“HOW ARE YOU?” tanong sa akin ng lalaking bisita. Iniwan muna kami ni Lolo para makapag-usap. “Long time no see. Okay naman po ako. Ikaw ba kumusta na?” Kuya Gabriel smiled at me. “Ayos lang din ako, princess. Akalain mong pinsan ka pala ni Lance, what a small world.” Pinilit kong ngumiti. “You're right, napakaliit nga po ng mundo. Pero bakit ka po pala narito? May dahilan ba at dinalaw mo ako?” “I just wanted to see you that's why I'm here. Ang sabi kasi ni Vince ay kumustahin daw kita kapag nakabalik na ako. Actually, matagal na akong nakabalik, four months ago pa, pero ngayon lang ako nagkaroon ng time na dalawin ka rito dahil masyado akong na busy sa business mula nang makabalik ako.” Gusto kong matawa sa narinig. Pinapakumusta ako ng lalaking 'yun? For what? Para malaman niya kun