SINAMAHAN ako ni Nana sa university para sa enrollment dahil balak kong pumasok na ulit. Pagkauwi namin ng university ay dumiretso naman kami sa police station para sa update ng kaso sa pagkawala ng anak ko, pero wala pa ring lead. And I already reported Catrine to the police, sinabi ko sa pulis ang sinabi nito sa akin na ito ang nagpakidnap sa anak ko, na may inutusan itong lalaki para kidnapin ang anak. Pero pinatawag lang si Catrine sa pulis at hiningian ng statement tungkol sa sumbong ko, pero ika nga nila: walang criminal ang umaamin sa kanyang nagawang kasalanan. Kaya wala rin nangyari nang maghugas-kamay si Catrine, sinabi nito sa pulis na gumagawa lang ako ng kwento dahil galit ako sa kanya nang malaman ko na hindi ako tunay na anak ni Mommy. “Hija, gusto mo bang dumaan muna tayo