“SYDNEY, nakita ko na ang kuya mo nung sinundo ka last week. Sobrang gwapo pala talaga niya at ang hot pa!” “Model ba ang kuya mo? Single pa? Anong klaseng babae ang mga type niya?” Nagulat ako nang magsilapitan sa akin ang mga classmate kong babae pagkaupo ko pa lang sa loob ng classroom, pinalibutan nila agad ako at pinaulanan ng mga katanungan tungkol kay Kuya Vince. “My god, katulad niya ang mga dream guy ko! 'Yun bang habang tinititigan mo siya ay nalaglag na pala ang panty mo nang hindi mo namamalayan dahil sa sobrang hot niya! At kapag nginitian ka naman niya, pakiramdam mo ay nakalutang ka!” kinikilig na wika ni Zia na bahagya pang tinampal ang braso ko. “Palagi ka bang nginingitian ng kuya mo, Sydney?” Nakangiti naman akong tumango. “Oo naman, madalas nakangiti si kuya sa akin