CHAPTER 2

1565 Words
Haila's Pov Pagkagising ay agad na akong nagluto ng agahan namin ni lola para kahit papaano makasabay ko pa syang kumain bago ko siya tuluyang iwan. Minsan nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko ba ito o hindi pero kailangan. Naligo muna ako, pagkatapos ay nagbihis na. Nagsuot nalang ako ng simple, okay naman siguro 'tong t-shirt saka pantalon na fitted. Interview pa lang siguro ang magaganap dahil firstday ko palang doon. Chineck ko ng paulit-ulit ang mga dadalhin ko upang 'di ako maabala sa pag-alis ko. Isang maleta lang ang dala ko with slingbag bag na pinaglagyan ko ng mga mahahalagang bagay na kailangan ko. Binuhat ko na lahat ng gamit ko at nilapag muna sa may sala. Nadatnan ko si Lola na nakasimangot na nag-aalmusal. Masakit iwan siya pero kailangan ko itong gawin para sa amin. Nandito rin si Criza na kaibigan ko. Siya 'yong nagbabantay kay lola kapag ganitong iiwan ko siya. Maaasahan ko naman siya kaya wala akong proproblemahin pagdating kay lola. "Oh, Criza ikaw na bahala sa lola ko ah, 'yung mga gamot niya huwag mong kakalimutan. Tapos 'yong mga bawal na sinabi ko sa'yo kagabi, huwag mo rin kakalimutan ah." Todo bilin ko sa bestftiend ko. "Oo na bes, huwag kang mag-alala, akong bahala kay lola." Matamis na wika nito saka ako niyakap. "Kapag may problena tumawag ka agad sa'kin ah," pahabol kong bilin upang makasigurado ako. Lumapit ako kay lola at hinawakan siya sa magkabilang palad nito."Lola, huwag pong matigas ang ulo ah, saka makinig po kayo sa mga sasabihin ni Criza. Huwag po kayong mag-alala, araw-araw po akong tatawag sa inyo. Sige na po, una na ako baka wala akong masakyan eh," sabi ko at agad nang nagmano sa kanya. Binuhat ko na lahat ng gamit ko saka tuluyan ng lumakad paalis. Pero bago pa ako makalabas ng bahay ay tinawag ako ni Lola kaya napahinto ako at hinarap siya. "Apo, mag-iingat ka ah, hihintayin kita dito," tugon ni lola sabay bagsak ng luha niya. 'Di ko rin namamalayan na lumuluha na rin ako kaya tumakbo ako palapit kay lola saka siya niyakap ng mahigpit. Mamiss ko siya ng sobra. Siguro sasanayin ko ng konti 'tong sarili ko na 'di kasama si lola para 'di ako mag-aalala ng ganito sa kanya. "Opo lola, babalik po ako," wika ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. Bago umalis ay nginitian ko muna siya. Laban lang para sa sarili at lola mo.Nagawa mo na ito dati kaya masanay ka na. Pagkarating sa bahay na ibinigay ng agency na address sa akin ay namilog talaga ako sa gulat. Grabe! Bahay ba 'to o mansion, sobrang laki. Kaagad na akong nagdoorbell kasi baka pagkamalan nilang magnanakaw ako dahil sobrang nawiwili akong nakatingin sa mansion na 'to. Pero, infairness, diyan ako magtratrabaho, sosyal naman. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ko ay may nagbukas na ng gate na mukhang isang katulong din. Katulong ang hula ko kasi nakadamit katulong sya. "Ah, ate dito po ba ang Mendoza's Residence?" Tanong ko sa nagbukas ng gate. Mukhang 'di naman masungit itong kausap ko. "Opo, dito nga po, sino po sila?" Tanong nya. "Ako po 'yong pinadala ng agency na maging katulong dito," paliwanag ko sa kanya. "Ay ganoon ba, tara, pasok po kayo," masayang tugon ng yaya kaya nginitian ko siya ng matamis. Sinundan ko nalang siya papasok ng bahay dahil baka maligaw ako lalo na at malawak ang mansion. Unang hakbang ko palang sa sala ay namangha na ako sa ganda. Grabe! Itong sala nila, kabuuan lang ng buong bahay namin. Ang ganda talaga, mukhang mamahalin lahat ng mga gamit na nandito. Kung magkakaroon man ako ng malaking bahay, ganito kaganda ang magiging sala ko. Sarap sigurong matulog sa sofa nilang malambot.. "Ah maam, upo muna kayo at tatawagin ko si Sir Russel sandali," wika ng yaya at tumango nalang ako. Sa sobrang kasabikan kong makaupo sa sofa nila ay sinigurado ko munang nakaalis na ang yaya. Nang mapansing wala na ay dali-dali na akong naglakad palapit sa sofa. Hay! Ang lambot talaga parang isang cupcake. Grabe! Ang sarap sigurong matulog dito maghapon, hindi lang kasi malambot, sobrang bango pa. Kumbaga parang binuhusan ng maraming pabango. Umayos na ako ng upo ng marinig na may paparating. Nakakahiya naman kasi kung madatnan nila akong ganoon baka isipin nila may sira ako sa utak. "Sir, nandito po siya," rinig kong wika ng yayang umasikaso sa akin. Nang matanaw ko na si Sir Russel ay agad akong tumayo upang magbigay galang sa kanya. Ngumiti ako ng matamis upang mawala namn ng konti ang kaba ko. "Hello po Sir, ako nga po pala si Haila Santiago," wika ko at nakipagshakehand sa kanya. "Nice to meet you, Haila, come on let sit," sabi nya at nginitian siya ulit. Umupo nalang ako dahil iyon ang ibig niya."Yaya, pwede bang bigyan mo kami ng maiinom." Pagkatapos utusan ang yaya ay umupo na siya sa harapan ko at may lamesang nasa pagitan namin dalawa. Tinanong nya kung may dala ba akong biodata tsaka 'yong kontrata. Inilabas ko ang mga 'yon at binasa nya ang biodata ko. Pagkatapos ay kanyang pinermahan ang kontrata. "So, Haila hindi naman mabigat 'tong trabahong ibibigay ko sa'yo. Babantayan mo lang naman ang anak ko kumbaga babysitter ka lang naman," sambit niya.Wala naman magiging problema kung 'di makulit ang babantayan ko. "Naku sir, okay lang, sanay naman ako sa ganitong trabaho eh," paliwanag ko. "Pwede ka naman sa mga gawaing bahay kung wala kang ginagawa, but make sure lang na maaalagaan mo nang mabuti ang anak ko." "Opo naman po sir, gagawin ko po ng maayos ang trabaho ko, pangako po 'yan," sabi ko at itinaas pa ang kanang kamay ko kaya napangiti siya sa akin. "Dad!" sigaw ng isang tinig na nanggagaling sa taas na pumukaw ng atensyong naming dalawa ni Sir. "Yes anak?" Tanong ng kasama ko. "Ikaw na lang daw ang hinihintay sa meeting, dad!" Sagot ulit ng taong nasa taas. "Okay, sabihin mong on the way na ko, ah. " sagot pabalik ni Sir Russel sa kausap na nasa taas. Tinignan nya ako't sumenyas na mauna na sya dahil nga may meeting pa sya. Tumango na lang ako bilang sagot at bahagya pa syang nginitian. "Paano ba 'yan, mukhang mapuputol na ang usapan natin, hija. By the way 'yong sumigaw kanina, siya 'yong aalagaan mo." Dinuro pa niya sa taas. Joke ba 'to? Mukha namang matured na 'yong sumigaw kanina, ba't kailangan pa niya ng yaya? 'Di ako makapagsalita ngayon dahil naguguluhan talaga ako. Akala ko ba bata 'yong aalagaan ko, mukhang mas matanda pa 'yon siguro sa'kin. "Ranz, bumaba ka nga para makilala mo na ang bago mong yaya. Ikaw na bahala sa kanya ah, kailangan ko nang umalis!" Utos ng ginoo. "Okay, dad." Rinig kong usal na nagmula sa taas. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Para itong makikipagkarera sa bilis. "Sige na, hija, maiwan na kita at may meeting pa ako," paalam ni sir sa akin kaya tumango nalang ako. "Dalian mo, Ranz naghihintay siya rito sa baba," pag-uulit niyang utos sa anak niyang nasa taas at tuluyan ng umalis si sir. Halos limang minuto na akong nakaupo dito at nakain ko na rin lahat ng meryendang bigay nila sa'kin pero 'di pa rin bumababa ang anak ng boss ko.Wow pinaghintay talaga ako ah. "Sir, kanina pa po ako naghihintay dito," matapang kong wika saka pinaikot ang aking mata sa inis. "Parating na! Ano 'di makapaghintay?" Rinig kong sagot niya na halatang naiinis sa akin. Tss! Rinig ko ang sunod-sunod na yapak ng paa sa hagdanan kaya naghintay na lang ako. 'Buti naman natauhan na siyang bumaba kesa magmukha akong tanga dito na naghihintay. "Hoy! Wala kang karapatang sigawan ako ng ganyan ah, bago ka lang dito kaya umayos ka, 'di mo alam kung si--" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang magtama ang tingin namin sa isa't- isa. Halos mapahinto pa siya sa paglalakad nang makita ako. Omg! Totoo ba 'tong nakikita ko o namamalik mata lang ako? "Ikaw/Ikaw?"sabay naming sigaw sa isat isa dahil 'di kami makapaniwala. Talagang sa ganitong set-up pa kami nagkita. Bakit 'yong muntik ng makabangga sa akin ang magiging alaga ko? Bakit sa dinami-dami ng taong pwede kong alagaan, siya pa 'yong napunta sa akin? Kung panaginip 'to, pwedeng gisingin niyo na ako! Parang awa niyo na. Naglakad siya palapit sa akin na nakacross-arms with matching taas kilay. Grabe! Nakakatakot siya. "So, ikaw pala 'yong bago kong Yaya," nakangising wika nya. Nang tumingin ako sa kanya ay natakot ako dahil parang kakain na siya ng tao sa sobrang talim ng tingin niya sa akin. Nanginginig na ako ngayon at feeling ko may call of nature na ako dahil sa takot. Huwag ko naman sanang maihian 'tong sofa nila. Nakakahiya naman kung sakali. "Ay, hindi bago nyong bodyguard," pilosopong sagot ko kaya lalo pa siyang nainis sa akin. Tsk! 'Di naman mabiro 'to. "Huwag kang pilosopo, nanununtok ako ng babae," banta niya kaya natakot ako. Sumeryoso nalang ako at baka masuntok niya pa ako ng tuluyan. "Sorry po," paghingi ko ng paumanhin. Nakayuko lang ako kasi 'di ko siya kayang tignan ng direkta lalo na at may kagagahan akong ginawa diyan. Argh. Sino naman ang makakalimot sa eksena naming dalawa doon sa daan, syempre wala. Ngayon pa lang natatakot na ako sa pwede niyang gawin sa akin. Mukhang mapapalaban ako nito. Jusko lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD