Ten Months Later “HIJA, bilisan mo! Talunin mo ulit 'yang matanda na 'yan!” malakas na sigaw ni Nana. “Don Antonio! Matatalo na kayo ng señorita! Bilisan niyo pa! Dalawang daan ang itinaya ko sa inyo! Matatalo ako ng dalawang daan kapag natalo kayo!” sigaw naman ng isa pang babae. Binilisan ko naman ang pagpatakbo sa kabayo ko habang natatawa at panay ang lingon. “Matatalo ko na naman po kayo, Lolo!” “Aba, huwag kang pakakasigurado, apo. Ako 'yung tipong kahit matanda na ay hindi magpapatalo ng maraming beses!” natatawang sigaw naman sa akin ni Lolo na ngayon ay pumantay na sa akin. Isang ikot na lang kami rito sa riding hall at puwede nang marating ang finish line. “Paano ba 'yan, matatalo na kita, apo!” pagtawa ni Lolo at bigla na lang ako nitong nilampasan. Hanggang sa tuluyan na