Haila's Pov
"Give it to me your Biodata," utos niya sa medyo mataas na boses
Buti naman natauhan na 'to kaya nagsalita na siya. Agad ko naman kinuha sa slingbag ko saka inabot sa kanya. Biodata ang tawag namin sa information Ng isang tao na nakaenvelope kasama pa 'yong kontrata. Buti na nga lang 'di ko nakalimutang dalhin at kung hindi baka napagalitan na ako sa taong 'to.
"Haila Santiago pala ang palangan mo?" Walang gana na usal niya habang nakatingin sa papel na hawak.
"Malamang, 'yon ang nakasulat diyan e, siguro naman po 'di kayo bulag no," sabay irap sa kanya. Sinadya ko talagang sabihin 'yon para makaganti.
Sumama pa lalo ang tingin niya sa akin dahil sa sinagot ko. Halos magsalubong ang dalawang kilay niya sa inis at nag-aapoy rin ang kanyang mata sa galit. Gusto ko siyang asarin kaya ngumisi akong tumingin sa kanya.
Napakagat ako ng labi ng padabog siyang lumapit sa'kin.
"Huwag ako ang pinagtritripan mo, bago ka lang dito at kaya pa kitang palitan ng iba, naiintindihan mo 'ko?" nakataas-kilay niyang tanong sa akin kaya sa takot ko ay tumango nalang ako.
Lumayo na siya ng konti sa akin at tumayo sa harapan ko na nakapamulsa. Ito palang ang interview na naranasan kong kinabahan ako ng sobra.
"I'm Ranz Rhaiven Mendoza, you can call me Rhaiven not Ranz. Sa tingin ko naman nasabi na ni Daddy na ako ang aalagaan mo," seryosong ani nya.Seryoso ba siya?Siya 'yong aalagaan ko? Malaki na siya. Ba't kailangan pa niya ng yaya? Ang weird.
"Opo."
Nakayuko nalang ako sa hiya. 'Di ko maimagine 'to, as in siya 'yong aalagaan ko? Paano ko naman aalagaan ang kasing edad ko lang?
"Pwedeng tumingin ka sa akin ng direkta. Gusto kong suriin ang mukha mo kung mapagkakatiwalaan ba," utos nya sa akin. Noong una nagdadalawang -isip pa ako kung susundin ko ba ang gusto nya o hindi.
Pagkatingin sa kanya ay agad ko siyang nginitian ng pilit. Okay nang ganito para 'di niya mapansing natatakot ako sa kaangasan nya.Woah! Relax lang Haila, ngiti lang ang magpapawala sa kaba mo.
"Huwag mo 'kong ngitian diyan. Akala mo nakalimutan ko na ang eskandalong ginawa mo. Talagang hinanap mo ako ah," wika nya.
"Ang kapal naman po ng mukha nyong sabihin 'yan, Sir. FYI hindi po kita hinanap and excuse me lang po, 'di ko naman inakala na ikaw ang anak ng amo ko eh," pagtataray ko sa kaniya sa inirapan.
Kapal naman niya kung sasayangin ko ang oras ko na hanapin sya. Hellar! Ba't ko naman 'yon gagawin sa isang katulad nya.
"Tinatarayan mo ba ako?"
"Ay hindi po Sir, sinasabi ko lang po 'yong totoo," palusot ko sa kanya at napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Ang bilis naman magalit ng taong 'to daig pa nya 'yung babaeng may regla.
"Tss." 'yon nalang ang narinig ko sa kanya saka ako inirapan. Ibinalik narin nya ang information sheet na kinuha nya sa'kin kanina na halatang naiinis parin sa'kin. Hahaha. Ang panget nyang mainis.
"Yaya Erica!"sigaw nya at agad namang lumapit ang yayang tinutukoy nito.
"Yes poSir Rhaiven."
"Pwede bang ituro mo dito sa taong bundok na 'to kung nasan ang magiging kwarto nya at pakipasyal na rin sya sa buong bahay baka maligaw pa ito eh, masama na baka 'di na makabalik,"asar nya at nakatitig sa'kin.
"Masusunod po Sir."
"At ikaw Miss Haila, pagkatapos kang ipasyal, punta ka agad sa kwarto ko," wika nya at tuluyan na nya kaming iniwan papunta sa room nya.
"Tara na po Miss." tugon ng yaya at sumunod nalang ako sa kanya.
Grave! Feeling ko mag-iisang oras na akong pinapasyal ng yaya dito sa buong bahay. 'Di pa ba tapos? Alam nyo bang masakit na 'tong mga paa ko kakalakad kanina pa. Hay! Bat ba kasi ang laki ng bahay nila, sabagay may mansion bang maliit? Pero infairness ah, maganda 'yung buong bahay nila as in maganda talaga.
"Ate, matanong ko nga lang, pinapaupahan ba nila itong mansion nila?" tanong ko. Nacurious kasi ako eh, ang laki ng bahay tapos mukhang konti lang silang nakatira, sayang naman 'tong ganda nito e.
Narinig ko nalang na simpleng tumawa ang yayang kasama ko. Bakit nakakatawa ba 'yung sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako.
"Hahaha! Nagpapatawa ka ba, bat naman nila papaupahan 'to." Aniya na nagpipigil ng tawa habang nakatakip ang isa nitong kamay sa kanyang bibig.
"Eh, malaki kasi, tsaka sayang naman 'tong bahay nila." Paliwanag ko pero natawa na naman sya. Parang timang lang.
"Sayo oo pero sa kanila hindi, kaya bilisan na natin baka magalit pa si Sir Rhaiven." Sambit nya at niyaya na nya ako.
Tumango nalang ako at pinagpatuloy namin ng yaya ang maglibot sa buong bahay. Sa totoo lang, ito palang ang unang mansion na pagtratrabahuan ko. Dati kasi mga simple lang na bahay, 'yung hindi masyadong malaki tulad nito.
Nang malaman ko kung saan ang kwarto ko ay agad ko ng inayos ang mga gamit ko pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ni Sir Rhaiven.
Pagkarating sa tapat ng kwarto niya ay huminga muna ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob bago tuluyang kumatok. Sana 'di na sya beastmode ngayon..
Kumatok ako.
"Come in."Rinig kong wika nya sa loob.
Halatang wala pa rin sya sa mode ngayon dahil 'yun ang natitiyak ko sa boses nya. Hay! Gwapo sana sya kung 'di suplado. Yes, 'di ko na maikakaila na gwapo sya dahil totoo naman talaga. Pero, 'yung ugali nya lang ang ayaw ko masyadong nakakasira ng araw.
Pumasok na lang ako ng mahinhin at nadatnan ko syang nanonood ng basketball habang nakahiga sa kama. Wow! Pati sa kwarto nya may malaking tv, sosyal naman. Pero, teka lang ah, bahay ba 'to ng tao o daga kasi sobrang g**o eh. Jusko po! Nadamay ba itong kwarto nya sa worldwar II?
Nakangisi sya sa"kin nang magtama ang aming tingin kaya umiwas ako agad. Para syang m******s sa tingin nya ah! Kinakabahan na ako alam nyo ba 'yun..
Dahil sa sobrang naiilang ako sa kanya ay umupo ako sa sofa na malapit sa'kin. Haila, relax ka nga lang 'di naman sya nangangain ng tao e.
"Who told you to seat there?" nakataas kilay nyang tanong sa'kin na nakatitig nang masama.
Ang arte naman nito, 'di naman ako madumi para 'di nya ako paupuin. Sa inis ko ay padabog ako tumayo saka sya inirapan.
Bumangon sya sa pagkakahiga saka lumakad sya palapit sa'kin. 'Di naman 'yung sobrang lapit, mga isang metro lang naman 'yung layo nya sa'kin kaya ligtas tayo sa anumang balak nyang gawin. Basta alam nyo na ang ibig kong sabihin, mabuti ng handa kaysa hindi.
"This time pag-uusapan natin ang mga rules na dapat mong sundin.
Rule no.1: Ayoko ng maingay
Rule no.2: Ayoko ng makulit
Rule no.3: Kapag tinawag na kita dalian mo ayaw ko sa mabagal
Rule no.4: Ayoko ng maarte
Naiintindihan mo?" sabay turo nya sa'kin.
Ang higpit naman nya masyado, 'di ko bet. Pero, kaya 'yan, sino naman ako para sumuway 'di ba? Masunurin kaya ako 'di nya lang alam.
"Ok naman Sir, gets ko po lahat." wika ko at nagthumb ups pa. Pero, imbes na matuwa sya ay inirapan nya lang ako.
Tuluyan na nya akong tinalikuran saka bumalik na sa kama nya at ipinagpatuloy ang panonood. Wala na akong ginawa kundi tumingin sa kanya ng direkta. Gwapo naman sya pagtinitignan, slight nga lang. Hindi sya siguro naninigarilyo kasi pansin ko _yung lips nya kissable. Ganitong lalaki ang dream kong boyfriend, pero pwera 'yung ugali nya ah. Ayoko noon.
"Masyado na ba akong gwapo sa paningin mo kaya ka ganyan tumingin sa'kin?" sabi nito nang napansin nya yatang nasa kanya ang tingin ko. Nakangisi pa ito na para bang nang-aasar kaya agad akong umiwas ng tingin na nakakagat labi .Baka sabihin nya may crush na ako sa kanya.
"Ahmm...hmmm sorry po," paghingi ko ng pasensya ng nakayuko dahil may hiya na akong naramdaman. Rinig ng dalawa kong teinga ang kanyang pagtawa. Hmpft? Anong nakakatawa doon sa sinabi ko.
Pinanood ko nalang sya sa ganoong posisyon. Sa mga kinikilos nya mukhang may pagkabadboy sya ng konti, base sa obserbasyon ko. May kapatid kaya syang babae? Kung meron paano naman nya alagaan ang sister nya kaya? Protective kuya ba sya or whatever?
Haist! I miss kuya Gino. Namimiss ko 'yung time na uuwi sya tapos pasalubong nya sa'kin ay grapes. Kung magkakapamilya na sya soon maiisip pa kaya nya ako? Siguro hindi na kasi may bubuhayin naman syang pamilya. Naiintindihan ko sya kung balak na nyang mag-asawa basta bibigyan nya pa rin si Lola ng tulong kahit sa buwanang gamutan nya lang.
"Ano, tatayo ka nalang ba dyan at hindi na magtratrabaho?!" rinig kong sermon nya na nagpabalik sa'kin sa katinuan. Nakataas sya ng kilay sa'kin na para bang naiirita sya.
"Ahh, sorry po ulet Sir, hehe"paghingi ko pasensya with matching peace sign sa daliri ko at pilit na ngumiti ng peke sa kanya. Pero, imbes na masiyahan sa paghingi ko ng pasensya ay inirapan nya lang ako.
Hmfpt! SUPLADO.
Lumabas nalang ako sa kwarto nya at tinungo ang kusina kung saan ay kinuha ko ang mga kagamitang panlinis. Nakakalimang hakbang palang ako sa may hagdanan hinihingal na ako. Grabe! Ang taas naman kasi ng bahay na 'to. Bat kasi sa taas nya pa naisipang magkwarto. Tae naman oh, sakit na ng paa ko kakalakad. Bwisit pa naman ang taong 'yun .Naiinis ako sa kanya ng sobra 'kala naman nya matatakot ako sa pasungit-sungit nya sa'kin .Pero bago bumalik sa kwarto ni Sir ay tinali ko muna ang buhok ko upang walang sagabal.
"Ba't ang tagal mo? Sa'n ka ba kumuha ng gamit,sa edsa? Tsk!" Asik ng amo ko ng makarating ako sa kwarto niya.
"E, sakit sa paa 'yong hagdanan niyo, Sir. Ba't kasi ang haba no'n?" Reklamo ko. Nararamdaman kong kumikirot ang paa ko.
"Tss." Singhal nito sa'kin.
Hindi ko na siya pinansin at itunuloy ang paglilinis. Abala lang ito sa panonood. Anak mayaman nga talaga, nakataas pa mga paa nya.
Napatingin kaming dalawa ng bumukas ang pinto at may iniluwa 'yon na magandang babae. Mas bata sa'kin kung ilalarawan ko. Sobrang ganda at malayong-malayo sa'kin.
"Omaygash! Kuya, ba't may babae dito sa kwarto mo? Alam ba nina Daddy 'to?" Asik niya ng makita ako sa gilid.
Titig na titig ito sa'kin na mukhang sinusuri ang kabuuan ko. Nahiya tuloy ako sa postura ko. Hindi naman nag-abalang tumingin si Sir sa gawi ng babae.
Lumapit ako sa babae at nakipagkilala. Pinunasan ko muna ang kamay ko upang hindi ito marumihan. Madumi pa naman ako, nakakahiya.
"Haila Santiago po, bagong maid niya." Duro ko pa sa lalaking nasa kama.
"Ay! Hello, I'm Rhaivee, kapatid niya ako." Sagot niya at nagpalitan kami ng nginiti. "Hindi ko napansin na yaya ka, sobrang ganda mo kasi, Ate, 'diba, Kuya?" Pagkuha niya sa atensyon ng kapatid pero parang walang narinig.
"By the way, sabihin mo sa'kin ate if pinagtritripan ka ng kuya ko. Kapag ganoon kasi nagpapapansin lang para mafall ka sa kanya." Usal niya na ikinagulat ko.
"Rhaivee!" Sigaw ng kuya niya.Siguro ay hindi natuwa.
"What? Totoo naman,'diba?"
"Whatever! Umalis ka na nga rito!" Pagtataboy nya sa kapatid.
"Fine! Bye ate,may lakad pa kami e. See you when I see you." At umalis na ito.