PAGKALABAS pa lang ng professor namin ay mabilis nang lumapit sa akin si Anie at Jea. “Kainis ka, besh, hindi ka talaga pumunta!” mahinang paghampas ni Jea sa braso ko pagkaupo nito sa tabi ko. “Oo nga, Syd. Naghintay si Kevin sa 'yo,” wika naman ni Anie. “Pasensya na talaga, sumakit kasi ang tiyan ko, eh.” I lied. Ang totoo ay mas pinili kong hindi na lang pumunta dahil bigla akong kinabahan nang sabihin ni Kuya Vince na siya na lang ang maghahatid sa akin. Ewan ko ba, pero feeling ko kasi parang may hindi magandang mangyayari kapag si kuya ang maghahatid. Kaya naman nagsakit-sakitan na lang ako ng tiyan para hindi na lang makapunta. “But don't worry, besh, may plano na si kuya para sa inyo. At dahil hindi ka niya nakasama sa birthday niya, then gagawa na lang daw siya ng paraan pa