HAILA'S POV Sinadya kong ipalaman ang toothpaste sa bread ng alaga ko. Gigil ako e. Para bang gustong gusto kong gumanti. Kumukulo ang dugo ko pag nararamdaman ko ang presensya nya. Alam kong masama ako sa lagay na 'yun pero gusto ko matauhan na sya. Nawawalan kasi sya ng respeto sa babaeng tulad ko. Naglaba muna ako ng mga damit ng alaga ko pati na rin ang mga tuwalya at bedsheet. Medyo natagalan ako sa paglalaba kasi isiningit ko pa ang pagdidilig ng halaman. Kawawa naman ang mga halaman na itinanim ko kung 'di ko didiligin. Ang ganda tuloy tignan ang mga namulaklak na. Pagkatapos kong maglaba at lahat na ng gawain ay sakto naman na tanghalian na. Hindi ko na pa tinawag ang alaga ko dahil kusa na syang bumaba. Dahil siguro sa gutom, hindi ko kasi pinalitan ang meryenda na hinatid ko sa