HAILA'S POV "Hoy Lala gising na magtatanghali na," rinig ko na sigaw mula sa labas. Napabalikwas ako ng bangon ng nakitang 8:33am na ng umaga. Hala! Sobrang late ko na. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Isinuot ko ang damit pangyaya saka tumakbo ng banyo upang magsepilyo. Bakit nga ba hindi ko naisipan na mag alarm clock kagabi 'yan tuloy nalate na ako ng gising. Si Sir Rhaiven. Sya agad ang pumasok sa utak ko. Sya lang naman ang dahilan kung bakit ako napuyat e. Pinagawa ba naman sa akin ang sandamakmak na gawain kagabi. Pakiramdam ko nga sumakit ang braso ko kakagupit ng kung ano-ano. Hindi lang ako inutakan noon kagabi baka nilayasan ko bigla 'yun. Nauhaw ako sa perang alok nya e sino pa ako para umayaw. Habang nagsesepilyo ay hindi ko naiwasan na magsalamin pero laking gulat