Chapter 7.1

2278 Words
HAILA'S POV Maghahapon na ng makauwi kami sa mansyon. Hindi ko namalayan ang oras, medyo napatagal pala ang oras na nakasama ko ang aking alaga. Pagkauwi sa mansyon ay isa-isa kong ipinasok sa kwarto ng alaga ko ang lahat ng pinamili nya. Pinagtitinginan ako ng ibang mga kasambahay dahil siguro bigla akong naglaho kanina. Karamihan sa kanila ay nginingitian nila ako ng makahulugan kaya naman ipinagtaka ko naman iyon. Ano naman kaya ang ibig-sabihin ng mga ngiti nilang iyon. Hindi ba pwedeng isipin nilang isinama ako ng alaga ko na bumili ng gamit kahit hindi naman talaga? Jusmiyo sana naman hindi ako maissue! Kahit pa man nabibigatan ako ay hindi ako tutulungan ng alaga kong nakahiga sa kanyang kama habang nanonood ng basketball. Kahit kailan talaga hindi gentleman pero trabaho ko palang pagsilbihan sya kaya no choice ako. Limang naglalakihang supot ang pinaglagyan ng binili nya at dalawa palang ang naiakyat ko. Ang bigat-bigat kasi tapos nasa taas pa ang kwarto nya. Sinulyapan ko sya habang nanonood at nagtama ang aming tingin. "Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan? Bilisan mo dahil kailangan ko 'yan gawin mamaya," singhal nya sa akin. Bawal na bang tumingin? Napakasama naman ng ugali nya. HIndi ko nalang sya sinagot at pinagpatuloy ang ginawa ko hanggang sa maiakyat ko na lahat. Nadatnan ko parin sya na nakahiga sa kanyang kama at hindi ko naman pinansin pa baka magkasagutan pa kami e. Dahil sa pagod na aking naramdaman umupo ako sa sofa sa na nasa gilid ng kama nya kung saan ko inilapag ang mga binili nya. Isinandal ko ang aking katawan saka pumikit. "Hoy, nagugutom ako, maghanda ka nga ng meryenda ko," utos nya sa pasigaw na boses. "Gutom ka na naman, Sir? Kakalamon natin kanina sa restaurant ah," wika ko at tinignan nya ako. "Tss, ikaw lang ang nabusog.." "Ehh may ganoon, Sir?" "Talagang meron dahil patay gutom ka kanina. Kaya pwede ba wag na madaming tanong ipaghanda mo nalang ako," naiiritang tugon nya at inalis ang tingin sa akin at binalik iyon sa telebisyon. Wala na akong nagawa pa kundi sumunod nalang. Padabog kong isinarado ang pintuan ng kanyang kwarto sa inis. Naiinis talaga ako sa bunganga ng hayup na 'yun. Parang ang sarap putulin ng dila nya. Wala ng magandang lumabas kasi doon eh. Dumiretso ako sa kusina at ipinaghanda ang alaga ko ng kanyang meryenda. Pero, doon ko lang napansin ang ilang yaya na nagkukumpulan at natitiyak kong nagmemeryenda sila. Ganito kabait ang amo namin may oras kami magmeryenda kaya swerte ako at napunta ako dito pero 'yun lang malas ako sa alaga ko. "Oh, Haila tara kain tayo," anyaya ng mayordoma sa akin ng makitang naghahanda ako. "Sige lang po, Manang, busog pa po ako," wika ko at nginitian sya ng matamis. Itinuon ko nalang ng pansin ang aking ginagawa. Pinaghanda ko sya ng fries saka pancake kasi mahilig sya doon. "Naku, Haila, 'di mo manlang sinabi sa amin na nagdate pala kayo ni Sir Rhaiven," asar ni Manang Linda kaya naman nakuha nya ang atensyon ng lahat. Nagtawanan naman sila sa birong iyon. "Luh, hindi po, nagpasama lang sya na bumili ng mga materials para sa gagawin nyang project," palusot ko kahit hindi naman talaga. Iba talaga kung makatingin mga ito, akala mo naman mga bituin sa langit ang mga mata kung magsikinang e. Hindi ko na sila pinansin pa at pinagpatuloy ang pag-aasikaso ng meryenda ng alaga ko, tiyak hinihintay na ako noon."Bagay kayo ni Sir Rhaiven, 'di ba mga kasama?" biro naman ng mayordoma. "Oo nga!" sang-ayon ng ilan at tinukso-tukso pa ako. Hindi ko naman maitago ang tuwa, sa totoo lang pero ayokong magpadala sa mga tukso nila dahil alam kong ako lang din namn ang masasaktan. "Kung sakali mang matipuhan ka ni Sir Rhaiven, ikaw na ata ang pinakaswerteng babae sa mundo. Kasi akalain mo 'yun may gwapo at hot kang nobyo." "Oo nga, siguro 'di ka magsasawa na amuyin ang pagkabango-bango nyang katawan. Hawakan ang malanyebe nyang kutis at isama mo na din ang bibig nyang nakakaakit sa lahat," pantasya nila sa alaga ko kaya wala na akong magawa kundi gantihan sila ng ngiti. Nakakatuwa silang pakinggan ng ganyan, ewan ko lang sa alaga ko baka lumabas pagkademonyo nya. "Naku haila, pag si Sir Rhaiven na nanligaw sa iyo, hywag mo ng pahirapan, ha? Sagutin mo na agad para maganda."At nagtawanan sila at nakitawa na din ako. "Imposible naman po yata 'yan, hindi naman ako kagandagan para magustuhan nya. Malayong-malayo po sa akin 'yung mga tipo nya sa babae." Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng konting lungkot sa kadahilanang hindi ako kasingganda ng mga babaeng tipo nya. "Ahh basta, boto kami sa'yo," wika pa nito at nagsitanguan pa ang iba. Pinagpatuloy lang nila ang pang-aasar sa akin habang naghahanda ng meryenda. At nang matapos kong ihanda ang kanyang meryenda ay nagpaalam na ako sa mga kapwa ko kasambahay at agad ko na itong hinatid sa kanyang kwarto. At sa inaasahan ko nakatutok parin sya sa telebisyon na animo'y bata na walang pakialam sa kanyang paligid. Hindi nya ako pinansin at ganoon din ako. Bakit ko pa sya papakialaman? Baka sungitan lang ako ng demonyong nyan e. Inilapag ko na lamang ang dala ko sa kanyang mesa at hindi ko na pa sya hinintay na pansinin ako. Lumabas na ako ng kanyang kwarto at inasikaso ang ibang gawain. Dumating ang gabi at nagkulong lamang sya sa kanyang kwarto. Palibhasa kasi weekend kaya nagagawa nya lahat ng gusto nya. Tumulong nalang din ako na magluto tutal tapos ko na mga gawain ko. Napapansin ko din nitong mga nakaraang araw hindi payag si Sir Russel na walang gulay ang nakalapag sa mesa. Ewan ko nga ba malaki ata naging ambag ko e. 'Yun nga lang reklamador ang magaling na tao. Halos ayaw lunukin mga gulay kaya pala ang payat payat nya. "Ate Haila, pakitirintas naman 'tong buhok ko, please?" Dinig kong tugon ni Rhaiven na papalapit sa pwesto ko. Pinunasan ko naman ang aking kamay dahil nakakahiya kung hahawakan ko ang kanyang buhok na madumi ang kamay ko. "Uhm, sige po," sagot ko at nginitian nya lang ako. Pumunta kami sa sala at doon ko inayos ang kanyang buhok na may kahabaan din. Kahit mahaba ay talagang naalaga ang kanyang buhok ng maigi. "Grabe, Maam, ang haba po ng buhok nyo pero alagang-alaga oh," wika ko at napatawa naman sya. Ikukumpara sa buhok ko 'tong buhok nya grabe malalagas sa hiya ang buhok ko talaga. Napangiti sya sa pagpuri ko sa kanyang buhok."Thank you Ate, actually Mom teached me well how to take good care of my hair. Maganda po, 'di ba?" "Oo naman, lalo ka ngang gumaganda pagnakalugay itong buhok mo e." "You too, Ate, mas maganda ka tignan pagnakalugay din ang buhok mo," nakangiting komento nya. "Maam, kailangan pong itali ang buhok ko sa oras ng trabaho baka po kasi makaistorbo sa akin e, lalo na sa pagluluto." "I see." Hindi na kami muling nag-usap pa at minabuti ko nalang na ayusin ang kanyang buhok. Pero ilang minuto lang ang nakakaraan ay nakarinig kami ng sunod-sunod na yabag ng paa papalapit sa amin at noong inangat ko ang aking tingin ay hindi nga ako nagkakamali. "Hey, Rhaivee, where are you going? Bakit parang bihis na bihis ka?" Nagtatakang mukha ni Rhaiven na tinignan mula ulo hanggang paa ang kapatid. At sakto din na natapos kong ayusin ang buhok nya kaya tumayo sya at nagrampa na para bang model. Tinapunan lang sya ni Sir ng nakakadiring tingin."Isn't it obvious, kuya? Aalis ako tonight." " And why is that? Gabing-gabi kekerengkeng ka na naman, huh?" Singhal nito sa kapatid at pinagkrus ang dalawang braso nito. "Is not what you think, kuya, duh!" Saka nito inirapan si Sir. Grabe palaban din pala itong si Maam Rhaivee." Me and my friends kasi will do a project." "Project? Bakit kung magdamit ka dyan para kang aattend ng binyag?" "Kuya, your so epal talaga. Syempre alangan naman na maging cheap ako sa harap nila, 'di ba?So, here I wear the very beautiful dress ever that mommy's gaved to me." " I don't care," walang emosyon na sambit ni Sir."Go back to your room and changed your clothes now!" Mapagbantang tugon nito sa kapatid. Napasimangot naman si Rhaivee at hindi nagustuhan ang sermon ng kapatid. Nagkatinginan pa kaming dalawa at maski ako hindi alam ang irereact. Kung titignan okay naman ang suot nya e. Hindi naman malaswa saka bawal bang magdress paggagawa ng project? Normal naman ata sa nagdadalaga na maging formal kung magsuot. "Kuya, okay na ito saka sa bahay lang naman nina Rica kami gagawa e," sagot pa nito at nagpacute sa kapatid. "'Di ba, Ate, bagay naman sa akin u***g damit na ito?" Tanong nya sa akin na ikinagulat ko lalo na noong tumingin din si Sir sa akin. "Ahh, oo naman, bagay na bagay sa'yo." "See kuya? Sabi sa'yo, so, I'll go ahead. Byee, " wika nito at inayos ang damit at isinuklib ang shoulder bag sa kanyang balikat. "Rhaivee, I said changed your clothes!" Sigaw nito sa kapatid na 'di pa nakakalayo sa aming pwesto. "Kuya, relax lang, okay? Hindi ako mamamatay kung ganito ang suot ko. Calm down, please." "Look who's talking. Walang aalis ng hindi ka nagpapalit ng damit!" Banta nya pa dito at napairap naman ang babae sa inis. "Nagpaalam na ako kay Daddy kaya you don't have the right, kuya, na iganto ako." "What the? Aalis ka ng ganyan? Bakit sa pokpokan ka ba pupunta, ha? Palitan mo 'yan or else ako mismo maghuhubad nyan sa'yo!" Dinuro nya pa ng bahagya ang suot na damit ng nakababata nitong kapatid. "Kuya, you're so yucky." "Go. Back. To. Your.Room," madidiin nyang sambit habang pinapanood ko lang sila. Napasimangot ulit ang dalaga. " Sir, pasensya na po kung mangingialam po ako ha? Hindi naman ata masama na ganyan ang suot nya e saka normal po 'yan sa nagdadalaga," sabat ko na baka kung saan pa mapunta ang sagutan nilang magkapatid. Palaban pa naman sila pareho. Sa pagsambit ko ng mga ganoong salita ay agad napunta ang tingin sa akin ni Sir na akala ko mag-aapoy ang mata nya sa inis. Mali ba 'yung ginawa ko?. "At anong karapatan mo na mangialam sa away magkapatid, huh?" Makahulugang wika nya sa akin at pinagkrus ang mga braso na tinungo ako. "Kasi, Sir, mali kayo, bakit naman ata napakabigdeal sa inyo na magsuot sya ng ganyan e bagay naman po sa kanya." "Hindi tayo parehas kung paano maging sensitive, so, please don't mind us and mind your own business!" "Sus, Sir, kung maging overacting ka naman sa kapatid mo parang 'di ka nakakakita ng babaeng ganyan magsuot na ikinatutuwa mo naman, 'di ba?" Prangka ko na sa kanya. At hindi ko napigilan pa ang bunganga ko. Ewan kung saan ko nakuha ang lakas ng loob upang masabi 'yun. Kilala ko na sya ayon sa kwento ng kapwa kasambahay ko. Babaero sya at 'yun ang kinadidirian ko sa lahat. Kapwa silang magkapatid na tumingin sa akin. Maski ata sila at nagulat sa sinabi ko. Pinakiramdam ko sila at nahiya tuloy ako. Napatakip pa ng bunganga si Maam Rhaivee sa sinabi ko. Palipat-lopat sya ng tingin sa amin ng kuya nya. "What did you say, huh?" Inis na singhal nya sa akin at humakbang papalapit sa akin na nakatingin sa akin ng diretso. Nanginginig ang panga ko at hindi alam ang sasabihin. Kaba at halong takot ang nararamdaman ko. What if bigla nalang nya ako tadyakan? Potek! Hindi nya inalis ang tingin sa akin kaya naman natakot ako ng doble. Grabe ang tingin nya para ba akong papatayin. Pinapanood nya lang kami ng kapatid na animoy naguguluhan din sa anumang pwedeng gawin ng demonyo na ito sa akin. Mabuti na lamang at kami kami lang dito sa sala. Hindi ko alam ang irereact nang maramdam ko ang labi nya na sa labi ko. Totoo ba ito? Hinahalikan ako ng isang Rhaiven Mendoza? Halos 'di ako makagalaw at pigil hininga ang aking ginawa. Nararamdaman ko ang malabot nyang labi na ikinabilis ng t***k ng aking puso. Grabe masasabing kong masarap ang halik na aming pinagsasaluhan. Ito ang pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Sa halik nya ko lang naramdaman ito. Pansin kong namilog ang mata ni Rhaivee na nakasaksi sa ganapan naming dalawa. Maski ako ay hindi din makapaniwala. At hindi ko namamalayan na inalis nya nito ang labi nya sa labi ko. Tinignan ako sa mga mata ng makahulugan at ganoon din ang ginawa ko. Bakit kailangan nyang gawin Cyun? Anong dahilan? Sa inis ba dahil ba sa mga sinabi ko? Gosh! Kung alam ko na ganto sana 'di ko nalang sinabi mga 'yun. Prabe pala sya pumatol, halik agad. " Isang sambit mo pa ng mga salitang hindi kanais-nais sa pandinig ko, hindi ako magdadalawang-isip na halikan ka ulit.." wika nya at nginisian nya muna ako bago inalis ang tingin at binalik iyon sa kapatid. "Make sure nandito ka na bago mag10pm, maliwanag? Keepsafe," wika nya sa kapatid nya tinalikuran na nya kami. Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala. Naiwan akong nakatulala pa din at inalala ang nangyari kanina lamang. Pinanood ko lang ang papalayo nyang rebulto sa amin. Linapitan ako ni Rhaivee na maski sya ay hindi makapaniwala. "Omg! Ate, did kuya kissed you? Yie! I can't believe it." Tili nya na para bang kinikilig. Tuwang-tuwa ang mukha nya kung ilalarawan ko. Putek! Nakaramdam ako ng hiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya. Kanina lamang inaasar ako nina manang na bagay kami ni Sir tapos ganoon na ang nangyari? Paano ako makakapag-isip ng matino nito kung hindi iyon mawala sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD