Chapter 1

2059 Words
Sydney's Point of View “Sydney!” Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko kung sino ay agad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita si Anie, ang aking BFF dito sa university. “Uuwi ka na ba?” tanong nito sa akin pagkahinto sa harap ko. Pero hindi pa ako nakakasagot nang hilahin na nito ang braso ko. “Mamaya ka na umuwi, merienda muna tayo sa cafeteria.” Nagpahila na lang ako sa kanya, hanggang sa pumasok nga kami sa cafeteria at umorder ng aming snacks. “Sydney, ang totoo niyan ay may gusto sana akong sabihin sa 'yo.” “Tell me. Ano ba 'yun?” “About my cousin Jeffrey, hinihingi niya sa akin ang number mo. Crush ka raw niya.” Hindi ko mapigilan ang matawa at hininto ang pagkain ng burger. “Naku, Anie, huwag na huwag mong ibibigay sa kanya ang number ko. Hindi pa ako puwedeng mag-boyfriend dahil siguradong magagalit ang kuya ko, kabilin-bilinan nu'n na huwag akong maglalapit sa mga lalaki dahil mga salot daw sila sa pag-aaral.” Napasimangot sa akin si Anie. “Ano ka ba naman, naghihingi lang ng number jojowain na agad? Di ba puwedeng gusto niya lang makipag-friend sa 'yo?” “Basta huwag mo na lang ibigay sa kanya ang number ko. Ayoko kasing magalit ang kuya ko.” “Sus, grabe naman 'yang kuya mo, sobrang higpit naman sa 'yo.” Anie rolled her eyes at me. Napangiti naman ako. “Mahal kasi ako ng kuya ko, iniisip niya lagi ang kapakanan ko kaya bawal muna ako mag-boyfriend o kahit magkaroon ng kaibigan na lalaki. Kabilin-bilinan sa akin ni kuya na huwag akong maglalapit sa mga lalaki, at hindi ko puwedeng suwayin 'yun dahil ayokong magalit sa akin si kuya.” “Pero mag-eighteen ka na rin naman three days from now on, siguro naman hindi ka na pagbabawalan ng kuya mo nu'n.” “Ewan ko.” I shrugged. Tumayo na ako at muling sinukbit ang bag ko. “I think I have to go now, Anie, baka nainip na ang driver ko sa kakahintay sa labas. Basta huwag mo kalimutan pumunta ngayong Monday sa amin para dumalo sa birthday ko.” “Puwede ko bang isama ang cousin kong lalaki?” “Of course, puwedeng-puwede naman basta huwag mo lang ibigay sa kanya ang number ko.” Napangiti si Anie sa sagot ko. “Sige, isasama ko si Jeffry. Malay mo naman ibibigay mo na ang number kapag siya na mismo ang personal na humingi nu'n sa 'yo.” Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas na ng cafeteria. Pagdating ko ng parking lot ay naghihintay na nga ang driver ko kasama si Nana Rosia, ang mayodorma sa mansyon at aking tagapag-alaga. “Hello po, Nana, Mang Mero!” pagbati ko nang makasakay sa loob ng kotse. “Magandang hapon sa 'yo, Eneng,” pabalik na bati sa akin ng driver at pinaandar na nito ang sasakyan. “Kumusta naman ang pag-aaral ng mahal kong alaga?” nakangiting tanong sa akin ni Nana at hinaplos-haplos pa ang buhok ko. “Okay naman po, Nana. Nga po pala, tumawag na ba si kuya sa inyo? Dalawang araw na kasi siyang hindi sinasagot sa mga tawag at chat ko sa kanya, eh. Nag-aalala na ako sa kanya.” “Busy lang ang kuya mo, pero oo, tumawag siya sa akin kagabi at kinukumusta ka niya.” Namilog naman ang mata ko. “Talaga po, Nana? Pero bakit sa akin hindi siya tumawag?” “Tulad ng sabi ko, busy ang kuya mo.” Napasimangot ako. “Pero darating naman daw po ba siya sa birthday ko? Three na lang 'yun, baka nakalimutan na niya dahil sa sobrang pagka-busy niya.” Napangiti naman si Nana at hinawakan ang kamay ko, muling hinaplos-haplos ang buhok. “Aba oo naman, birthday mo 'yun syempre darating ang kuya mo. Makakalimutan ba naman nu'n ang birthday ng kanyang nag-iisang prinsesa?” “Talagang magtatampo ako sa kanya kapag hindi siya dumating. Itatakwil ko na siya bilang kapatid!” Napangiti lang si Nana sa sagot ko. Mula pagkabata ay talagang magkahiwalay na kami ni kuya dahil busy ito sa trabaho nito sa Italy. Si kuya na lang ang tangi kong pamilya dahil pareho nang nasa kabilang buhay ang mga magulang namin, hindi ko alam kung ano ang ikinamatay dahil bata pa ako nu'n kaya hindi ko na maalala ang mga pangyayari, pero ang sabi ni kuya at ng mga katulong ay parehong namatay sa kanilang sakit ang mga magulang namin. Nakakalungkot lang dahil hindi ko man lang sila naabutan, pero kahit papaano ay may picture naman nilang naiwan, at 'yun ang palagi kong tinitingnan araw-araw para hindi maging malungkot ang araw ko kahit wala si kuya. Madalas lang kami mag-usap ni kuya sa phone call at chat, pero bihira naman namin makasama ang isa't isa dahil nga palagi siyang busy sa ibang bansa. But I understand, nagpupursige lang siya sa trabaho para din sa akin, para maibigay niya lahat ng mga pangangailangan ko. Kahit naman wala siya ay hindi naman ako pinapabayaan ng mga katulong na nag-aalaga sa akin. Ang sabi ni kuya, makakasama ko lang siya kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Kaya naman nag-aaral talaga ko ng mabuti at palaging sinusunod ang kanyang mga paalala sa akin na itaboy ko lahat ng mga lumalapit sa akin lalaki, huwag akong magpapaligaw o kahit makipagkaibigan, dapat ay sa babae lang. Masunurin naman akong kapatid kaya walang problema sa akin 'yun, dahil wala pa rin naman sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend. Ang gusto ko lang ay makasama ang kuya ko. Tuwing birthday ko ay hindi naman niya nakakaligtaan dahil umuuwi naman siya dito sa Pilipinas para lang i-celebrate ang birthday ko. Kaya tuwing malapit na ang birthday ko ay hindi ko mapigilan ang ma-excite. Pero ngayon ay hindi ko mapigilan ang mag-alala, dalawang araw na kasing hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at chat sa kanya dahil lang sa sobrang pagka-busy niya. Nag-alala ako na baka hindi siya dumating sa 18th birthday ko. May gusto pa naman akong hilingin sa kanya. “Anong gusto mong ulam mamaya, hija?” tanong sa akin ni Manang pagkahinto ng sasakyan; Dumaan muna kasi kami sa palengke. “Crispy chicken feet po, Nana.” “Oh siya, bibili ako ng paa ng manok para maipagluto kita mamaya.” Naiwan naman akong mag-isa sa loob ng sasakyan dahil sumama na rin Mang Mero kay Nana papasok ng palengke para ito ang maging tagabuhat ng mga bilihin. Muli kong kinuha ang phone ko at tiningnan kung tumawag na ba si kuya, pero napasimangot na lang ako nang makitang wala ni isang miss call o kahit chat man lang. I tried to call his number again, pero ayaw nang makontak. “Nakakainis ka, kuya,” pagsimangot ko na lang habang nakatingin sa screen ng phone ko at nakatitig sa kanyang numero. Hindi ko talaga mapigilan ang malungkot kapag ganito na hindi siya sumasagot sa tawag ko, eh minsan lang naman kami sa isang araw mag-usap. Binuksan ko na lang muli ang aking social media account at in-stalk ang kanyang profile. Pero wala pa rin pagbabago ang kanyang account, ni kahit isang post ay wala, tanging profile picture niya lang na nakaupo sa kanyang swivel chair suot ang kanyang gray suit, at kahit papaano ay nakangiti naman. “Ang guwapo talaga ni kuya,” hindi ko mapigilang usal habang nakatingin sa kanyang profile picture. Hanggang sa hindi pa rin ako nakatiis at nag-chat pa rin sa kanya kahit hindi naman online. Me: Kuyaaaaa!!!! Me: Kuya Vince!!! Me: Kuya ko!!! Napangiti na lang ako sa kakulitan ko. Ang dami ko nang chat sa kanya. Akmang ibabalik ko na ang phone ko sa bag nang bigla itong tumunog. Vince Arsheido : Yes, sweetheart? I was surprised, parang nag-heart-heart ang mata ko. My gosh, finally he replied! Ang ganda naman ng timing ko, online pala siya! Kaya naman mabilis akong tumipa ng reply sa kanya. Me: Are you busy, kuya? Ba't ngayon ka lang po nag-reply? I'm worried you know. Okay ka lang ba? Wala pang isang minuto ay naka-reply agad ito. Vince Arsheido : I'm sorry, sweetheart, medyo busy lang si kuya. Pauwi ka na ba? I smiled. Me: Pauwi na po, kuya, dumaan lang po kami nina Nana dito sa palengke, at pagkatapos nito ay uuwi na rin kami. Vince Arsheido : Sige, hihintayin kita. Mamaya na lang ako aalis kapag nakita na kita. I love you, sweetheart, ingat sa biyahe; Sabihin mo kay Mang Mero na dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Nanlaki ang mata ko sa nabasa. No way! Me: What do you mean, kuya? Ibig mo bang sabihin ay narito ka sa Pilipinas? Nariyan ka sa mansyon ngayon? Pero hindi na ito nag-reply pa. Para naman akong inapuyan na hindi na mapakali sa loob ng sasakyan, panay na ang silip ko sa labas kina Nana. “So kaya pala hindi na makontak ang number mo, kuya, ha, narito ka na pala sa Pilipinas. Hindi mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka na pala,” pangiti-ngiti kong bulong. Na-excite ako bigla. Sa wakas makikita ko na rin ulit si kuya after one year. “Mang Mero, bilisan niyo po ang pagmamaneho,” wika ko sa driver nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan kasama si Nana. “Oh bakit, hija, may problema ba?” may pagtataka na tanong ni Nana nang mapansin ang reaction ko na parang hindi na mapakali. “Kasi po si Kuya Vince mukhang nasa bahay, baka hindi natin maabutan!” Namilog naman ang mga mata ni Nana. “Aba eh, sige bilisan mo ang pagmamaneho mo, Mero.” “Oo, sige sige,” mabilis naman sagot ng driver namin at agad na pinaandar ang sasakyan. Akala ko ay bibilisan nga nito ang pagmamaneho, pero wala naman pinagbago, gano'n pa rin kabagal. Hinayaan ko na lang at hindi na pinabilisan pa, medyo maedad na rin kasi si Mang Mero. At sabi naman ni kuya ay hihintayin naman niya ako bago siya aalis. Grabe siya, kakarating lang pero aalis din agad, well, gano'n ka-busy ang kuya kong masipag. Puro trabaho ang kanyang nasaisip. And I'm so proud of him. Napaka-sweet at lambing niya rin kapatid kahit na bihira lang kami magkasama. Pagkahinto ng kotse sa malawak na garage ay mas lalo akong nabuhayan nang makita ang bagong blue sports car na naka-park. Kaya naman nagmamadali na akong bumaba at patakbo nang pumasok sa loob ng mansyon. “Kuya! Kuya!” malakas kong pagtawag at patakbong inakyat ang mataas na stairs. “Hija, dahan-dahan lang baka madulas ka at mahulog,” rinig ko pang saway sa akin ni Nana pero hindi ko na pinansin pa. Dumiretso agad ako sa kuwarto ni Kuya Vince. Pagkapasok ko sa loob ay wala namang katao-tao, pero rinig ko naman ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng bathroom. Napangiti naman ako at naupo na lang sa kama para hintayin na lang ang kanyang paglabas. Nang marinig ko ang pagtigil ng lagaslas ng tubig ay mabilis akong tumayo at walang ingay na lumapit sa nakasaradong pinto, pumuwesto ako sa tabi nito at sumandal sa pader para hindi niya agad ako makita pagkalabas. Hanggang sa narinig ko na ang paggalaw ng doorknob at tuluyan nang pagbukas ng pinto. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang aking paghagikhik nang makita ang paglabas ni kuya na nakatapis lang ng puting tuwalya at may hawak na towel na pinupunas sa kanyang basang buhok. Marahan naman akong humakbang at sumunod sa kanyang likuran. Pero unang hakbang ko pa lang nang bigla siyang napahinto sa pagpunas sa kanyang buhok at napatigil din sa paghakbang, mukhang natunugan na ako. Hanggang sa tuluyan na ngang napalingon sa akin. “Kuya!!!” Mabilis na akong tumalon papunta sa kanya, dahilan para mabitiwan nito ang kanyang hawak na towel at mabilis akong sinalo. “Oh, sweetheart, you surprised me!” He let out a sexy laugh, sinalubong din niya ako ng mahigpit na yakap. Parang bata naman na agad kong pinulupot ang mga paa ko sa kanyang baywang habang nakayakap naman ang mga braso ko sa kanyang leeg. “I've missed you so much, kuya!” My voice broke, napahikbi na ako ng tuluyan habang nakayakap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD