Napatitig sa akin si kuya, hindi sinagot ang tanong ko; pansin ko rin ang kanyang paglunok dahil sa pagtaas-baba ng kanyang Adam's apple.
“Kuya, d-did… did you... kiss—”
“Mouth to mouth, ginagawa 'yun kapag binibigyan ng hininga ang isang tao,” mabilis niyang pagputol sa tanong ko at nagawa nang ngumiti sa akin, hanggang sa bigla na lang kinurot ng mahina ang pisngi ko. “Magpasalamat ka dapat sa akin dahil binigyan kita ng hangin para mas tumagal ka pa sa ilalim ng tubig.”
Tila naman ako nakahinga ng maluwag sa kanyang paliwanag.
My god. Iyon naman pala; it's not a kiss!
Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Ang dumi agad ng pumasok sa isip ko. Nagmamagandang loob lang naman pala si kuya para nanalo ako.
Hays. Nakakahiya ako mag-isip sa kapatid ko!
“So, panalo na ba ako, kuya?” excited kong tanong at ngumiti na sa kanya, muli ko na rin binalik sa pagkakayap sa kanyang leeg ang mga braso ko.
“You lose, sweetheart. Paano ka mananalo, eh binigyan pa kita ng hangin para lang tumagal ka sa loob; so ibig sabihin, ako talaga ang panalo. Kaya kung ano man ang hilingin ko, dapat tuparin mo kahit labag pa sa loob mo.”
Naglaho bigla ang ngiti ko at napalitan na ng pagnguso. “Kuya naman, ang daya mo! Ako dapat ang panalo, eh!” Mahina ko pang hinampas ang kanyang matigas na dibdib.
My brother laughed. “Oh come on, sweetheart, marunong ka dapat tumanggap ng pagkatalo mo.”
I sighed. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Talo na ako, eh; sayang lang dahil hindi ko na makukuha pa ang three wishes!
Mukhang doon na lang talaga ako aasa sa birthday ko ngayong Monday.
“Oh, bakit nakabusangot na ang sweetheart ko?” Kuya Vince kissed my cheek. “Tell me, ano ba 'yung wish mo, hmm?”
“Kahit naman sabihin ko, hindi mo naman tutuparin,” simangot kong sagot habang nakayapos pa rin sa kanyang leeg.
Muling kinurot-kurot ni kuya ang pisngi ko. “Bakit, ano ba 'yun, hmm? Promise, tutuparin ni kuya kahit ano pa 'yan, basta huwag lang lalaki.”
“Hindi naman lalaki, 'no. Pero sige, sasabihin ko na lang sa 'yo sa birthday ko, para kahit ayaw mo ay wala kang magawa kundi tuparin.”
Napatawa lang si kuya at binuhat na ako paahon mula sa tubig, pero agad din napahinto nang may kung anong mapansin.
“Sweetheart, may sugat ka ba?”
“Huh?” Nangunot naman ang noo ko at agad sinundan ang kanyang tingin. Pero gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang pagkulay pula ng tubig.
“N-Naku po, m-may regla yata ako ngayon. Oh my god, I'm sorry po, kuya. Nadumihan ko na tuloy ang tubig.” Parang bigla akong nahiya.
Pero ngumiti lang sa akin si kuya at binuhat na ako paalis sa swimming pool.
“Kuya, ibaba mo na po ako,” wika ko nang makaahon na kami.
“Pero mas gusto kang buhatin ni kuya.”
Napangiti na lang ako at yumakap na lang sa kanyang leeg, hindi na umangal pa. “I love you, kuya.” Hinalikan ko pa siya sa pisngi na kinalapad ng kanyang ngiti.
Pagkapasok namin sa loob ng mansyon ay siya namang paglapit ni Nana dala ang tumutugtog na phone ni kuya.
“Señorito, mula kanina pa tumutunog itong phone mo, may tumatawag baka importante kaya dinala ko na rito para masagot mo.”
Napahinto naman si kuya at kinuha kay Nana ang phone habang buhat pa rin ako. Nang masagot ang caller ay saka pinagpatuloy ang paglalakad at dinala na ako paakyat ng stairs. Pero nang marinig kung ano ang sinabi ng kabilang linya ay agad na napahinto sa tatlong palapag ng stairs at biglang nagbago ang kanyang expression, tila biglang dumilim.
“Cosa hai detto? Stronzo! Ti ammazzo quando arrivo lì!”
Nagulat ako sa lakas ng boses ni kuya. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi dahil Italian, pero halata ang galit sa kanyang mukha. Medyo nagulat naman ako, dahil sa totoo lang, never ko pa siyang nakita na nagalit o nagtaas ng boses. Matapos niyang sigawan ang kabilang linya ay inis na niya itong binabaan. Pero nang mapatingin sa akin ay tila kumalma at nginitian na ulit ako bago pinagpatuloy na ang pagbuhat sa akin paakyat ng stairs.
“Kuya, sino ba 'yun at parang galit na galit ka?” hindi ko mapigilang tanong.
“He's just my employee, pumalpak lang sa trabaho,” he explained, hinalikan pa ako sa noo.
“So, naninigaw ka ng mga empleyado mo, kuya?” Tila hindi ako makapaniwala.
“No, it's not like that, sweetheart.”
“Siguro masungit kang boss, 'no?”
Napatawa naman si kuya sa sinabi ko at binuksan na ang pinto ng kuwarto ko. “Sakto lang, sweetheart. Kapag kasi boss ka, dapat takot sa 'yo ang mga empleyado mo para magawa nila ng maayos ang kanilang mga trabaho.”
“Nakakatakot ka palang boss kung gano'n, kuya.”
“Pero hindi naman kita empleyado kaya wala kang dapat ikatakot. At isa pa, mahal na mahal kita para sigawan lang.”
Napangiti naman ako. Ang sweet talaga sa akin ng kuya ko.
Pagkapasok sa loob ng bathroom ay saka ako ibinaba ni kuya, pero pagkababa sa akin ay agad na kinapa ang noo ko.
“So, how's your feeling? Okay naman ba ang pakiramdam mo?”
May pagtataka naman akong tumango. “Oo naman po, kuya, ayos naman p, wala naman akong sakit.”
“I mean... about your menstruation, hindi naman ba… masakit 'yun? Are you sure you're okay?”
Hindi ko na mapigilan ang matawa. “Oo naman, 'no. Hindi naman ako nagkakasakit kapag may dalaw, so don't worry, kuya.”
“Mabuti naman kung gano'n. Sige na, magbihis ka na para makapag-lunch na tayo.”
Tumango lang ako. Hinalikan pa ako ni kuya sa noo bago ito lumabas.
Mabilis naman akong naligo. Pero nang magbibihis na ako ay saka ko lang naalala na ubos na pala ang pads ko. Nakalimutan ko nga palang bumili kahapon.
Kaya na kahit nakatapis lang ng puting tuwalya ay lumabas na ako ng kuwarto ko para sana puntahan si Manang at magpabili sa kanya ng pads sa labas. Pero paglabas ko ng pinto ay saktong lumabas din si Kuya Vince mula sa kanyang kuwarto at nakabihis na, nakasuot ng gray suit, mukhang may pupuntahan.
“Kuya, saan ka po pupunta? Aalis ka?” tanong ko, at imbes na bumaba ng stairs ay mas pinili kong lumapit sa kanya.
“May pupuntahan lang, sweetheart, babalik na lang si kuya sa birthday mo.”
No way.
Agad na bumusangot ang mukha ko at mabilis na yumakap sa kanyang braso. “Sasama po ako sa 'yo, kuya.”
My brother chuckled. “Hindi puwede, babalik din naman si kuya—”
“I know, but I still want to go with you. Please, isama mo na lang ako, kuya.”
“Come on, sweetheart, hindi kita puwedeng isama dahil…” He stopped talking when he saw something.
Napatingin naman ako sa kanyang tiningnan. At bigla na lang namilog ang mga mata ko nang makita ang pag-agos ng dugo sa mga hita ko.
“Oh my god.” Nabitiwan ko ang braso ni kuya at mabilis na pinagsiklop ang mga paa ko para takpan ang dugo, pero dahil sa kilos ko ay bigla na lang nabaklas ang pagkakatapis ng tuwalya sa katawan ko, mabuti na lang ay naging mabilis ang kilos ni kuya at agad akong nahapit sa baywang, napigilan din ang tuwalya mula sa pagkahulog sa katawan ko.
“K-Kuya…” usal ko na nanlalaki ang mata dahil sa pagkabigla.
My brother let out a sigh, hanggang sa binuhat na ako at dinala papasok muli sa loob ng kuwarto ko.
Para naman akong napahiya, hindi na makatingin sa kanya ng diretso. Nang makapasok sa kuwarto ay ibinaba na niya ako.
“Oh, bakit hindi na makatingin sa akin ang sweetheart ko?” Hinawakan ni kuya ang mukha ko at iniangat papunta sa kanya. Pero iniwas ko pa rin ang tingin ko.
“P-Pasensya ka na, kuya, ang kulit ko eh. Nakakahiya tuloy sa 'yo.”
And he chuckled, bigla na lang kinurot ang pisngi ko. “Don't be shy, para namang hindi mo ako kuya at nahiya ka pa sa akin.”
Oo nga naman, sabagay, hindi ako dapat mahiya sa kanya.
Napangiti na ako at tumingin na ulit sa kanya. “Pakisabi na lang po kay Manang na ibili ako ng pads ngayon para may magamit ako, ubos na kasi 'yung binili ko last month.”
My brother nodded. “Ako na lang, ibibili muna kita bago ako umalis. May iba ka pa bang gustong ipabili?”
I shook my head. “Wala naman, mas gusto ko sanang sumama sa 'yo, pero ayaw mo naman akong pasamahin kasi ang totoo ay hindi mo naman talaga ako mahal,” sagot ko na may pagtatampo.
Napahalakhak naman bigla si kuya at binuhat na ako sa baywang papasok muli sa loob ng bathroom. Pagkababa niya sa akin ay muling pinanggigilan ang pisngi ko.
“Huwag ka nang magtampo pa, ngumiti ka na sa kuya. Come on, sweetheart ko. Smile now, my love.” Sinilip niya pa ang mukha ko nang iiwas ko sa kanya, at binigyan ako ng matamis na ngiti. “I love you, sweetheart ko; Your Kuya Vince loves you so much,” he said in a soft voice and winked at me.
Kaya naman tuluyan na akong napangiti at ngumuso ulit sa kanya. “Basta huwag kang mali-late sa Monday. Magtatampo na talaga ako sa 'yo kapag hindi ka dumating.
“I promise, darating si kuya.” Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago iniwan sa loob ng bathroom.
Napasimangot na lang ako na parang maiiyak na nang tuluyan na siyang nakalabas. Nakakainis lang dahil palagi na lang niya akong iniiwan. Kakarating lang niya kahapon, tapos ngayon aalis agad siya, then sa birthday ko babalik, pero pagkatapos ng birthday ko ay aalis na naman para bumalik na sa ibang bansa, at isang taon na naman bago magpakita sa akin.