Chapter 2

1732 Words
07:23 PM HINDI mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang nakaupo sa loob ng tumatakbong kotse ni Kuya Vince; pareho kaming nakaupo sa front seat at siya ang nagmamaneho. Niyaya niya kasi akong mag-dinner na kami sa labas imbes na doon na lang sa mansyon. After so many years ay sa wakas makakasama ko na naman ulit siyang kumain sa labas. And I'm so happy, hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon. Sobrang na-miss ko talaga siya. Naka-black long sleeve polo si kuya na nakatupi hanggang siko at nakabukas pa ang dalawang butones, and with black pants and black leather shoes. At ako naman ay simpleng royal blue dress na pinarisan ko lang ng two inches white stiletto. Pagdating namin sa isang fancy restaurant ay nakayakap pa ako sa isang braso ni kuya nang pumasok kami sa loob. Agad namang may lumapit sa amin na isang waitress at binigyan kami ng menu para makapili ng order, pero hinayaan ko lang si kuya ang mag-order para sa amin kasi alam naman niya kung ano ang mga ayaw ko at paborito kong kainin. “Baka matunaw na ako niyan sa titig mo, sweetheart,” wika ni kuya habang kumakain na kami, mukhang napansin niya ang tingin ko sa kanya kahit na hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ko kasi inaalis ang tingin ko sa kanya mula pa kanina. “Ayoko na kasing mawala ka pa sa paningin ko, kuya, kasi alam kong matagal na naman bago kita makasama muli; Maghihintay na naman ako ng isang taon,” sagot ko habang nakatingin sa kanya at patuloy pa rin naman ang kain. Napahinto naman si kuya sa pagsubo at tiningnan ako. And I gave him a sweet smile. “I love you, kuya ko.” Napangiti si kuya sa sinabi ko, hanggang sa ibinaba na nito ang kanyang hawak na kubyertos bago kumuha ng tissue, at marahan niyang pinunasan ang gilid ng labi ko. Pero matapos niya akong punasan ay hindi ko naman inaasahan ang biglang pagkurot sa pisngi ko na tila nanggigil, pero hindi naman masakit. “I missed your cuteness, my sweetheart!” Napasimangot naman ako lalo na nang marahan siyang tumawa matapos panggigigilan ang pisngi ko. “Mag-eighteen ka na ilang araw na lang, pero sa paningin ko ay para ka pa ring one year old na masarap panggigilan.” Napanguso na lang ako sa kanyang sinabi. “Grabe ka naman sa akin, kuya. Dalaga na ako, 'no. Baka nga mamalayan mo na lang may nanliligaw na pala sa akin.” And his smile suddenly disappeared. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha na tila hindi nagustuhan ang narinig mula sa akin. “Sabihin mo sa akin kung may lalaking magtatangkang manligaw sa 'yo. Masyado ka pang bata para magpaligaw.” Napabungisngis na ako. “Ikaw naman, kuya, masyado ka naman yatang seryoso. Syempre hindi naman ako magpapaligaw, 'no. Kasi nga 'di ba sabi mo, kailangan ko munang magtapos sa pag-aaral. At kapag nakapagtapos na ako, puwede na kitang makasama. So ikaw talaga ang first priority ko sa lahat kaya ako nag-aaral ng mabuti.” Sa wakas, bumalik na rin ang kanyang magandang ngiti. “Good,” he replied and started eating again. Pinagpatuloy ko na rin ang kain ko. “How about you, kuya, may girlfriend ka na po ba?” “Wala pa 'yan sa isip ko.” He shrugged. “Wala pa?” Nangunot bigla ang noo ko at muling napaangat ng tingin sa kanya. “Pero tumatanda ka na, kuya, ilang buwan na lang ay thirty one ka na. Dapat nga mag-asawa ka na, eh. Excited pa naman ako magkakaroon ng cute na pamangkin.” And he sighed. “Ikaw talaga, kumain ka na nga.” Napailing na lang ako at nag-focus na lang sa pagkain. Nakakapagtaka rin 'tong si kuya, malapit na mag-thirty one pero hindi pa nagkakaroon ng girlfriend. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaisip na baka mga lalaki talaga ang tipo niya. Pero kung gano'n man, I will still support him, basta kung saan siya masaya ay doon din ako. Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang mapadpad ang tingin ko sa kabilang table kung saan nakaupo ang dalawang babae. Ppatingin-tingin silang dalawa sa table namin, o tamang sabihin kay kuya, at may binubulong sila sa isa't isa, tila kilig na kilig din. And they are both beautiful, tingin ko ay hindi magkakalayo ang edad nila ni kuya. Hanggang sa kakatingin nilang dalawa kay kuya ay bigla na lang napunta sa akin ang tingin ng isang babae. And I smiled at her, a friendly smile. Ngumiti rin ito pabalik sa akin, and she mouthed ‘Hi’. She looks nice. I like her. “Tingnan mo, kuya, may magandang babae na nakatingin sa 'yo ngayon. Mukhang type na type ka,” mahina kong bulong habang may pilyong ngiti sa labi. Bigla akong na-excite. Baka ito na ang chance na magka-girlfriend na ang kuya ko! Napahinto naman si Kuya Vince sa pagkain at sinundan ang tingin ko. At sa paglingon ni kuya ay mabilis na umiwas ng tingin ang dalawang babae sa table namin. Pero ang isang babae ay biglang inipit ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga na para bang nagpapa-cute, pero kunwari ay hindi nakatingin. “She's not my type.” Biglang naglaho ang maganda kong ngiti sa sagot ni kuya. Sandaling umawang ang labi ko na tila hindi makapaniwala. What?! Hindi pa rin niya type? How come? Eh ang ganda ganda kaya nung babae, mukha ngang modelo eh, artistahin. “Masyado ka namang mapili, kuya. Bakit, ano bang mga type mo sa babae?” pagsimangot ko na lang habang nakatingin sa kanya na ngayon ay bumalik na sa pagkain ang atensyon. Mukhang balewala nga sa kanya ang babae, tila hindi man lang naapektuhan sa ganda nito. “Mas gusto ko 'yung katulad ng sweetheart ko, masipag mag-aral at napaka-cute, hindi nakakasawang titigan at panggigilan. Naman. “Hays. Baka tatandang binata ka niyan, walang mag-aalaga sa 'yo pagtanda mo.” At dahil sa sinabi ko ay mabilis itong napaangat ulit ng tingin sa akin, awtomatiko ring napataas ang kanyang isang kilay. “Bakit, hindi mo ba ako aalagaan?” I pouted. “Syempre aalagaan, kapatid kita, eh. Pero mas maganda pa rin na may anak at asawa ka.” But he just shrugged, hindi na ako sinagot pa. Matapos namin mag-dinner ay umalis din kami agad sa restaurant. Parang gusto pa nga sanang lumapit sa amin ang dalawang babae, pero hinila na ako ni kuya palabas ng restaurant at hindi pinansin ang pagpapansin sa kanya ng dalawang babae. Alam kong nahalata na niya, pero balewala pa rin sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilan ang makonsensya sa babae; nang lingunin ko kasi ito ay parang biglang nagkaroon ng lungkot sa magandang mukha. Bago umuwi ay dumaan muna kam ni kuya sa isang bakery shop, binilhan niya ako ng favorite kong strawberry cake. “Kuya, mga ilang araw ka pala mananatili rito?” tanong ko nang nasa biyahe kami pauwi na. “After your birthday, aalis din ako agad. Alam mo naman kung gaano ka-busy si kuya.” Napahinga ako ng malalim sa kanyang sagot. “Palagi mo na lang ako iniiwan. Nakakapagtampo na,” mahina kong bulong. Alam kong narinig niya pero hindi niya iyon pinansin at nag-focus lang sa kanyang pagmamaneho. Talagang nakakapagtampo siya, dinadalaw lang ako rito sa Pilipinas tuwing birthday ko. Kapag hinihiling ko naman sa kanya na isama na lang ako sa ibang bansa at doon na lang ako pag-aralin ay ayaw naman niya, dahil mas makakapag-focus daw ako ng pag-aaral dito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Nakakalungkot lang talaga, gustong-gusto ko naman na magkasama kami. Siya na nga lang ang pamilya ko, pero palagi naman siya wala sa tabi ko. Pero gayunpaman ay naiintindihan ko pa rin naman siya, pasasaan ba't makakasama ko rin siya kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral tulad ng pangako niya. Hindi ko 'yun nakakalimutan. Pagdating namin sa mansyon ay dumiretso agad ako sa loob ng kuwarto ko at nagbihis ng pantulog. Nang matapos magbihis ay agad kong dinampot ang unan at kumot bago lumabas at dumiretso sa kuwarto ni kuya na nasa pinakadulo. “Kuya, gusto kong makatabi ka sa pagtulog!” masigla kong sabi pagkabukas ng pinto. Nakatayo si kuya sa may bintana at tila may katawagan, pero agad itong napalingon sa akin nang marinig ang sinabi ko. “I'll call you later,” paalam nito sa kanyang katawagan at binaba na ang kanyang phone. And he looked at me in disbelief. Saglit niyang tiningnan ang yakap kong kumot at unan bago binalik ang tingin sa mukha ko at bahagya nang napatawa. “Sweetheart, dalaga ka na para tumabi pa sa kuya mo.” Sumimangot naman ako at nagtatampong umirap sa kanya bago lumapit sa kanyang kama at sumampa na sa taas. “Ano naman ngayon kung dalaga na ako? Kapatid naman kita, ah. Tsaka, na-miss na kitang makatabi, five years ago na rin nung huli kitang makatabi sa pagtulog.” I heard him sigh, hindi na niya ako sinagot. Nahiga na ako sa kanyang kama at nagkumot, hanggang sa muli akong napatingin sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakatayo at nakatingin sa akin ng walang emosyon. “Oh, bakit napakaseryoso mo naman yata, kuya? Don't tell me, ayaw mo na akong makatabi?” Tila naman itong natauhan at agad na napatikhim, iniwas na ang tingin sa akin. Pero hindi pa rin ako sinagot, bagkus ay muling tumingin sa kanyang phone at naging busy na sa kakatipa sa keyboard. Parang kinain ako lalo ng pagtatampo. Bakit gano'n ang reaction niya? Halatang ayaw na niya akong makatabi. Kaya naman muli akong bumangon at bumaba ng kama, niyakap ko ulit ang dala kong unan at kumot. “Sige, aalis na lang ako, mukha namang ayaw mo sa akin, eh!” pagdadabog ko na agad lumakad papunta sa pinto. Pero pagpihit ko ng doorknob ay siya namang pagpigil niya sa braso ko. “No, dito ka lang. Mas gusto kang makatabi ni kuya.” My lips widened, tuluyan na akong napangiti at muli nang humarap sa kanya. “I love you, kuya! Goodnight!” masigla kong sabi at hinalikan siya agad sa pisngi bago muli nang tumakbo pabalik sa kanyang kama. Nang lingunin ko siya ay nakangiti na, pero pansin ko ang kanyang mahinang pag-iling habang nakangiti at muli nang tumingin sa kanyang hawak na phone nang tumunog ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD