Chapter 7

3726 Words
HAILA'S POV "Dahil alam kong walang swimming pool doon sa bundok kaya ako na mismo nagtulak sa'yo. Alam ko naman na naglalaway ka doon e, 'di ba?" Nainis ako sa biro nyang iyon. "Ang sama mo, " wika ko at sinamaan ko sya ng tingin. Nakangisi lamang sya kaya naman inalis ko na lang ang tingin rito. Tss! Edi sya na ang panalo ngayon, pakialam ko sa kanya basta gusto ko makauwi ng safe sa mansyon. Sana talaga walang gawin 'yun sa akin dahil kung meron, matatamaan 'yun sa akin. "Oh, dyan ka lang? May bibilhin lang ako sa bookstore. Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?" Mataas na tonong utos nya sa akin kaya naman napanguso ako. "Grabe naman, kahit tumingin lang sa labas bawal din? Ang sama mo talaga. Nakakainis," pagdadabog ko saka pinagkrus ang mga braso. Nagkukunwari ako na naiinis para payagan ako. "Tss," singhal nya lang na narinig ko saka pinanood ko nalang ang nga susunod na mangyayari. Salubong ang dalawa nyang kilay batid yata na naiirita sya sa akin. Kasalanan nya din lang naman kung bakit ako napunta dito 'di manlang kasi ako ginising, tanga sya kung 'di nya ako nakita kaninang sumakay sya. Lumapit sya sa pwesto ko saka ibinaba ang bintana ng sasakyan nya kaya nakaramdam naman ako ng tuwa pero hindi ko iyon pinahalata. "Oh ayan, binuksan ko na ang bintana para 'di mo sabihin na madamot ako. Basta huwag na huwag kang lalabas, ha?" Panenermon nya sa akin ngunit sa labas ang atensyon ko. Hindi ko sya sinagot dahil namamangha ako sa aking nakikita. Grabe, ang daming tao saka ang tataas ng mga gusali. Ganito pala ang syudad, ang daming naglalakihang establisyamento. "Hoy, unggoy nakikinig ka ba sa akin?" Inis na singhal nya ngunit hindi ko parin sya binigyan ng tingin. "Oo na, umalis ka nalang, pwede? Dami mo pang satsat dyan eh! Kita mo na ngang namamangha ako dito, " inis din na wika ko. "Tss, ikaw pa 'tong galit," pagrereklamo nya na dinig ko at hindi nalang sya pinansin. "Blag" Dahil sa lakas ng pagkakasara ng pintuan ng kotse ay tinignan ko sya ng masama. May galit na ata ang taong ito ah. Ang bilis naman mag-init ang ulo nya. "May galit ka, Sir? Ha? Hakdog?" Pagkarinig ata doon sa sinabi ko ay napahinto sya sa paglalakad sa may hindi pa kalayuan sa akin at binalikan ako. Pero, ngayon nasa tapat na sya sa bintana kung saan naroroon ako. Nginisian nya ako na hindi ko aaman ikinatuwa. Anong nakakangisi? Abnormal pala ito hindi lang pala demonyo. Iniiwas ko nalang ang aking tingin, naiilang ako sa lagay naming iyon. "Huwag na huwag kang lalabas, ha? Baka hulihin ka, bawal pa naman ang unggoy na pagala-gala dito sa syudad namin," ewan ko sa sinabi nyang iyon at binalik ko sa kanya ang tingin pero ngayon salubong na ang kilay ko. "Nyenye, pakialam ko? Baka magandahan pa nga sila e kasi pinaglihi ako kay Queen Elizabeth," wika ko at inirapan sya. Confident ako sa ganda ko, talagang bulag lang sya 'di nya makita ang gandang taglay ko. "Tss, mangarap ka na lang! Ang pangit mo!" Singhal nya saka tuluyan na akong tinalikuran. Pinanood ko nalang ang papaalis nyang rebulto. Hindi ko nalang sya pinansin at nilinga nalang ang paligid. Grabe, nagsisilakihan ang mga building dito parang pag-inakyat ko malapit na ako sa langitn Naggagandang mall saka mga kainan na mga mayayaman lang ang may kayang pumasok doon upang kumain. Ilang minuto ko pang binusog ang mata ko sa ganda ng siudad. Hindi ko alam kung ilang minuto na pero wala pa din ang alaga ko. At hindi naman ako nakaramdam ng inip dahil sa namamangha kong nararamdaman sa paligid. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay may kumuha ng atensyon ko. CEBUANA. At may kung anong ideya ang pumasok sa isip ko. Tutal, nandito na ako talagang kakapalan ko na ang mukha ko. Para kay Lola gagawin ko ito, ayoko na pang sayangin ang oras. Baka talagang tinadhana na mangyari ito para masolve ang problema ko. Thank you, Lord! Hinintay ko nalang ang alaga ko at siguro madami 'yun binili kasi mahigit bente minutos na ako naghihintay dito e. At sa 'di kalayuan ay natanaw ko na sya na may hawak-hawak na plastic bag na kung saan nakalagay ang mga pinamili nya. Masasabi kong madami ang mga dala nya kasi halata sa itsura nyang nabibigatan sya. Akmang kikilos ako para tulungan sya ng pumasok sa isip ko ang sinabi nya kanina. "Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?" Kaya sa takot kong maglakad pauwi ay hindi na ako magtangkang bumaba pa. Baka abutin ako ng gabi pagnilakad ko ito pabalik sa bahay nila. Ikakabawas pa ng ganda ko. "Oh, ano, wala ka bang balak tulungan ako, ha?!" Singhal nya sa akin noong malapit na sya sa may kotse nya. Tinignan ko naman sya na nakataas kilay. Minsan ang labo din nyang kausap, ang sarap pakainin ng granada!Sa dami nyang dala talagang hindi nya kaya pang buksan ang pintuan. Bahala sya, basta ako nakaupo lang dito dahil ayoko umuwi mag-isa. "E, 'di ba nga po, Sir, pag ako bumaba dito, uuwi ako nang mag-isa? Naku, ayoko noon baka maligaw ako dito, sa laki pa naman ng syudad nyo tapos ang daming pasikot-sikot na daan!" Sagot ko na ikinagulat nya. "What? Are you crazy, huh? You're my maid tapos ganyan ka? Don't tell me tinatamad ka na naman," inis na wika nya. "Luh! Si Sir tamad na agad? Hindi ba pwedeng masunurin lang kasi sabi nyo kanina pag ako buma----" "Oo na, oo na paulit-ulit ka dyan e," putol na singhal nya sa akin. Sinimangutan ko nalang sya. 'Di lang sumunod tamad na agad? Napakasensitive naman."Dali na buksan mo 'yang pinto dahil nabibigatan na ako sa mga dala ko." "Sinabi ko bang bumili ka ng ganyan kadami, engot psh!" bulong ko habang pinagbubuksan sya. "May sinasabi ka ba, huh?" "Ahh-ehh wala po, ikaw naman baka guniguni nyo lang po 'yun, " wika ko at tinulungan na sya. Siguro may limang supot itong mga pinamili nya. Grabe, para syang magdedecorate sa isang binyag sa dami ng pinamili. Tinulungan ko syang ipasok ang mga iyon sa backseat na kung saan nakapwesto ako. Bale tigaabot sya at ako naman ay inaayos ang mga iyon. At matapos ang ilang minuto ay natapos din. "Woah! Nakakapagod!" Wika nya ay pinunasan ang ilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo gamit ang likod ng braso. At ako naman ay napasandal saka pinikit ang mata sa pagod. Ang bigat-bigat ng mga dala nya. Feel ko nabugbog ang braso ko sa sakit, naramdaman kong sumakay sya dahil umalog konti ang sasakyan. Nanatili padin akong nakapikit dahil ramdam kong hinihingal ako sa pagod. "Hoy, dito ka nga sa passenger seat umupo, nagmumukha akong driver mo kapag nandyan ka sa likod," utos nya sa akin at napamulat naman ako. Nagtama ang aming tingin sa rear mirror na nasa loob kaya naman natawa ako bigla. Hindi lang nagmumukha, talagang mukha syang driver ko. "Sus, ang sabihin nyo gusto nyo lang ako makatabi," biro ko sa kanya at nagulat sya. "Tss! Asa ka naman," singhal nya ata napabuga nalang ako ng hangin. Wala akong imik na lumabas ng kotse saka lumipat sa passenger seat. Hindi na ako umimik pa at naghanap ng tyempo upang mapakiusapan ko syang pautangan ako upang may maipadala ako kay lola. Pinagmamasdan ko sya habang may pinipindot sa selpon nya. Sana lang talaga pagbigyan nya ako, kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Sya nalang ang pag-asa ko. "Ehem," panimula ko ngunit 'di manlang sya tumingin sa akin."Uhm, Sir, nakikita nyo po ba 'yun?" Turo ko sa may Cebuana. Uutuhin ko muna para pumayag. Binigyan nya muna ako ng tingin bago sa pwestong tinuturo ko. Namuo naman ng pagtataka ang kanyang mukha."Tss! Tanga ka ba ha? Ang laki ng nakalagay na cebuana doon tapos tatanungin mo sa akin kung ano 'yun? Engot!" Naiinis na wika nya at binalik sa selpon ang tingin. "Ano po gamit ng cebuana, Sir?" "Pinagloloko mo ata ako eh!" "Sir, hindi no, ang kj mo naman, basta sagutin mo nalang tanong ko," pang-uuto ko pa. "Tss" "So, ano nga po gamit ng Cebuana, Sir?" "Tss, hindi ko alam kung tanga ka ba or nagtatanga-tangahan ka lang," singhal nya sa akin at nakataas ang isa nyang kilay. "Si Sir talaga ang kj, dali na kasi huwag na puro tanong. Alam mo, Sir, kung sinagot mo na sana kanina pa hindi ako nangungulit ng ganito." Napailing sya sa kawalan bago nagsalita ulit."Ang Cebuana ay ginagamit ng mga tao para magpadala ng pera sa mga mahal nila sa buhay na malayo. Ano, okay na?" Tanong nya sa akin at nginisian ko sya. Inalis nya ang tingin sa akin saka binalik sa hawak na selpon. "Ahh," kunwari pa akong tumango ng ilang beses. "Bakit, magpapadala ka ba ng pera?" Tanong nya pero hindi ma lang ako tinapunan ng tingin."Sige lang, magpadala ka nalang, hihintayin kita dito. " Heto na ang pagkakataon ko, sana lang talaga pagbigyan nya ako. Kailangan ko talaga kahit magmakaawa pa ako sa kanya ngayon gagawin ko. "'Yun nga ang problema, Sir, wala akong pera na ipapadala. Baka naman may extra kayo diyan pautang muna," pagmamakaawa ko at napakagat sa pang-ibaba kong labi. "What?!" Gulat na gulat na tanong nya at namilog ang kanyang mga mata. Alam kong hindi nya inakalang sasabihin ko iyon pero wala na, nasabi ko na. "Sir, sige naman po oh, kailangan ko pong padalhan 'yung lola ko ng pera, mauubos na po kasi 'yung gamot nya hindi po sya pwedeng lumiban ng pag-inom noon e," paliwanag ko at nakatungo lang sya sa akin na para bang naguguluhan pa din. "Tss, haha," kunwaring tawa nya at saglit na inalis ang tingin sa akin saka binalik naman nya iyon agad." Sa tingin mo madadala mo ako sa mga paganyan-ganyan mo? Baka nakakalimutan mo ang mga salitang bitawan mo sa akin kanina." "Sir, sorry na po, pero ngayon parang awa mo na ikaw na nalang talaga ang pag-asa ko," pagmamakaawa ko at hinarap sya. Sana naman pumayag na sya, talagang malaking tulong iyon kung sakali. Aminado naman akong naging masama ako sa kanya kanina pero sya naman ang nagsimula e at kailanman hindi ako ang nagsisimula ng away kundi parating sya. "Wala ka na bang ibang mauutangan?" "Wala na po talaga saka 'yung kuya ko doon sa abroad kakabayad din ng mga kailangan nya doon, talagang walang-wala po syang mapadala," malungkot na paliwanag ko saka yumuko. Konti nalang maiiyak na ako dito, paano pag-ayaw nya akong pahiramin? "Magkano ba kailangan mo?" Para akong nabuhayan sa sinabi nyang iyong kaya naman napaangat agad ako ng tingin sa kanya at may suot na ngiti sa labi. Sa wakas wala na akong problema. "Huwag mo akong ngitian dyan, tinatanong kita kung magkano para makapagpadala ka na para sa lola mo." "Bawal na bang ngitian ka, Sir? Masaya ako e sa wakas mapapaldahan ko na sya ng pera. Salamat talaga Sir, babayaran kita pagkasumahod na ako, pangako 'yan," wika ko at tinaas pa ang kanang kamay na nagsasabing nangangako ako. "Huwag na, mas kailangan mo 'yan , huwag mo na intindihan kung paano mo mababayaran. Ayokong isipin mo na madamot ako at walang puso." "Salamat talaga, Sir." "Oo na, puro ka pasalamat e kanina pa kita tinatanong kung magkano e," naiiritang tugon nya. Masaya talaga ako at ang gaan sa pakiramdam. Hindi ko alam na may puso 'tong alaga ko, nakakataba naman ng puso. "Uhm , five lang, Sir." "Five Pesos?" "Ikaw yata ang tanga, Sir, saan naman kakasya 'yang five pesos na ipapadala ko kay lola?" "Tss, nagtatanong lang," singhal nya kaya hindi na ako sumagot pa baka saan pa mapunta ang usapan namin. Pinanood ko syang dumukot ng kung ano-ano sa kanyang bulsa at natitiyak kong ang wallet nya 'yun. "Oh, ayan na," wika nya at inabot ang perang hinihingi ko. Kinuha ko naman ito sa kanya saka nginitian pero blangko ang kanyang mukha at iniiwas. Psh! Todo ngiti ako 'di manlang ngumiti pabalik, nakakainis. "Thank you, Sir," masiglang wika ngunit tumango lang sya at hindi manlang sya tumingin sa akin. Bagkus binalik na lamang ang tingin sa selpon nya. "Uhm, Sir.." "Ano na naman?" Naiiritang wika nya kaya napakamot ako ng ulo. "Samahan mo naman ako, Sir" "Tss, ang kapal mo din, no. Binigyan na nga kita ng pera tapos ngayon magpapasama ka pa? Bakit hindi mo nalang sabihin na ako na gagawa ng lahat, nahiya ka pa." "Si Sir naman magpapasama lang naman, napakadamot mo naman." "Ako pa talaga madamot ngayon? Tss, what a word comes from you." "Dali na, Sir, samahan mo na ako, sige na, " pagpupumilit ko sa kanya. Dinuro nya ako bago nagsalita ulit. "Ikaw ah, nakakadami ka na, porket binigyan kita ng pera ganyan ka na!" "Sir, magpapasama lang ako, ano ka ba, ang dami mo sinasabi dyan. Tara na para makauwi na tayo." Wika ko at tuluyan ng lumabas ngunit nanatili pa din sya sa loob na para bang nawiwirduhan sa akin. "Tss!" Singhal nya kaya wala na pa syang nagawa kundi bumaba na din at samahan akong magpadala ng pera. Nakabunsangot pa sya habang nilalakad namin ito. Halatang naiinis sya sa mga ginagawa ko at ikinatutuwa ko naman iyon. At kahit taong bundok ako alam ko kung pano magpadala. Hinintay na lamang nya ako sa labas kasi masyadong mahaba ang pila. Napansin kong mainipin sya dahil nga halos trenta minutos bago ako nakapadala. At pagkatapos ng kay haba-habang pila ay natapos din. Binalikan ko ang alaga ko na nakaupo sa may bench sa labas habang nilalaro ang selpon sa kanyang kanang kamay. "Tss, bakit ang tagal mo?" Singhal nya agad sa akin kaya naman sinimangutan ko sya. Pinagpagan nya ang suot na pantalon dahil bahagya iyon na nadumihan. "Kasi hindi mabilis, Sir," pang-aasar ko kaya naman inirapan ako at tinalikuran. Ang bilis naman nyang mapikon, parang hindi lalaki. Sinundan ko nalang sya at tinignan pa ang kabuuan ng syudad. Grabe, sobrang dami ng building na makikita. May kainan sa may 'di kalayuan, parang masarap ang pagkain doon. "Uhm Sir, " nahihiya pang tugon ko habang nakasunod ako sa kanya. "Ano na naman? Ano pa ba kailangan mo, ha? Sabihin mo na lahat, kanina pa ako nababadtrip sa'yo e.." Napakamot sya ng bahagya sa kanyang ulo at halata naman na nauubos na ang kanyang pasensya sa akin. Napahagikgik pa ako dahil sa ekpresyon na makikita sa mukha nya. Agad kong inginuso kung saan banda naroroon ang kainan na gusto kong puntahan. Napatingin naman sya doon sa inginuso ko. "Oh, ano naman gusto mo ngayon, ha?" Naiiritang tugon nya na nakatungo sa akin. Napakagat ako ng labi sa hiya pero nagugutom na talaga ako e. "Sir, nagugutom na kasi ako," nagpapacute pa ako para makonsensya ito. "Tss, kumain ka pag ka may dala kang pera, okay? Huaag mo nga ako isama dyan sa mga kalokohan mo at baka nakakalimutan mo yaya kita at hindi mo ako alalay.." "Sir, kahit tinapay na nga lang huwag na doon.nPalamunin mo na ako." "A-YO-KO!" Pagmamatigas nya at pinagpatuloy nya ang paglalakad at wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. BBRUUKK! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa pagkulo ng tyan ko. Napakalakas ng pagtunog ng tyan ko kaya naman napahinto pa sya sa paglalakad. Tinungo nya ako kaya naman napakamot ako ng ulo sa hiya. Wala e, nag-aalburuto na ang mga dragon sa tyan ko. "Tss, tara na nga lang, papalamunin na kita baka hindi tumigil mga bulate mo na nag-away dyan sa tyan mo," wika nya at napangiti naman ako. Tinungo namin ang nasabing reataurant. Nakasunod lamang ako sa kanya tutal mas kabisado nya ang lugar. Pupwesto kami sa may dulo na kung saan walang masyadong tao. Dahil siguro sa kamahalan ng kainan ay konti ang taong nandoon. Okay na nga 'yun e para makakain ako ng madami. Nauna syang naupo at syempre itetest ko muna kung talagang gentleman sya. Hindi na muna ako umupo at hinintay ko syang pagsilbihan ako. May nahagip kasi ang mata ko sa may 'di kalayuan na magjowa ata e pinaghila pa ng lalaki ang babae ng upuan. Malay ko baka gawin nya din sa akin 'yun, gusto ko lang matry. "Oh, ano pang itinatayo-tayo mo dyan? Wala ka bang balak umupo, ha?" sigaw nya sa mahinang tugon. "Eh, 'di ba, Sir, sa ganitong kainan dapat pinaghihila ng lalaki ang babae ng upuan?" "At ano naman gusto mong gawin ko? Ipaghila kita? Bakit, wala ka bang kamay? Pwedeng umupo ka nalang dyan at huwag ng madaming arte? Paghihila kita ng upuan pero huwag kang kumain, understood?" "Si Sir naman! Minsan lang ako mangarap eh," wika ko at padabog nalang na umupo sa harapan nya. Kahit kaian talaga panira ng moment eh. Hindi ba nya alam ang mga ganoon o sadya lang na ayaw nyang iapply sa akin? "Goodmorning Maam/Sir, may I take your order?" Magalang na wika ng waiter na lumapit sa amin at may iniabot pa syang malaking libro at sa tingin ko doon makikita ang mga pagkain na siniserve nila. Nanlaki ang mga mata ko pagkabuklat ng hawak kong menu. Grabe, litrato palang masarap na, paano nalang kaya kapag inihapag na sa harap ko. Pero doon ko napansin na ang mahal mahal ng presyo ng mga iyon. "Pumili ka nalang ng gusto mo dyan," dinig kong wika nya at hindi ko nalang sinagot. Tinignan ko isa-isa ang mga putahe at lahat iyon ay natitiyak kong masarap. "Pwede bang bigyan mo ako nito," lumapit naman sa pwesto ko ang waiter saka ko itinuro ang gusto ko."Eto pa oh, saka eto, eto pa. Sama mo na din 'tong tatlo na 'to, eto pa mister oh, Sige, eto nalang lahat sa akin," wika ko at natawa. Wala e gusto ko tikman lahat, bahala na hindi naman ako ang magbabayad eh. Dahil sa dami ng inorder ko ay napatingin si Sir sa akin. Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin at nginisian ko nalang sya. "And how about you, Sir?" Tanong naman sa kanya ng waiter matapos isulat lahat ng order ko. "Bigyan mo nalang ako ng bestseller nyo dito," matipid na wika nya at ibinalik ang libro sa waiter at ganoon na din ang ginawa ko. "May I repeat your orders, Maam/Sir.." wika ng waiter at ganoon na nga ang ginawa nya. Pagkatapos ay iniwan na kami upang ipahanda ang mga order namin. "Hoy, bakit ang dami mong inorder, ha? Ganoon ka ba kagutom at sangkatutak ang inorder mo?" Naiiritang tugon nya sa akin habang salubong ang dalawa nyang kilay. "Sabi nyo kasi umorder lang ako ng gusto ko kaya ayun parang gusto ko lahat ng putahe nila." "Tss, ang sabihin mo patay gutom ka.." "Patay gutom agad, Sir? Hindi ba pwedeng trip ko lang, saka ikaw naman gagastos lahat e, sentimo lang 'yun sa'yo." "At anong tingin mo sa akin, tumatae ng pera? Masyado kang abusado taong bundok ka." "Sir, pamasko mo na sa akin 'to kaya huwag ka ng sumatsat dyan." "Pag iyon hindi mo naubos lahat, ikaw ang magbabayad, ha?" "Luh! Seryoso ka, Sir?" "Do you think I'm kidding?" "Sabi ko nga, Sir, hindi." Hindi na sya nagsalita pa at ako naman ay kinakabahan. Seryoso sya? Paano kapag hindi ko naubos ang lahat ng inorder ko? Wala akong pambayad, sa dami kasi ng in-order ko para bang sampung tao ang kakain noon. At makalipas ang ilang minuto ay inihatid na sa lamesa namin ang lahat ng order. Sinimulan na namin kumain at ako naman ay sarap na sarap. Grabe, hindi ko alam na may ganito palang pagkain. Sobrang sarap at feel ko nasa ulap ako kumakain. Ilang beses pa akong binibigyan ng tingin ni Sir pero hindi ko nalang sya pinapansin basta kumain nalang ako. Kailangan kong ubisin ang lahat ng ito. Wala akong pambayad kung sakali. Dahil siguro hindi gutom si Sir ay nauna syang natapos pero pansin kong hindi nya naubos. Ganoon ba talaga ang mayayaman konti lang ang kinakain? Hindi ko alam kung ilang minuto akong kumain bago lahat iyon ay naubos. Oo, naubos lahat, takot akong 'di maubos baka totohanin ng alaga ko na ako ang magbayad. Ni sentimo pa naman wala akong dalang pera. Sa buong minuto na paglamon ko hindi nya ako pinakialaman basta tutok lang sya sa kanyang selpon samantalang ako binubusog ang sarili. "Woah! Nabusog ako doon, ha," sambit ko na nakahawak pa sya tyan at napasandal sa aking kinauupuan kaya naman nakuha ko ang atensyon nya. Napapikit pa ako sa busog at pakiramdam ko hindi ako makatayo. Kainin mo ba naman lahat ng pagkain na pangsampung tao. "Lakas mo din, 'no? Talagang inubos mo lahat," singhal nya kaya naman napamulat ako ng mata. "Hindi ba't sabi mo kanina Sir, paghindi ko naubos lahat ako ang magbabayad, kaya ayun kinain ko na lahat wala akong dala ni sentimo e." Depensa ko. "Tss! Whatever!" Umirap pa ito at inalis ang tingin sa akin. "Sir, salamat pala sa libre mo, ha, sa uulitin," biro ko sa kanya at tinignan naman nya ako ng masama. "Asa ka naman," pagsusungit nya sa akin at tinawag na ang waiter upang bayaran lahat ng kinain namin. Pagkatapos ay niyaya na nya akong umuwi. Lumabas kami ng kainan na 'yun at ako nahihirapan maglakad dahil sa busog. Para akong buntis kung maglakad sa dami ata ng nakain ko. Nauna syang naglakad at may isang metro ang layo ko sa kanya dahil napakalaki ng hakbang nya maglakad. "Hoy! Dalian mo nga dyan maglakad! Pinalamon na kita wala ka ng dahilan para mag-usad pagong dyan!" Tawag nya sa akin at ako pilit naglakad. Nahihirapan talaga akong maglakad sa sobrang busog ko. "Sir, hintayin mo naman ako! Kita mo na ngang nahihirapan maglakad ang tao e kung makautos ka naman dyan, " reklamo ko kaya naman napahinto sya at hinarap ako. "Wow, kasalanan ko pa ngayon? Sino 'yung kumain ng sandamakmak na akala mo naman hindi kumain ng isang taon? Makareklamo ka, ha! Hoy, tandaan mo 'to, marami kang utang sa akin!" Wika nya at dinuro pa ako. "Oo na, Sir, dami pang satsat e. Hintayin mo nalang kasi ako hmfpt!" "Bahala ka dyan! Naiinis ako sa'yo, tss..." wika nya at tuluyan na nya akong iniwan. Bakit naman sya naiinis? Anong ginawa ko? Napakababaw naman ng pwet noon, psh! Sumunod nalang ako at baka iwan pa ako at maglakad pauwi .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD