TODAY is Monday, and it's my birthday. Suot ko na ngayon ang aking red ball gown habang marahan na akong isinasayaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki para sa eighteen roses. Hindi ko alam na inimbitahan pala ni Nana lahat ng mga classmates ko at mga professor, pati Dean ay dumalo. Pero gayunpaman ay hindi ko pa rin maramdaman ang tunay na saya, dahil ang taong inaasahan ko sa lahat ay hindi pa rin dumarating. Yes, wala pa si Kuya Vince. Mula kanina ko pa tinatawagan ang kanyang dalawang numero: Philippines number, at ang isang numero na ginagamit niya nung nasa Italy siya; pero parehong hindi makontak. Hindi ko tuloy mahulaan kung narito pa ba siya sa Pilipinas o bumalik na sa Italy. Nag-chat din ako sa kanyang social media account, kaya lang hindi niya pa rin nababasa magpahanggang ngayon.
“Sydney, napakaganda mo ngayon. Mas lalo kang gumanda.”
Natauhan ako sa aking malalim na iniisip nang magsalita ang kasayaw kong si Kevin, isang basketball captain sa university na pinapasukan ko. He's not my classmate, kuya lang siya ng kaklase kong babae, pero invited pa rin siya para sumakto ang eighteen roses ko.
“Thank you, Kevin.” Tipid akong ngumiti.
And he smiled too. “Puwede ba kitang ligawan?”
“N-Naku, pasensya ka na pero tingin ko ay hindi puwede. Magagalit kasi ang kuya ko,” sagot ko at bahagya pang napatawa ng pilit para maiwasan ang pagkailang.
“Magpapaalam ako sa kanya para humingi ng permiso.”
“B-Bahala ka, pero sa ngayon kasi hindi pa ako handang magkaroon ng boyfriend.”
“Eh di liligawan muna kita hanggang sa maging handa ka na.”
Ang kulit naman nito.
“Ikaw ang bahala…” Iniwas ko na lang ang tingin ko, pero pansin ko pa ang pagngiti ni Kevin.
Matapos akong isayaw ni Kevin ay si Mang Mero naman, ang aming driver, para sa ika-seventeen roses na.
“Naku, Eneng, parang mula kanina ko pa napapansin na parang ang lungkot lungkot ng mukha mo. Dapat maging masaya ka, ngumiti ka dahil birthday mo ngayon.”
Isang buntong malungkot na buntong hininga ang pinakawalan ko. “Si kuya po kasi, Mang Mero, mukhang nakalimutan na yata na birthday ko ngayong araw.”
“Huwag ka nang malungkot pa, darating 'yung kuya mong 'yun.”
“Pero anong oras naman po siya darating? Siya dapat ang pang eighteen roses ko at susunod ko nang isasayaw pagkatapos mo, pero wala pa siya.” I let out a sigh again. “Nakakapagtampo na po siya. Hindi na yata ako mahalaga sa kanya, eh."
“Baka nagkaroon lang ng emergency sa trabaho, Eneng. Pero darating din naman 'yun, baka ma-late lang ng konti.”
Pinilit ko na lang ngumiti. Sana nga darating si kuya, dahil kung hindi, talagang magtatampo na ako sa kanya at baka hindi ko na siya pansinin pa kahit anong sorry ang gawin niya.
Nang matapos akong isayaw ni Mang Mero ay naupo na lang muna ako sa tabi ng mga classmates ko para hintayin na lang ang pagdating ni Kuya Vince.
“So where's your brother, Sydney?” Liliana asked me.
“Wala pa, baka mamaya pa ang dating,” I replied.
“I heard that your brother is handsome, is that true?” Zyrene asked.
I smiled and nodded proudly. “Yes, of course, my older brother is really handsome. And guess what? He doesn't have a girlfriend until now. So, if you want, you can apply to be his girlfriend,” I answered jokingly.
Napatawa naman ang dalawa kong classmates na si Zyrene at Liliana, maliban kay Eren na parang napataas ang isang kilay.
“Pero kung guwapo talaga siya, then bakit wala pa siyang girlfriend? Baka naman hindi talaga guwapo ang kuya mo?” Eren said; siya 'yung kaklase ko na masasabi kong maarte at may pagkamaldita kung minsan, pero mabait din naman.
“Gwapo ang kuya ko, 'no, sadyang wala lang talaga siyang girlfriend dahil mas inuuna nu'n ang negosyo. At isa pa, medyo mapili si kuya pagdating sa mga babae.”
“Baka naman gay ang kuya mo,” it's Eren again. And they laughed.
Napatawa na rin ako. “Grabe kayo sa kuya ko, ha. Ewan ko na lang kung masasabi niyo pang bading siya kapag makita niyo, baka maglaway lang kayo sa kanya.”
Nagtawanan na kami ng mga classmates ko. Kahit papaano ay sandaling nawala sa isip ko si kuya kung darating pa ba o hindi.
“Oh, ayan na si Anie, may kasamang guwapo,” wika ni Zyrene.
Napalingon naman kaming lahat sa main door ng mansyon. At agad akong napangit nang makitang si Anie nga ang bagong dating, nakasuot ito ng yellow elegant gown, at kasama nito ang isang matangkad at maputi na lalaking naka-gray suit, parang japanese ang kanyang mukha dahil sa pagkasingkit ng kanyang mga mata.
Tumayo na ako at hinawakan ko ang dulo ng gown ko bago mabilis na lumapit sa kanila.
“Anie! Mabuti naman at dumating ka na!” nakangiti kong salubong sa kaibigan ko. Agad naman itong bumeso sa akin.
“Pasensya ka na, best, medyo late na ang dating ko. Ito kasing pinsan ko, hinintay ko pa dahil may sinundo pa saglit sa airport.”
Napatingin naman ako sa lalaki nitong kasama at tipid na ngumiti. “Hi, I'm Sydney.” Naglahad na ako ng kamay dito
Sumilay naman ang ngiti sa labi ng lalaki at agad na tinanggap ang nakalahad kong kamay. “My name is Jerry. Nice to meet you, Sydney.”
Napatikhim pa si Anie nang magkamayan kami ng kanyang pinsan, at bigla na lang kami nitong iniwan dahil mabilis na itong lumapit sa table kung saan ang mga classmates namin. Parang ayaw pa sanang bitawan ng kanyang pinsan ang kamay ko pero inagaw ko na at ngumiti na lang.
“Salamat sa pagpunta mo, sige tuloy ka,” medyo nahihiya kong sabi at iniwas na lang ang tingin dito. Nakakailang kasi ang kanyang titig sa akin.
“Pasensya ka na kung naiilang ka sa titig ko sa 'yo, ang ganda mo kasi,” wika nito na sumabay na sa akin sa paglalakad.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko rito. So alam naman niya pala na nakakailang ang kanyang titig.
Pagkalapit namin sa table ay agad namang binati ng mga classmates namin ang pinsan ni Anie. Pero hindi pa ako nakakaupo nang lumapit na sa akin si Nana Rosia dala ang isang cellphone.
“Hija, tumatawag na ang Kuya Vince mo, kakausapin ka raw niya.”
My eyes widened, bigla na lang lumiwanag ang mukha ko at mabilis na inagaw ang phone sa kamay ni Nana.
“Hello, kuya!”
“Happy birthday, my sweetheart.”
Tuluyan na akong napangiti nang marinig ang malambing na boses ng kuya ko.
“Excuse me guys, maiwan ko muna kayo saglit ha, kakausapin ko lang ang kuya ko,” paalam ko sa mga classmates ko na agad namang tumango.
Mabilis na akong umakyat ng stairs at dumiretso sa kuwarto para hindi masyadong maingay at makausap ko ng maayos si kuya. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong sinara ang pinto at tumayo sa may bintana.
“Kuya, nasaan ka na? Papunta ka na ba?” tanong ko na puno ng excitement habang nakangiti.
“I'm sorry, sweetheart, pero medyo mali-late ako ng dating. May importante pa kasing inaasikaso si kuya ngayon. But don't worry, I promise, darating ako after this.”
Mahina naman kong umiling kahit hindi niya nakikita. “Okay lang po, kuya. I can wait naman, eh. Ang mahalaga ay makakarating ka bago matapos ang gabing ito. Basta aasahan ko ang pagdating mo, kuya, ha? Talagang itatakwil kita bilang kapatid ko oras na hindi ka dumating.”
My brother chuckled from the other line. “Baka naman magsisi ka lang kapag itakwil mo ang kuya mo, sweetheart? Kasi baka maging masaya lalo si kuya.”
I know he just joked, pero hindi ko pa rin mapigilan ang mapasimagot. “Ikaw, kuya, ha, ba't parang ayaw mo yata sa akin? Siguro kaya bihira ka magpakita sa akin ay dahil ayaw mo talaga akong makita, kasi ang totoo ay hindi mo naman talaga ako mahal.”
Bahagyang napatawa si kuya nang marinig ang nagtatampo kong boses. “Oh come on, sweetheart, I'm just joking, so don't take it seriously. Sobrang mahal ka ni kuya, at tanging ikaw lang ang nasa puso ni kuya; umulan man o bumagyo, o kahit magunaw pa ang mundo, hinding-hindi ka ipagpapalit ni kuya sa kahit na sino pang babae.”
Napangiti na ako. “I love you, kuya ko! Basta dumating ka, ha? Itatabi ko 'yung isang rosas for you, I want you to be my last dance.”
“I promise, darating si kuya bago sumapit ang hatinggabi. I love you more, sweetheart. Happy birthday again, mahal ko.”
My smile widened. Ang sweet talaga ng kuya ko.
Matapos ang tawagan namin ni kuya ay lumabas na ulit ako ng kuwarto at bumaba. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti naman at narito pa pala ang si kuya sa Pilipinas, baka sobrang busy lang talaga niya kaya mali-late ng dating. But at least, darating pa rin naman siya, so hihintayin ko na lang kahit hanggang hatinggabi pa, basta 'wag lang lumampas ng 12 PM, dahil magtatampo na talaga ako.
Pagbalik ko sa table kung namin ng mga classmates ko ay tanging sina Zyrene, Mica, Lea, Anie at pinsan na lang nito ang nakaupo.
“Where's Eren and Liliana?” I asked as I sat down.
“Umuwi na sila. Sinundo na ng kanyang daddy si Eren; hindi na nakapagpaalam pa sa 'yo, may emergency raw kasi sa kanila.”
Napatango-tango naman ako at dinampot ang glass na may champagne sa table. “Cheers?”
Mabilis naman nilang dinampot ang kanilang champagne at gano'n din ang pinsan ni Anie. “Cheers! Happy birthday to the beautiful lady, Sydney Arsheido!” They cheered me up, sabay-sabay na naming pinagbangga ang aming glass.
Napangiwi na lang ako sa pakla ng champagne nang dumaloy ito sa leeg ko. Talagang hindi ako sanay uminom ng mga ganitong inumin, kabilin-bilinan kasi ni kuya na huwag akong iinom ng mga alcoholic drinks. Pero since 18th birthday ko naman ngayon, wala naman sigurong masama kung iinom ako, I'm sure hindi naman magagalit si kuya.
“My beautiful Sydney, can you dance with me?”
Napatingin ako sa pinsan ni Anie na si Jerry nang pagkatayo nito ay agad na naglahad ng kamay sa akin.
Pero hindi pa ako nakakasagot nang maghiyawan na ang mga female classmates ko.
“Sige na, Sydney!”
“Yahoo! Bagay kayo!”
Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang nakalahad nitong kamay at tumayo na. Napangiti naman si Jerry at inalalayan na ako papunta sa pinakagitna ng mansyon kung saan may mga sumasayaw na rin na mga classmates ko. Pero nang mapadaan kami sa isang red sofa at sandaling napahinto si Jerry nang makita ang natirang isang rosas para sa eighteen roses ko kanina.
“May isang rosas pa palang natira—”
“Para kay kuya 'yan, huwag mong pakialaman,” I cut him off.
“Ah.” Napakamot na lang sa batok si Jerry pero ngumiti rin sa akin. Nang isayaw na ako nito ay pinilit ko na lang ngumiti ng tipid sa kanya.
Ang music ay nagmumula sa tatlo babaeng violinists na nakaupo sa kabilang banda. Si Nana rin ang nagkuha sa kanila. Talagang masasabi kong ibang klase si Nana pagdating sa preparation, nasu-surprise na lang talaga ako.
“Sydney..” Jerry called me.
“Hmm?” Napatingala ako rito.
“Nasabi na ba sa 'yo ng pinsan ko?”
“Na ano?” I asked back.
“That I have a big crush on you.”
“Ah, oo. Thanks.”
And he smiled. “May boyfriend ka na ba? Puwede ba kitang ligawan? I promise, I'll be a good boyfriend to you.”
“Naku sorry, pero hindi pa kasi ako handa na magkaroon ng boyfriend. Sa ngayon kasi ay pag-aaral ang inuuna ko sa lahat para maging proud sa akin ang kuya ko.”
Jerry's smile widened. “Ibang klase ka pala, mas lalo mo akong pinahanga sa 'yo. Hindi ka lang pala maganda kundi napakabait mo pa, napakamasunurin sa kapatid.”
Tipid lang akong ngumiti at hindi na sumagot pa. Hanggang sa muling nagsalita si Jerry.
“Kung gano'n, puwede bang magkaibigan na lang tayo?”
And I shook my head. “Sorry, pero hindi rin puwede.”
Parang na-disappointed ang mukha nito sa sagot ko at hindi na nagsalita pa.
Matapos namin sumayaw ay muli kaming bumalik sa table. Pero pagbalik namin ay niyaya agad ng kanyang pinsan si Anie na umuwi na.
“Pero wala pa tayo isang oras dito, Kuya Jerry, gusto mo nang umuwi agad? May nangyari ba?” hindi makapaniwala na tanong ni Anie sa pinsan.
And Jerry shook his head. “Wala naman. Nakalimutan kong may appointment pa pala ako mamayang seven pm.”
“Ha? Akala ko ba hindi ka busy, kuya?” Napabuntong hininga na lang si Anie at tumingin sa amin. “Naku, pasensya na kayo, girls, mukhang kailangan na naming umuwi. Sydney, pasensya ka na, best.”
“No, it's okay. Ingat kayo sa pag-uwi.” I smiled at my best friend.
Matapos bumiso sa amin ni Anie ay lumabas na ito ng mansyon kasama ang kanyang pinsan. Naiwan naman kami ng iba ko pang classmates sa table.
“Anong nangyari, Sydney? May ginawa ka ba sa pinsan ni Anie kaya nagyaya agad umuwi kahit Kakarating lang?” pilyong tanong ng classmate kong si Mica.
“Oo nga, Sydney, bakit parang badtrip 'yun pagkatapos kang isayaw?”
“Ewan ko.” I shrugged. “Tinanong lang naman niya ako kung puwede siyang manligaw, pero sabi ko hindi. Then tinanong niya ulit ako kung puwede maging kaibigan na lang kami, pero sabi ko hindi rin puwede.”
“What?!” magkasabay na bulalas ng tatlo kong classmates na tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin.
“So binasted mo nga?” si Zyrene na bahagyang napatawa.
“My god, Sydney, ang harsh mo naman sa kanya. Malamang nasaktan 'yun kaya umalis agad,” paghampas naman ni Mica sa braso ko na napatawa rin.
“Oo nga, sa tingin pa lang niya sa 'yo kanina ay halata nang may gusto na sa 'yo. Siguro inaasahan niya na papayag kang maging girlfriend niya.” si Lea.
Parang nakonsensya naman ako. “Naku, nasaktan ko pala siya kung gano'n, pero nagpapakatotoo lang naman ako; ayoko talaga magkaroon ng boyfriend, kahit na kaibigan basta lalaki, kasi ayokong magalit sa akin ang kuya ko.”
Napailing-iling naman si Zyrene. “Hay naku, napaka-strikto naman pala ng kuya mo. Sabagay, nag-iisang kapatid ka lang niya at babae pa.”
“Ang hirap talaga pag may kapatid na lalaki. Buti na lang 'yung kuya ko ay nakapag-asawa na, kaya ngayon pakiramdam ko ang laya-laya ko na, kasi madali na lang akong makapagsinungaling kina Mama,” bahagyang pagtawa ni Mica at nakipag-apiran pa kay Lea.
Napabuntong hininga na lang ako. Mali ba 'yung ginawa kong pagpapakatotoo na ayaw ko talaga magkaroon ng kaibigan ng kaibigan na lalaki? Lalo na ang boyfriend? Pero ang sabi ni Kuya Vince sa akin ay ipagtabuyan ko agad oras na may lumapit sa akin na lalaki.
Winaksi ko na lang sa isip ko ang pagbasted ko kay Jerry at nakipagkwentuhan na lang sa mga classmates ko.
Nang sumapit ang 07:00 PM ay nag-pool party naman kami. Nag-swimming ang iba kong mga classmates. Pero ako ay hindi, nanatili pa rin suot ang aking gown at pinanood na lang sila.
Pero nang mag-10 PM na ay isaisa nang nagpaalam umuwi ang mga kaklase ko, hanggang sa ako na lang natira at ng mga katulong sa bahay.
And now, here I am, nakaupo lang ako dito sa isang chair sa may swimming pool habang nakatitig lang sa phone ko, hinintay ang tawag o pagdating ni Kuya Vince.
“Hija, pumasok ka na sa loob, doon mo na lang hintayin ang kuya mo; malamok na rito sa labas,” ani Nana sa akin habang nagliligpit ng mga kalat.
“Pero, Nana, tingin mo darating pa kaya si kuya?”
“Darating 'yun, baka nga nasa daan na.”
Malalim akong bumuntong hininga. “Pero bakit po hindi pa siya tumatawag ulit? Hindi na rin makontak ang kanyang number. Baka hindi na po 'yun darating, Nana. 10:45 PM na po ang oras, malapit na maghatinggabi.”
“Ano ka ba namang bata ka, huwag ka nang malungkot pa, darating naman ang kuya mong 'yun. Alam mo naman na masyadong busy 'yun, kaya baka ma-late lang ng konti,” sagot naman sa akin ng isa naming katulong na si Ate Melai.
Malungkot akong napasimangot at inihiga na lang ang ulo ko sa circle table habang nakatitig pa rin sa screen ng hawak kong phone. Patuloy naman si Nana sa paglilinis kasama ng iba pang katulong na sina Ate Melai at Ate Jera; napapabuntong hininga na lang sila sa akin.
“Kuya, please… tumawag ka na po…” I murmured.
Lumipas ang ilan pang minuto, patapos na sina Nana sa paglilinis sa swimming pool, but still, can't be reach pa rin ang number ni Kuya Vince. 11:21 PM na, unti-unti nang humahapdi ang mata ko, hindi dahil sa inaantok na ako, kundi parang maiiyak na.
“Hija, papasok na kami. Ikaw ba, hindi ka pa papasok?” tanong ni Nana sa akin.
I shook my head. “Mamaya na lang po, Nana, hihintayin ko muna si kuya hanggang twelve. Sabi niya kasi darating siya bago mag—” Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko nang mag-ring ang hawak kong phone. “Si kuya po! Tumawag na!” Mabilis akong napaayos ng upo at agad na sinagot ang tawag. “Hello po, kuya! Nasaan ka na? Malapit ka na ba?”
“Sweetheart, are you still waiting for me?” my brother asked. Parang namamaos pa ang boses.
“Yes po, kuya, of course, I'm still waiting. Sabi mo darating ka. So, nasaan ka na, kuya?”
I heard him sigh. “I'm sorry, sweetheart, pero hindi makakarating si kuya ngayon.”
“W-What?” Napatayo ako.
“Wala sa tamang katinuan ngayon si kuya, kaya pasensya ka na, kahit gustuhin ko man na puntahan ka riyan, ay hindi puwede, dahil baka kung ano pa ang magawa ko. Hayaan mo, babawi na lang si kuya bukas, pangako 'yan.”
Tuluyan nang kumawala ang hikbi ko. “I hate you! I hate you so much, kuya!” I shouted, crying.
Pero bigla na lang akong binabaan ni Kuya Vince.
Tuluyan na akong napaiyak, at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng mansion.
“Oh, hija, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?” tanong ni Ate Melai na nakasalubong ko pagpasok.
Pero hindi ko na ito pinansin pa at patakbo na akong umakyat ng stairs. Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ko ay agad akong sumampa sa kama at inis na tinapon ang hawak kong phone; napahgulgol na ako sa malambot na unan. Rinig ko pa ang pagtawag ni Nana sa akin sa labas pero hindi ko na ito sinagot pa at siya lang ang pag-iyak ko. Natigil lang ako sa aking pag-iyak nang muling tumunog ang phone ko. Kasing bilis ng kidlat na agad akong bumaba ng kama at dinampot phone na tinapon ko. Akala ko ay si kuya ulit ang tumawag, pero ibang number.
“Hello, sino 'to?” garalgal kong sagot at pasinghak-singhak pa.
“Sydney, it's me Jerry. Hiningi ko na sa pinsan ko ang number mo.”
Napatigil ako sa aking paghikbi. “Anong kailangan mo ba't ka napatawag?”
“Teka, bakit ganyan ang boses mo? Are you crying?”
“No, I'm not crying.” I lied. “Ano bang kailangan mo?”
“Actually, gusto ko lang sana humingi ng sorry sa 'yo dahil sa asal ko kanina sa party mo, umuwi agad ako kahit kakarating pa lang naman. Ang totoo niyan ay medyo na-disappoint ako nung sinabi mong ayaw sa akin kahit makipagkaibigan lang. I'm really sorry, Sydney. Pero ngayon, naisip ko na gusto ko pa rin makipagkaibigan sa 'yo kahit ayaw mo; hindi naman ako bad guy, I'm a good man.”
“Sige bahala ka, ibaba ko na 'to,” walang gana kong sagot sa basag na boses. Pero nang akmang ibaba ko na nga ang phone ay nang muling magsalita si Jerry.
“May problema ba? Maybe I can help. Puwede mong sabihin sa akin, malay mo naman makatulong ako.”
Napabuga ako ng hangin at pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang aking kamay. “Si kuya kasi, hindi pumunta ngayon kahit alam niyang birthday ko. Gusto ko nga sanang puntahan, kaya lang hindi ko naman alam kung saan siya naroon.” I sobbed again, I couldn't help it.
Talagang hindi ko matanggap na hindi ako sinipot ni kuya. Nangako pa naman siya sa akin na darating siya ano man ang mangyari, pero kasinungalingan lang pala.
“Kaya kong mag-track ng phone number. Gusto mo, try natin i-track ang number ng kuya mo? Para mapuntahan mo.”
Parang bigla akong nabuhayan sa narinig. “Talaga? Totoo ba 'yan?”
“Yes, kaya lang depende pa rin kung sasagutin niya ang tawag, saka lang natin ma-trace ang kanyang location.”
“Kung gano'n, ibibigay ko sa 'yo ang number ni kuya. Subukan mong tawagan baka sakaling sumagot, basta 'wag ka lang magsalita, at lalong huwag mong ipaalam na binigay ko sa 'yo ang number niya para malaman ang kanyang location.”
“Noted, Sydney. So, siguro naman puwede na tayo maging magkaibigan bilang kapalit kapag na-trace ko ang number ng kuya mo?”
Kahit hindi nito nakikita ay mabilis akong tumango. “Oo ba, walang problema. Sige ibababa ko na 'to, ha? Para maipasa ko na sa 'yo ang number ni kuya.”
Kaya naman pagkababa ko ng phone ay mabilis kong hinanap ang phone number ni kuya at pinasa kay Jerry. Pagkapasa ko ay agad naman itong nag-reply na natanggap na niya, at kailangan ko lang maghintay ng ilang minuto.
Mahigit twenty minutes yata ang tinagal bago ako muling nakatanggap ng text message mula kay Jerry, at parang bumalik ng sigla ko sa katawan nang mabasa ang message. Nang muling tumawag itong tumawag ay agad ko itong sinagot.
“Sydney, nabasa mo na ba ang message ko? Basta sundan mo lang 'yung map sa picture. Mukhang hindi naman umaalis ang kuya mo, ayon sa tracker. Kaya bilisan mo na lang para maabutan mo, baka kasi umalis pa. Tingin ko ay nasa isang private property siya; nung tiningnan ko kasi sa g00gle map ang location ay medyo malayo sa kabahayan. Basta mag-iingat ka na lang. May kasama ka naman siguro papunta roon 'di ba?”
“Oo naman, kasama ko ang driver namin. Sige na, maraming salamat, Jerry. Tatawagan na lang ulit kita kapag hindi na ako busy, promise babawi ako sa 'yo. Salamat talaga!”
Hindi ko na ito hinintay pang sumagot muli at binabaan ko na.
“Sa wakas mapupuntahan na rin kita! Talagang malalagot ka sa akin mamaya, kuya!” pagtili ko at mabilis na tumakbo palabas ng kuwarto, hindi na ako nag-abala pang magbihis.
Sa kakabilis ko ay halos magkandarapa ako sa pagbaba ng stairs dahil sa haba ng gown ko.
“Oh hija, anong problema?” tanong sa akin ni Nana na akyat sana ng stairs pero agad na napahinto nang makita ang nagmamadali kong pagbaba.
“Si Man Mero po, Nana? Gising pa po ba?”
“Oo, parang gising pa yata. Bakit mo natanong? At bakit parang nagmamadali ka yata? May pupuntahan ka ba, hija?”
“Opo, pupuntahan ko ngayon si Kuya Vince, Nana! Alam ko na po kung nasaan siya! Please po, pakitawag na lang si Mang Mero para sa akin. Magpapahatid lang po ako sa kanya papunta kay Kuya Vince!”
Parang lumiwanag naman ang mukha ni Nana at agad na tumango sa akin. “Oh siya sige, maghintay ka na lang sa kotse. Gigisingin ko si Mero kahit tulog pa.”
I nodded. “Okay po, Nana! Thank you po!”
Mabilis na akong tumakbo papunta sa garage at sumakay na sa kotse.
Ang lungkot ko kanina ay tuluyan nang nawala, dahil napalitan na ng saya. I'm so excited. Siguradong masu-surprise sa akin si kuya oras na makita ako. Kung ayaw niya palang magpakita sa akin, pwes ako na lang ang magpapakita sa kanya.