TAHIMIK lang ako habang nasa byahe kasama si Kuya Vince na siyang nagmamaneho ng kotse. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, basta pinasama niya lang ako dahil wala namang pasok ngayong araw kasi nga Saturday. “Bakit parang nagtatampo pa rin sa akin ang mahal ko? Mula kanina pa ako hindi pinapansin,” wika ni kuya at dinala ang kamay ko papunta sa kanyang labi habang patuloy ang pagmamaneho. Hindi ako umimik, bagkus ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas. “Huwag ka nang magtampo pa, susundin na ni kuya ang gusto mo; kukuha na tayo ng buko ngayon, kahit ilan pa ang ang gusto mo.” Kahit papaano ay napangiti ako sa narinig at biglang na-excite. Kinagat ko na lang ang loob ng labi ko para hindi mahalata ni kuya ang pagngiti ko, dahil kung maaari ay ayoko muna siyang pansinin;