RHAIVEN'S POV Tuwang-tuwa ako sa mga pinaggagagawa ko sa taong bundok na 'yon. Halata kasing naiilang sya sa nangyari sa amin kanina eh. Ang itsura nya ay sobra akong natatawa. Para bang binigyan ako ng ideya kung paano sya mapapalayas sa bahay. Takot na takot sya kapag binibiro ko sya ng mga malalaswang bagay. Gagawin ko dapat ang project ko kanina kaso tumawag si Luis na pupunta daw kami ng bar kaya kinansel ko muna. Gusto ko munang mag-enjoy dahil may oras naman ang paggawa ng project na 'yan. I want to give time to myself to keep it on stress. Nakakawala kasi ng gwapo ang sobrang stress e kaya iniiwasan ko. On the way ako papunta sa bar na kung saan hinihintay ako ng mga kaibigan ko. Mas comfortable kasi ako kapag kasama mga barkada ko kaysa kina Mommy. Ang parents ko kasi kailan