HAILA'S POV Nang nasa hapag kainan ang alaga ko ay panay matalim na tingin lang ang binibigay nya sa akin. Alam ko naman na naiirita parin sya sa akin. Hindi ko sya masisisi doon, at sabi ko na hindi sya ang magiging hadlang sa mga pangarap ko. Tahimik sya kung kumain, ang kapatid at tatay naman nya ay puro kwentuhan lang. Wala ata syang balak makisawsaw kaya nakakatuon lang sa plato ang kanyang atensyon. Hindi ko nalang din sya pinapakialaman basta tinginan nalang ang nagawa namin. Nang matapos syang kumain ay wala syang sabi sabi na tumayo. Hindi manlang nya inimik ang ama kumbaga diretso nalang sya na umalis. Wala na pang nagawa si Sir Russel kundi hayaan ang anak. Kahit tatay nya hindi nya magawang irespeto. Anong klaseng utak ba meron sa taong 'yun? Psh! Nang matapos kumain sina S