Nakaupo ako sa gilid ng swimming pool habang ang mga paa ko ay nakalusong sa ilalim ng tubig at hawak ko ang aking phone, ini-stalk ang social media account ni Kevin; in-upload pala nito ang mga pictures namin. Kevin is a nice guy, okay naman pala siya maging boyfriend. Mula nang sagutin ko siya nang di sinasadya ay palagi na niya akong hinihintay sa labas ng classroom para sabay kaming mag-snack sa cafeteria, nililibre niya ako lagi kahit todo ang pagtanggi ko. And okay naman siya kakwentuhan, parang kaibigan lang, kaya masasabi kong kumportable naman ako sa kanya kahit na ang totoo ay napilitan lang ako sa pagsagot sa kanya para hindi siya mapahiya. Ang plano ko sana ay makipag-break din agad sa kanya, pero since mabait naman siya at binabantaan din ako ni Jea na huwag kong sasaktan ang