2 Weeks Later NAKATITIG lang ako kay kuya habang nagdi-dinner kami rito sa loob ng dining room. I couldn't stop staring at him, eh kasi naman napakaguwapo niya talaga, at parang naaadik na yata akong pagmasdan siya tuwing kumakain kami. “Oh, baka naman matunaw na ang kuya mo niyan sa kakatitig mo, hija,” puna ni Nana sa akin. “Sumasarap po kasi ang pagkain kapag nakikita ko ang pagmumukha ni kuya,” sagot ko—na kinangiti naman ni kuya habang patuloy lang ang pagkain. “It's okay, Manang, mas sumasarap din ang pagkain ko kapag pinagmamasdan ako ng mahal ko.” Napangiti ako sa narinig, at si Nana ay tumahimik na lang pero napangiti rin. Magkaharap kaming dalawa ni kuya, sa kabila siya nakaupo, at dito naman ako sa kabila. Gusto pa nga niyang magkatabi kami para raw masubuan niya ako, pero