RHAIVEN'S POV Pagkarating sa bahay ay hindi ko na pa inayos na ipark ang kotse ko basta ko nalang binigay ang susi sa bodyguard upang sya nalang ang gumawa noon. Hindi ko din nakuha ang bag ko sa pagmamadali pati na din ang pizza na binili ko. Basta dere-deretso nalang ang pasok ko sa kabahayan. I-snob ko nalang din ang mga maid na bumati sa akin. Dumiretso ako sa kwarto ko baka sakaling nandoon ang babaeng 'yun. At hindi nga ako nagkakamali nandoon nga sya at inaayos ang punda ng unan ko. "Blag!" Tunog ng pintong padabog kong isinarado dahil sa inis. Nakuha ko naman ang atensyon nya."Hoy, mag-usap nga tayo," bungad kong singhal sa kanya pero lalo pa akong nainis ng humarap syang nakangiti sa akin. Nananadya ba sya o sadyang may saltik ang utak nya? Tsk! "Hello, Sir," saka sya kumaway s