Sydney's Point of View IT'S BEEN THREE DAYS, pero ni tawag o kahit isang text message ay wala akong natanggap. Akala ko pa naman 24 hours lang siyang mawawala at babalik din agad dala na ang anak namin. Pero bakit magpahanggang ngayon ay wala pa rin siya? Tatlong araw na ang lumipas pero wala man lang paramdam. Sobra na akong nag-aalala na baka kung ano na ang nangyari at hindi siya agad nakabalik katulad ng ipinangako niya. Sa loob ng tatlong araw na paghihintay ay walang oras na hindi ko naisip ang mag-ama ko. Sana kung nasaan man silang dalawa ngayon, nasa mabuti sana silang kalagayan. Ayos lang kahit hindi sila bumalik agad pero sana tumawag man lang sa akin si Vince at ipaalam sa akin na ayos lang sila, para naman hindi ako mag-alala ng sobra. “Hija, kumain ka na at baka lumamig n