Hindi ako sumagot sa mga tanong na binato sa akin ng mga reporters. Nakadaan lang kami nang malakas silang pinaghawi ng kasama kong tatlong lalaki. And I couldn't stop my tears when I got inside the car. Paano kaya nalaman ng mga reporters na 'yun ang tungkol sa amin ni kuya? Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, nangyayari na talaga. “Boss, may mga reporters na pumunta rito sa university. Pero naipasok na namin ang señorita sa loob ng kotse.” Napatingin ako sa lalaking nagsalita na may katawagan sa phone. “Si kuya ba 'yan?” “Opo, Señorita.” “Pakausap po ako.” Binigay naman sa akin ng lalaki ang hawak nitong phone. “H-Hello po...” My voice cracked. “Yes, sweetheart, are you okay?” I bit my lip. Na-miss ko ng sobra pati ang boses ni kuya. “Kuya, ayoko na pong pumasok sa school, al