nya ang tubig na lumabas dito na basain ang buo nyang katawan. Ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang malalim na tubig na umaagos sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Kahit sa pagligo nya ay nasa isip pa rin nya ang babae. Ba't ba sya naiinis agad kahit pa man boses lang nito ang marinig. Hindi naman sya ganoon sa ibang mga babae. Basta ang alam nya ay badtrip sa kanya ang bago nyang yaya. Ano nalang sasabihin sa kanya ng mga kaibigan nya kung malaman nilang may kinuha na naman ang mga magulang nito na yaya para sa kanya.
Hindi naman nya gusto ngunit wala syang magagawa. Kagustuhan iyon ng mama nya na sobrang concern. Ayaw ng ina na mapabayaan sya. Naiirita nga sya dahil kahit sa pagpasok ay kailangan pa syang ihatid. Sa edad nya kasi ay hindi na kailangan ng yaya or kahit ano pa. He can handle himself. Lalo na at kilala sya sa buong campus nila. Talagang mapapahiya ito pagnabuking sya.
Pagmulat ng kanyang mata at saktong may nakita syang ipis sa may tiles ng kanyang banyo. Pinatay na ito at dali-dali na syang nagpatuyo at nagbihis.
Paano nagkaroon ng ipis doon kung kakalinis lang iyon ng kanyang yaya. Ibig-sabihin lang noon ay hindi mabusisi ang paglinis nito. Ayaw na ayaw nyang marumi ang kahit na anong sulok ng kanyang kwarto. Gusto nya ay 'yung madadapa pa ang lamok na dadapo sa sobrang kintab ng pagkakalinis.
Padabog syang bumaba ng hagdanan at nadatnan nyang busy ang lahat ng kanilang kasambahay at kasama na doon si Haila sa paglilinis ng napakalawak nilang sala. Ni isa ay walang nakapansin sa kanya dahil abala ang lahat sa paglilinis.
"Karla!" Bulyaw nya dito at napahinto sila lahat sa pagtratrabaho. Binigyan nila ng tingin, tingin na para bang may mali syang ginawa. Nakataas kilay na tumingin pabalik ang binata.
"Uhmm Sir, sino pong Karla na hinahanap nyo?" tanong ng isa sa mga kasambahay na pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang. Tumingin pa sya ng bahagya sa kapwa yaya dahil hindi nila alam kung sino ang tinutukoy ng binata.
Teka? Ano nga ba ulit pangalan ng babaeng 'yun? Tanong ni Rhaiven sa sarili. Hindi na nya maalala ang pangalan ng babae dahil sa mga iniisip nitong napakadami. Ang ibang yaya ay pansin nyang pinagtatawanan sya pero hindi nalang nya iyon binahala pa.
Binalik ang tingin kay Manang Selya,ang yaya na pinagkakatiwala ng mga Mendoza. May edad na ito at nagsilbi rin yaya ni Rhaiven ito noong bata pa sya. Medyo may closure silang dalawa pero hindi na tulad ng dati. Magmula magbinata kasi ay nahihiya na sya at maraming nagbago sa ugali nito.
"Yong bago kong yaya ang tinutukoy ko.Where she is?"tanong ng binata sa matanda pero wala ang tingin nito. Hinanap nya ang babae.
"Eh Sir, Haila po ang pangalan nya at hindi po Karla," paliwanag ng matanda dito na tumawa pa ng mahina. Napatingin ito. Kaagad na sinamaan sya ng binata ng tingin kaya napahinto.
"Tss. Haila, Karla or whatever wala na akong pake doon. Nasa'n ba ang babaeng 'yon?" naiinis na tanong ng lalaki.
Hindi agad nakapagsalita si Haila ng makitang hinahanap sya ng kanyang alaga. Medyo nasa kalayuan kasi sya at talagang malabong makita sya nito. Natawa nalang sya ng marinig pa nitong tinawag syang Karla kaysa Haila. Hindi nya alam ang irereact basta natawa nalang sya sa pagiging cute ng lalaki habang hinahanap sya. Nagtataka sya agad kung bakit sya hinahanap nito. Ano kaya ang kailangan nya?
Nang mapansin ni Haila na beastmood na ang alaga ay tinaas nya ang kanang kamay. "Sir, sir, nandito po ako.."pagkuha nya ng atensyon sa lalaki. Humakbang papalapit ang babae at nasa kanya na ang tingin ng binata.
May inis na tinignan sya ng binata. Hindi ba nito pansin ang pagdating nya? Tss. Bumalik na sa paglilinis ang ibang yaya at pinabayaan na ang dalawa.
Napayuko si Haila sa hiya. Alam nyang masama ang tingin ng binata sa kanya.
Napalunok sya.
Pinagpapawisan at hindi dulot ng pagod kundi takot na mismo. Takot na baka may mali syang ginawa. Pero, sa pagkakaalam nya ay wala naman.
"Did you clean my bathroom neatly?"singhal agad na tanong ng binata. Pansin pa nito ang mga matang halos mag apoy na yata sa galit.
Hindi agad nakasagot. Takot sya. Sa aura ng lalaki ay kinakabahan na sya. Malimit lang sya makakita ng ganoong awra at hindi nya akalain araw-araw na nya iyon makikita pa. Nakakatakot. Siguro kailangan na nyang sanayin ang sarili.
"Uhmm..opo naman Sir." Tipid nyang sagot na naginginig pa ang kanyang panga na magsalita.
Sinamaan sya ng tingin ng binata. Hindi nya malaman kung bat na lamang nito natanong kung nalinis nya ang banyo. Nawirduhan sya talaga. Lalo pa ng makita nito ang mga mata na hindi mawari kung galit o naiinis.
"May ipis doon kanina at hindi magkakaroon ng ipis kung binusisi mo ang paglilinis," sarkastikong depensa nito. Pinagkrus ang braso sa may dibdib at hinarap ng direkta ang dalaga.
Nagulat naman si Haila sa narinig. Nagtaka sya bigla. Pati ba naman paglilinis sa banyo kwewestyunin nito? Pagkakaalam nya nilinis nya iyon ng mabuti para walang masabi ang alaga nya. Pero, wala pa rin, may nakita lang na ipis sinasabi ng hindi nito nilinis ng maigi.
"Eh, Sir, nilinis ko pong maigi 'yon. Imposible naman po na may ipis pa doon," depensa nya pa.
"So, what do you mean, nag iimbento lang ako ng kwento? Namamalik mata lang ako? Hey! 'Tong dalawa mata ko ang nakakita ng ipis na 'yun at h'wag mong sabihin na nasisiraan na din ako ng utak," singhal ng binata at dinuro pa ng bahagya ang mata.
Matatawa sana ang babae kaso pinigilan nya. Alam nyang sisigawan lang sya ng lalaki. Para kasi itong bata na nakikipag away. Kahit sa simpleng bagay ang init na ng ulo.E, sa dinedepensahan lang naman nya ang opinyon.
"Hindi naman po Sir pero kasi--"
Itinaas ng lalaki ang kanang kamay at sinasabing huminto ito sa pagsasalita. Wala na pang nagawa si Haila at minabuting tumahimik nalang. Aminado sya na wala nang laban pa kung dedepensa pa ito. Matatalo talaga sya sa sobrang tabas ng dila ng lalaki.
"Shut up!" madiin nitong tugon."Go back to my bathroom and clean it carefully. Now!" singhal nya.
Sa gulat ay kaagad ng kumuha ng panlinis si Haila sa may kusina. Kinuha nya lahat ng gamit na kailangan sa paglilinis. Hindi nya maiwasang mainis. Pansin na nyang pinapahirapan na sya ng lalaki. Ayaw nyang magpatalo. Sa dami ng nakalaban nya hindi na bago sa kanya ang ganitong set up.
Napangisi naman si Rhaiven sa tuwa. Alam nyang nataranta ang babae sa gawi nya kanina. Ito na ang simula ng kanyang plano. Papahirapan nya talaga ang babae hanggang sa maisipan na nitong umalis sa kanila. Hindi naman talaga bigdeal sa kanya ang ipis na nakita kanina pero dahil ang babaeng 'yun ang yaya nya ay sinamantala nya ito.
Nilakad na nya ang hagdanan papuntang kwarto ng alaga. Nadatnan nya itong nakaupo sa sofa na malapit sa study table. May hawak itong magazine at nakadekwarto ang mga paa.
Napabuntong-hininga sya. Ano naman ang lilinisin nya, nalinis na nya ang banyo kanina. Hindi na sya nagreklamo at ginawa na ang nais ng alaga. Kinuskos nya ito ng maigi maski ang sahig ng banyo nito. Medyo nailang pa sya ng makita ang mga accesories ng binata. Hindi nya maiwasang tignan ang boxer nitong nakasabit.
Napalunok sya. Napailing sta dahil mali ang pumapasok sa kanyang isip. Binigyan na lamang nya ng pansin ang ginawa.
Naramdaman nya ang pagvibrate ng kanyang selpon na nasa bulsa nito. Bahagyang napahinto sa ginagawa at kinapa ang selpon.
?Criza Calling..?
Sinagot nya ito at hindi na pa pinansin kung makita sya ng alaga. Tinuyo ang kamay saka inipit ang selpon sa may teinga. Patabingi ang kanyang ulo at nakaipit ang selpon sa balikat upang 'di malaglag.
"Oh, Criza napatawag ka?" habang patuloy nito sa paglilinis ng banyo.
"Uhmm Lala, kinulit na kasi ako ni Lola na tawagan ka. 'Diba nga usapan natin tumawag ka pagdating mo dyan. E, hindi ka naman tumawag e kaya ito naprapraning na si Lola sa'yo."
"Sorry, 'di ko naalala pero sabihin mo nakarating ako ng safe. Busy na ako ngayon, nasa trabaho na ako. Nagsimula na agad ako kaya 'di ko na kayo natawagan pa..." Paliwanag nya para hindi na mag-alala ang matanda sa kanya.
"Ay ganoon ba? Oh, kumusta naman dyan? Kumusta magiging amo mo? Mabait ba? Mansiyon ba bahay nila? Ano kwento ka naman.." sunod-sunod na tanong ng kaibigan kaya hindi nya maiwasan ang matawa.
Hindi na nya sinabi pa na ang amo nya ay 'yung muntik ng makabangga sa kanya. Alam nyang mag-aalala ang lola nito kaya minabuti nyang itago nalang iyon. Natatakot syang baka dalawin ng highblood ang matanda kapag nagugulat. Ayaw nitong napapahamak ang apo kaya ganoon na lang sya kaconcern sa lagay ng babae.
Pangarap nilang magbespren na makapasok sa malaking bahay 'yung parang sa mga napapanood nila. E, kaso nga lang nauna na yata si Haila na nakaabot noon.
"Oo, sobrang laki ng mansyon, bes. Alam mo ba 'yong mga napapanood natin sa tv noon? Ganoon ang itsura ng bahay na pinapasukan ko ngayon. Grab! Ang laki talaga. Halos malaglag pa ang panga ko kanina sa sobrang laki.." pagmamayabang nito na may kasamang ngiti sa mga labi. Alam nyang naiinggit na ang kaibigan nito sa kanya. At sinasadya nya itong asarin.
"Naku naman naiinggit na ako nyan sa'yo." Malungkot na tugon ng kaibigan nya sa kabilang linya. Pansin na pansin nya 'yon sa tono ng boses nito.
Natawa din sya sa boses ng kaibigan. Para kasing bata na alam nyang nakanguso ito habang sinasabi 'yun kanina.
"Tsaka, alam mo pa, may swimming pool sila. Grabe! 'Yong kusina nila, bes, ang linis..Mas malinis pa 'ata sa future natin eh. Mamahalin ang mga gamit nila at tala-----" hindi na pa natapos ni Haila ang sasabihin ng mapansing nakatayo ang binata sa may pintuan ng banyo.
Nataranta sya kaya pinatay nya agad ang tawag mula sa kaibigan. Binalik pabalikwas ang selpon sa bulsa.
Lalo syang natakot ng nakataas kilay na nakatingin sa kanya ang binata. Mukha yata hindi nagustuhan ang nakitang paggamit nito ng selpon habang nagtratrabaho. Napakagat sya sa pang ibabang labi at hindi alam ang sasabihin sa mga oras na 'yun.
Pinangunahan sya ng takot dala ng mga tingin ng lalaki sa kanya. Direkta ito ay para bang sisindakin sya nito. Maski pagngiti ay hindi na nya nagawa pa.
"Who told you to use gadget during work time? Did you know that's the first rule you need to follow?" mababang boses na singhal ng binata at napatingin pa rin ito ng matalim sa kanya.
"Uhmm..Sorry Sir, tumawag po kasi ang kai----"
"Shut up!" Bulyaw ng binata sa kanya at halos magulat pa sya sa pagtataas ng boses nito."I don't f*****g care about your excuses. I pay for you to work here and not to do whatever you want. Now give me that f*****g cellphone or else you may leave to our house and find another job," banta ng lalaki. Inilapag ang mga kamay nito sa haralan ng babae upang doon ilagay ang selpon na hinihingi nito.
Wala syang magawa kundi sumunod sa gusto ng lalaki. Hindi nya ito binigyan ng tingin nang iabot nito ang selpon sa mga palad ng lalaki. Nahiya sya tuloy. Tama nga naman ang lalaki, binabaayaran sya ng mga ito upang magtrabaho sa kanila. Pero, bat hindi nya maiwasang mainis sa huling sinabi ng lalaki.
"...or else leave to our house and find another job..."
Find another job....
Find another job....
Find another job.....
Nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa isip ng babae hanggang sa kumagat ang dilim. Wala naman syang ibang ginawa maghapon kundi sundin lahat ng gusto ng kanyang alaga. Naiinis man sya ay hindi na nya iyon pinansin pa dahil mas kailangan nya ng trabaho. Gusto nya ito tuloy batukan para matauhan pero pinigil ang sarili.