KINABUKASAN nang magising ako ay wala na si Kuya Vince sa tabi ko na kinabalikwas ko bigla nang bangon at kinataranta. Kahit hindi pa maganda ang gising ko ay patakbo na akong lumabas ng kuwarto sa pag-aakalang umalis na si kuya ng mansyon nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.
“Nana, si kuya ko po nasaan na? Umalis na ba?” parang maiiyak kong tanong sa mayodorma pagkapasok ko ng kitchen.
“Nasa swimming pool yata ang kuya mo, hija, nakita ko kanina na nakasuot ng swim trunks.”
Para akong nakahinga ng maluwag.
Naalis na ang pagsimangot ko at biglang napalitan ng malapad na ngiti.
“Salamat po, Nana.”
Patakbo na akong lumabas ng kusina at muling umakyat ng stairs; pumasok na ako sa kuwarto ko; Pagkapasok ay mabilis akong humanap ng masusuot sa closet; nang makita ang red swimsuit na may tag pa ay agad ko itong kinuha at nagmamadaling sinuot.
And after ko magbihis ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at muli nang tumakbo palabas ng kuwarto, sa kakamadali ko ay muntik pa tuloy akong madulas habang pababa ng stairs, buti na lang ay mabilis akong napahawak sa handrail nito.
Pagdating ko sa may swimming pool area, malayo pa lang ay natanaw ko na si Kuya Vince na saktong umahon mula sa mula sa ilalim ng tubig; wala itong damit na pang itaas, tanging black swim trunks lang ang suot.
Lumapad na ang ngiti ko. “Kuya!” I called him.
Napalingon naman si Kuya Vince nang marinig ang malakas kong boses; hanggang sa napako ang tingin sa akin, at para itong natigilan nang makita ang suot. Mabilis na akong tumakbo palapit at agad na tumalon sa loob ng swimming pool; sumisid ako saglit sa ilalim ng tubig.
Pero pag-ahon ko ay agad akong nagpalinga-linga sa paligid nang hindi ko na makita pa si Kuya Vince.
“Kuya!”
Nasaan na siya? Umalis na kaya? Ang bilis naman.
“Kuya Vince!” I called him again, but he didn't answer. “Kuya ko!”
Hanggang sa bigla na lang may kung anong pumulupot sa baywang ko na kinatili ko sa pagkagulat.
“Gotcha!” Tuluyan nang bumulaga sa akin ang guwapong mukha ng kuya ko na basta na lang umahon sa harap ko mula sa ilalim ng tubig.
“Kuya naman, eh!” Napahampas na ako sa kanyang matipunong dibdib. “Ginulat mo 'ko!”
And he laughs, hinigpitan na niya ang pagyapos sa baywang ko at bahagya akong inangat mula sa ilalim ng tubig; kaya naman napayapos na lang ang mga braso ko sa kanyang leeg.
“Akala ko umalis ka na, kuya. Muntik na tuloy akong umiyak!”
He just smiled at what I said. Hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa katawan ko, parang tumaas-baba ang kanyang Adam's apple nang pasadahan ako ng tingin.
“You look pretty in that swimsuit, sweetheart. Mukhang dalaga ka na nga talaga.”
Napangiti naman ako. “Of course, two days na lang at eighteen na ako; dalagang-dalaga na, kuya.”
And he gave me a sweet smile. “Napakabilis mong lumaki, parang kailan lang nasa lampin ka pa. Kinakantahan pa nga kita kapag pinapatulog ka kasi masyado kang iyakin.”
I pouted. “Noon 'yun, pero ngayon hindi na ako iyakin, 'no. Kahit kurutin mo pa ako, hinding-hindi na ako iiyak.”
His smile widened. “Mabuti naman kung gano'n, dahil oras na umiyak ka, mas lalo pa kitang paiiyakin!” At bigla na lang niya akong kinikiliti, dahilan para mapahalakhak ako ng wala sa oras.
“Kuya, ano ba! Stop! Hey!” tawang-tawa kong saway sa kanya habang pilit na hinuhuli ang kanyang kamay sa ilalim ng tubig. “Please, stop! Baka mahubaran na ako niyan, kuya!”
Saka niya tinigilan ang pagkiliti sa akin.
And he cleared his throat.
“So, wanna challenge me, sweetheart?” pilyo niyang tanong sa akin. “Ano kaya kung maglaban tayo ng patagalan sa ilalim ng tubig? Then kung sino ang mananalo, magbibigay ng tatlong kahilingan. What do you think?”
Parang nagliwanag bigla ang mukha ko. “Sure ka? Kahit anong kahilingan, puwede?”
“Yes. So ano, game?”
Mabilis akong tumango. “Game, kuya! Tatalunin kita, kaya dapat paghandaan mo na ang mga kahilingan ko, dahil oras na hindi ka tumupad; itatakwil kita bilang kapatid ko!”
Biglang napahalakhak si kuya sa sinabi ko. “No worries, sweetheart; may isang salita si kuya.”
Bigla akong na-excite. “Kung gano'n, umpisahan mo nang bumilang, kuya!”
This is it, ito na ang chance ko para hilingin sa kanya ang mga gusto ko na hindi niya tinutupad, tulad na lang ng doon na lang ako mag-aral sa ibang bansa para magkasama kami.
“One,” he started counting.
Bigla naman akong umayos at hinawakan na ang kanyang braso para alisin sa baywang ko; pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagyapos.
“Two.”
“Kuya, bitiwan mo ako, baka mandaya ka.”
But he just smirked. “Three!”
Sabay kaming lumusong sa ilalim ng tubig.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi humapdi sa ilalim ng tubig, ang mga kamay ko ay nakakapit na sa balikat ni Kuya Vince.
I need to win this game. Tatlong kahilingan, at sapat na 'yun sa akin para tuluyan nang makamit ang mga gusto ko; Una, hihilingin ko sa kanya na pag-aralin na lang ako sa ibang bansa. Pangalawa, hihilingin ko naman na gusto kong magsama na kami kung sakaling pumayag siya na pag-aralin ako sa una kong hiling. At pangatlo, kung hindi siya papayag, hihilingin ko na lang sa kanya na magtagal na lang dito sa Pilipinas kahit mga tatlong buwan lang sana para naman makasama ko pa siya; dahil sa totoo lang, sobra na talaga ang pangungulila ko sa kanya.
Nang maramdaman kong malapit na akong kapusin ng hininga ay minulat ko na ang mga mata ko sa ilalim ng tubig, pero pagmulat ko ay agad na nagtama ang mga mata namin ni kuya na hindi ko alam ay nakatitig pala ito sa akin.
Umiling na ako sa kanya para iparating na umahon na siya para ako ang manalo, dahil konting-konti na lang ay mauubusan na ako ng hangin.
But he just stared at me, imbes na sumunod ay hinaplos-haplos lang ang pisngi ko.
No, hindi ko na talaga kaya; I need air!
Pero hindi ako puwedeng matalo! Kailangan ko 'yung three wishes mula sa kanya!
Mabilis ko nang inalis ang pagkakayapos ng braso ko sa leeg ni kuya at agad siyang kiniliti sa pag-aakalang makakaya ko siyang paahunin. Pero hindi ko inaasahan ang kanyang pagngisi at mabilis na hinuli ang mga kamay ko.
So I don't have a choice. Mukhang talo na ako nito.
Inagaw ko na lang ang mga kamay ko kay kuya at tumingala na sa taas para sana umahon na. Pero hindi ko inaasahan ang mabilis niyang kinalabit ang batok ko, at sa isang iglap ay namalayan ko na lang na magkalapit na ang mga labi namin dalawa.
Nagulat ako; nanlaki ang mga mata ko.
Oh my god!
D-Did he just . . . k-kiss me?!
Para akong nanigas sa ilalim ng tubig habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay kuya; pero nakapikit na ang kanyang mga mata habang patuloy ang marahan na paggalaw ng kanyang labi sa labi ko; ramdam na ramdam ko kung gaano kalambot ang kanyang labi, at langhap na langhap ko ang kanyang mainit na hininga na pumapasok sa loob ng bibig ko.
Inabot yata ng mahigit isang minuto ang paggalaw ng labi ni kuya sa labi ko bago niya hinila ang baywang ko paahon.
Habol ko naman ang sarili kong hininga nang makaahon mula sa tubig; agad akong napahilamos sa aking mukha at tumingin kay kuya.
Agad na nagtama ang mga mata namin dalawa.
“K-Kuya... ano po 'yung… g-ginawa mo sa akin... k-kanina?” tanong na lumabas sa bibig ko, pero halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa sobrang hina.