TINUPAD nga ni kuya ang kanyang sinabi, dahil kinabukasan nang magising ako ay hindi ko na siya naabutan pa, at hanggang sa sumapit ang gabi ay walang kuya na umuwi ng mansyon. And now, here I am, mag-isa lang kumakain ng dinner dito sa dining room. Nakakapanibago, pakiramdam ko ay napakalungkot ng buong paligid dahil wala si kuya. Ang totoo ay hindi ko rin siya natiis dahil tinawagan ko siya agad kinagabihan, pero hindi naman makontak ang kanyang numero. Naka-isang daang beses yata ako sa pag-dial ng kanyang number pero talagang cannot be reach. “Hija, napakatamlay mo yata ngayon, bakit, anong problema? Gusto mo bang ipaghanda kita ng ibang pagkain?” tanong sa akin ni Nana nang mapansin ang hindi ko paggalaw sa pagkain. “Nana, tumawag po ba si kuya?” tanong ko habang pinaglalaruan lang