KINABUKASAN, habang nag-aalmusal kami nina Nana at ng dalawa kong bodyguard ay dumating si Kuya Daniel at sinabing nakilala na ng kanyang inupahang private investigator ang lalaking kumidnap sa anak ko at nahuli na ito. Kaya naman hindi na namin tinapos ang almusal namin at dali-dali na kaming pumunta ng presinto. Pagdating namin sa presinto ay naroon na nga ang lalaki nakakulong at nakunan na rin ng mga pulis ng statement, nakumpirma na na ito nga ang lalaki sa footage na kumidnap sa anak ko. Nung una ay ayaw pa raw umamin nito, pero sa huli ay napaamin na rin kung sino ang nag-utos sa kanya. Bugbog ang mukha ng lalaki nang makita ko ito, may pasa sa pisngi at labi, siguro ay binugbog pa ng mga pulis bago ito napaamin. “Dad, where is Catrine?” tanong ko nang tawagan ko si Dad. “Catrine